Bigla ang pagsipa ng kaba sa dibdib ni Danna. Kinakabahan siya ng 'di niya mawari. Marahil ay dahil ito ang unang pagkakataon na makakaharap niya ang bagong may-ari ng kanilang mga ari-arian. Dinadalangin niya na sana' y mabait at makasundo niya ito.
Nakatalikod ang lalaki na tila hinahagod at sinusuyod ng tingin ang malaking letrato ng Don na nakasabit sa makinis na dingding. Huminga ng malalim si Danna habang binabagtas ang kahabaan ng hagdan. May ngiti sa labing sinalubong siya ng mga katulong na matiyagang naghihintay sa kanyang pagbaba. Ginantihan niya iyon ng matamis na ngiti sa kabila ng kanyang namamahay sa loob ng dibdib niya. "Good morning Mr. Bermudez." bati ni Danna sa lalaking nakatalikod. Hindi niya ito kilala maliban sa pangalan nito ayon sa sinabi ng kanilang abogado. Nilingon siya nito at matamang tinitigan. Lalo tuloy nagwawala sa kaba ang dibdib niya sa klase ng mga titig nito sa kanya. Lalaki si Eugene at hindi nito maikakaila na huwag mapahanga sa taglay na ganda ng babae. Bumagay ang suot nito sa simpleng ayos. Hindi rin nakapagtataka kung maraming kalalakihan ang nakapila para mapa-ibig ito. Natuon ang paningin nito sa pulang mga labi ng babae. Kakaibang damdamin ang dumaloy sa mga ugat ng binata pero kaagad din sinupil ng huli. Hindi ang pisikal na kagandahan ng babae ang sisira sa mga plano nito. Sayang, dahil naging anak ito ng taong kinamumuhian. Dissapointed na naisaloob nito. "Ang ayaw ko sa lahat ay pinaghihintay ako ng matagal." anitong maitim ang pagkakatitig sa kabuuan ng dalaga. "Pasensiya na," nakayukong hinging paumanhin niya. Mas lalong bumilis ang pintig ng puso niya sa baritong boses nito. Hindi siya nito pinansin bagkus ay naglakad ito palapit sa mga kasambahay na nakahalera sa paghihintay sa kanilang dalawa. "Hindi lingid sa inyong kaalaman na ako na ang may-ari nang lahat ng ari-arian ni Don Feliciano. Kung gusto niyong manatili at manilbihan sa akin ay walang problema. Dudublihin ko pa ang sahod n'yo kung susunod kayo sa mga patakaran ko bilang bago ninyong amo. At kung ayaw n'yo naman ay malaya kayong makakaalis." nakapamaiwang wika ng lalaki sa mga kasambahay na ikinatuwa ng mga ito. Napangiti siya at ikinatuwa sinabing iyon ng lalaki. At least ngayon ay mananatili pa rin sa mansion ang mga kasamambahay. "Hindi mo naman mamasamain kung may babaguhin ako sa mansyon hindi ba?" Pagkuway anito na muli siyang tinitigan. "H-ha. Hindi naman. Kung iyon ang nais mo." "Sergio? Iyan ang pangalan mo hindi ba? maya-maya'y baling nito sa hardenero na mabilis na rumesponde. "O-opo, sir." "Tanggalin mo ang larawan ni Don Feliciano." "Po?" "You heard me, don't you?" Nagkatinginan ang mga katulong sa tinurang iyon ng lalaki pero bilang bagong may-ari karapatan itong gawin ang mga gusto nito. "Sige na Mang Sergio, paki tanggal na lang ang larawan ng papa." aniya sa nag-aalanganing lalaki. Akmang magsasalita si Danna ngunit naunahan na siya ng binata. "Saan ang kuwarto mo?" Ang mga mata ay tila magbubuga ng apoy anumang sandali sa kakatitig sa kanya na wari bang kay laki ng atraso niya rito gayong ngayon pa lamang niya ito nakita, nakakausap at nakaharap. "S-sa taas," "Ligpitin mo na ang mga gamit mo dahil mula sa araw na ito iyon na ang magiging silid ko." "S-sige," tipid niyang sagot. Inaasahan na niya iyon. Kaya bago pa man sila magkausap ay naka-upa na siya ng bahay na titirhan nilang mag-ama. "At mula sa araw na rin ito, ikaw ang magsisilbi sa akin. Tinatanggal ko na rin ang karapatan mo bilang amo. At kung gusto mong mabawi kahit kapirangkot na bahagi ng inyong mga ari-arian ay susunod ka sa lahat gusto ko. Stay-in ka bilang katulong. Walang labas, walang telepono at dadalaw ka lang sa tatay mo kung kailan ko gusto." mariing sabi pa nito na ikinagulat ng lahat. "Nakaupa