CHAPTER TWO :
MateKinusot ko ang mga mata at bahagyang inayos ang buhok. Nagising din ang dalawa sa lakas ng pagkatok sa pinto, ngayon pa talaga nagpatong-patong ang problema!
After I opened the door, her eyes regarded me with so much guilt trip, as ridged as newly sharpen knife. I was about to express my explaination na kagabi ko pa hinahabi but she cut me off by unfolding her palm, hinihingi na ang bayad sa upa.
"Ma'am Jen, medyo gipit po talaga ngayon. . . ako na lang maghahatid sa inyo sa susunod na linggo." Sumimangot siya, a frown of disapproval.
"Hindi na talaga pwede, Pria. Dalawang buwan na kayong hindi nagbabayad, may mga anak din akong pinapakain." I gulped, linunok ang mga salitang nais ko pang bitawan. Alam niya na talaga kung paano ako patatahimikin.
"Sandali lang, Ma'am." Tumalikod ako sa kaniya at pinuntahan ang magkakapatid. "Lie, asan 'yong pera na binigay kagabi?" Agad niyang binuksan ang backpack niya at binigay agad ang pera.
"Tatlong libo ang bayarin, 'di ba? Kahit isama itong akin at kay Shan, hindi na kasya." Halata ang pagpakla ng mukha. "Tapos kulang pala 'yan! Dalawang libo lang ang binigay ni Lloyd bobo!"
Suminghap ako at nag-isip. "Ako na ang bahala makikiusap, dalawang libo muna iuuna natin."
"Naririnig kita, Pria. Hindi na ako tatanggap ng kulang!" Napatingin ako sa pintuan, saka sa kisame at napapikit. Hay, jusko naman!
Agad akong pumunta sa pinto at nakiusap pa sa kaniya, pero wala akong napala. It's just five in the morning pero ang init ng ulo ko pangtanghali na.
"Pwede po ba akong makitawag sa cellphone niyo? Tatawagan ko si Sir Lloyd."
"Wala akong load, eh."
I looked back, tinanaw ang dalawa na masamang tinitignan ang kaharap kong babae. Humarap ulit ako sa kaniya. "Pwede po ba ang sampong piso?"
"Singkwenta lang ang pwede."
"Paumanhin po, Ma'am, ano? Pwede na 'yong sampong piso, Pria," singit ni Shantal. "Hihirit pa ng singkwenta? Mukhang pera talaga." She made it into little whisper pero rinig pa rin namin sa pinto.
"Mahal kasi itong phone ko kaya mahal din ang load!" taas ni Ma'am Jen sa bagay na hawak niya.
"Anong connect?"
"'Tamo 'yang batang 'yan?! Wala talagang respeto!" turo niya kay Shan. Ako na ang himingi ng pasensya at hiniram na ang cellphone niya.
"Shan, samahan mo 'ko." Tumayo siya at sinundan ako palabas.
Habang naglalakbay kami patungo sa pinakamalapit na tindahan ay hindi pa rin siya natatapos sa pagrereklamo. "Ako pang walang respeto? Siya nga 'tong todo pataas ng upa."
"Tama na, Shantal. Hindi din tama na sinasagot ang nakatatanda." I circled my hands on her head. "Alam mo ba kung paano 'to?" Tumango siya at siya na ang kumausap na tindera.
Ilang segundo kaming tumambay sa tindahan hanggang tumunog ang cellphone, mayroon na daw load. "Ito 'yong mahal sa kaniya, huh? Keypad nga 'to!"
"Shan, 'wag na magreklamo. Tayo nga dapat magpasalamat dahil tayo 'yong pinahiram." She glaced at me with the hint of apology.
"Sorry, Pria. Alam ko din kasing andami mo ng iniisip na bayarin, natanggal ka pa sa trabaho. Ta's itong si Jen, kung makasingil kala mo isang taon hindi binayaran." She explained while busy typing something. "Si Sir Lloyd!" sabi niya bago binigay ang cellphone.
[Oh, napatawag ka? Hindi na talaga kita tatanggapin, Pria.] May halong inis sa boses niya.
