Share

Chapter 6.2

__________

“Wow! Isang paraiso!" 'di mapigilang bulalas ni Ana sa sarili dala ng matinding paghanga sa tanawing namamasdan. Naroon na siya sa resthouse nina Aseneth kung saan ay naroon na rin ang kanilang shop.

"Talaga namang isang paraiso!" ulit ni Ana na ang isang palad ay inilapat sa tapat ng kaniyang dibdib. "Hindi ko akalaing makakakita ako ng ganito sa tanang buhay ko!" namamanghang dugtong niya.

Ang tinutukoy niya ay ang talaga namang makapigil-hiningang kabuuang tanawin ng napakalawak na rose farm. Nasa gitna ang nasabing puting resthouse. Para itong isang dampa na napakamoderno ng estilo. Matikas na nakatirik ito sa gitna ng malawak na hardin ng mga rosas na iba't ibang klase at sari-sari ang kulay. Preskong-presko rin ang malamig na hanging pinuno ng romantikong samyo ng mga rosas.

Ang daan din namang binagtas niya kanina ay maituturing na isang memorableng karanasan. Para siyang reynang dumadaan sa walking space na nalalatagan ng mala-carpet
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status