na ako ng bahay sa bayan, hindi ko puwedeng iwan ang papa paglabas niya ng hospital," "At sinong may sabing aalis kayo ng mansiyon? "nagsalubong ang kilay na hindi hinihiwalay ang mga mata sa pagkakatitig sa dalaga. Bukod sa naisanla sa akin ng papa mo ang hacienda at bahay na ito malaki rin ang pagkakautang niya sa akin. At pagsisilbihan mo ako sa ayaw at gusto mo." pahiyag dito ni Eugene. Pinukulan pa siya ng nagbabalang tingin. Nagkatinginan ang mga kasambahay sa sinabing iyon ng bago nilang amo. Awa ang mababakas sa mukha ng mga ito. "Kung hindi ako nagkakamali may maliit na bahay sa sa likod ng mansiyong ito. Doon kayo tirira ng ama mo." dugtong pa nito na ang tinutukoy ay ang tulogan ng driver nilang si Tata Semon at ni Sergio. "Pero..." "Bumalik na kayo sa mga trabaho ninyo," si Eugene na tinapos na ang pag-uusap. "At ikaw? Kung gusto mong mabawi ang mga ari-ariang pinaghirapang ipundar ng iyong ng ama ay susunod ka sa gusto ko. Hala ano pa ang itinatanga mo riyan? Kilos na! Nasa labas ang maleta ko dalhin mo sa kuwarto ko at ayusin mo." Sa buong buhay niya'y wala pang talipandas na nangahas na sigawan siya. Tanging ang lalaking pag-aakala niya'y may busilak na kalooban. "Ah sir, ako na lang po ang kukuha sa maleta ninyo," presenta dito ni Sergio. Ngayon ay bitbit na nito ang malaking larawan ng Don na ipinatanggal ng bagong amo. "Malinaw naman ang sinabi ko kanina, hindi ba? Matuto kayong sumunod sa mga utos ko at walang magiging problema. Siya ang gusto kung kumuha ng maleta ko at hindi ikaw, Sergio!" may diing wika nito. "Sir, ako nalang ang mag-aayos ng mga gamit ninyo sa kuwarto, anang isang kasamambahay. " "Hindi ba kusenara ka? Doon ka tumuka at magluto kayo ng maraming putahi dahil darating ang mga kaibigan ko mamayang gabi at dito sila maghahapunan. Aalis ako para tingnan ang hacienda. At kailangan pagbalik ko maayos na ang silid na tutulogan ko!" anitong nakapukol ang maitim na titig sa kanya. "Makakaasa ka," tipid na sagot niya. "Hija, ayos ka lang ba?" tanong sa kanya ni aling Lilia nang makaalis ang lalake. "Okay lang po ako, huwag n'yo na ho akong alalahanin," aniyang tipid na ngumiti upang itago ang tunay niyang nararamdaman. "Aayusin ko ang bahay sa likod, senyorita, dalawa po ang silid sa loob, isa naman po sa labas, doon po kami matutulog ni Tata Semon," pahayag dito ni Sergio na ikinatuwa ng dalaga. "Maraming salamat mang Sergio." At dahil wala ang tila tigreng amo, mabilis na ini-akyat ni Sergio at maleta. Inayos nalang ng dalaga ang paglalagay ng mga gamit ni Eugene sa lalagyanan. Madali na lang sa kaniya pagkat dalawang araw pa lang bago dumating ang bagong may-ari ay naimpaki na niya ang sariling mga gamit. Inaasahan na niya iyon pero ang patirahin sila sa bahay sa likod at taliwas sa naisip niya. Napabuntong hininga ang dalaga ng mahalukat niya ang lalagyan ng brief ng lalaki. Hindi niya alam kung hahawakan ito o hahayaan nalang na ang lalaki ang maglagay niyon sa tokador, total ay personal na gamit na niya ang mga iyon. Pero naisip niya na baka magalit ang lalaki. Nakakatakot pa naman ang mga mata nitong matalim na nakakatitig sa kaniya tila ba napaka laki ng atraso niya rito. Pagdating ni Eugene ay handa na ang mga pagkain sa mahabang mesa. Dumiretso siya sa itaas upang magshower. Ihahanda niya ang sarili para sa pagdating ng mga kaibigan. Pikit ang mga mata ni Danna habang hawak ang isang panloob na saplot ni Eugene. Dama niya ang pamumula ng magkabila niyang pisngi dahil doon. Oo hindi lang isa, dalawa o tatlo ang nakita niyang saluwal sa edad niyang bente-singko, pero ni minsan ay hindi pa siya nakakahawak noon. Ang papa naman niya'y hindi burara at alam ilagay sa tamang lalagyan ang personal nitong mga gamit mula nang mamatay ang kanyang mama. At isa pa, ang mayordoma