PAG-UWI ni Claude sa mansiyon, dumiretso siya sa maid's quarter kung saan gulat na napaayos ang ilang nandoon dahil sa pagdating ng kanilang boss.
"Nasaan napunta ang suit ko kagabi?" Nagtinginan ang mga katulong sa tanong nito hanggang sa isa sa kanila ang nagsalita."Nasa labahin na po sir Claude," nakayuko niyang sagot."Kung hindi pa nalalabhan, ibigay niyo sa akin may naiwan ako roon na importante." Mula sa suot ng maid na nagsalita, nilabas niya ang isang card na nagpakuha ng atensyon ng lalaki rito.Nilahad niya ang card kay Claude. "Ito po ba ang hinahanap ninyo? Ito po kasi ang nakita ko sa loob bukod sa panyo po," magalang niyang sagot.Mabilis na kinuha ni Claude ang card at tinignan ang laman. Hindi naman siya nadismaya nang makita ang isang address na nakalagay sa loob na kusang nagpangiti sa kanya."Salamat, maaari na kayong bumalik sa mga ginagawa niyo." Dere-deretso siyang umalis sa quarter kung saan ngingiti ngiti siyang naglalakad habang hawak ang card.Sa pagdaan niya sa living room, nakasalubong niya si Kourtney kaya agad niyang binulsa ang hawak niyang card sa suot niyang gray suit."Akala ko ba mamayang gabi ka pa makakauwi? Ang aga mo naman ata ngayon," tanong nito paglapit niya sa asawa. Iniwanan naman siya ni Claude ng isang h***k sa pisngi para alisin ang atensyon nito sa kanyang tanong."May kinuha lang babalik din ako agad sa kumpanya, baka hindi na ako makapag-dinner dito mamaya dahil marami akong dapat asikasuhin.""Ganun ba? Hindi mo ba pwedeng ipagpaliban? Hindi na nga natuloy ang honeymoon natin at hindi mo rin ako pinapasok sa kumpanya tapos uunahin mo pa ang trabaho? Paano naman ako, Claude?" tampo nitong saad kaya niyakap siya nito bilang sagot."I'm sorry, babe babawi ako promise. This coming weekend doon natin ituloy ang naudlot na honeymoon, pinaayos ko na ang lahat kaya 'wag ka masyadong mag-alala. And about your job in the company, hindi naman mawawala ang posisyon mo as vice president. Hindi kita pinagtrabaho muna para makapagpahinga ka naman, you have done a lot to the company, so I want you to rest before returning," mahaba niyang sabi.Humiwalay siya sa yakap kaya nagkaharap sila kung saan bumungad ang nakanguso pa ring bibig ni Kourtney."Fine, after ng work mo umuwi ka kaagad gusto kong pag-usapan ang tungkol sa babaeng 'yun," pagpapatungkol niyang sabi kay Rosie. Nginitian naman siya nito saka muling hinalikan sa labi."Okay, let's have a dinner date tomorrow sa ngayon kailangan ko ng umalis may naghihintay sa aking isang kliyente. Don't forget to eat, kapag masyadong gabi na 'wag mo na akong hintayin hmm?" Tinanguan naman siya nito kaya hinalikan niya pa uli ito bago tuloy-tuloy na umalis ng mansiyon.TINIGNAN ni Rosie ang itsura niya sa salamin. Nakasuot ito ng itim na silk night dress na umaabot ang haba sa itaas ng kanyang tuhod. Hapit ito sa kanya kaya kita ang bawat kurba ng katawan niya na nagpadagdag ng alindog nito. Nakalugay rin ang buhok nito na may kaunting kulot habang ang tumatakip sa sleeveles dress niya ay isang manipis na robe na kapares ng kanyang suot.