"Sir, hindi po 'yon. Ahm. . . medyo kulang po 'yong binigay—"
[Anong kulang pinagsasabi mo? One thousand five hundred 'yon.]
"Dalawang linggo po dapat 'yong sahod ko. Two hundred sa isang araw kaya kulang po ng limang daan."
[Hay naku! Pasalamat ka na lang kasi. Puwede ngang hindi na kita binayaran tamad ka!]
That shutted me up. Ilang segundo akong napatahimik.
"Sir Lloyd—" Hindi ko na natapos ang sasabihin, the phone beeped twice at sabi ni Shan pinatay na raw ang tawag. I deeply sighed.
"Balik na tayo sa taas, Pria. Hindi ka na sana umasa doon." Nauna siyang maglakad at sumunod ako. "May ipon na naman ako, mga six hundred ata? 'Yon muna gamitin natin."
"That is for your cellphone. Pinag-iiponan mo 'yon."
"Pria, anong uunahin ko cellphone o matutuluyan? Ang pangit naman tignan ng taong grasa pero may cellpone, ano?" Tumawa siya at naunang pumasok sa apartment.
"Oh, anong sabi?" bungad ni Ma'am Jen.
"Sandali lang po." Pumasok ako sa loob at una kong nakita si Lei na tapos ng makaligo, mabilis siyang kumilos. Maaga ang pasok niya ngayon, pati si Shan. Eight pa ang akin.
"Eto, oh!" abot ni Shantal sa akin ng pera. "Eight hundred na pala," Medyo nabawasan ang iniisip ko sa sinabi niya. May naitago din naman akong pera, makakabayad na kami.
"Tatlong libo na po 'yan, Ma'am Jen." Binigay ko na sa kaniya at sinabing mag-aasikaso na kami para pumasok.
Pero bago ko pa masara ang pinto, may nagmamadaling tumakbo palapit sa amin. "Paload ako Ma'am Jen, ninety-nine pesos." Nanliit ang mga mata ko sa narinig.
Napapaload siya? Akala ko ba wala siyang load!
"Wait lang." Huling linya niya saka umalis.
"Shan, nagpapaload si Ma'am Jen?"
Nanlalaki ang mga matang hinarap niya ako. "Takte! Buwaya talaga 'yong balyenang 'yon! Nawala din sa isip ko na sa kaniya nagpapaload ang ibang boarders!"
Tumawa na lang ako para maibsan ang stress ngayong umaga. "Maligo ka na, may pasok pa."
Kinuha niya ang sariling tuwalya at nagmartsa palabas. I also got mine para na rin maaga akong makaalis ngayon ng bahay, maghahanap na rin ng pwedeng raket ngayong sabado at linggo pansamantala.
"Pria, bakit ngayon mo lang sinabi? Nagtampo pa naman ako no'ng tinanggihan mo 'to," linya ni Aleng Maritez nang sabihin kong e-extra ako every weekend sa kaniya.
"May trabaho po din kasi ako noon, ta's ito natanggal, tatamad-tamad po raw." Sinabayan ko iyon ng ngiti para hindi siya mabahala.
"Dalawang kilo?" tanong niya sa lalaking bumibili saka balik ng tingin sa akin habang nagtitimbang ng isda. "Wala ka talagang maaasahan diyan kay Lloyd, tinanggal niya nga rin si Karen dahil tamad. Ang sabi naman ng anak ko may s-in-end lang siya saglit para sa eskwelahan daw, ang sipag no'n!" Tumawa ako dahil sa bilis niyang magsalita.
"Sige ho, una na 'ko. Kita na lang po tayo sa sabado," paalam ko.
"Basta okay na tayo sa two hundred ang araw, huh?" sigaw niya saka ako tumango.
Sa eskwelahan, maayos kong nasagutan ang huling mga test na kailangan i-take. Mabuti na lang at nareview ko na 'to noong mga nakaraang araw pa. I'm little confident na hindi ako matatanggal sa academic scholarship.
