Nanlumo ako sa desisyon ng korte.GUILTY.Dahan-dahan akong humrap sa aking kanan kung saan nandoon ang pamilyang Fuentebella."Van?" malungkot na tawag ni Kuya Damon. Malungkot naman akong humarap sa dalawang kapatid ko."Anong sabi ni Ziena?" mahinang tanong ko kay Kuya Bry."Inaayos na niya ang lahat. Kailanagan lang natin mabantayan ng maayos sila Dad at Mom dahil panigurado hindi sila titigilan ng mga big syndicate para patahimikin sila.Hindi ko naman napigilang humagulhol. Bakit kailangan idamay si Mommy. Sobrang sakit na nakikita ko kanina kung paano posasan at hinila sa selda ang parents ko."Kung hindi kaya ni Ziena bawiin ang kaso nila Dad at Mom, ako na ang gagawa ng paraan," diin na saad ko naman. Gagamitin ko ang organisasyon at mga koneksyon ko para makalabas sa kulungan ang parents namin."Van!" galit na sigaw ni Kuya Bry. Seryoso lang ako na nakatingin sa dalawang kapatid ko."Sa palagay niyo ba, papayag ang pamilyang Fuentebella na makalabas ng kulungan sila Dad?"
"K-Kurt?"Nandito ako ngayon sa presinto upang kausapin ito."What you want?" "I-Ikaw," mahinang sagot ko naman.Ngumisi naman ito sa akin."Okay, come with me," aniya na lumabas na ito.Huminga muna ako ng malalim at sumunod sa asawa ko."Come here!" Sigaw niya habang nakasandal sa kotse.Mabilis naman ako lumapit rito at tumayo mismo sa kan'yang harapan.Nagulat pa ako nang hinahaplos-haplos niya ang aking mukha. "I really really hate you, Savannah. Gusto ko maramdaman mo ang sakit na nararamdaman ko!"Yumuko naman ako. Kung alam lang nigya ang sakit na nararamdaman ko ngayon. Nawalan din ako, hindi lang isa kundi dalawa. "S-Sorry, kung alam ko lang na...na ganoon ang-...." "Shut up! Sasaluhin mo ba ang bala ng baril?! Gagawin mo ba?"Napapikit na lang akoi sa sinabi ng asawa ko."Sakay! Uuwi tayo sa mansion," diin na saad niya.Napabuntonghininga naman ako. Habang nasa biyahe wala kaming imikan. Sobrang bilis din ang pagmamaneho niya at minsan napasubsob pa ako nang biglang na
"D-Divorce?" prang sasabog sa sobrang sakit ang narinig kong salita galing sa asawa ko."Yes, ayoko na.""No! Hindi ako pipirma! K-Kurt, baka maaayos pa natin ito.""Okay, payag ka ba na ibabahay ko si Cindy?" nakangising tanong niya.Gusto nila ng laro, puwes ibibigay ko sa kanila."Payag ako."Akala ko madali lang ang lahat. Sa isang bubong, magkasama kaming tatlo. Minsan umaalis sila pa ibang bansa. Ang hirap. Kahit nasasaktan ako, kailangan ko tiisin."Manag Rosy, kapag nagtanong si Kurt kung nasaan ako, pakisabi na lang po na nagtatrabaho ako," saad ko kay Manang habang abala ito sa pagdidilig ng halaman."Ilang araw ka mawawala, hija?" "Ahmm..baka po tatlong buwan. Basta po uuwi naman ako."Napabuntonghininga naman si Manang Rosy. "Bakit ka pumayag sa ganitong set-up, hija?""Mahal ko po si Kurt," diretsong sagot ko kay Manang."Hindi na pagmamahal ang tawag diyan. Mag-isip ka ng mabuti, Van. Unahin mo muna ang iyong sarili," malungkot na saad ni manang.Nginitian ko na lang si
"ANAKAN mo ako, Kurt," nagmamakaawa na saad ko rito. Kahit sobrang baba na ang tingin ko sa aking sarili, wala na akong pakialam. Kahit durog na durog na ang pagkato ko. "Anak? You don't deserve my sperm! And hindi ka karapat-dapat na maging ina ng anak ko!"Napanganga naman ako sa sinabi niya. Suno-sunod umaagos ang luha ko sa aking pisngi.Yumuko ako at hinawakan ang aking dibdib. Ramdam ko ang kirot at pakiramdam ko nahihirapan akong huminga. Narinig ko na lang ang malakas na pagsarado ng pinto. Hindi ko alam kung ilang oras ako nasa CR. Wala sa sariling itinapat ko ang aking sarili sa rumaragasang tubig. Pinikit ko ang aking mga mata habang sinalubong ang tubig sa aking mukha."Van?" Napamulat naman ako sa boses ni Manang Rosy.Dali-dali akong nagbanlaw. Nakatapi lang ako ng tuwalya paglabas ng banyo."Manang?" paos na boses na saad ko.Malungkot naman nakatingin si Manang sa akin."Okay ka lang ba?" Pilit naman akong ngumiti rito."Bumaba ka na, at kakain na kayo."Nakakunot