Sinimplehan niya lang ang make-up na kanyang nilagay sa mukha ngunit angat ang pula nitong lipstick na kumumpleto ng kanyang kagandahan. Kinuha niya ang isang pabango na ini-spray niya sa kanya bago tumayo para salubungin si Claude na kakalabas lang ng elevator.Ilang saglit pa, tumunog na ang doorbell ng apartment ni Rosie kaya naman dumiretso siya sa pinto para siya'y pagbuksan. Halos mahagip ni Claude ang hininga ng makita ang itsura ng babae na nginitian siya bilang pagsalubong."Akala ko hindi ka na dadating, pasok ka," sabi nito na gumilid pa sa pinto para siya'y makapasok. Tahimik na pumasok ang lalaki sa loob habang si Rosie ay sinara muna ang pinto bago nagpaunang dumiretso sa dining table.Sa ibabaw nito, may bulaklak sa gitna na pinupuno ng mga pulang rosas. Ang chandelier na puno ng crystal na nasa gitna ang nagbigay ng romantic feel dahil sa dim light nito na nagpapailaw sa dining area. Kaya kahit hindi na sila magsindi ng kandila, sapat na ang ilaw na nanggagaling dito upang makumpleto ang lahat. May tumutugtog din na classical music na hindi gaano kalakas kaya mas relaxing ang paligid nilang dalawa.Kahit na malawak at puno ng mamahaling bagay ang apartment ni Rosie, hindi nun nakuha ang atensyon ni Claude dahil nasa kanya lang ang buo nitong atensyon. Tumitindi lang ang init na nararamdaman nito sa katawan dahil sa itsura ng babae. Isabay pa ang halatang hinanda nito para sa kanilang dalawa."Naghanda ako ng paborito mong steak, umupo ka muna habang hinahanda ko." Parang batang sunod-sunuran si Claude na kahit sa pag-upo nito'y na sa babae ang kanyang atensyon. Bawat kilos na ginagawa nito'y pinapanood niya kaya upang maalis kahit papaano ang atensyon dito, nagsalin siya ng wine sa baso saka isahang ininom.Ramdam ni Rosie ang bawat tingin na pinupukol ng lalaki sa kanya, kaya ginagawa niya ang lahat upang maakit ito sa kahit na anong paraan na kaya niyang gawin. Nang matapos niyang maihanda ang steak, dala niya ang plato nilang dalawa sa mesa. Nilapag nito ang isang plato sa harapan ni Claude kung saan sa kanyang pagyuko'y bumungad ang d****b nito na kanyang sinadya.Napalunok doon si Claude, humigpit din ang hawak niya sa wine glass habang sinusundan muli ng tingin ang babae."Kumain ka na habang mainit pa ang pagkain," nakangiting sabi ni Rosie na umupo sa kabilang upuan na malapit lamang sa lalaki. Sinalinan niya ng wine ang baso nilang dalawa saka sumimsim doon bago simulang kainin ang steak."Pinirmahan mo na ba ang divorce papers?" tanong ni Rosie. Natigil sa paghiwa si Claude sa steak dahil sa tanong niyang 'yun ngunit muling nagpatuloy habang sinasagot ang kanyang tanong."Hindi, gusto mo bang pirmahan ko na?" balik niyang tanong. Umiling naman agad si Rosie saka hinarap sa bibig nito ang tinidor na may hiniwa niyang steak. Walang pag-aalinlangan itong sinubo ng lalaki."Masarap?" tanong ni Rosie na sinang-ayunan nito sa kanyang pagtango. Matamis na ngiti ang binigay nito bago ilayo ang tinidor na tinapat sa kanya."Ayokong pirmahan mo, pero bukas dadating na ang fiancè ko at paniguradong 'yun ang una niyang tatanungin." Pinilit ni Rosie na magtunog malungkot para kunin ang simpatiya ni Claude na napaisip ng malalim sa narinig.Binaba niya ang hawak niyang tinidor at kutsilyo para mas titigan ng maigi si Rosie na casual lang na kumakain."Mahal mo pa rin ba talaga ako?" seryoso nitong tanong. Tinitigan niya sa mata ang lalaki, nilunok muna nito ang kinain bago ito sagutin."Gagawa ba ako ng eksena sa kasal niyo kung hindi? Magpapakilala ba akong asawa mo kung ayaw ko na sa'yo? No, Claude and that's how much I love you thinking that in the last