Share

Chapter 19.2

Stacey's POV

"Sweetie, hintayin mo ako. Mawawala ako ng ilang araw." Tila boses iyon ng anghel sa aking pandinig. Malumanay at tila sinsero.

"Sandali lang ako doon, sweetie. Babalikan din kita."

Kaninong boses ba iyon? Napakaganda sa pandinig ko, tila musikang nagpapakalma sa isip ko.

Sino ba siya? Hindi ko siya makita. Madilim. Pawang kadiliman ang naghahari sa paligid.

Para akong naliligaw. Hindi ko alam kung nasaan ako.

May narinig pa akong sinabi niya pero parang wala na akong naintindihan. Ngunit malinaw kong narinig ang sumunod niyang sinabi.

"Gumising ka na kasi para maisama kita." 

May mga sinabi pa siya ulit pero parang hindi ko na ma-proseso. Para akong nalunod sa dilim. 

Tok! Tok! Tok! 

Narinig ko iyon. May kumatok sa pintuan.

"Sir, aalis na po tayo." Pakinabagong tinig ng lalaki ang narinig ko.

"Oo. Saglit na lang 'to." 

Pamilyar ang boses niya. Hindi ko la
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status