nilang si aling Delia ang naglilinis ng silid ni Don Feliciano. "Bakit hindi ka pa tapos riyan?" Puna ng lalaki sa malakas na boses. Sa subrang pagkagulat niya ay nabitawan niya ang hawak-hawak na saluwal. Saktong naihagis niya iyon sa trash basket na lalong nagpainit sa ulo ni Eugene. "Hoy! Babae, kung may pagnanasa ka sa katawan ko, mangarap ka dahil kahit ikaw pa ang natitirang babae sa mundo ay hindi kita papatulan! Pulutin mo ang brief ko at labhan mo!" anito ang mga mata ay matalim ang pagkakatitig sa kanya. Ang totoo ay naiwang nakabukas ang pinto kung kaya't ilang minuto rin ito pinagmamasdan ni Eugene. Tila nawiwili pa itong pagmasdan ang kainusentihan ng dalaga pero hindi ito dapat magpadala sa kakatwang damdaming pinupukaw ng babae. Hindi puwede!Alas- otso na ng gabi nang dumating ang mga kaibigan ni Eugene. Binalaan pa siya nito na huwag lumabas ng kusina na ipinagtaka naman niya. Malulutong na halakhak ang naririnig ng mga kasambahay mula sa malaking living room. Marahil ay nagkakatuwaan ang mga ito."Senyorita, ayos ka lang ba?" nag-aalalang tanong ng isa sa mga kasambahay."Oo naman po," tipid niyang sagot ngumiti siya upang ipakita na wala itong dapat na ikabahala."Hindi ko matantiya ang ugali mayroon ang bagong may-ari nitong mansiyon," ani Belen."Sa nakikita ko magiging maayos ang lahat huwag lang natin siyang suwain." si Aling Lilia na tumingin sa mga kasamahan."Ang guwapo ng mga kaibigan ni senyorito Eugene. Halos ayoko na ngang pumikit kanina, eh," nangangarap na bulalas ni Nanet ito kasi ang naghatid ng mga inumin. "Kaya siguro ayaw kang palabasin ni senyorito ay baka mapusuan ka ng mga kaibigan niya senyorita," kinikilig na dugtong ni Nanet na naging dahilan pa
NAGISING si Danna dahil sa malakas na kalampag ng pinto. Ayaw pa sana niyang bumangon pagkat naiidlip pa ang diwa niya. Pakiramdam din niya'y binugbog ang buong katawan niya sa subrang pananakit at pamimigat sanhi ng mahabang trabahong ipinagawa sa kanya ng bagong may ari ng mansyon. Isa pa'y hindi niya nakasanayan ang mga gawaing bahay higit sa lahat ay ang magpuyat. Muntik pang mahulog mula sa maliit na kama si Danna sa labis na pagkagulat nang muling kumatok ng malakas ang nasa labas. Tila walang pakialam kahit masira pa ang pinto. "Sandali," pupungas-pungas na sagot niya. Mabilis niyang isinuot ang tsenelas upang pagbuksan ang pangahas na gumambala sa malalim niyang tulog. "What are yo—nabitin sa ere ang anomang nais sambitin ng dila nang bumungad sa pinto ang babaeng kanina pa gustong tirisin. Napatda si Eugene habang
"Danna?!"Malakas na tawag ni Nube sa pangalan ng dalaga na ikinalingon niya. Itinigil nito ang sasakyan sa tapat niya pagkatapos ay mabilis na bumaba mula roon."Danna, bakit ka naglalakad? Nasaan si Semon? Bakit hindi ka nagpahatid? Nasaan ang kotse mo?" sunod-sunod ang mga tanong nito sa kanya."Kailan ka dumating?" Sa halip ay tugon niya na natutuwang niyakap ang kaibigan na ilang buwan din niyang hindi nakita."Kumusta ka na?""Huwag mong sagutin ng tanong ang tanong ko, Danna." Nasa kislap ng mga mata nito ang pag-aalala."G-gusto ko lang maglakad," naging mailap ang mga matang aniya na kinakunot noo ng lalake.Ang totoo'y walang kahit anumang natira sa kanya. Ayaw niyang magsinungaling sa kaibigan pero hindi niya gustong kaawaan siya nito."Are you okay?"Bumalik ito kaagad ng bansa nang mabalitaan ang nangyari sa Don . Masyado kasi itong naging abala sa pag-aasikaso ng mga negosy