two years I got better just for you. I want you back, but we are both in a relationship. Kinuha ko lang ang pagkakataon na ito para makasama ka bago dumating ang boyfriend ko," mahaba nitong saad. Yumuko siya at binitawan ang hawak niyang utensils. Nang makita ni Claude na parang naiiyak ito, tumayo siya't nilapitan ang babaeng napaangat ang tingin. "To be honest, I don't know how I'll feel about it because it's so fast. Masyadong mabilis mula sa pagdating mo hanggang ngayong magkasama tayong dalawa. But..." sabi niya saka hinawakan ang baba nito. "I know I can't stop thinking about you since the day we kissed in the elevator. Until now I want to kiss you again 'until I can find the answer if I still love you too." "Love me, Claude. If you do, I'll make sure I'm all yours." Na
NAGISING si Claude sa loob ng isang kwarto na bukas ang bintana't malayang pumapasok ang hangin at ilaw na galing sa araw. Pumikit muna siya saglit bago umupo't libutin ng tingin ang buong silid. Napahawak siya sa kanyang ulo, pilit na inaalala ang nangyari kagabi. "Ano bang nangyari?" Sa muli nitong pagpikit, parang flashback na bumalik sa kanya ang lahat ng nangyari kagabi. Ang tanging naalala lang nito ay ang huling sinabi ng babae na parang bumulong sa kanyang tainga. "You don't have to do anything, ang gusto ko lang ay sa akin lang dapat ang buo mong atensyon. And if you realized that you still love me, I will be with you kahit na marami pang pumigil. For now, I am your gift." "Unwrap me, Claude. Unwrap your gift." Kumunot ang noo nito dahil hanggang doon lang ang ala-ala na bumalik sa kanya, pinilit niya pang alalahanin ang iba ngunit hanggang doon lang na ipin
SA loob ng isang mamahaling restawran, sinalubong ng isang waiter ang mag-asawang Claude at Kourtney. Ginayak niya ito sa pina-reserve nilang mesa para sa kanilang dalawa. Makikitang wala masyadong mga tao sa loob lalo na't tanging mga mayayaman na tao lamang ang pumupunta rito. Mga taong kayang bayaran ang napakamahal na pagkain na binibili ng mga taong katulad nila Claude. Sa pag-upo nila, agad silang inasikaso ng ilan pang mga waiter kung saan may nilapag na bouquet ang isa sa harap ni Kourtney. Isa itong palunpon ng blue roses na paborito ng babae. "Hindi mo talaga kinalimutan, thank you," masayang pasasalamat ni Kourtney kay Claude na inamoy pa ang magandang bulaklak. Humawak ang lalaki sa kamay nito na nakalapag sa mesa. "Syempre naman, hindi ko kayang kalimutan ang pagkagusto mo sa bulaklak na 'yan. So... anong gusto mong kainin?" Binaba ng babae ang bulaklak sa gilid saka bumitaw muna sa pagkakahawak sa ka
SA loob ng opisina ng kumpanya ni Claude, nakaupo ito habang nakaharap sa kanyang computer. Kahit na maraming gagawin at tambak 'to ng gawain, hindi niya magawang magpatuloy dahil sa malalim nitong iniisip.Kahit saan siya tumingin, tanging mukha ni Rosie ang kanyang nakikita. Hindi siya makapakali kung ano ba ang dapat niyang gawing kilos. Matapos nang nangyari na pag-iwas nito sa kanya sa loob ng restawran, hindi na siya makapakali't gustong puntahan ang dalaga. Naging kalaban nito ang sarili na naging dahilan upang mawala ang atensyon niya sa trabaho.Mahabang buntong hininga ang kanyang iniwan bago ibaba ang hawak nitong papeles at tumayo upang umalis. Pinatay niya rin muna ang computer saka kinuha ang suit nitong black sa upuan, bago nagtuloy na lumabas ng opisina.'Pupunta na lang ako sa bar.'Sinalubong pa siya ng sekretarya nito sa kanyang paglabas, ngunit sinabihan ni Claude ang sekretarya na kapag may nagtanong k
