Umalis na si Dave sa kinaparadahan ng sasakyan nang hindi makita si Alexa. Ngayong alam na niya kung saan nakatira ang babae ay madali na lang sa kaniya gawin ang plano.Sa villa, nagulat si Simon nang makita ang apo at mukhang paiyak na. "Ano ang nangyari? Nasaan ang asawa mo?"Nag aalala ring nilapitan ni Lourdes ang anak at biglaan ang dating nito."Lolo, ang bad nila!""Sino?" Magkapanabay na tanong ni Simon at Lourdes. "Ang pamilya ng babaeng may gusto kay Zion!" Padabog na umupo si Alexa sa sofa."What? May ibang babae si Zion?" galit na tanong ni Simon."May gusto po sa kaniya at hindi babae." Pagtatama ni Alexa."Then bakit ka nagpapaapikto sa kanila? Hindi ka dapat dito umuwi kundi sa asawa mo upang ipaglaban siya." Sermon ni Simon."Lolo, nilait po nila ako at sinabi na hindi bagay para kay Zion dahil mahirap lang ako. Kasalanan niyo po ito!" Pagmamaktol ni Alexa sa abuelo.Nanlaki ang mga mata ni Lourdes at kung ano na naman ang nalabas sa bibig ng anak."What? Sino ang ha
"Pumasok ka na sa loob at suyuin ang asawa mo. Pero dito kayo matutulog at gusto kong makasama din ang apo ko.""Maraming salamat po sa unawa, lolo." Nauna pang humakbang si Zion at pumasok sa loob ng bahay.Nang makita ni Alexa ang asawa ay patalon siyang bumaba ng upuan na mataas ang mga paa. "Babe, paano mo nalamang nandito ako?""Bakit ka umalis ng kompanya at iniwan mo pa ang bag sa opisina ko, kasama ang cellphone mo?" Himig galit na tanong ni Zion sa asawa."Hindi ko alam kung saan na ang daan pabalik sa opisina mo mula sa exclusive room. Tapos paglabas ko ng pintuan ay may lalaki pang sumalubong sa akin at galit.""Wait, pag-aari mo ang kompanya kung saan napasok ang mga apo ko?" gulat na tanong ni Simon sa binata.Nanlaki ang mga mata ni Alexa, ayaw niyang may ibang makakaalam lalo na ang pamilya niya. Hindi sa ikinahihiya niya o ano paman. Baka kasi samantalahin ang kabaitan ng asawa niya. Kilala niya ang abuelo, hindi lang basta negosyante ang nasa utak nito."Ahm, o—""Ana
Pagkapasok sa silid ay niyakap agad ni Alexa ang asawa. Pero sa halip na lambingin siya ay sermon ang inabot niya dito."Babe, huwag mo nang ulitin ang ginawa mo kanina na umalis nang walang paalam at naiwan ang cellphone."Lumabi si Alexa, "babe, huwag ka nang magalit. Nawala na sa isip ko kanina na balikan ka kasi nagmamadali akong pumunta dito upang makauwi agad. Gusto ko nang makuha ang mana kay lolo para may pangsampal ako doon sa ama ng babae mo."Nangunot ang noo ni Zion at naalala ang sinabi kanina ng matanda. "Sino ang nang-alipusta sa pagkatao mo kanina?""Hindi ko kilala pero ang sabi niya ay kilala siya ng pamilya mo at ama siya ng babaeng nakatakdang pakasalan mo." Biglang sumimangot si Alexa at nagtatampo sa binata dahil may iba pala itong babae."That bastard! How dare him to brag about himself and tell you about her daughter!"Lalong napasimangot si Alexa at nagsalita na ng english ang asawa. "Babe, tagalugin mo!"Hindi pa rin pumatag ang noo ni Zion kahit mukhang naka
"Ang guwapo ng asawa ko, 'di ba?" Nakangiting tanong ni Alexa sa pinsan.Mabilis na iniwas ni Liza ang tingin sa katawan ni Zion. Hindi niya akalaing sa kabila ng suot nito ay lilitaw pa rin ang kakisigin nito. Ang hot nitong tingnan at naiingit siya sa pinsan. Kung natuloy siguro ang kasal ng pinsan kay Dave ay baka siya ang karelasyon ngayon ni Zion."Akin siya at aking lang! Lahat sa kaniya ay akin at ayaw ko nang may kaagawa." Pinagdiinan ni Alexa anv bawat katagang binitawan.Sinamaan ni Liza ng tingin ang pinsan. Mabuti na lang at pumasok na si Zion sa silid ng abuelo nila upang magpalit. "Tingnan natin kung hanggang kailan ka kagiliwan ni Zion."Sinamaan niya rin ng tingin si Liza. "Huwag kang magkamaling pangaraping matikman ang asawa ko Liza dahil kakalbohin talaga kita! Makuntinto ka sa manyak mong nobyo!"Napatiim bagang si Liza at nadagdagan lamang ang galit na nadarama. "Kasalanan mo kung bakit natanggal si Dave sa trabaho kaya pagbabayarin kita!""Alam mo hindi ka lang t
