"ANO bang problema mo?" Naiinis na tanong ni Jornaliza kay Luigi.
Alam niyang badtrip si Luigi pero hindi niya akalain na dahil sa masama ang timpla nito ay magagawa nitong manuntok. Kung hindi nga lang ito ng mga tauhan nito ay baka gusto pa nitong sugurin si Yael.
Siya naman ng mga oras na iyon ay natulala, hindi niya kasi alam kung ano ba ang dapat niyang gawin. Gusto sana niyang puntahan si Yael dahil ito ang nadehado ng mga sandaling iyon kaya lang alam niyang mas ikagagalit iyon ni Luigi.
Hindi man sila okay ni Luigi tulad ng dati dahil na rin sa kagagawan niya pero mas minabuti niyang piliin ang matalik na kaibigan. Kaya ng bahagya itong mahimasmasan ay niyaya na niya itong umalis. Ngunit, hindi ibig sabihin nu'n ay hindi niya ito kukomprontahin.
"Hinawakan niya ang kamay mo. Sapat na iyon para suntukin ko siya," mainit pa rin ang ulong sabi nito sa kanya.
"And so?" Nakuha niyang itanong dito pagkaraan. Mas maig
AGAD hinagilap ni Luigi ang gitara at nagtipa. Baka sa pamamagitan nu'n ay tuluyan na mapawi ang inis na kanyang nararamdaman. Kahit kasi nag-sorry siya kay Jornaliza ng paulit-ulit ay parang hindi pa rin siya nito napapatawad. Napabuntunghininga siya. Ang rason naman kasi kaya humingi siya ng tawad ay dahil sa pagpreno niya ng biglaan. Hindi siya nag-sorry dito dahil sinuntok niya ang lalaki na iyon. Kung maaari nga lang ay gusto niya itong bugbugin. Ayaw na niyang uminit pa ng husto ang kanyang ulo kaya minabuti na lamang niyang kumanta na lang Through the years. Para kasi sa kanya, iyon ang kantang swak na swak sa samahan nila ni Jornaliza. Sa isipan niya ay bumalik ang mga alaala ng pagkakaibigan nila ni Jornaliza kaya nasa unang stanza pa lang siya'y napahinto na siya dahil bumigat ang kanyang dibdib. Lalaki siya pero nagiging emosyonal. Hindi kasi niya magawang itangginna
HINDI naman talaga sanay si Jornaliza na mayroon silang tampuhan ni Luigi pero parang hindi pa siya handang harapin ito ulit at ibalik sa dati ang lahat. Dama kasi niyang mayroong nabago at ito ay dahil na rin sa kanyang kagagawan.Kung maibabalik lamang niya ang nakaraan, hindi na niya sasabihin dito na magpapaturo siya ng kamanyakan. Para kasi sa kanya, si Luigi ang perpektong taong makapagtuturo sa kanya ng mga dapat niyang malaman sa pakikipagrelasyon o pakikipagtalik.Malalim na buntunghininga tuloy ang pinawalan niya habang nakatitig siya sa screen ng kanyang computer. Nadagdagan lang ang problema niya. Kung noon, paggawa lang ng erotic scenes, ngayon, pati na rin si Luigi.Importante sa kanya si Luigi kaya ayaw niyang magbago ang kanilang relasyon. Kaya ngayon, sobra siyang kinakabahan, dahil alam niyang may nabago na. Damang-dam
AKALA ni Jornaliza, nagbibiro lang si Yael ng sabihin nitong liligawan siya pero kinagabihan lang, bisita na niya ito. Kasalukuyan niyang sinusubukang magtipa ng istorya ng kanilang katulong na si Janiz na may bisita siyang kamukha ni Jack sa Titanic. Siyempre, ang unang papasok sa isip niya'y si Yael dahil ito lang naman ang kilala niyang kamukha talaga ni Leonardo DiCaprio. May pag-aalala siyang naramdaman ng sabihin ng mala-Maritess nilang kasambahay na ini-interview ito ng kanyang ama. Palibhasa walang ibang gusto ang kanyang Daddy para sa kanya kundi si Luigi, masungit ang pagtrato nito sa mga nanliligaw sa kanya kaya't hindi kataka-taka na i-bully din nito si Yael. Gusto sana niyang magmistulan ng Darna para mapuntahan si Yael at nang mailigtas sa mala-machine gun na salita ng ama pero hindi niya magawa dahil hindi pa siya nakakapaligo't nakakapag-ayos man lang. Ang computer niya kasi ang agad niyang pinupuntahan kapag nagigising siya. Ayon
