Share

"ANOTHER DINNER"

“SERYOSO ka bang mahihintay ka dito?”

Kalahating oras na ang nakalilipas mula nang dumating si Marius nang itanong ko iyon sa kanya.

Nagtatrabaho pa rin naman ako. Siya nang mga sandaling iyon ay hindi kumilos at nanatiling nakaupo sa silyang nasa harapan ng working table ko. Habang inaabala niya ang kanyang sarili sa binubuklat na magazine.

“Pwede kang lumipat doon sa couch para mas komportable ka,” ang muli kong sambit nang sulyapan lang niya ako saka nginitian.

“Seryoso naman talaga ako sa lahat ng ginagawa ko para sa’yo eh,” aniyang sinagot ang una kong sinabi. “At sa totoo lang, hindi ko alam kung matutuwa ako o mao-offend sa pangalawa mong sinabi,” pagpapatuloy pa niya.

Agad na nagsalubong ang mga kilay ko matapos kong marinig ang huling sinabi ni Marius.

“Bakit ka naman mao-offend eh ikaw lang ang inaalala ko?” tanong ko sa kanyang hindi napigilan ang matawa ng mahina pagkatapos.

Nagkibit ng mga balikat niya si Marius bago sumagot. “Naalala ko lang kasi na baka nagsasawa ka na
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status