Chapter 157Paglipas ng limang araw ay dumating na ang araw bago ang aming kasal. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko—parang halo-halo na ang excitement at kaba. Habang tinitingnan ko ang mga nakahandang dekorasyon sa mansyon, hindi ko maiwasang mapaisip kung paano kami nakarating sa puntong ito.Ang mansyon ay puno ng abala. May mga kasambahay na nag-aayos ng mga bulaklak, mga caterer na naghahanda ng pagkain, at mga tumutulong sa pag-set up ng altar sa garden. Lahat ng ito ay parang panaginip, pero totoo.Habang nakaupo ako sa gilid ng bintana ng kwarto, napatigil ako sa pagmumuni-muni nang kumatok si Jammie."Pwede ba akong pumasok?" tanong niya mula sa labas.Napangiti ako kahit na medyo kinakabahan. "Oo naman."Pagpasok niya, dala niya ang isang maliit na kahon. "Naisip ko lang na bigyan ka ng isang bagay bago ang araw natin bukas," sabi niya habang iniabot sa akin ang kahon.Agad akong kinabahan habang binubuksan ang kahon. Sa loob nito ay isang simpleng bracelet na may na
Chapter 158 Habang naglalakad kami ni Tatay papunta sa altar, naramdaman ko ang malalim na emosyon sa kanyang mga salita. Tumigil kami sandali at tinignan ko siya ng mabuti. "Alam mo anak, kung nabubuhay pa ang iyong ina, sigurado akong masayang-masaya ito ngayon," sabi ng Tatay ko, ang mga mata niya ay puno ng pagmamahal at kalungkutan. Pinipigilan kong mapaiyak. Alam ko kung gaano siya kasakit mula nang pumanaw ang aking ina, at kahit na may saya sa aking puso, may lungkot din na nararamdaman ko para sa kanya. "Oo, Tatay," sagot ko, ang tinig ko ay maluha-luha. "Alam ko po na proud siya sa akin ngayon." Bumuntong-hininga siya at nagpatuloy. "Wala na siya, pero alam ko na masaya siya para sa'yo. Lalo na ngayon na si Jammie ang kasama mo, siya ang lalaking deserving sa pagmamahal mo." Napangiti ako, kahit na ang puso ko ay naglalaban sa saya at lungkot. "Salamat po, Tatay. Hindi ko po kayang ipaliwanag kung gaano ko kayo kamahal at kung gaano ko na-appreciate ang lahat ng sakrip
Matapos ang aming unang halik bilang mag-asawa, naramdaman ko ang kamay ni Jammie na mahigpit na humawak sa akin. Sa bawat palakpak ng mga bisita, sa bawat hiyawan ng pagbati, naramdaman ko ang init ng pagmamahal ng lahat ng taong mahalaga sa amin.Pagkatapos ng seremonya, kami ni Jammie ay naglakad patungo sa hardin ng mansyon kung saan naghihintay ang aming reception. Ang lugar ay napakaganda—punong-puno ng puting bulaklak, kristal na dekorasyon, at liwanag ng mga nakasabit na ilaw na nagbibigay ng mala-fairy tale na ambiance. Ang lahat ng ito ay pinlano nang may pagmamahal, at alam kong naging posible ito dahil sa suporta ng aming pamilya.Habang papunta kami sa gitna ng venue, masayang sinalubong kami ng aming mga pamilya at kaibigan. Ang mga kambal, sina John at Jenny, ay tumakbo palapit sa amin."Mommy, Daddy! Ang ganda-ganda niyo po! Parang prince at princess!" sabi ni Jenny, na hindi maitago ang saya."Ang gwapo mo, Dad! Pero si Mommy ang pinakamaganda sa lahat," dagdag ni Joh