NAISIP ni Jornaliza, kung ayos lang sila ni Luigi ngayon, siguradong nandito na ito sa bahay nila at i-interview-hin siya tungkol sa bago niyang manliligaw. Napabuntunghininga lang siya dahil tiyak din niyang hindi rin nito nagustuhan na nililigawan siya ng lalaking sinuntok nito.Naging masigasig si Yael na ipakita sa kanyang seryoso ito sa kanya. Gabi-gabi ay nasa kanila ito. Sa tingin niya'y wala talagang tutok ang ama niya kay Yael kung ito ang magiging first boyfriend niys. Ngunit, bakit parang ayaw ng puso niya?Anong problema? Nalilito pa niyang tanong sa sarili. Si Yael Gomez ang kabuuan ng lalaking pinapangarap niya. Mala-prinsepe ang hitsura at tindig. Ngunit, bakit wala man lang siyang kilig na nararamdaman kapag nakikita niya ito? Sa halip, nabu-bored siya.Ang pumapasok sa isip niya palagi ay si Luigi. Miss na miss na niya ito. Mag-iisang buwan na silang hindi nagpapansinan. Ngunit, kapag nagtatama naman ang tingin nila ni Luigi, hindi n
ANG sabi ng utak ni Jornaliza, kailangan niyang itulak si Luigi. Hindi naman kasi niya ito boyfriend para pagkalooban niya ng halik. Ng kanyang first kiss. Ngunit parang may diprensiya ang cerebellum niya dahil ayaw kumilos ng kamay niya para itulak ito. Sa halip, umangat pa ang kamay niya para yumapos sa batok nito."Jornaliza…" wika ni Luigi na naghiwalay ang kanilang mga labi.Palagi naman siyang tinatawag ni Luigi sa kanyang pangalan pero ngayon lang niya naramdaman na para siyang idinuduyan sa alapaap. Ang sarap sa pakiramdam. Parang may nag-aawitang anghel sa kanyang paligid."Luigi?" Tanging naibulalas naman niya pagkaraan. Maaari nga madaldal siya kapag kasama ang matalik niyang kaibigan pero ng mga oras na iyon, nawalan siya ng sasabihin. Basta nanatili lang siyang nakatitig sa mga
GRADE 5 pa lang si Luigi, nagkaroon na siya ng girlfriend. Hindi na nga niya alam kung ilang babae ang dumaan sa kanyang buhay kaya alam na alam niya kapag ang babae ay may gusto sa kanya o wala.Ibig niyang isipin na kaya tumugon si Jornaliza sa kanyang halik ay dahil may nararamdaman iti sa kanya kaya't para siyang ibinagsak buhat sa kalangitan ng sabihin nitong malaki ang tiwala nito sa kanya, sa halip na mahal kita.Bata pa lang sila ay hilig na talaga ni Jornaliza ang pagsusulat. Madalas nga siyang kasali sa kuwentong binubuo nito. Siyempre, siya palagi ang bestfriend ng bida."Hindi ba pwedeng ako naman ang bida sa kuwentong binubuo mo?" Nagrereklamong tanong niya kay Jornaliza matapos niyang basahin ang draft ng sinulat nito.Tinaasan siya nito ng kilay. "Hindi pwede dahil ako ang bida at mag-bestfriends lang tayo kaya hindi hindi kita pwede gawing hero saka hindi ko type maging hero ang tulad mo," nakasimangot pa nitong sabi.&nbs
HINDI alam ni Jornaliza kung anong sumapi sa kanya at nagawa niyang sunggaban si Luigi at halikan ang labi. Basta ang alam niya, gusto niyang gawin ang pagkakataong ibinigay nito para magawa ang kanyang gusto.Ngunit, hindi lang halik ang gusto niyang gawin dito ngayon. May inaasam siyang mangyri na higit pa sa pakikipaghalikan. Hindi tuloy niya namalayan na naging mapangahas na rin ang kanyang kamay. Para itong may sariling isip kaya nagawa pa niyang ipasok ang kamay sa loob ng t-shirt nito at humahaplos doon.Bigla tuloy niyang naalala ang mga nababasa niya sa mga romance stories."Jornaliza…" padaing na sabi nito na para bang labis na nahihirapan.Sa ginagawa niyang pagdama sa katawan ni Luigi nagsisimula na sanang mag-init ang kanyang pakiramdam. Ngunit, nang magsalita si Lu
"HINDI ako papayag na hindi mo pakasalan ang anak ko, Luigi.""Kasal…" gilalas na bulalas ni Jornaliza. Kung hindi nga lang malapad ang sofa na kanyang kinauupuan ay parang gusto niyang mahulog roon. Kung sabagay kahit naman swak na swak ang katawan niya roon kanina pa siya nakakaramdam ng pagkahulog.Una, sa halik ni Luigi.Pangalawa, sa pagkakahuli sa kanila ni Luigi. At sa lahat pa ng tao, ama pa niya ang nakahuli sa kanila."Inaasahan mo bang babalewalain ko lang ang nakita ko?" malamig na tanong ng kanyang ama. Pakiwari niya tuloy kahit ang tubig ay magyeyelo sa kalamigang ipinapakita nito sa kanya."Daddy…" wika niya dahil talagang hindi niya alam kung anong kanyang sasabihin.