Napatingin ako sa tatlong lalaking nakatayo sa harap ng gusali. The Fuentebella Empire building.
Si General Fuentebella, kasama niya ang dalawa niyang anak, sina Kurt at Roswell.
Hindi ko matiyempuhan si General Fuentebella na nag-iisa. Lagi may kasamang pulis o kasama ang mga anak.
Sinuot ko muna ang ang jacket ko at sumbrero bago bumaba. Nagsuot rin ako ng mask. Nilagay ko ang aking baril sa aking tagiliran.
Bitbit ang isang hindi kalakihang bag, pumunta ako sa parking lot ng building.
Hinanap ko ang sasakyan ni General Fuentebella. Nang makita ko na ito, agad ko itong nilapitan at inayos ang bomba na dala-dala ko sa bag. Sa ilalim ng sasakyan ko ito ikinabit ang bomba. Inayos ko ang oras. Five minutes, sasabog na ang sasakyan, damay lahat na nasa underground ng building.
Dali-dali akong umalis pagkatapos kong naiayos ang lahat. Bumalik ako sa aking kotse at hinintay ang oras ng pagsabog.
One minute to go. Malapit na. Five, four, three, two, One. Isang nakakabinging pagsabog ang naganap.Nakikita ko ang mga tauhan ni General na papunta sa parking lot. Nagkakagulo na ang lahat.
Napangisi ako. Warning pa lang iyan. Next time, kasama na ang Heneral na sagabal sa lahat ng negosyo ng Daddy ko.
Agad na akong umalis at dumiretso sa airport. Ngayon ang uwi ni Andy. Si Tanya naman nasa Spain pa rin ito. Dumaan ako sa isang building kung saan doon ko iniwan ang isang kotse ko. Sinisigurado ko muna na lahat ng CCTV ay naka off.Pina hack ko ito sa aking kaibigan. Iniwan ko ang kotse na ginamit ko kanina at pinalitan ito ng may plaka. Kung sakali man matagpuan ito ng police ang kotseng ginamit ko, hindi pa rin nila matrace kung sino may-ari.
Agad na akong umalis at sinundo si Andy.
Tamang-tama pagkadating ko, nandoon na siya naghihintay.
"Tagal mo." nakairap ito sa akin.
"May pinuntahan pa ako." nakangiting saad ko sa kan'ya.
"Ihahatid ba kita sa condo mo o sa aking condo ka muna?" tanong ko sa kan'ya.
"Sa condo mo muna, may pupuntahan tayo," aniya.
Tumango na lang ako.
Si Andy Mondragon, the Multi-Billionairess Assassin. Anak sa labas ni Gordon Mondragon, Ang bilyonaryo may-ari ng mga resort at Empire hotel. Pero mas mayaman pa rin si Andy. Itinago siya ni Gordon Mondragon sa pamilya nito. Isang sundalo si Andy, pero hindi ito nagseserbisyo sa halip nagtatrabho sa organisasyon ng World Squads Assassin's.
"Saan tayo pupunta?"tanong ko kay Andy.
"Kay Gordon Mondragon."
Nagtatakang lumingon ako sa kan'ya.
"Bakit? Come on, huwag mo sasabihin guguluhin mo na naman si Mr Gordon." natatawang saad ko sa kan'ya.
"Hindi pa siya bayad, kayang-kaya ko pabagsakin ang mga negosyo niya." nakangising saad ni Andy.
"Paano ang mga kapatid mo? Si Anton Chase at Xia Jill? Right?"
"I don't care, hindi ko sila kinikilalang kapatid, itinakwil ako at hindi kinilala ni Gordon Mondragon, so, why I should treat them as my siblings?"
Napailing na lang ako.
Masama lang ang loob niya kay Gordon pero alam ko may puwang pa sa puso niya ang mga kapatid niya. Hindi man siya kilala ni Anton at Xia, alam kong mahal ni Andy ang mga ito.
"Di ba si Gordon Mondragon nagbigay sa pangalan at apelyido mo?" nakangising tanong ko sa kan'ya.