Chapter 160 Habang hawak ko ang pinakamaliit na kahon, magkasama kaming tumingin ni Jammie sa aming mga magulang, na may ngiti sa kanilang mga labi. "Ang sabi nila, ang pinakamaliit daw ang may pinakamatamis na sorpresa," biro ni Jammie habang dahan-dahan niyang binubuksan ang kahon. Nang mabuksan na ito, tumambad sa amin ang isang pares ng simpleng gintong bracelet na may nakaukit na "Forever Together." Agad akong napatingin kay Mommy Heart at Daddy Brandon. "Napakaganda nito, Mommy, Daddy!" sabi ko habang hawak ang bracelet. Tumayo si Mommy Heart at lumapit sa amin. "Ang bracelet na 'yan ay simbolo ng pagsasama ninyong dalawa. Kahit anong hamon ang dumating, tandaan niyo na magkasama kayong haharapin ito," sabi niya sa amin. Napuno ng init ang puso ko habang isinusuot ni Jammie ang bracelet sa pulso ko. "Salamat po, Mommy, Daddy. Napakahalaga po nito sa amin," tugon ko dito. Ngumiti si Daddy Brandon at nagbiro, "Walang atrasan, ha. Kasi wala nang palitan 'yan!" nito niya sa
Chapter 161Jammie POVHabang pinagmamasdan ko si Kiera na nakangiti habang hawak ang isang regalo mula sa tatay niya, napansin ko kung gaano siya kasaya. Hindi lang ito dahil sa mga materyal na bagay na natanggap namin ngayong araw, kundi dahil sa pagmamahal at suporta ng mga mahal namin sa buhay."Ang ganda mo, mahal," bulong ko sa kanya habang nakatingin siya sa regalo ng kanyang ama.Tumingin siya sa akin, medyo nahihiya ngunit napangiti. "Mahal, bakit ka ba ganyan makatingin? Parang ikaw ang natanggap kong pinakamagandang regalo ngayon."Napangiti ako sa sinabi niya. Totoo naman kasi. Sa dami ng pinagdaanan namin, siya ang naging sentro ng lakas ko. Si Kiera, ang babaeng nagbago ng buhay ko.Habang binubuksan namin ang iba pang regalo, napansin ko ang kambal na masaya sa kanilang mga laruan na natanggap. Si John, abala sa kanyang bagong laruan, habang si Jenny ay hindi mapigilang ikuwento ang bawat regalong binubuksan."Dad, tingnan mo! Ang cute ng dress na ito! Ang sabi ni Tita
Chapter 162Paglabas namin ng bahay, hinatid kami ng buong pamilya hanggang sa sasakyan. Habang papalayo kami, tanaw ko pa rin ang mga ngiti nila Mommy Heart, Daddy Brandon, at Tatay Tonyo, na tila nagsasabing nasa tamang landas kami.Sa sasakyan, hawak-hawak ko ang kamay ni Kiera. "Excited ka na ba?" tanong ko sa kanya habang nakangiti.Tumango siya, at sa mga mata niya ay nakita ko ang saya at pagmamahal na dala ng lahat ng nangyari ngayong araw. "Oo, Jammie. Ito na siguro ang pinakaespesyal na simula ng ating buhay."Alas-siyete ng gabi, habang kami'y sakay ng eroplano papunta sa Hawaii, hindi ko mapigilang isipin ang lahat ng nangyari. Sa bawat sandali, mas tumitibay ang pagmamahal ko kay Kiera. At alam kong ito ang umpisa ng mas maraming magagandang alaala na magkasama naming bubuuin.Habang nasa eroplano, napatingin ako kay Kiera na nakaupo sa tabi ko, ang mukha niya'y puno ng saya at excitement. Hawak niya ang ticket na ibinigay ni Emer kanina, at parang hindi pa rin siya makap
Chapter 163 Nagpahinga kami ng maaga upang makapag-recharge pagkatapos ng mahabang araw ng kasal, biyaheng papuntang Hawaii, at mga paghahanda. Alam ko na kailangan namin ang lakas para sa susunod na araw, kaya hindi muna namin pinag-usapan ang mga personal na bagay tungkol sa aming unang gabi bilang mag-asawa. Sa halip, nag-focus kami sa pag-papahinga, kasama na ang pagninilay-nilay sa lahat ng mga magagandang nangyari. Habang nakahiga, nararamdaman ko ang init ng katawan ni Kiera sa tabi ko. Hindi kami nagmamadali, at ang bawat sandali ay puno ng tamis ng pagmamahal. Kasabay ng malalalim na hininga, natulog kami nang mahimbing, na may mga pangarap na nag-aantay sa amin kinabukasan. Walang alalahanin, walang pagdududa—ang lahat ng nararamdaman ko sa mga sandaling iyon ay ang kaligayahan at pasasalamat na magkasama kami, nag-uumpisa ng bagong buhay bilang mag-asawa. Kinaumagahan, nagising kami ng maaga dahil sa kasiyahan at excitement para sa unang araw namin bilang mag-asawa.
