Kinabukasan,Nagmamadaling lumabas si Venus ng kanilang bahay dahil may usapan sila ng kaibigan niyang si Glo na magkikita sa palengke. Bukas na kasi ang kaarawan ni Ralph at naisip nilang bumili ng bagong damit dahil alam nilang engrande ang party.Natigilan si Venus matapos niyang makita na walang Diego na nag-aantay sa kaniya sa labas. Naisip niyang marahil ay galit ito sa kaniya dahil sa ginawa niyang pambabasted dito.Aminin man niya o hindi ay nasaktan din siya sa kaniyang nagawa. Gusto niya rin kasi ang binata ngunit kailangan niyang iisang tabi ang kaniyang nararamdaman para rito.Habang naglalakad patungong sakayan ay hindi niya mapigilan na ilibot ang kaniyang mata. Hinahanap niya ang binata at nagbabaka sakaling nasa likuran niya ito."Umaasa ka pa talagang susundan ka niya?" sermon niya sa kaniyang sarili. Pakiramdam ni Venus ay parang lalagnatin siya dahil sa bigat ng pakiramdam niya. Halos hindi niya maihakbang ang kaniyang paa at hindi niya napapansin ang luhang dumad
VENUS POINT OF VIEW.Mabigat ang katawan ko ngayon at para akong lalagnatin. Gusto ko pa sanang mag-extend pa nang pagtulog kaso naalala ko na ngayon na pala ang kaarawan ni Ralph."Omg! Kailangan ko nang mag-ayos!"Dali-dali ko ng inayos ang aking mga gagamitin mamaya tulad ng aking mga make up at susuoting damit."Kailangang mangibabaw ang kagandahan ko mamaya. Kailangan kong maakit ang anak ni Kapitan!" Para kasi sa 'kin, ay si Ralph na ang magiging tulay ko para makaalis na ako rito sa putikan. Nakakasawa na kasing maging mahirap!Kahit na hindi ko naman talaga siya type ay pipilitin ko pa rin siyang gustuhin. Naisip ko lang, ano kaya ang pakiramdam ng ipinanganak na mayaman? 'Yung tipong mag-aalmusal ka na punong-puno ng pagkain ang mesa. May mga bacon, tocino at isang pack na hotdog tapos ang panulak ko ay fresh orange juice kaso hindi ko iyon gagalawin dahil late na 'ko sa work tapos kapag matigas ang ulo ko, ipapatapon ako nila mom at dad sa states.Ang sarap siguro sa paki
Pagdating nila sa loob ng bahay nila Ralph ay kaagad na silang sinalubong ng mga magulang nito. inayos pa nga ni Venus ang pagkakatayo niya aat pasimpleng hinala pababa ang suot niyang dress."Iho, kanina ka pa namin hinahanap. your dad is tired. ikaw na ang bahala sa mga bisita natin at magpapahinga na nuna kami saglit.""ok, mom."Buong akala ni Venus ay ipapakilala siya ni Ralph sa mga magulang nito. at gaya ng sinabi ni Ralph kanina ay matutuwa raw ito kapag nakita siya ngunit kabaligtaran ang nangyari. hindi man lang siya nagawang batiin ng mga magulang nito kahit ng magandang gabi."hay, saan naman kaya nakuha ng anak mo 'yung babaeng kasama niya. mukhang kaladkarin e,"Nasaktan si Venus sa narinig. Hindi ganito ang ineexpect niyang mangyayari. Nagpanggap na lamang siya na walang narinig pero deep inside ay bigdeal na sa kaniya ang sinabi ng kapitan."Ahh, Venus. ok ka lang ba?" napansin ni Ralph na biglang nawala sa mood ang dalaga. Narinig din kasi ni Ralph ang sinabi ng kaniy
Napanganga si Venus nang makumpirma niyang si Diego pala ang lalaki na sumusunod sa kanila. ngunit isang malaking palaisipan sa kaniya kung bakit sila nito sinusundan."Hindi kaya desperado na siya at balak niya akong rape-in? hindi naman sigur, pero, bakit niya kami.sinsundan?" sa isip-isip ni Venus.Naestatwa naman si Glo nang makita si Diego. "Venus, feeling ko kaya tayo sinusundan ni Diego ay dahil gusto niyang makasigurado na makakauwi tayo ng ligtas. ang bait niya, grabe!!!" kilig na pagkskasabi ni Glo sa kaibigan.napakagat ng diliri si Venus. ngayon lang niya napagtanto.na tama ang sinabi ni Glo. na wala itong ibang intesyon na masama. humanga siyang muli sa binata. na kahit binasted niya ito ay patuloy pa rin nitong ipinaparamdam kay Venus na nasa tabi lang niya ito. iyon nga lang hindi siya nito kinakausap.dire-diretso lang kasi itong lumapit sa mga kaibigang tambay na animo'y hindi sila nakita."Sayang Venus, gusto ko sana siyang pasalamatan kaso hindi niya tayo kinausap m
Dahil maagang na-inform ni Venus ang binata ay talagang nakapaghanda ito sa kanilang lakad ngayon. naligo at nagbihis ito ng desente. nagsapatos din ito at nagsuot ng shades. talagang masasabi mo na kayang-kaya nitong makipagsabayan sa ibang mga nag guwa-guwapuhang mga artista."hala! ngayon ko lang siya nakita ng nakasuot ng disente." wika ni Venus sa kaniyang isipan.Tila nag-slow motion ang paglalakad ng binata sa paningin ni Venus. animoy nasa alapaap silang talaga. her mouth dropped open nang malapitan na niyang nasilayan ang super clear skin na si Diego at nang mamoy ang very manly nitong pabango."shet, kanino kaya siya naki spray ng pabango?" sa may mga ekpertong pang amoy kasi pagdating sa pabango ay kaagad na marerekogna na hindi basta-basta ang gamit nitong pabango.anyway. Hindi na issue 'yon. what matter is nagagalak siya at sa wakas ay ok na sila. "Venus, uyy! uyy! ang lalim ata ng iniisip mo?""w-wala a-akong iniisip," out of nothing ay biglng napataas boses ni Venus.
