Share

CHAPTER 9

Dranreb POV

"Dude!" Mabilis na pumasok si Bryan sa clinic ko, kahit kumatok man lang ay hindi niya nagawa.

"Oh nandito ka? Anong meron?" Tanong ko sa kaniya habang busy ako kaka type sa Laptop ko

"Diba dapat ako ang nagtatanong sayo niyan? Dude? Anong meron? kalat na sa lahat na may asawa kana!"

"Totoo naman diba?"

"Totoo nga. Pero diba? You're processing the annulment? Tapos parang proud ka pa diyan"

I slowly closed my laptop.

"Dude, ibibigay ko naman ang gusto niya na annulment pero hindi ganun kadali yun, hindi lahat ng gusto niya ay makukuha niya ng agaran kailangan niya lahat paghirapan."

Bigla akong tumayo at sinuot na ang white coat ko. Wala naman talaga akong balak na ipagkalat na mag asawa kami ni Brianna gusto ko lang siyang inisin mukhang naging effective naman. Umalis siyang mahaba ang nguso

"Syanga pala Reb, pinapatawag ka ng Chief Physician. Some important matter to discuss daw. "

" Anak ng! Bryan kanina kapa nandito bakit hindi yan ang unang sinabi mo?!"

Nagkibit balikat lang ito at ngumiti ng nakakaloko sa akin.

Baliw ba siya? Napaka importante pala ng sasabihin niya bakit inuna niya pa ang tsismis!

Mabilis akong lumabas ng aking clinic at dumiretso na sa office ni Doctor Ching. Kinakabahan ako. Hindi ko masyadong maisip kung bakit ako pinatawag, i mean I've been loyal to my job in the past few years. Ni minsan hindi ako pumalya o nagkamali man lang.

Nandito na ako ngayon sa harapan ng pintuan ni Dr. Ching. Kabado akong kumatok.

Binuksan ko ng dahan dahan ang pinto sumulyap ako ng kaunti sa kaniya, nakita kong may mga papel siyang pinipirmahan.

"Dr. Ching?" He took a glance at me. He then, smiles widely

"Dr. Lopez! Have a seat." Umupo ako sa bakanteng upuan sa harap niya.

"May pasyente ka ba? Kanina pa kita pintawag kay Bryan."

I eventually look down. Hindi ko alam anong sasabihin ko sa kaniya. Ang labo naman kasi nitong si Bryan dapat inuna niyang sabihin sa akin na pinatatawag ako ng Chief Physician namin

" Im sorry doc, actually bago ko lang din naman nalaman. Nung sinabi naman agad ni Bryan ay pumunta naman ako dito kaagad. May problema ba tayo doc ?"

He started to be more mysterious. Mas lalo akong kinakabahan sa mga actions niya.

"Just take a look at my office Dr. Lopez. "

Nilibot ko ang tingin ko sa malapad na opisina ni Dr. Ching. Sobrang ganda ng opisina niya. May sala, may malaki siyang mesa. Punong puno ang mga divider ng mga trophies niya.

"Looks good! Bakit po?" I asked

" Maging familiar kana sa opisinang ito dahil soon, it would be all yours."

I caught off guard. My mouth got open wide!

" D-Dr. Ching, is this some sort of joke?" Kailangan ko magtanong ulit baka kasi nanaginip lang ako?

He began to laugh hard " No! Im not! You know Dr. Lopez matanda na ako. My Retirement is coming. So i need to find someone who is capable to do my job and that suits you. Congrats!"

Sobrang lapad ng mga ngiti ko! Hindi ko alam parang nanaginip ako! Pero hindi, this is totally real!

"Thankyou Doc. Ching. Hindi kayo nagkamali sa pagpili sa akin!"

"Good, so spread the good news to your wife!"

Yung ngiti ko unting unting nawala.

"Ha?" Yan lamang ang nabanggit ko kay Dr. Ching. Pati pala siya ay alam ang tungkol sa amin ni Brianna.

" Spread the news to her. Buti nga at nakapag asawa ka kaagad Dr. Lopez, kasi kapag binata ka pa at nilagay kita dito sa posisyon ko, naku! hindi kana magkakaroon ng girlfriend. This would be a hectic job to you. Itong trabaho mo na lang ang magiging focus mo."

Napalagok ako sa mga sinabi ni Dr. Ching.

"Pero hindi naman siguro ka mahihirapan maghanap kasi gwapo ka naman. So, who's the lucky girl?"

" I'll bring her here soon." I just fake my smile to him. Asa si Brianna na dadalhin ko siya rito! Walang magandang ginagawa yun kundi mag eskandalo, kaya NO WAY!

Baka mamaya imbes na promotion ang makuha ko eh baka termination ang aabutin ko

"Well, i am throwing a party saturday night. It would be a double celebration! Retirement ko at promotion mo. Bring your wife there, gusto naming malaman kung sino ang bumihag sa puso ng pinakatanyag na Doctor namin dito sa hospital."

My jaw dropped at that moment. Kailangan kong maghanap ng rason para hindi niya na ako pilitin! " S-she is a busy person doc i don't think--"

"Nooo, that is not a valid reason, my wife is as busy as me. Pero nakakahanap siya ng paraan para makasama lang ako."

"Yes, i understand but--"

"Wait Dr. Lopez, someone's calling on my phone. Thankyou for your time. Aasahan ko kayo."

Hinilamos ko ang mukha ko gamit ang aking palad. Maayos na sana! Masaya na ako about sa promotion ko! Kahit saan talaga malas ang Brianna na ito!

Lumabas na rin ako sa office ni Dr. Ching.

What should i do?! Talagang hahanapin nila si Yana sa party na iyon.

"Dude! Kamusta? Anong sabi ni Dr. Ching?"

"Ano gusto mong unahin ko? Bad news o Good news?" Tamad kong tanong sa kaniya.

"Good news?"

" Promoted ako as Chief Doctor."

"Wow! Congrats dude! Ano naman yung bad news?"

" Dr. Ching will throw a party in his house. Double celebration daw. Sana daw ay madala ko ang asawa ko." Napabuntong hininga ako.

" Wala kang magagawa, pinagkalat mo na asawa mo si Brianna eh. So anong plano mo ngayon?"

"Hindi ko alam!" Napalakas ang boses ko sa sobrang pressured na nararamdaman ko. Paano ko madadala si Yana doon? Napa praning ako kaiisip kung ano ang possibleng gawin niya sa event!

"Dude, subukan mo na lang kausapin si Brianna. Para hindi ka mapahiya sa party."

Biglang bumigat yung mga balikat ko. Kailangan ko ba talagang isama si Yana? Hindi ko akalain na ang panunukso ko sa kaniya ay babalik sa akin!

"Pagbigyan mo nalang dude. Isipin mo na lang Once lang naman yun, after that, hindi na sila mangungulit.

Minsan ginagamit din pala ni Bryan ang utak niya. Akala ko kasi puro lang kalokohan ang alam niya.

"Fine."

Ill text Brianna about this situation. Subukan niya lang humindi sa akin at titirisin ko siya ng pinong pino!

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status