Share

CHAPTER 5

ALIYA'S POV

"To my office. Now," diing wika niya habang nakatingin sa akin. Sakto naman ang pagdating ni Jacobe kaya medyo nabawasan ang kaba ko.

Sinenyasan ako ni Jacobe na sumunod na kaya nagsimula na akong maglakad. Si Jacobe ay nakasunod lang din sa akin. Bawat sampung hakbang ay lumilingon ako sa kaniya. Pinapaalala niya sa akin na huwag mabahala kaya sa harap na ulit ang tingin ko.

Pumasok kami sa isang silid na siyang opisina ni sungit. Malaki ang opisina niya. Sobrang linis at organisado. Umupo ito at sinenyasan niya akong umupo sa upuang kaharap ng kaniyang mesa. Tahimik na naupo ako habang si Jacobe ay nakatayo lang. Sinulyapan ko si Jacobe pero nagulat ako nang magsalita si sungit.

"Sino ang nag-utos sa iyo na manguha ng mga bulaklak sa hardin?" madiin ang boses na tanong niya. Nilingon ko si Jacobe at nagsalita ito. Hindi ko alam ang gagawin dahil sa kaba.

"Gusto niya pong mamitas ng mga bulaklak kaya sinabi ko po sa kaniya na puwede," sagot ni Jacobe. Seryoso lang ang mukha nito. Ni walang bahid ng takot at kaba.

"I'm not talking to you, Jacobe. I am talking to this lady in front of me," seryosong sambit niya. Sabi ko nga ako ang sasagot.

"Kayganda kasi ng mga bulaklak lalong-lalo na ng mga puting rosas kaya gusto kong mamitas. Tapos, dumating si Jacobe at sinabi ko ang tungkol dito. Sinabi ni Jacobe na ako ang kauna-unahang pipitas kaya hindi niya alam kung puwede ba o hindi. Sabi niya na siya na ang bahala sakaling hindi pala puwede at magalit ka," paliwanag ko.

"Hindi kayo sigurado kung puwede o hindi. Doon pa lang ay mali na kayo," sambit niya.

Parang gusto kong umiyak dahil hindi ko alam ang gagawin ko. Mukhang mapapalayas ako nang wala sa oras neto ah. Unang araw pa lang ay galit na siya sa akin kaya alam kong mapapalayas na ako maya-maya lang. Pero bago mapalayas ay sisiguraduhin kong malilinis ang konsensiya namin ni Jacobe.

"Gusto ko lang naman kasing mamitas at ilagay ang mga ito sa flower vase. Masama ba 'yon? Gusto ko lang naman kasing ilagay iyon sa kuwartong tinutulugan ko," wika ko. "Alam kong mali ako kaya humihingi na ako ngayon ng paumanhin sa 'yo. Si Jacobe walang kasalanan 'yan kaya ako lang ang palayasin mo."

"Jacobe," tawag niya rito.

Nilingon ko si Jacobe at unti-unti itong lumalayo sa amin. Saglit lang. Iiwan niya ako rito? Paano na lang kung may gawing masama ang lalaking ito sa akin? Makakaya ko ba? Ay! Parang ang OA ko. Wala pa nga eh.

Nang makalabas si Jacobe ay sumandal ito sa upuan niya at humalukipkip. Hindi ito nagsalita bagkus ay tinitigan lang ako. Medyo nakaramdam naman ako ng pagkailang dahil sa mga titig niya. Ni hindi ko siya matingnan sa kaniyang mga mata.

"You'll stay here for a while," aniya na ikinalingon ko. Naging malumanay naman ang tono ng kaniyang boses.

"A-Ano?" gulat na sambit ko.

"Gusto mo bang itagalog ko nang maintindihan mo?" tanong niya.

"Luh! Naintindihan ko kaya. Nang-iinsulto ka ba?" inis na wika ko.

"No. Akala ko kasi ay hindi mo naintindihan."

"Ano'ng akala nito sa 'kin? Excuse me," bulong ko. "Ibig kong sabihin kasi ay kung bakit ako mananatili muna rito? Gusto ko lang malinawan," saad ko nang maintindihan niya.

Mukhang siya pa nga itong hindi nakaintindi eh.

"For your own good. Pero kung gusto mong malagay ulit sa peligro, feel free to go. Walang pipigil sa 'yo," tugon niya.

May posibilidad kayang mangtrip na naman ang matandang 'yon at kunin na naman ako ulit? O 'di kaya ay may iba pang kalaban ang sungit na ito na maaaring kumuha sa akin? Ano ba kasing klaseng mga tao itong nakakasama ko ngayon? Mukhang maraming kalaban itong si sungit. Pati inosenteng katulad ko ay nadadamay.

Pero, pabor naman kahit papaano sa akin ang ganito. Wala akong matutuluyan ngayon kaya mas mabuting dito na muna ako at nang may matuluyan muna. Sakaling humupa na ang away nila, na halata naman, at hindi na ako madamay ay puwede naman na akong umalis dito.

Kahit pala sa malas na taong katulad ko ay may natitira pa rin pa lang suwerte. Ang gandang timing. Hindi ko alam kung malas ba ako o suwerte nang kunin ako ng mga alagad ng matandang 'yon. Pero dahil sa kanila ay may matutuluyan ako sa ngayon.

"Sige, dito na muna ako," pagsang-ayon ko. "Kung sa kaligtasan ko rin naman ay payag na akong manatili muna rito," nakangiting sambit ko.