Maagang gumising si Venus dahil may usapan sila ni Diego na sabay mag-aalmusal ngayon. madaling araw pa lang ay pumunta na siya sa palengke para mamili ng masarap ng ulam. balak niyang ipagluto si Diego ng masarap na almusal. dahil may budget siya ngayon ay bumili siya ng pagkain na hanggang pang isang linggo. malaking biyaya talaga ang napulot niyang pera. nabayaran na rin kasi biya ang kuryente at tubig ngunit may sumobra pa rin.Pagdating niya sa bahay ay naisipan muna niyang maligo. baka kasi bigla-bigla na lang itong dumating, mabuti na 'yung nakaayos na siya.oo. nagpapaganda si Venus para kay Diego. hindi niya rin magets kung bakit gustong-gusto niya na itong laging nakikita. nagsisisi tuloy siya kung bakit niya binasted ito. ngayon kasi, nagkabaliktaran na. siya na ang gumagawa ng paraan para magkita sila ng binata.samantala.ilang sunod-sunod na katok ang narinig ni Venus habang siya ay naliligo."Sandali lang," sigaw niya dahil nasa kalagitnaan pa lang siya ng kaniyang pa
hanggang sa sumapit ang gabi ay hindi pa rin mawala-wala ang bigat ng nararamdaman ni Venus. masamang-masama pa rin ang loob niya kay Ralph at sa mga magulang nito na matapobre. naiinis siya dahil mahirap lang siya. wala siyang nagawa kun 'di tanggapin na lang ang offer ng Kapitan.Dumagdag pa si Diego sa lungkot na nararamdaman niya. May usapan kasi sila na sabay mag-aalmusal ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin ito nagpapakita."nasaan ka ba?" sa isip-isip niya.mag-isa na lang siya ngayon sa bahay dahil kakaalis-alis lang ng kaibigan niyang si Glo. hindi mapalagay si Venus. ayaw siyang dalawin ng antok.kaya sa huli, naisip niyang puntahan na ang binata. alam naman niya kasi ang bahay ng tiyahin nito. Gusto talaga niya itong makita.mag-aalas onse na ng gabi at napakadelikado na sa labas. hindi na iyon inisip ni Venus dahil nga hinahanap-hanap niya ang presensiya ni Diego.mabilis niyang sinuot ang kaniyang kulay itim na cardigan at nagmamadaling lumabas. napayakap pa siya sa kan
KINABUKASAN.Nagising si Venus na nasa kwarto pa rin ni Diego. "Diego, uyy!! gising na at tanghali na!" mag-aalas diyes na kasi ng umaga ngunit tulog na tulog pa rin itong si Diego. pilit itong ginigising ni Venus dahil nakakahiya sa tiyahin nito. sa pagkakaalam kasi niya ay nakikitira lang dito si Diego kaya natatakot si Venus na baka kagalitan sila ng tiyahin nito."mmmmm..." tanging tugon ng binata. "Diego naman eh!! baka pumasok 'yung tiyahin mo rito. mapapagalitan tayo no'n. tanghali na kasi,"marang dumilat si Diego. hinila niya ang kamay ni Venus upang pahigain muli sa tabi niya. "Dito ka muna. matulog pa tayo, huwag mong intindihin sila tita at kaninang madaling araw pa mga umalis 'yon."ha? saan nagpunta?""May trabaho 'yung mga 'yon. ako lang ang naiiwan dine kapag nasa trabaho sila kaya solong-solo natin ang bahay." pagyayabang pa ni Diego. mabilis niyang dinantayan ng paa ang tiyan ni Venus. ang mga kamay naman niya ay nakapalupot naman sa gawing dibdib ng dalaga. "p'we