Chapter 164Pagkatapos naming mag-usap tungkol sa aming mga plano at pangarap, unti-unting bumalot ang katahimikan sa aming kwarto. Sa kabila ng pagod mula sa mahabang araw, ang init ng aming mga damdamin ay nanatili. Tinitigan ko si Kiera habang nakahiga siya sa tabi ko—ang kanyang mga mata ay puno ng pagmamahal, at ang kanyang mga labi ay tila naghihintay ng isang malambing na halik. “Kiera,” bulong ko, habang marahan kong hinaplos ang kanyang pisngi. “Gusto kong iparamdam sa’yo kung gaano kita kamahal.” Napangiti siya at dahan-dahang lumapit sa akin. "Jammie, nararamdaman ko iyon araw-araw. Pero mas gusto kong maramdaman iyon ngayon, dito, at ngayon lang." Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Hinalikan ko siya nang malambing—mabagal, puno ng damdamin, at tila bawat galaw ay sumisigaw ng pagmamahal. Nararamdaman ko ang lalim ng aming koneksyon habang lalong nagiging mas malalim ang aming halik. Ang kanyang mga kamay ay dahan-dahang bumalot sa aking batok, habang ang akin ay humaw
Chapter 286Janeth POV"Shit! Ang sakit ng ulo ko..." Napaungol ako habang marahang hinawakan ang aking noo. Ngunit natigilan ako nang mapansin kong hindi ito ang kwarto ko. Napabangon ako at napatingin sa paligid, nagtataka.Napako ang tingin ko sa isang picture frame."Shit! Shit! Bakit ako nandito sa kwarto ni boss?" Mabilis akong bumangon, sinikap kong hindi gumawa ng ingay habang dahan-dahang binuksan ang pinto. Ngunit halos mabangga ko si boss nang bigla siyang lumitaw sa harapan ko, nakakunot ang noo.Napalunok ako at pilit na ngumiti. "Hehehe… G-good morning, boss!""Follow me to the library.""Y-yes, boss..."Kinakabahan akong sumunod sa kanya. Ang daming tumatakbo sa isip ko—baka may nagawa akong mali? Baka tanggalin niya ako sa trabaho? Wag naman sana, Lord!Nang makarating ako sa harap ng library, nanlalamig na ang kamay ko sa kaba. Wala akong choice kundi kumatok.Tok! Tok! Tok!"Come in."Dahan-dahan akong pumasok at agad na nagmakaawa. "B-boss, kung ano man ang kasalana
Chapter 285Jayson POVNasa hapag-kainan na kami, buti na lang at sumunod si Janeth kahit pasuray-suray ang lakad niya. Hindi ko akalain na ganito siya kapag nalasing—napakatapang! Isang suntok lang at napatulog niya ang isang Mafia boss. Napasulyap ako kay Dark na hanggang ngayon ay pinapaypayan pa, habang si Light naman ay halatang natutuwa sa sitwasyon.Biglang sumulpot si Janeth sa tabi ko, nakangiti at namumungay ang mga mata."Hoy ikaw, boss! May girlfriend ka na ba o asawa? Kung wala, mag-a-apply ako bilang asawa mo! Hehehe!"Nagkakamot ako ng batok at pilit siyang pinakalma."Janeth, lasing ka lang.""No! Hindi ako lasing—hek! Baka ikaw ang lasing, boss! Hek!"Tapos bigla siyang lumingon kay Mommy, napatitig dito, at ngumiti nang matamis."Wow! Ang ganda nyo naman ho! Hek! May secret akong sasabihin sa inyo, Ma’am! Hek!"Lumapit siya kay Mommy at bumulong, pero sapat na para marinig naming lahat."Alam nyo ba, kung babae lang si boss, kanina ko pa siya ginahasa! Hahahaha!"Nan