"Okay. If that's what you want. Feel at home while staying here but please, stick with our rules kung ayaw mong mapalayas dito," paalala niya.

"Anong rules ba 'yan at nang malaman ko?" tanong ko sa kaniya.

"First of all, huwag na huwag kang basta-bastang papasok sa kahit na anong silid sa bahay na ito," panimula niya.

"Huwag na 'yan. Alam ko na iyan eh dahil nasabi na sa akin ni Jacobe kagabi," wika ko.

Kita ko ang pagkuyom ng kaniyang kamao kaya bigla akong kinabahan. May nasabi ba akong ikagagalit niya?

"Okay. Second, huwag kang magtatanong-tanong ng kahit na ano sa mga tauhan ko rito."

"Huwag magtatanong-tanong? Paano kung ang tanong ko ay, "may ulam pa ba?", "kakain na ba?" "anong oras na?" Hindi ba puwede ang ganiyang mga tanong?" tanong ko.

Ngayon ay napakagat-labi siya. Mukhang pinipigilan ang galit niya.

"Puwede naman. Just make sure na ang mga tanong mo ay may limitasiyon. May mga tao kasing ayaw panghimasukan ng ibang tao ang buhay nila. Siguro naman ay naiintindihan mo?" seryosong tanong niya.

"Oo naman, naiintindihan ko. Huwag kang mag-alala," nakangiting tugon ko.

"Lastly, siguraduhin mong susundin mo ang una at pangalawa dahil kung hindi ay may nag-aabang sa iyong parusa." Napalunok ako nang sabihin niya iyon.

Parusa? Nakakatakot pala kapag hindi nasunod ang mga rules na ibinigay niya. Kailangan kong maging maingat dahil kung hindi baka mapatawan nga niya ako ng parusa. Ano kaya ang parusa niya? Gusto kong itanong pero baka hindi niya rin sabihin. Huwag na lang.

"Sa mga rules mo, pansin ko lang na walang, bawal ang pagpitas ng mga bulaklak sa aking hardin. Bakit?"

"What do you mean, bakit?"

"Bakit. Ibig kong sabihin, pinatawag mo ako rito dahil sa namitas ako ng mga puting rosas. Hindi mo ba ako pagagalitan dahil sa ginawa ko?" tanong ko sa kaniya.

"Of course not. That was just an excuse. Kaya kita pinatawag dito ay dahil gusto kong sabihin sa iyo na manatili ka muna rito. Gusto kong ipaalam sa iyo na you can stay here for a while. Ano naman kung mamitas ka ng mga bulaklak? As if naman binebenta ko ang mga 'yan," wika niya na nagpaluwag ng aking damdamin. Akala ko kasi eh pagagalitan niya ako dahil sa mga bulaklak na ito.

"Ibig sabihin, puwede akong mamitas pa habang nananatili ako rito?" nakangiting tanong ko sa kaniya.

"Of course you can. Hindi kita pipigilan," sagot niya.

Hindi ko mapigilang ipakita sa kaniya ang malapad kong ngiti. May mabuting puso naman pala ang sungit na ito kahit papaano.

"Puwede na akong lumabas?" tanong ko. Tumango siya.

Tumayo na nga ako at tinalikuran siya. Pero nang nasa harapan na ako ng pinto ay nilingon ko siyang muli.

"Salamat ng marami, sir," nakangiting wika ko at tuluyan nang lumabas ng kaniyang opisina.

THIRD PERSON'S POV

Kinabukasan mula nang sumabak sa gulo ang grupo ni Velasquez ay may nag-text sa kaniya.

"Make sure na maitatago mo nang maayos iyang girlfriend mo, Velasquez. Sisiguraduhin namin sa iyo na kukunin namin siya sa oras na makita namin siya ulit. Pinagbigyan lang kita sa una, pero sa pangalawa ay hindi na. Hide her well, Velasquez."

Kumuyom ang kamao ni Velasquez dahil sa nabasang text. Ngayon ay nasa peligro pa rin pala ang buhay ng dalaga kaya hindi niya ito dapat paalisin muna. Kailangan niyang protektahan ang inosenteng dalaga dahil ayaw niyang maulit pa ang nangyari noon. Wala nang inosenteng buhay ang mawawala pa dahil sa kaniya.

ALIYA'S POV

May natatagong bait pa rin pala ang lalaking iyon kahit na hindi halata sa mukha niya.

Bitbit ang basket na may lamang mga bulaklak ay tinungo ko ang sala. Sinabi ko kay Jacobe kung may flower vase ba sila na hindi ginagamit at salamat dahil meron nga. Sinimulan ko nang ayusin ang mga puting rosas sa sala.

Nang matapos sa ginagawa ay malapad na napangiti ako. Kayganda nga naman. Balak ko itong ilagay sa kuwartong tinutulugan ko at nang masaya lagi ang mood ko. Tumayo na ako at dala ang flower vase nang makita ang bumababa mula sa hagdan na si sungit kaya napatigil ako.

Tumingin ito sa akin at nagtama na naman ang mga mata namin. Seryoso lang ang mukha nito na lagi niya namang dala-dala. Agad na nilibot ko ang aking paningin dahil sa naiilang ako. Bakit ba kasi laging nagsasalubong ang mga tingin namin? Nilagpasan niya lang ako at ito'y lumabas na ng bahay. Ito rin ang pagkakataon ko para lisanin ang sala at umakyat sa ikalawang palapag ng bahay dahil nandoon ang aking kuwartong tinutulugan.

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status