Tinabig ni Nicklaus ang kamay niyang nasa balikat pa rin nito't nilingon si Rosie na sinenyasan ito gamit ng kanyang mata. Nakuha ng lalaki ang ibig sabihin ng senyas na 'yon. Sa muling pagharap niya sa lalaki, nagsimulang maging pula ang mata nito't ngisihan ang lalaking naalis ang ngisi sa labi."Hindi naman namin kailangan ng sagot niyo sa ngayon," mahinang saad ni Nicklaus.Gamit ng matutulis nitong kuko, binaon niya ito sa leeg ng lalaking hindi agad nakalayo sa mabilis na kilos ni Nicklaus. Naalarma ang kasamahan nito't susugurin sana ang lalaki ng isang kisap matang harangan ni Rosie ang tatlo.Kinuha niya ang kanina niya pang hawak sa kanyang bulsa't hinarap sa mga 'to. Isa itong silver crucifix necklace na may basbas galing sa simbahan, na tanging ang katulad ni Rosie na kalahating bampira ang makakahawak ng hindi siya nasasaktan. Winasiwas niya ang kwintas na nagpaurong sa mga 'to."Hindi namin kailangan ng panibago
"Hon... look, I'm sorry sadyang pagod lang ako sa trabaho," sabi ni Claude na pilit sinusuyo ang asawang pilit din siyang nilalayuan."Kourtney kausapin mo naman ako," muling pakiusap ng lalaki na lakad takbong sinundan ang asawa. Maagap niya pang hinawakan ang kamay nito na nagpahinto sa babaeng inis siyang hinarap."Sa tingin mo kakausapin kita matapos ng naging pagtrato mo sa akin? Hindi pa tayo ganun katagal na kinasal pero ang bilis mong magbago."Ramdam ni Claude ang kaunting inis sa aksyon nito ngunit hindi niya pinakita't hinapit sa bewang ang asawa. "I'm sorry, ano ba ang pwede kong gawin para mapatawad mo ako?"Tinabig ni Kourtney ang kamay sanang hahaplos sa pisngi nito. "Be honest at sabihan mo ako kung saan ka nagsusuot suot. Sinabi sa'kin ng sekretarya mong may meeting ka pero umuwi ka kagabi ng lasing. Kaya sabihin mo, totoo bang meeting ang pinuntahan mo kagabi't hindi iba?""Meeting ang pinuntaha
"All of what I said is true, Claude. From the beginning... all of what I said is true. I still love you but we both have a future family already. Masyado akong naging sakim at hindi man lang naisip ang mga taong masasaktan ko kapag nagpatuloy ako." Pinilit ni Rosie na umiyak kung saan agad na napawi ang inis ni Claude ng makita ang babaeng umiiyak."I-I'm sorry..." tanging nasabi ni Claude. Gamit ng isa niyang kamay, pinunasan nito ang kanyang luha. Kusa namang yumakap si Rosie sa kanya na malugod niyang niyakap pabalik."I love you Claude, pero hanggang dito na lang tayo."Mabilis na umiling ang lalaki. "No, Rosie. Hindi ako papayag."Humiwalay ng yakap si Rosie saka pinunasan ang luha nito. Tinulak niya pa ng mahina si Claude upang magkalayo silang dalawa."Claude, let's just go on our own ways. Let's end this habang maaga pa. Hindi ako katulad ng asawa mo na kayang umagaw ng may asawa na.""Pero paano n
Nakangiting umuwi si Claude dahil sa pag-aakalang buong araw niyang kasama si Rosie kahit na hindi naman. Binigyan ni Nicklaus ang lalaki ng isang ilusiyon nito sa panaginip saka naghintay bago ito gisingin sa loob ng kanyang sasakyan. Inasikaso rin niya si Kourtney na hinanap ang asawa ng bumalik ito sa mall.Katulad ng ginawa ni Nicklaus kay Claude, pinasok niya rin sa isang ilusiyon ang utak ni Kourtney, kung saan may importante siyang pinuntahan kaya hindi na niya nakita si Claude. Ginawa niya ito upang sumunod ang lahat sa kanilang plano."Claude," tawag ni Mrs. Camilla sa kanyang anak na nagpahinto rito sa pagpasok sa loob ng mansion."A pleasant evening, Mom," masayang bati nito na lumapit sa kanyang ina't iniwan ng halik sa kanyang kaliwang pisngi.Pagkahiwalay ng lalaki, hindi man lang nagbago ang seryosong ekpresiyon nito. Tinignan pa ng ginang ang lalaki sa mata dahil magmula noong matapos ang kasal, ngayon niya lang ito