"Dala ko lang apelyido niya, but its nothing. Mas mayaman pa rin ako kahit hindi ko gagamitin ang kan'yang apelyido."
Nagkibit balikat lang ako.
Pagdating sa condo ko, tinulungan ko si Andy bitbitin ang mga gamit niya.
"Kamusta ang mission mo kay General Fuentebella?" tanong niya sa akin.
"Malapit na. Sa ngayon dahan-dahanin ko muna," saad ko.
"Want a help?"
Napatingin ako sa kan'ya.
"Sure. Kung hindi ka busy."
Tumawa naman ito.
Next month, babalik ulit ako sa US. May mission ako na pinapatrabaho sa akin, babalik din agad ako sa Pilipinas.
"Ligo muna ako," saad ko.
After ko naligo, nagsuot na lang ako ng pants at white sando.
Bumalik na ako sa sala. Nakabihis na rin si Andy.
Sinuot ko na ang heels ko at kinuha ang susi ng kotse.
"Let's go," saad ko kay Andy.
Pupunta kami sa Empire Hotel. Pagdating namin sa gusali ng Mondragon, agad na kami pumasok, pero hinarangan kami ng dalawang guwardiya.
"Ma'am sino po ang pupuntahan ninyo? May appointment ba kayo kay Sir Gordon or kay Sir Anton?"
Napatingin kami ni Andy sa isa't isa.
"I'm Andy Mondragon.Can you please call Gordon Mondragon, and told him that I'm here." pakiusap ni Andy sa guwardiya.
"Ah sige po Ma'am."
Naghintay muna kami ni Andy habang tinatawagan ng guwardiya si Gordon Mondragon.
"Ma'am pinapaakyat na kayo ng sekretarya ni Sir Gordon."
Ngumiti kami ni Andy sa guwardiya at pumunta na kami sa elevator.
Nasa ten floor ang office ng CEO. Nang nasa ten floor na kami, lumabas na kami ni Andy sa elevator. Lahat nakatingin sa amin. Why not. Matangkad kami ni Andy. Maputi. Maganda ang katawan. Higit sa lahat, ang magandang mukha na ginagamit namin sa mga kalaban.
"Hi, can I talk to Mr.Gordon Mondragon?" nakangiting saad ni Andy sa sekretarya.
"Pasok na po kayo, Ma'am." nakangiting sagot niya.
"Dito na lang ako," saad ko kay Andy.
"Come with me," aniya niya sa akin.
Sumama ako kay Andy sa loob ng office ni Gordon Mondragon. Kumatok muna si Andy bago binuksan ang pinto.
Naabutan namin si Gordon Mondragon na kausap ang isang napakaguwapong lalaki. Sobrang tangkad nito. Magkamukha sila ni Andy. Si Anton Chase Mondragon.
"A-Andy?" aniya ni Mr.Gordon.
"Hey, nice to meet you again, gusto ko lang ipaalam sa iyo ang resort ay pag-aari ko na." nakangising saad ni Andy.
"Who are you? Bakit sinasabi mo pag-aari mo na ang resort namin?" biglang saad ni Anton Chase.
Lumakad ako palapit kay Anton Chase.
No wonder. Kahit ako siguro mahuhumaling din sa kaguwapohan niya. Nakatingin din ito sa akin.
"Labas tayo. Hayaan natin mag-usap ang kaibigan ko at tatay mo," saad ko sa kan'ya.
Nagtataka naman itong nakatingin sa akin.
Hinawakan ko ang kaniyang kamay at hinila palabas.
"Sino kayo?" tanong niya.
Humarap ako sa kan'ya.
"I'm Van, and you?" nakangiting saad ko.
"Anton Chase." tipid na sagot niya.
Napatingin ako sa sekretarya na pasimple itong nakatingin sa amin. Nilapitan ko si Anton at hinawakan ang mukha niya.
"Daddy!"
Napalingon kami sa batang babae na palapit sa amin. May kasama itong magandang babae, baka Mommy ito ng batang babae. Tamang-tama naman ang paglabas ni Andy.