"Pri, haggard ka ngayon 'teh?" bati ni Sandra nang makalabas na kaming dalawa sa room. She was wearing uniform and styled her hair in ponytail.
"Hindi nga kita tinatanong mula no'ng una kitang nakita." She chuckled and slap my right shoulder.
"Are you feeling well?" magaang tanong sa akin ni Gabe na tinabihan ako sa paglalakad. Tanghali na pero ngayon pa lang nagsimulang magpakita ang araw, pinapalitaw ang kaniyang pagiging mestiso.
"Landi ka ring hayop ka!" sigaw ng kaibigan niyang si Natcho na nasa kabilang aisle. Malakas itong tumawa kaya napatingin ang mga kaklase namin sa direksyon niya at sa katabi ko.
Kumuha ng maliit na bato si Gabe at kunwaring patatamaan ang kaibigan. I grimaced. "Mental na talaga sunod mong pupuntahan, Natchie," sabi ko sa kaniya nang makalapit.
"Hindi nga siya tinanggap sa Rehab, mental pa kaya?" sabat ni Sandra.
"Mas mukha ka raw drug addict kasi!" sumbat niya.
Gabe whistled. "So noisy."
Lumapit si Natcho sa kaniya at nag-usap silang dalawa. Nagsimula na rin kaming maglakad at tinungo ang canteen, nagdadalawang-isip ako kung tutuloy ba o hindi.
"Balik na ako ng room, mukhang may naiwan ako." Before I even make a single move, she grabbed my hand and dismissed my words. Nako naman, kailangan kong magtipid.
"Libre kasi kitang gaga ka!" malakas niyang sambit.
"Lower down your—"
"Ako na ang manlilibre sa 'yo." Huli na nang makaasik ako, dalawa na silang bitbit ako papuntang canteen.
"Bakit kaya walang nanlilibre din sa 'kin?" parinig ni Natcho.
Si Gabe ang humarap sa kaniya. "Pwede ba kitang maging jowa?"
"Ohh! Pwede ba kitang maging jowa?" mas lalo pang nanliit ang chinito niyang mata, tinitignan ako habang tumatawa. I gulped with the tension. "Ang ibig kong sabihin, pwede naman Dadday Gabe!" Kumapit pa siya sa katabi kong lalaki.
"What the heck! Disgusting!" umakto pang nasusuka si Sandra.
"Bro, hindi tayo talo!"
Hinimas ni Natcho ang balakang hanggang pwet at sinabing, "Hindi ka nga talo, dahil ikaw ay panalong-panalo."
"Ang pangit mong maging bakla Natcho!"
"That was homophobic remark, Sandra Park, na hindi member ng 2ne1. Sabihin mo na lang na type mo ko, huwag kang pabebe, hoy! Anong taon na?"
Watching them silently made me feel relief, kahit ilang minuto lang nawawala nila ang pasan-pasan kong mga problema. They are my crew, my shining mates.
"Pri, upo ka na." I gave him a thank saka sumunod. "Order na lang ako."
I intently watched Gabe walk. He is everyone's dreamboy, a total boyfriend material. Conveniently attractive, mayaman, at matalino, but I already rejected him three times. More than gusto kong hindi mawala ang pagkakaibigan namin, I didn't feel any spark. Wala akong maramdamang matinding puwersang humahatak sa akin papunta sa kaniya.
Hindi ko alam pero importante para sa akin iyon. My memory with my parent might be vague pero natatandaan kong parati silang nag-aaway, and the argument was just between jelousy and money, nothing in between. Kaya nakuha kong maniwala sa the-pull-of-love, my own theory with such matter.
I want to get married sa taong magpaparamdam sa akin niyan.
I can't settle with somebody because of money; incontentment will devour me.
I can't settle with somebody because of how attractive he is; time will spite me.
I can't settle with someone who can supply my need; dependance will betray me.
Pagkatapos naming kumain ay biglang may tumawag sa pangalan ko. "Pria, pinapupunta ka raw ni Ma'am Koral," sabi ni Margie.