PASAMANTALA, hindi muna ako umuwi sa mansion. Nakipagkita muna ako kay Jenny Rivas. Sa mismong restaurant nila Roice at Ross kami nag-usap."Si Grace Chua ang pumatay kay Tanya," aniya ni Jenny sa akin."Are you sure, si Grace ba talaga ang pumutay? Paano kung hindi si Grace," seryosong saad ko naman rito.Nakakunot naman ang noo ng dalagang pulis. "What you mean? Nagdududa ka ba sa amin?" nang-uuyam na saad niya."Come on. Pinaglalaruan na tayo ng mga kalaban. Mahina na yata ang pang-amoy ninyo. Umaasa ako na tayong dalawa lang ang nakakaalam nito," saad ko kay Rivas. May tiwala naman ako sa dalaga. "Na comatose ako ng halos pitong buwan kaya hindi ko na alam kung ano ang nangyari. And about naman sa pinag-uusapan natin ngayon, makakaasa ka na tayong dalawa lang ang nakakaalam nito."Napabuntonghininga naman ako. "Patay na ang kakambal ni Grace, right?" tanong ko rito.Tumango naman ito. Alam kong may mali. Ako mismo ang magtatrabaho at aalamin ang lahat ng ito. "Can I ask you a fa
K-Kurt?""Yes?""M-May tiwala ka sa akin, right?""Depende sa sitwasyon. Aalis na ako, hininhintay na ako ni Cindy."Pinunasan ko naman ang luha ko. "Pinapalaya na kita. Ayoko na."Nakakunot ang noo niya na nakatingin sa akin."Makipaghiwalay ka na sa akin?" diin na tanong niya.Dahan-dahan naman akong tumango. Hindi ko na patatagalin ito at lalong nagdududa ako sa sinasabi niyang vedio."Are you finishing that or.....-"Agad ko naman pinutol ang kan'yang sasabihin."Tinatapos ko na ang lahat! Sa palagay mo sa tatlong taon na tiniis ko na pumayag sa set-up ng pagsasama natin, naging masaya ako?!""Do it. I dare you!" galit na saad niya."Alright, I'll leave you," seryosong saad ko naman. Nakangisi lang ito sa akin. Huminga naman ako ng malalim. Tumayo ako at kinuha ang roba na nakasabit sa gilid ng closet. Samantala nakasunod lang ng tingin si Kurt sa akin."Alright, let's see that," nang-uuyam na saad niya.Humarap naman ako rito."Leave," saad ko rito sabay turo sa pinto.Umigting
"Huwag muna tayo padlos-dalos, Captain," saad ko naman kay Grace. Nag-alala lang ako at baka mapahamak lang ito."Stick our plan, Van. Ayoko ko rin may madamay na inosente," aniya na Panay ang hithit ng sigarilyo. Nakailang upos na ito ng sigarilyo. Napapailing na lang ako sa na nakatingin sa aking kaibigan.AFTER namin nag-usap ni Grace, agad naman ito nagpaalam na uuwi na ito. Ako naman nagpahinga muna dahil babalik ulit ako sa hospital. Ayoko ko muna i-involve ang problema namin ni Kurt sa problema ni Kuya Damon. Sa sobrang pagod ko na rin halos hindi ko namalayan ang haba ng oras ng tulog ko. Napabalikwas ako ng bangon dahil sa tunog ng aking telepono."HELLO?" papungas-pungas kong sagot sa kabilang linya."Sav? It's Kei.""SHIT! Kei! Nasaan ka?" pasigaw na tanong ko rito.Isang malakas na tawa naman ang narinig ko sa kabilang linya."Kararating ko lang dito sa Pilipinas. I'm so sorry kung ngayon lang ulit ako nagparamdam after three years. Sasabihin ko sa'yo ang lahat, Sav.""It'
"MRS.FUENTEBELLA . YOU'RE BEING ARRESTED FOR MURDERED. You have the right to remain silent-...." Nakatingin lang ako kay Kurt sa likuran ng Police na nagsasalita. Parang hangin lang dumaansa akin ang boses ng Police habang nilalagyan ng handcuff ang mga kamay ko. Nakangisi naman sinalubong ko ng tingin ang asawa ko. "It wasn't supposed to end like this. Bullshit. Everything was bullshit!" natatawang saad ko habang hinihila ako papasok sa loob ng patrol car. Pagdating sa presinto halos lahat ng mga mata nasa akin nakatutok. Kinuha ng isang police ang mga bagay na nakakabit sa aking katawan, lalo na ang watch phone ko. Pinaupo muna ako at nag-umpisa na akong tanungin. Tanging oo ar hindi lang ang ang sinagot ko. Ang ibang tanomg naman, sinabi ko na hintayin muna ang abogado na kukunin ko. "Asawa 'yan ni Sir Fuentebella?!" Bulong-bulongan sa aking paligid. Ipinikit ko muna ang aking mga mata at sinandal ang ulo ko sa upuan. "Mrs.Fuentebella?" Agad naman ako nagmulat at tumingin s