Share

CHAPTER 3: BOTH ARE BETRAYED

Naghihintay lang si Harry na ma-settle ang bills so he can go back to the club. Nakaalis na ang kanyang mga kliyente at hinintay na lang niyang i-settle ang kanyang bills. Biglang napailing si Harry ng unti-unting umikot ang kanyang patingin. Nakita pa niyang papalapit sa kanya ang sekretarya niya.

Inalalayan ng hotel staff ang CEO. Sumunod rito si Rebecca. Ipinasok sa loob ng Room 102 si Harry. Nakasabay nila ang lalaking ngumiti pa kay Becky. Sabay silang pumasok sa kani-kanilang mga kuwarto.

Inihiga na ang walang malay na CEO sa mabangong kama.

“Iwan mo muna si Sir Harry diyan. Pumunta ka muna dito sa opisina,” utos ng boses sa kabilang linya.

“Hintayin mo lang ako dito, my dear Harry. Sisiguraduhin kong hindi mo pagsisisihan ang araw na ito. I assure to bring you not just in Cloud 9 but in heaven,” bulong ni Becky. Dinampian ng halik ang lalaki.

Matagal ng plano ni Becky ang araw na iyon. Kailangan lang niyang bumalik muna saglit sa opisina dahil may nakalimutang papeles si Harry na kailangang iuwi sa bahay. Kasalanan rin niya dahil nakalimutan niya itong dalhin. Hindi niya puwedeng ipakisuyo iyon sa courier dahil confidential ang mga papers na iyon.

Ngunit na-traffic na si Becky papunta pa lang ng Toy Factory. Napahampas siya ng side table ng makitang wala na ang boss sa kuwarto.

“OMG, nasaan na si Sir?”

Wala sa sarili si Harry pag-alis ng hotel. Naaalala niyang nasa dinner meeting siya with some businessmen ngunit naalimpungatan siya sa loob ng kuwarto. Nagmumuni-muni pa siya at nang paaalis na sana ay narinig ang pagbukas ng kuwarto.

“I am here to say yes to your proposal. Just make sure that I remain in the company and get the job. Kailangang kailangan ko po ng trabaho ngayon,” sabi ng babae.

“Who is that woman?” tanong niya sa sarili. Nagpaubaya ang babae sa kanya ng walang pakundangan kahit ang totoo ay hindi naman iyon ang first time ng babae. Halata naman niyang napilitan ang babae sa kanyang mga ginawa ngunit tumugon ng babae ng mainit na halik na nagustuhan naman niya. Dinig niya ang mahinang halinghing sa banayad na pagdikit ng kanilang mga katawan.

Hindi siya bayarang babae na marunong makipaglaro sa kama. Matapos ng ilang saglit ay tumayo ang babae at nanatili sa banyo. Dinig niya ang hikbi ng babae saka nagbukas ng shower.

Buo ang loob ni Harry na lumabas ng kuwarto. Tinungo niya ang reception area at binulungan ang isang male staff. Iniabot ang isang USB at kinindatan ang lalaki.

“Areglado, Boss!” Tumalima na ang lalaki sa utos niya.

“Sunduin mo na ako dito,” sabi niya sa kabilang linya.

Paglabas ng exit ay pumarada ang black Maserati at sumakay. Pinaharurot ito ng driver at nagmadaling lumayo sa lugar. Hindi nakatakas sa kanya ang kumalat na sex video. Pinindot niya ang numerong iyon. Seryosong kinausap ng masinsinan ang tao sa kabilang linya.

Mabilis pa sa alas kuwatro, wala na ang video. Tinitigan ni Harry ang larawan sa ID at binasa ang nakasulat na pangalan, saka siya ngumiti.

“I am your prince charming, my Cinderella.” Napalingon sa kanya ang driver at ngumiti habang hawak ang ID.

Nagkulong si Cindy sa loob ng kanyang kuwarto. Nakatikim na siya ng sermon sa kanyang ina. Tiyak na higit pa doon ang maririnig niya sa kanyang ama.

“Anong plano mo ngayon?”

“Huwag po kayong mag-alala dahil maghahanap ako ng trabaho?” Ngunit narinig nila ang malakas na tawa sa likuran nina Cindy at Cherry.

“I have a perfect job for you, Cindy. Huwag ka nang masyadong mag-abala. This one fits you well.”

“Jackson…”

“Kitang-kita ko ang kababuyan mo!” Sinabunutan siya ng lalaki at nakita niya ang matatalim nitong titig. “Nagmamalinis ka pa sa akin ha!”

Inilihim ni Cindy ang ginawang pagpasok ni Jackson sa loob ng kanyang kuwarto.

“Ano pong ginagawa ninyo dito?” tanong ng babae ng maramdaman ang paggapang ng magaspang niyang kamay sa kanyang hita. Napasigaw siya ngunit maagap na tinakpan ang kanyang bibig.

“Ha a e, akala ko ay banyo ito.” Ngunit nilapit siya nito at sumubsob sa kanyang leeg at sinamyo ang kanyang bango. “Bakit ba napakabango mo, Cindy? Sanay ay ganyan din ang iyong ina.”

“Hayup ka! Umalis ka sa loob ng kuwarto ko bago ako sumigaw! Alis! Alis!”

“Okay, fine! Aalis ako. Siguraduhin mong hindi ito malalaman ng iyong na kundi papatayin ko kita.”

Itinulak ni Cindy ang amain. Kinilabutan talaga siya sa tuwing nakikita ang lalaki. Hindi naman sinasadyang nasabi niya ito kay Aling Conchita na dati nang kapitbahay ng kanyang ina sa San Juan, Batangas.

“Hindi ka naman kasi anak ni Jackson.”

“Ano po? Hindi ko siya tunay na tatay.”

Iyon ay matagal na niyang naririnig mula sa kanyang tita ngunit hindi kinukumprima ng kanyang ina sa kanya.

“Buhay pa po ba ang tatay ko?”

“Sa tingin ko ay matanda na siya, Iha. Baka nasa 76-years old na siya ngayon.”

Kinagabihan ay mukhang good mood si Jackson na nakisalo sa kanilang hapunan.

“Sumama ka sa akin mamaya at ihahanap kita ng trabaho. Hindi puwedeng tumambay ka lang dito sa bahay. Tandaan mo na pinag-aral kita at kailangan mong tumulong dito sa bahay.”

“Anong trabaho naman iyan at bakit gabi?” tanong ni Cherry. Tinitigan niya ito ng masama.

“Wala ka bang tiwala sa akin. Relax ka lang! Malaki ang magiging sahod niya rito.”

Kaduda-duda pa lang sa kanyang salita kung anong klaseng trabaho ang papasukin ni Cindy. Pagkatapos kumain ay pinuntahan ni Jackson si Cindy na 26-years-old sa kasalukuyan.

“Mag-impake ka ng damit at sasama ka sa akin.”

“Bakit?” sabat ni Cherry.

“Mas makabubuting doon mag-stay in si Cindy. Mahihirapan siyang mag-uwian lalo na’t madaling araw ang oras ng kanyang uwian. Maaabala ako sa paghatid-sundo sa kanya. Ayoko ring mapagod ka.”

“Mama, ayokong sumama!”

“Jackson, huwag ang anak ko!”

Sampal ang inabot ni Cherry. 

“Huwag mong saktan ang Mama ko.” HUmarang si Cindy at tinitigan ng masama ang lalaki.

“Kung gayon ay sumama ka sa akin at huwag kang aarte-arte!"

Kinabahan si Cindy dahil hilera ng club ang kanyang nakikita.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status