"Hala! May nagawang kasalanan," I immedietly glaced on Natcho then Sandra. But instead of contradicting his assumption, she gave me a fooling look.
That was the cue for me to be worried. Ano naman ang ginawa ko?
CHAPTER THREE :Laid "Ma'am, pinapupunta niyo raw ako?" bungad ko.Nakahinga ako nang maluwag nang batiin niya rin ako ng ngiti. Phew! I thought isang problema na naman ang dadagdag. She motioned the empty seat, sa harap ng desk niya, umupo ako doon at tahimik na hihintay ang dahilan kung bakit ako pinatawag dito."I already read PAFI's rationale, and some research work are platonic, disappointing. However, your's was seemingly more vivid and interesting yet not that original, though. You connected reseach paper to the field, how film affected the life and norm of common Filipino?" Tumango ako sa English proffessor namin, mamahalin tignan sa suot nitong mga dangling. Nasa singkwenta na siya mahigit at mukhang pang walang balak mag retire any t
Little details is part of the process, pay attention to it. Good luck. CHAPTER FOUR : Aristocrat Friday noon, the scorching sun heated the entire roadway, accentuating the smell of pollutants and somewhat burning tires. Hidden in the apex of traffic was my heart pounding with such discouragement and dismay. As more beep resound, I mentally counted how many restaurants and fast food chains rejected me—4. . . 5? The jeep, without any signs, suddenly stopped abruptly. Kaya bago pa ko makapagpigil, nabangga ko na ang lalaki sa kaliwa. Dahil may suot akong mumurahing itim na heels, nawalan ako ng balanse. And I fell in the middle. Shit! With my awkward position, may narinig akong maliliit na mga ngisi. "Gang, okay ka lang?" I looked at him and nod. Tinulungan niya ako sa pag-upo at bumalik na sa pagtingin ng cellphone niya. I inhale and exhale, nonchalantly.
CHAPTER 5 :Accused "Ikaw yata ang swerte, Pria. Ang dami na nating nabenta, oh? Tignan mo sa ibang mga lamesa, ang dami pa," linya ni Aleng Maritez na tila narinig ng buong palengke.Pilit akong tumawa sa sinabi niya at yumuko. Mukhang mabilis nga naming mauubos ang paninda ngayon at kalahati na lang ang natitira. Ang sabi ni Aleng Maritez kanina ay pangdalawang araw sana itong tinitinda namin pero mukhang mauubos ngayon dahil mabenta."Magkano ang kilo ng bangus?" Ngumiti ako sa matandang Ginang at sinabing, "120, po." Pumili siya ng tatlo at madali kong tinimbang."Sasabawin niyo po?""Hindi, ilalagay sa lumpia." Noong una ay akala ko nagbibiro siya kaya naghintay akong bawin niya iyon, pero hindi niya gin
CHAPTER SIX :DriftKinabukasan, gumaan na ang pakiramdam ko. Maayos ko pa ring nagagawa ang pagtitinda. Kahit na binabaha ng pangamba, pinapatungan ko naman ang kaginhawaang binibigay sa akin ng mga ngiti dito sa palengke. "Mukhang matamlay ka ngayon?" Napatingin ako sa babaeng nagsalita.I gave her a warm grin. "Medyo may iniisip lang po pero hindi naman ganoon ka seryoso." "Kanina pa tumitingin sa 'yo si Jonas, oh." Inginuso niya ang binatang biglang inilihis ang tingin nang mapansin kaming dalawang tinatanaw siya, inayos ang banyera ng mga isda."Mukhang magkasing-edad lang po kami. Nag-aaral pa ba siya?" Ngumiti siyang may gustong ipunto. "Parehas kayong pumapasok ng sabado at linggo, balita ko malapit na 'yang matapos. Accountancy yata. Type mo?" mabilis niyang tanong."Hala, hindi po." Umalingawngaw ang kaniyang halakhak. "Bakit ka nga pala hindi nagbo-boyfriend? Sayang ang ganda mo. Ma