Chapter 284Chapter 10Light POVHindi ko mapigilan ang matawa sa mga pinaggagawa ni Janeth. Ang babae talagang ito, lasing na lasing pero tila may kakaibang enerhiya pa rin!By the way, ako nga pala si Light. Isa akong simpleng negosyante, hindi katulad ng kambal kong si Dark na isang malupit na Mafia. Ayaw ko ng gulo sa buhay, kaya pinili kong manatili sa mas tahimik na mundo ng negosyo. Pero ngayong nakikita ko si Sky—o si Janeth—mas nakakatakot siya kaysa kay Dark! Hindi maikakaila na may dugong maharlika siyang dumadaloy sa kanyang ugat, kahit hindi niya ito alam."Huhuhu... Asan na ang kwintas ko?" mahina niyang hikbi habang nakaupo sa sahig na parang batang inagawan ng kendi.Pumasok si Dark sa kusina at pagbalik niya, may hawak na bote ng alak na halos ubos na. Pero imbes na sa bote mapatingin si Janeth, nanlaki ang mga mata niya nang mapansin ang kwintas sa leeg ni Dark."Hoy! Ibalik mo ang kwintas ko!" sigaw niya habang pasuray-suray na tumayo.Napataas ang kilay ni Dark at
Chapter 283Jayson POVFuck, kinikilig ako. Ang sarap sa pandinig ng boses niya, lalo na nung sinabi niyang—"Oy... kinilig ang my loves ko. Halika nga, kiss kita!"Bigla akong nang-init sa sinabi niya at napatingin ako sa labi niya.Pero bigla siyang tumawa. "Hehehe, joke lang! Sige na, alis ka na para makabalik ka agad."Tanging tango lang ang sagot ko. Pero kahit naglakad na ako papalayo, hindi ko pa rin mapigilan ang ngiti ko. Hanggang sa makapasok ako sa loob ng bahay, nakangiti pa rin ako. Kung hindi lang tumikhim si Mommy, hindi ko malalaman na may kasama pala kami sa loob."Tsk… ang saya mo ata ngayon, Jay," puna ni Dark."Siyempre, may bagong inspiration," sagot ni Light.Bago pa ako makasagot, nagsalita na si Mommy. "By the way, kaya kita pinatawag, anak, dahil may nais silang itanong sa'yo.""Ano ho iyon, Tita, Tito?" tanong ko."Tungkol sa girlfriend mo," sagot ni Tito.Bigla akong nagseryoso. "Ah, bakit ho? Ano pong gusto n'yong itanong?""Pwede ba naming malaman kung sin
Chapter 282Chapter 8Janeth’s POVNasa sala kami ngayon, at hindi ko mapigilan ang paghanga sa paligid. Ang laki ng bahay at punong-puno ng mamahaling gamit. Para akong nasa isang eksena sa pelikula. Dahil sa sobrang pagka-mangha ko, hindi ko napansin na may mga bisita pala. Agad akong umayos at nagbigay galang sa kanila."Magandang hapon po," bati ko sabay yuko. Nginitian ko ang lahat ng bisita, ngunit natigilan ako nang mapansin ang isang ginang na titig na titig sa akin. Kasama niya ang isang lalaking halos kaedad ni Boss at isang matandang lalaki."Ahemmmm… June, si Janeth pala, girlfriend ni Jayson," biglang sabi ni Mama. "Janeth, iha, sila si June, Jake, at ang dalawang lalaking ‘yan sina Light at Dark."Napakunot ang noo ko. "Wow, ang galing naman! Kambal siguro kayo, kaya Light at Dark? Siguro may kapatid din kayo na Sky at Wind, hehehe… sorry po," pabiro kong sabi.Biglang nagpalitan ng tingin ang pamilya bago nagsalita ang ginang. "Actually, iha, mayroon. Pero si Sky ay naw
Chapter 281 Jayson POV "Yes, she is my fiancée." Kitang-kita ko ang pagkunot ng noo ni Melissa. Halatang hindi siya makapaniwala, kaya bago pa siya makapagsalita, agad kong sinubuan ng pusit si Janeth. Napasingkit ang mga mata niya sa akin, halatang gulat na gulat. "What?! Are you kidding me?" singhal ni Melissa, bakas ang inis sa mukha niya. Umiling ako at ngumiti nang bahagya. "No… Actually, buntis na siya." Halos mabilaukan si Melissa sa narinig. Agad niyang dinampot ang kanyang cellphone at tumawag. "Hello, Tita? Yes, hindi na po matutuloy ang kasal namin ni Jayson. May nabuntis na siya." Matalim ang tingin niya sa akin habang nagsasalita. "Yes, Tita. Oh, ito kausapin mo siya. Ang mama niya mismo ang nagsabi." Nanlaki ang mata ko. "What?!" "Anong ‘what’?! Kausapin mo si Tita!" mataray niyang sagot sabay abot ng phone sa akin. Napakamot ako ng ulo pero wala akong choice kundi sagutin. "Hello, Ma?" "Jayson Hanson! Totoo bang may buntis ka na?! Umuwi kayong dalawa ngayon n