"Let's go," aniya ni Andy sa akin.
Humarap ulit ako kay Chase.
"Nice to meet you again." saad ko at umalis na kami ni Andy.
Bago kami sumakay ng elevator, narinig pa namin na inaaway ng babae si Anton.
"Asawa niya yata iyon?" natatawang saad ko kay Andy.
"Yeah." nakangising sagot ni Andy.
Tumingin ako sa aking relo.
Alas-sais na na pala ng gabi.
"Casa bar tayo, na miss ko na mag party."yaya sa akin ni Andy.
"Sure."sagot ko.
Isang linggo na hindi na kami nagkita ni Kurt pagkatapos nang mainit na tagpo noong nakaraang linggo sa bar.
Ibig sabihin, hindi siya seryosong makipag relasyon sa akin.
Thirty minutes lang ang biyahe papunta sa Casa bar.
Nagbabasakali rin ako na baka magkita ulit kami ni Kurt. Kanina ko lang siya ulit nakita nang pinasabog ko ang parking lot ng building nila.
Bumaba na kami ni Andy at pumasok sa loob. Sobrang dami ng mga tao. Kapag ganitong weekend halos mapuno na ang bar na ito.
Pagkapasok namin halos na mga kalalakihan nakatingin sa amin ni Andy.
"Counter tayo," saad ko kay Andy.
"Mauna ka na muna, may susundan lang ako." nagtatakang tumingin kay Andy.
"Who?"
"Basta, pahiram ako ng susi ng kotse, baka makatakas pa!"
Agad ko ibinigay sa kan'ya ang susi ng kotse ko.
Pumunta na ako sa counter at umupo.
"Hard please," aniya ko sa bartender.
Kapag nandito ako sa Pilipinas, madalas ako sa bar. Isa akong Doctor, pero pakiramdam ko hindi itong gusto kong trabaho. Parang may kulang pa rin sa buhay ko.
"Hey, another one!"
Napatingin ako sa aking katabi.
Napataas ang kilay ko. Ang guwapo niya. Kahit nakaupo ito, halatang napaka tangkad. Sa itsura pa lang may foreign blood ito.
"Nakapasa na ba ako sa taste mo?" nakangising saad niya sa akin.
"No." blangkong mukha na sagot ko sa kan'ya.
"Here's, Ma'am." agad ko kinuha ang alak ko. Tinungga ko na ito at humingi ulit.
"I'm Kenjie, and you?"
"Van."
Humarap ako sa kan'ya. Nakatingin ito sa akin. Pulang-pula na ang mukha nito, halatang lasing na.
"You're so beautiful."
Napapailing na lang ako. Napatingin ako sa grupo na nakaupo sa kabilang mesa. Nakita ko si Kurt at Roswell, na may mga kasama ang mga ito. Napatingin ako kay Kurt at may inaakbayan na babae, ang kan'yang fiancee.
"Are you single?" tanong ko kay Kenjie.
"Half German and has 12 inches." sagot niya.
What the hell!
"Sabi ko single ka ba!" sigaw ko sa kan'ya.
Napahalakhak naman ito.
"Of course, single ako tonight." nakangising saad niya.
"Kiss me!" Utos ko sa kan'ya.
"Whoah!" gulat na reaction niya.
P*****a talaga!
Tinanggihan ako.
"Okay, huwag na pala. Sa iba na ako magpapahalik." Tumayo na ako at tumalikod na. Pero tumayo din ito at hinila ako palapit sa kan'ya.
Nanlalaki naman ang mga mata ko nang walang sabi-sabing hinalikan ako ng mapusok.
"Come with me." bulong niya sa akin habang naglalakbay na ang kamay niya sa aking katawan. Nasa gilid kami ng counter ng bar kaya hindi masyadong agaw atensyon ang puwesto namin.
Napapikit ako nang bumaba ang halik niya sa aking leeg. Hinawakan niya ang aking kamay at dinala sa kan'yang gitnang hita.
Ohh fuck!