CHAPTER SEVEN :Conformed"Why you killed my son?" The man from the couch shouted at me."I did not do anything, I promise," I defended myself, even when that doesn't mean to them.Naramdaman kong wala na akong kakampi kaya kahit papaano kailangan kong ipagtanggol ang sarili ko."Then explained this!" Halos mabingi na ako sa lakas ng boses niya. Pinanood ko rin ang tinatanaw nilang footage ng CCTV. I saw us three, pero hindi lang 'yon, ang ikinabigla ko ay nang makita ang tatlong iba pang tao na nasa likod ng isang kotse—dalawang lalaki at si. . . Lie.I closed my eyes and cursed in my mind. What the fuck is this?"Then explained it to me!" Mas lalo pang nadurog ang puso ko nang matanaw ang lalaking iyon na umiyak, nothing's more heartbreaking than a man crying like a child. "Nasa burol ang anak ko ngayon at. . . hindi ko matanggap na wala na siya!"Reticenced.The room was in
CHAPTER EIGHT :Turn backNagising ako dahil sa malayang pagpasok ng sinag ng buwan mula sa bintana. Hindi ko nagawang makusot ang mga mata at nagmadaling tumayo. Anong oras na? Takte, ang tagal kong nagising!Sa gawing kanan, agaw pansin ang lalaking kakatapos lang maligo. He was half-naked that made me gulped, a lot of times. Fresh and minty, his wet hair generously dripped some waters on the gloss-finished floor. He looked at me, with judgement and insult."Thirsty as fuck," he mocked as he directed to the walk-in closet behind me.That was offensive!Suminghap ako ng hangin. "Akala niya hot siya sa abs niya," I intently retorted."Akala niya maganda siyang bagong gising, may linya ng laway pa nga."That was, again, offensive!I faced him. He was busy finding any clothe that would fit the day. Eventhough he is mercilessly attractive, he has attitude problem. And I don't lik
CHAPTER NINE :With or Without"Explain this!" Sir Herald voice echoed.I saw several pieces of shot, kuha kahapon. I closed my eyes and gathered all my voice to say, "Sorry, Sir. You can use this as evidence to me. Jail me," pakiusap ko.Silence. "Babe, what are you saying?" My heart skipped a beat as the man called me out. It took three seconds until someone responded. "Kita mo na, Triden? Siya na mismo ang umamin! Ba't mo pinagtatanggol ang babaeng 'yan?" voice thundered. "Honey, calm down," sabay pahid sa likod ng asawa niya. "Hija, ano bang pinag-usapan ninyong tatlo kahapon." Umayos siya ng upo sa couch katabi ng asawa. "The truth! Tell us the truth!"I flinched. "Shh, honey."Before I even spill my words, another tear came forth. "I-Ipakulong niyo na lang po ako." Lumuhod ako sa harap niya. "Ako na ang sasalo sa sala nila, please jail me." Sinubukan akong i
CHAPTER TEN :Cancel"Para sa inyo po, ano pong epekto ng pelikula sa isang Pilipino?" Pagkatapos kong sabihin ang tanong ay agad kong pinahid ang mga namuong pawis sa noo.Inayos ni Manong ang lambat at itinali sa isang kahoy. "Masyado na bang mainit?" Tumawa siya at may sinenyas sa mga kasamahang nasa likod ko. "Tara sa loob na natin ipagpatuloy ang mga tanong, Ineng." Tumango ako at sumunod sa kaniya.Pumasok kami sa medyo maliit na kubo at sinalubong ng dalawang bata. "Sino siya, Tay?" tanong ng mas maliit. Agad kong pinahid ang ulo niya at nagpakilala."Chamie, siya si Ate Pria—""Ate Pria!" sigaw nito na tila may napanalonan. Napangisi ako sa ginawa niya pang pagtaas ng mga kamay."Maming, tawagin mo muna ang dalawa." Napatingin ako sa tatlong ginang na nagtatalo sa baraha. Lumingon ang babaeng nagbabalasa at malakas na tinawag ang dalawa.I sighed with what I saw. The scene was so familiar. Humingi