Chapter 280 Janeth POV Napatawa ako sa pumasok ng ideya ko kanina.Kitang kita ko sa mga mata ni Malissa ang inis at galit sa aking sina na fiance ko ang boss ko kaya umalis na ito. Pero lumaki ang aking mga mata ng pagka-bigla ng sinubuan ako ng Malaki g pusit sa aking bibig. Napalunok ako nang maramdaman kong dumadaloy ang katas ng pusit sa aking labi. Ano bang trip ni boss at bigla akong sinubuan? Napatingin ako sa kanya, ngunit kalmado lang ang expression niya, para bang hindi siya nagsisinungaling. Doon ko lang napansin na bumalik pala si Miss Harina—ay este, Melissa—ay nanlilisik ang mga mata, halatang hindi makapaniwala. "Why you come back?" tanong ni Jayson dito. "Dahil hindi ako maniniwala na siya ang ipalit mo sa akin isang- isang babaeng gold digger," galit niyang sabi kaya nanglilisik ang aking mata habang ang bibig ko ay puno pa din ng pusit gusto ko magsalita pero nababarahan ng pusit sinubo ni Jayson sa akin. "Alin ang hindi makapaniwala, yung siya ang fiance ko?
Chapter 279Jayson POVPaglabas namin ng conference room, agad kong inaya si Janeth na sumama sa akin sa isang meeting. Hindi lang dahil kailangan, kundi dahil gusto ko siyang dalhin—lalo na’t alam kong malandi ang taong makakasalamuha namin. Kilala niya ito, kaya gusto kong makita kung paano siya magre-react."Tayo na," sabi ko."Yes, Boss," sagot niya, sabay lakad papunta sa elevator.Pagdating namin sa ground floor, dumiretso kami sa parking area. Naghihintay na roon si Mang Tado, ang aming driver."Magandang hapon, Sir," bati niya. Tumango lang ako bilang sagot."Magandang hapon din, Ma’am," bati niya kay Janeth.Ngumiti si Janeth. "Magandang hapon din po, Mang Tado. Pero huwag niyo na po akong tawaging ‘Ma’am.’ Jan na lang po.""Ay, kung ‘yan ang gusto mo," sagot ni Mang Tado.Habang nasa daan, biglang nagsalita si Janeth. "Mang Tado, pwede po bang huminto saglit sa may kanto? May bibilhin lang ako.""Walang problema, iha," sagot ng matanda.Nilingon ko siya. "Ano naman ang bibil
Chapter 278 Janeth POVNakangiti ako habang sinimulan kong ikuwento ang aming love story."Makinig kayo mabuti. Uumpisahan ko sa company ng Dad ninyo, kung saan naging secretary niya ako—at secret admirer niya rin," sabi ko na may ngiti sa labi."Eyyy… kinilig si Dad!" tukso ng mga anak namin kay Jayson, na napailing lang habang nakangiti.---FlashbackSa wakas! Dumating na rin ang order ng "My Loves" ko! Hehehe. Masaya akong kumatok ng tatlong beses sa pinto bago pumasok sa loob ng opisina niya."Boss, andito na ho ang dinner natin," anunsyo ko.Hindi siya agad tumingin pero tumango siya. "Sige, paki-prepare na lang sa table."Agad akong lumapit sa maliit na dining area sa loob ng opisina niya at inihanda ang pagkain. Napanganga ako nang makita ang mga ulam—lahat ng paborito ko! May adobo, sinigang, at lalo na ang bagoong na may taba ng baboy at sili. Napa-lunok ako ng laway. Mukhang marami akong makakain nito!Nang handa na ang pagkain, agad siyang umupo at akmang susubo na, pero