Phillian wasn't sure if nature rooted for this moment or if his mind tricked him into a perfect present, but every breath he took smelt like vanilla. She smelt like vanilla he couldn't stop himself from closing his eyes and submitting to her. Caty just suddenly kissed him and he couldn't decide what to do. For the first time since he'd known himself, he was crossed between keeping his sanity by pushing her away and responding to her sweet, sensual kiss. Why did she do that, anyway? She surprised him. Ni wala itong pasabi. Nahinto siya sa pag-iisip nang maramdaman ang mga kamay ni Caty sa magkabila niyang mga balikat. She was gripping them. And then, she moved closer to hug him. Now her arms curled around his neck, and her chest touched his
Makalipas ang dalawampung minutong paglalakad ay narating nila ang silong kung saan inabutan nila ang mga tauhan ni Phillian na tulong-tulong na hinihila ang mga pump boats patungo sa dagat. Apat ang papalaot sa hapong iyon, samantalang ang dalawang bangka ay kasalukuyan pa ring inaayos at nasa loob ng silong.Sa dami ng tao ay hindi mahanap ni Calley kung saan naroon si Phillian. Kabadong-kabado siya at hindi niya alam kung ano ang sasabihin dito kapag nagkita sila.Pwede kaya siyang magpatay-malisya na lang at magpanggap na walang nangyari?"Mahal!"Nag-angat siya ng tingin at nakita si Ambong na nakangiting sumalubong sa kanila. Nilingon siya ni Nelly at kinuha mula sa kaniya ang haw
Bigla siyang napamulat at napatingala nang mapagtantong ito ang humila sa kaniya. Well, sino pa nga ba?Namangha siya at hindi kaagad nakapagsalita nang ang sunod niyang napagtanto ay ini-sandal siya nito sa pader ng silong, at parehong mga kamay niya ngayon ay hawak-hawak na nito.And he stood there in front of her, so close she could smell his manly scent.Phillian's blue eyes bored into hers, and his warm breath fanned on her face. Pinigilan niya ang sariling pumikit sa halinang nararamdaman sa pagkakalapit nilang iyon.She swallowed hard, biglang may kung anong humahalukay sa kaniyang puson. Malakas naman at malamig ang panghapong hangin pero bakit bigla siyang nakaramdam ng init?
"Maraming salamat talaga, Doc Caty. Ang laking tulong ng ginawa ninyo kagabi sa amin," ani Minda na sinadyang dumiretso roon sa silong upang personal na magpasalamat kay Phillian. At nang makita nitong naroon din si Caty ay napatayo pa ito at hindi magkandaugaga sa pagpasalamat. "Kung hindi sa gamot na nireseta ni Doc Caty ay baka hindi kami nakatulog na mag-asawa kagabi, at baka naubusan ng lakas si Maricel sa labis na pagsusuka. Hinang-hina na ang anak namin kagabi, eh, kaya nagpasiya na kaming dalhin na sa ospital," sabi naman ni Boy na kay payapa na ng mukha ngayon kompara kagabi. Nakaupo na ang mga ito sa mahabang silya sa loob ng silong, at kalong-kalong ni Boy ang anak na maayos na ang pakiramdam ngayon. Hindi na namumutla tulad kagabi. "Kung hindi siya kaagad naka
"Morning, Nelly," bati ni Calley nang bumaba siya sa kusina nang sumunod na umaga. She was smiling from ear to ear, and Nelly, who was sipping her coffee at the kitchen nook, noticed that. "Ano'ng meron, ha, Caty...?" Nelly narrowed her eyes in suspicion. "What do you mean?" patay-malisya niyang sagot bago tinungo ang cupboard upang kumuha ng tasa. She then walked back to the table and pulled out a chair. "'Yang ngiti mo na 'yan. Ano 'yan, ha?" Her smile widened as
Fiesta sa bayan ng Contreras nang sumunod na araw at tulad ng nakagawian ay pinagpahinga muna ni Phillian ang mga tauhan para makasama ang pamilya sa okasyong iyon. Kahit si Nelly ay nakalaya sa beach house sa araw na iyon, at maaga pa lang ay nagpaalam nang aalis para makipagkita kay Ambong. "Sa bayan ka lang pupunta, Madam Nelly," ani Phillian nang pagbuksan si Nelly at makita ang suot nito. Nelly was wearing a long beach dress na kulay pula at manipis ang strap. Sa kamay nito ay rattan-made bag at sa ulo ay malaking beach hat. Mayroon pa itong hawak na malaking sunglasses. Pormang-porma. Humakbang si Phillian pabalik sa kama at padapang ibinagsak ang sarili roon. It was already seven in the morning but he wa
Mangha si Calley sa dami ng tao sa bayan ng Contreras. Hindi niya akalaing ganoon ka-raming mga bisita ang pupunta roon upang ipagdiwang ang piyesta ng Immaculada Concepcion na ayon kay Phillian ay siyang santo sa bayang iyon. Ang bayan ng Contreras ay maliit lang at malapit din sa dagat. Ang center niyon ay ang parish church. Nasa kanang bahagi ng simbahan ang malawak na sports field habang ang nasa kaliwa ay ang parking area. Nasa harapan naman niyon ang plaza, at sa likod ng plaza naroon ang malaking wet market. Sa paligid niyon ay maraming magkakatabing mga tindahan ng gulay, karne, munting mga groceries stores, at ibang uri pa ng mga paninda. At dahil fiesta sa araw na iyon ay nagkalat ang mga local food stalls. Mara
"Bakit dito tayo pumunta imbes na umuwi na sa beach house?" tanong ni Calley nang doon sila sa silong dumiretso matapos manggaling sa bayan. Buong araw ay nasa bayan sila ni Phillian at nag-ikot-ikot kasama ang iba pang mga turista. They went to every food stalls and tasted their products. They strolled every art shops, clothing stalls, and even the fish market where she was introduced to many types of seafoods. Matapos nilang ikutin ang bayan ay nagtungo sila sa simbahan. She wasn't the religious type, but Phillian was. At pumunta sila roon upang maipag-sindi nito ng kandila ang namayapang mga magulang. And he meant not only the man who adopted and gave him a name,