"Big?" nakangising tanong niya sa akin.
Hinila niya ako at sinandal sa gilid.
"Trespassing kana, Mr.German." seryosong saad ko sa kan'ya.
Hindi nito ako pinansin, sa halip hinalikan niya ulit ako sa labi. He is a good kisser.
"Van let's get out of here." Bulong niya sa akin. Panay ang pisil sa aking tagiliran.
Bigla na lang may humila kay Kenjie at sinuntok ito.
Si Kurt. Galit na galit ang mukha nito.
"She's my girl, fuck you Alcantara!"
Magkakilala sila?
Nakangisi naman si Kenjie.
Hinila ako ni Kurt palabas ng bar.
"Really! Nakipaghalikan ka sa lalaking iyon?" Galit na saad niya.
Humarap naman ako kay Kurt.
"I told you before, hindi mo ako puwedeng angkinin hangga't kayo pa ng fiancee mo."
"Fuck! Okay! Hihiwalayan ko na siya, simula ngayon, akin ka na Van!"
Pasimple naman akong ngumiti.
Nagsisimula na ang laro ko.
"Yes Kurt, ikaw na ang nagmamay-ari sa akin." ubod tamis akong ngumiti sa kan'ya.
Next plan.
Kailangan makapasok na ako sa pamilya niya, lalong-lalo na sa tatay niya.
Pero isa lang ang puwede kong gawin.
I will marry him.
"Hi. Ako pala po si Savannah Samonte. Iyong mag-aaply sana ng waitress," nakangiting saad ko sa manager ng restaurant.
ABALA ako sa pagpupunas ng lamesa nang bigla lamang may yumakap sa aking likuran.
PANAY ang hithit ko ng sigarilyo habang nakatingin sa matandang lalaki na masayang nakipagkuwentuhan sa isang napakaguwapong lalaki. Ang mag-amang Kayaki Shamiro at Kei Shamiro.
"Van, bakit nawala ka ng dalawang araw?" agad na tanong ni Cielo pagkarating ko sa restaurant. "Pasensiya na, umuwi kasi ako sa probinsya. Hindi nga rin ako nakapagpaalam sa manager," nahihiyang saad ko naman kay Cielo. "Ano ka ba! Malakas ka naman kay Sir Ross," hagikhik na saad ng dalaga. Napangiti naman ako sa tinuran ni Cielo. Hindi ko na rin nakita si Ross sa restaurant. Naging abala naman ang buong araw ko. Halos hindi ko na namalayan ang oras. Tamang-tama na alas singko sinundo na ako ni Kurt. "Lumipat ka na sa condo ko. Para magkasama na tayo araw-araw," aniya ng binata sa akin. "O-Okay lang ba? Ahmm.. Kurt? Paano si C-Cindy?" "Don't worry. Nakausap ko na siya at ang pamilya niya," nakangiting saad niya. Iniwas ko ang aking mukha at tumingin sa labas ng bintana. Sumilay ang ngiti sa aking
"Van, table number three!" sigaw ni Cielo sa akin. "Okay," saad ko naman at agad dinala ang order. Papunta na ako sa table number three at may isang nakatalikod na babae na nakaupo. "Here's your order, Ma'am," saad ko at hindi man lang tiningnan ito. "What's up, Van?" Napatigil ako sa pag-aayos ng plato at sabay tingin kay Z. Napangisi naman ako na tumingin rito. "Hanggang dito pa ba naman naaamoy mo pa rin ako?" nakangising tanong ko kay Z. "Iisa lang ang amoy natin, Van," ngising aso na sagot niya. Nanliliit naman ang mga mata ko na sinalubong ang nagbabagang mga mata ni Captain Ziandra Athena Santiago. "Alam mo ba na inupahan ako ni Mr.Foller para ipatumba ka?" aniya na hindi tinatanggal ang tingin sa akin. "Nice! Hindi kita uurungan. Hihintayin kita,Z," kininditan ko sabay talikod. Seryoso ang mukha ko na bumalik sa kusina. Hindi na ako nagtataka na kumuha ng mas magaling at ekspe
