Share

Chapter 6

Kumuha siya ng buwelo at pagkakaton na makalabas ng Hacienda para dalawin si Perla pero hindi ninaadya ng pagkakataon.

Lalong ikinagualt ni Zai ng sa Maynila sila pinagaral ng Senyor ng sumunod na pasukan.

Isang linggo na laman kase at tapos na ang summer break.

Dalawa naman sila ni Drei kaya hindi halatang iniwas nga siya ng ama kay Perla.

At tumanim iyon sa batang puso niya.

Bagamat naninibago at nag aadjust sa bagong lugar ay nagawa naman ni Zai na mag enjoy sa Maynila.Paminsan minsan ay naiisip niya si Perla at ang mga mata nitong parang laging iiiyak.

Paminsan minsan ay naaalal niya ang halik nito pero ang paminsa minsan iyon ay naging madalang na hanggang sa hindi na sumagi pa.

Wala pang isang taon ay naka adjust na si Darwin sa buhay sa Maynila at ni Hindi nito nagawang magbakasyon sa loob ng halos apat na taon.

Ang impluwensya ng mga bagong kaibigan, bagong

kultura sa Manila ay agad nakasanayan ni Zai.

Malaki ang naging pagbabago ni Darwin Zai maging sa katawan nito. Naging matipuno at matikas ang katawan ng binata dahil nag gi gym ito kasabay ni Ahron...

Sa halos limang taon ay  halos hindi mabibilang ang naging girlfriend ni Zai sa Maynila. Lalo pa at nalalamang Haciendero sila ni Ahron.

Ang pangalan ng mga Villafuerte ay kilala  kaya halos babae ang lumalapit.

Ibang iba ang mga babae sa Maynila kesa sa babae sa San Doinisio.Atvmas nagustuuan iyon ni Darwin dahil walang kumplikasyun pero may isang bagay na hindi nagagwa ni Darwin.Ang seryosong pumasok sa isang relasyon.

Samantala....

Si Perla ang higit na naapektuhan sa pagalis na iyon ng magkapatid.

Nawala ang Ahron an palaging nakangiti sa kanya at nawala ang Darwin na palaging dahilan kung bakit maaga siyang nagigising at kung bakit natutoto siyang mangarap.

Nawala nag Darwin na nangpapangiti sa kanya at nawala ang lalaking unang nagpatibok ng puso nila.

Hindi man literal na nsging sila ni Darwin para kay Perla ay iyo sng nang pagkakatoang naranasan niya ang salitang broken Hearted.

Tama nabroken hearted siya sahilan para maging maligalig ang mga gabi ni Perla. Natatagpuan niya ang sariling nasa kalig at magisang tulala.

Natatagpuan na lamang niya ang sarilig. Umiiyak makarinig lamang ng kanta.

Nangulila si Perla kay Zai at dinamdam ng  labis ng dalaga ang pagalis nito na hindi man lamang siya tinangkang kausapin.

Hindi man lang ito nagpaliwanag tungkol sa halik.

Hindi na sila bata tama ang kanyang ina kaya alam niyang  iba ang kahulugan ng halik na yon marami na siyang nakita sa television.

Pero sa kahabaan ng  paglalakad nila noon mula batis hanggang Hacienda ay tahimik lamang si Zai habang akbay siya. Inalis lang nito ang kamay ng nasa gilid na sila ng Hacienda.

Ganun din ng pagalitan sila ng ina ay tahimik si Zai. Pero sa kabila ng lahat inunawa niya si Zai at patuloy na dinambana sa kanyang puso kahit lihim na lang. Kung wala ngang kahulugan ito ay okay lang pero para sa kanya kulang na lang ipa frame niya ang labi ma preserve lamang ang halik na iyon. Isinumpa ni Perla na walang ibang magma may ari ng labing iyon kundi si Darwin Zai lamang.

Pero para kay Aling Merly, iba ang naging Kahulugan ng bigla na lamang ipadala ng Senyor si Zai sa Maynila para magaral gayung graduating na ito sa high school sa bayan.

Alam ni Aling Merly na iniwas ng Senyor ang anak sa anak niyang si Perla. Mabait ang Senyor sa kanila pero natural namimili ito ng mapapangasawa ng kanyang mga tagapagmana.

Hindi nga naman bagay ang anak niya niyang si Perla na anak lamang ng isang katulong at manggapas para pangaraping maabot ang ulap. Mabuti na rin ang ginawa n Senyor para na rin naman sa kabutihan ng dalawa ang ginawa ng matanda.

Noon pa man ay wais at matalino ang matandang Vilfuerte, yun marahil ang angking agimat nito kaya naging successful minsan nga laang ay hindi maiwasan ni Aling Perla ang magdamdam para kase kay Aling Merly dapat ay nauunawaa ng Senyor ang pakiramdam nilang mahihirap na naaapaan ang pride dahil ang ina ni Senyor Sebastian na kaibigan noon ng ama ni Aling Merly ay isa lamang mangingisda.

Isa silang ina kaya ramdam niya agad ang paghanga sa mga mata ng anak sa bunsong tagapagmana. Gustuhin man niyang suportahan at unawain ang batang damdamin ng anak ay hindi niya magawa.

Ang isang katotohanang sumasampla sa mukha niya ay humihiwa sa puso niya at ayaw ni Aling Merly na maramdaman ito ng anak.

Malaking bukas lamang si Perla sa edad na 16 pero dalaga na tingnan pero hindi pa sapat ang pangunawa nito para naunawaan ang hirap at pighati ng buhay lalo na ang maging alipin at mahirap lamang.

Naawa si Aling Merly lalo na ng makita nito ang ang naging epekto

kay Perla ng pagalis ni Darwin.Alam na niyang hindi na puppy love ang nararamdaman ng anak para sa binatang Villfuerte.

First love....it ang pinakamasayang unang stage para sa isang pero ito rin ang pinakamahirap at pinakamasakit.

Gusto sana niyang pagaralin ang anak sa koliheyo para hindi na maliitin ang anak niya, baka sakaling kung may pinag aralan ang anak, hindi man si Darwin ay makatagpo ng lalaki ang anak niyang hahango sa anak sa hirap at ng hindi na maranasan ang dalamahati ng pagiging dukha.

Pero hindi sapat ang kinikita niya para doon. Sa bayan pa lamang ay napakamahal na ng tuition fee eh di lalo na kapag koliheyo.May isa pang siyang anak na may maintenance at doon halos napupunta ang kalahati ng sahod bilang cook sa mansion.

Pinilit igapang ni Aling Merly ang pag kokoliheyo ni Perla ng makiusap ang anak pero ni hindi nakatungtong ng second semestre si Perla hindi kaya ng sahod ng ina.

Nag offer naman si Senyor na papag aralin si Perla pero mariing tumanggi ang kanyang ina. Ayaw ni Aling Merly na magkaroon ng utang na loob sa mga Villafuerte lalo lamang magiging hamak ang tingin ng mga ito sa tulad nila.

At kapag nagkaroon ng utang na loob si Perla sa Senyor lalo lamang masasaktan ang anak niya dahil alam n Aling Merly na lalong liliit ang pagtingin ni Perla sa sarili.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status