Umalingawngaw ang boses ni Eugene sa buong kabahayan mula sa ikalawang palapag ng mansyon. Galit ang tinig nito habang tinatawag ang pangalan niya. Naramdaman na naman niya ang biglaang pagsipa ng kaba sa dibdib niya. Ano na naman kaya ang nagawa niyang pagkakamali? Hindi pa man niya ito nakikita ay raramdaman na niya ang galit nito. Ano na naman kaya kinakagalit ng lalake? Magalang na nagpaalam si Danna sa kanyang yaya upang puntahan ang tola tigreng lalake. Hindi na niya hinintay na makasagot ang may edad na babae bagkus ay kaagad na siyang nagtungo sa kinaroroonan ni Eugene. "Hija?!" tawag ng yaya Ging niya ngunit hindi na niya ito nilingon sa halip ay nagtutuloy-tuloy na siya sa ikalawang palapag. Hindi na lingid sa kaalaman ng mayordoma ang tungkol sa lalake sapagkat naikuwento na rito ng mga kasambahay ang tungkol dit
"Hindi yata kayo masayang makita ako ah." si Nube na napakamot ng sariling batok. "Ikaw bata ka bakit ngayon ka lang nadalaw dito?" Malapad ang mga ngiting ani aling Lilia na tila hindi makapaniwala. Lumapit dito si Nube at nagmano sa may edad na babae. Ugali na kasi nito iyon bilang paglalambing upang huwag na itong kuwentsiyonin ng ali. Isa pa'y parang ina na rin ang turing nito kay aling Lilia at sa personal na yaya ni Danna. "Hindi mo ba ako babatiin man lang Net?" may simpatikong ngiting ani Nube sa dalagang tahimik lang na nakamasid. "H-huh? Ah- eh, hello po senyorito, Nube. K-kumusta ho kayo?" nauutal pang wika ng dalaga. "Ayos la
"I want you to clean my room, aling Lilia," aniya nang makitang naglilinis sa malawak na sala ang isa sa mga kasambahay sa mansyon."S-senyorito? Ako po ba ang maglilinis ng inyong silid?" hindi makapaniwalang tanong nito na tinuro ang sarili."May ibang tao pa ba rito bukod sa ating dalawa?" walang ekspresyon ang mukhang saad ni Eugene."Ah, oho. Ngayon din senyorito," anang may edad na babae na nagmamadaling umakyat sa ikalawang palapag ng mansyon.Natutuwa ito at hindi na inutusan ng binatang amo ang kanilang senyorita Danna na maglinis ng silid nito. Hindi na rin masungit ang hitsura nito ngayon kumpara sa nakaraang mga araw. Kung sa bagay ay pinakikitunguhan naman sila ng maayos ni Eugene at sa katunayan ay mabait ito sa kanila at sa mga trabahador sa hacienda maliban na lamang kay Danna na tila noon pa man ay may galit na ito sa kanilang mabait na senyorita.Tinanggal ni Eugene sa trabaho si Nube biglang tagapangas
NANLUMONG pinagmasdan ni Danna ang kabuuan ng kuwadra. Sa dami at laki ng silid pahingaan ng mga kabayo ay hindi siya makaapuhap ng tamang sagot kung saan magsisimula. Kung paliliguan ba ang mga kabayo o lilinisin ang sahig? Napangiwi pa siya nang biglang dumumi ang dalawang kabayo. Sa dinami-rami ba naman ng maaaring ipagawa sa kanya ng guwapo pero antipatikong lalaki ay ang paglilinis pa ng silid ng mga kabayo. Kaya niyang gawin lahat ng trabaho puwera na lamang sa paglilinis ng kuwadra. Nasubukan na rin niyang magpaligo ng kabayo kaya alam na niya kung paano pero ang linisin ang buong stable? Hindi siya maarte tulad ng ibang anak ng mga mayayaman, but that was before, ngayon ay mahirap pa siya sa naghihikaos na kalahi ni Jerry masuwerte lang siya dahil walang T
"NUBE, sige na umalis ka na!" ani Danna upang huwag nang magkainitan pa ang dalawang lalaki. Ayaw niyang magbasagan ito ng mukha ng dahil sa kanya."You're coming with me Danna. Hindi ko maaatim na tumira ka kasama ng lalaking iyan!" May galit sa tono ng boses nito.Ngumisi lamang ng nakakaloko si Eugene saka hinigpitan ang pagkakahawak sa pulsuhan niya. " She'll stay here with me, right Danna? " She looked at her at that looks makes her heart jolted inside her chest.Nagsusumamo ang kislap ng mga mata nito. Gusto ba talaga nito na manatili siya ng mansyon?"Let's go, Danna." Tinangkang hawakan ni Nube ang kamay niya ngunit pumiksi siya."Sige na Nube,"Mali man ang damdaming namamahay sa dibdib niya ay nais pa rin niyang makatiyak. Gusto rin niyang malaman kung ano ang dahilan at bakit ito galit sa kaniya gayon wala naman siyang ginagawang masama dito. Sa kabila ng pagpapahirap nito kaniya ay nangingibabaw pa