Matapos kumain ay hindi nagawang masolo ni Liza si Zion. Parang tuko ang pinsan niya at hindi umalis sa tabi ng binata. Halos kumanlong na rin ito kay Zion nang maupo sila sa sala."Zion, ano ang plano niyo after graduation ni Alexa?" tanong ni Simon."Magpapakasal po kaming muli at this time ay sa simbahan na.""That's good!" Nagagalak na turan ni Simon. "How about your family?""Kakauwi lang po nila galing bakasyon. Kakausapin ko pa po sila upang bumisita dito."Muling nainggit si Liza sa pinsan at hindi basta lang ang naging beyanan nito. Halatang mapera at na tour around the world ang mga magulang ni Zion. Kung masolo niya sana ang kayamanan ng abuelo ay magagawa niya rin ang ganoong trip.Natulog ng maaga sina Alexa at gumising din ng maaga. Kailangan nilang umuwi sa bahay nila at magpalit ng damit bago pumasok sa trabaho."Babe, mamaya pa ako papasok sa opisina. Are you sure na ok ka nang pumasok?" tanong ni Zion habang sinusuklay ang buhok ng asawa."Huwag kang mag alala at hi
"May problema ba at sumugod ka pa dito?" tanong ni Charles kat Mr. Zoe."Mr. Chairman, pasensya na sa biglaang dalawa ko. Gusto ko lang po personal na ipabatid sa inyo ang maling ginagawa ng anak niyo na maaring makaapikto sa reputasyon niya sa kompanya bilabg CEO."Nangunot ang noo ni Charles at ganoon din ang asawa niya. "Ano ang ibig mong sabihin, Mr. Zoe?""Kalat na ang balitang isang mababang uri ng babae ang kinahuhumalingan ng anak ninyo." Diritso ang tingin ni Zoe sa chariman."Mababang uri? Paano mo nasabing mababang uri siya na babae?" nanunubok na tanong ni Charles sa lalaki na halos kaidaran niya lang."Wala siyang modo at mapanira. Wala siyang degree at lumaki sa lansangan." Himig galit na tugon ni Zoe."Mr. Zoe, hindi basihan ang degree para masabing mababang uri siyang babae. Hindi rin natin maaring maliitin ang isang tao dahil lamang galing sila sa mahirap na pamilya. Walang akong nakitang mali sa ganoon pero ang walang modo?" Napipilan si Zoe sa sinabi ni Stella at n
"Jerry, hindi po totoo iyan. Kararating niya lang at—""Hindi mo ba natandaan ang bilin ko na sabihin mo agad sa akin kapag si Ms. Alexa ang dumating?" Inis na nakagat ni Jackie ang loob ng labi. Kay Jerry pa lang ay napagalitan na siya, paano pa kapag nakarating kay Zion? No, hindi dapat. Hindi niya matanggap na mapagalitan ni Zion sa harap mismo ng babaeng ito. "Jerry siya ang may gusto na hintaying matapos sa meeting si Zion."Nagtatanong ang tingin ni Jerry kay Alexa ngunit nagpapaawa ang tingin nito sa kaniya. Pumalatak siya sa isipan, kapag ganito ang mukha ng dalaga ay alam niyang gusto lang nitong mang-asar sa kinaiinisan nito. "Ms. Alexa, maari po kayong pumasok na sa loob."Ngumiti Alexa kay Jerry at bumalik sa upuan. "Hintayin ko na lang siya matapos. Dapat behave ako para lalo akong mahalin ng asawa ko." Inis na iniwas ni Jackie ang tingin sa babae at talagang pinamumukha sa kaniya na ito ang mahal ni Zion. Napaismid siya sa isipan, alam niyang darating ang panahon na p
Nagulat si Charles nang masalubong si Alexa. Hindi kasi makapaghintay ang asawa niya na mamaya pang makita ang anak nilang binata."Lolo?" mukhang hindi siya sigurado kung tama bang tao ang nakasalubong niya.Gustong batukan ni Stella ang asawa at parang teenager na nag-hi sa babaeng nakasalubong nila at kumaway pa.Nang marinig ang boses ng matanda ay napangiti si Alexa. "Ikaw nga, lolo! Sabi na at kapag nakabihis kayo ng maayos ay mas bata kayong tingnan."Napatikwas ang kilay ni Stella at pinuri pa ng dalaga ang asawa niya. Kung hindi lang nito tinawag na matanda ang asawa niya ay isipin niyang isa ito sa mga babaeng nagkakagusto pa rin kay Charles kahit nagkaedad na ito. "Salamat, hija, ang totoo ay—" hindi natapos ni Charles ang pagpapaliwang at biglang nabaling ang atensyon ni Alexa sa asawa niya."Asawa mo po? Ang ganda niya at may kahawig din sa asawa ko!" Manghang pinakatitigan ni Alexa ang ginang.Natigilan si Stella at pinakatitigan ang dalaga. Nang ngumiti ito ay nakaka