Ayoko mabulyaso ang lahat ng plano ko. Habang abala kami sa aming pagkain, bigla na lamang may bumagsak sa aming mesa."Cindy?!" gulat na saad ni Kurt na napatayo pa ito."Siya ba?! Kaya ka ba nakipaghiwalay sa akin dahil sa waitress na iyan?!" aniya ni Cindy na galit na galit sa akin.Pasinmple naman akong napangisi."Damn, Cindy! Huwag ka dito mag-iskandalo!" mahina at diin na saad ni Kurt rito.Tumayo naman ako at humarap sa binata. "Akala ko ba wala na kayo. Ayusin mo ito Kurt, kung ayaw mong iwanan kita," saad ko at lumabas na ng restaurant.Sumilay naman ang ngiti sa aking mga labi habang naglalakad.Abot kamay ko na ang lahat. Si Kurt Fuentebella. Ang lalaking makakatulong sa mga plano ko.Ilang araw na iniiwasan ko muna ang binata. Pero araw-araw itong pumupunta sa restauran"Van, please. Kausapin mo naman ako," nakikiusap na saad ni Kurt sa akin.Humarap naman ako rito. "Nagtatrabaho pa ako, Kurt. Mamaya na tayo mag-usap.""Galit ka sa akin, right? Nakipaghiwalay na ako k
PARANG wala ako sa sarili habang nagtatrabaho. Iniisip ko pa rin si Kurt at ang pagtatapat ng pagmamahal niya sa akin."Okay ka lang ba, Ganda?" tanong ni Reese na kanina pa ito nakatingin sa akin.Napabuntonghininga naman ako. "Na-inlove ka na ba, Reese?" tanong ko sa dalaga. Hindi man masabing kagandahan si Reese pero ang ganda talaga ng mga mata niya. Medyo matangos ng konti ang ilong at makipot ang mga labi."Hindi pa pero alam kong walang magkakagusto sa akin," aniya na umiwas ito ng tingin.Humarap naman ako sa dalaga. "Why not?" "Eh basta. Huwag na lang natin pag-uusapan ang tungkol sa akin. So, inlove ka ba?" nakangiting tanong niya na sinundot ang aking tagiliran.Napapailing na nakangiti na lang ako sa reaksyon ng dalaga."I-I think, I'm in love," sabay kagat ko sa aking ibabang labi."Hala! Kanino?! Kay Sir Ross ba?!" impit na sigaw ni Reese.Napatawa naman ako."No. Kurt Fuentebella."Napatigil ito at nakanganga na nakatitig sa akin."K-Kurt Fuentebella? As in ang anak
"May problema ka ba sa akin, Sir Ross?'' diin na tanong ko rito. Kanina pa kasi ito panay utos sa akin.''Ayusin mo ang trabaho, Van,'' aniya na sobrang sama ng tingin sa akin.''Inaayos ko naman! Ikaw itong utos ng utos!'' inis na tumalikod ako rito pero agad niya hinila ang braso ko palapit sa kan'ya.''Sino ba ang pinagyayabang mo, si Fuentebella? Mayaman din ako, Van.''Lumiit naman ang mga mata ko nakatingin kay Ross. ''Hindi pa naman ako mukhang pera. And...you're nothing...kaya puwede ba, tigil-tigilan mo na ang pagpapansin sa akin.''''Babawiin kita, Van. Ngayon na nagkita na tayo, kukunin kita kay Fuentebella.''Napasapo naman ako sa aking ulo. ''Kasal na ako kay Kurt. At hindi na kita mahal. Akala ko ba, pinupormahan mo si L.A.''''L.A? Sino yan?'' nakakunot ang kan'yang noo.So, hindi niya kilala si L.A? O dahil iba ang pangalan na ginamit ni L.A dito. Nalaman ko kay Nix na umuwi na si L.A galing ng US.''Nevermind. Uuuwi na po ako, Sir Ross. Hinihintay na ako ng asawa ko.