"Wala pa ba kayong planong magkaanak?"Muntik nang mabilaukan si Hope sa tanong sa kanila ni Isaac ng biyanan niyang si Lorna. Inimbitahan sila nito sa isang dinner sa residential home ng mga Monteverdi para gunitain ang death anniversary ng lolo ni Isaac na si Mr. Roger Monteverdi. Kasalo rin nila sa pagtitipong iyon ang mga tiyahin, tiyuhin, at mga pinsan ni Isaac na karamihan sa mga ito ay buhat pa ng ibang bansa.Naiilang na nginitian ni Hope si Lorna bago bumaling kay Isaac na nakaupo sa kaniyang tabi. Nakatuon lamang si Isaac sa kinakaing steak at tila ba hindi man lang nito binigyang pansin ang tanong sa kanila ng Mama Lorna nito."Hindi naman kaya wala kang kapasidad magbuntis, hija?" walang pag-aalinlangan tanong sa kaniya ng Auntie Georgia ni Isaac.Sabay-sabay namang napalingon ang lahat kay Isaac nang walang pag-iingat nitong inilapag sa pinggan ang ginagamit na tinidor at kutsilyo dahilan para lumikha iyon ng malakas na ingay. Tila ba ibig niyang iparating sa lahat na hin
Pagkatapos ng trabaho sa ospital, nagpasya si Isaac na pumunta sa mall upang maghanap ng pwede niyang ipasalubong kay Hope pag-uwi niya. Gusto niyang bumawi rito dahil alam niyang sumama ang loob nito kanina kahit pa hindi naman nito iyon sinabi sa kaniya. Hope is a very considerate person at kahit kailan ay hindi ito nagpakita sa kaniya ng kagaspangan ng ugali. Lagi siya nitong iniintidi at ni minsan ay hindi rin siya nito sinumbatan sa mga pagkukulang niya. Napakabait nito at ayaw na nakakadagdag sa mga alalahanin niya."What should I get her?" tanong ni Isaac sa sarili pagkababa ng kotse.Naglalakad na siya patungo sa entrance ng mall nang matanaw niya si Hope na palabas doon. Napangiti siya at naisip na mas mabuting alukin niya na lamang itong kumain sa paborito nitong restaurant. Iyon na lang siguro ang gagawin niya para makabawi rito.Binilisan niya na ang kaniyang mga hakbang. "Hope!" Itinaas niya ang kaniyang kamay at kinawayan ito nang malapit na siya.Mabilis namang lumingon
"Are you that happy?" walang kaemo-emosyong tanong ni Zeke kay Hope habang nasa gitna sila ng pagkain ng tanghalian sa kaniyang bahay. Kasalukuyan nilang hinihintay na bumalik ang kaniyang inang si Margaret na bumisita sa mga kaibigan na matagal nitong hindi nakita.Nasa bahay niya ngayon si Hope dahil gusto itong makita ng mom niya na kagagaling lamang mula sa ibang bansa. Dahil sa malapit si Hope sa pamilya niya ay pinaunlakan naman nito ang imbitasyon.Habang wala pa ang ina niya ay pinagkuwentuhan muna nila ni Hope ang asawa nitong si Isaac. Ayon kay Hope, unti-unti na raw nitong nagigiba ang pader na nakapagitan sa kanila ni Isaac. Nagiging malambing na raw ito at sinusubukan na ring mag-open up sa kaniya.Pulang-pula naman ang pisngi na tinanguan siya ni Hope bilang tugon sa tanong niya rito. "It seems like he's starting to appreciate me. Tingin ko nag-work na ang mga efforts ko, Zeke."Mataray na napangiti nang mapakla si Zeke. "After 5 years ngayon ka lang niya na-appreciate? I
Sobrang excited si Hope habang papunta siya sa Duncan Mills Hospital. Dahil sa malapit lang naman ang mall kung saan nagpasama sa kaniya ang biyanan na si Lorna para mag-shopping ay nagpasya siyang daanan si Isaac para sabay na silang umuwi. Gusto niya sana itong sorpresahin subalit pagdating niya roon ay mukhang siya ang nasorpresa dahil sa kaniyang nadatnan."Angenette?" Pinilit niya ang ngumiti kahit kung anu-ano na naman ang mga pumapasok na senaryo sa kaniyang isip. Bakit parang napapadalas na yata ang pagkikita nila? At bakit ito nandoon sa ospital? Sinusundan ba nito si Isaac? Babawiin na ba nito ito sa kaniya?Mabilis na sinaway ni Hope ang sarili sa isip. She's being paranoid again.Napatingin si Hope kay Isaac nang maramdaman niya ang banayad na paghaplos ng kamay nito sa kaniyang likod. "Bakit nagpunta ka rito sa ospital? Masama ba ang pakiramdam mo?"Nakangiti niyang inilingan ito. "No, gusto ko lang sanang sumabay sa 'yo pauwi. Sinamahan ko kasi si Mama Lorna na mag-shoppi
"You're early," wika ni Isaac nang datnan niya si Hope sa kusina na naghahanda ng kanilang agahan.Nginitian siya nang matamis ni Hope bago muling bumaling sa nilulutong bacon. "That's because I had a good night sleep... You?"Marahan siyang tumango bilang tugon at naupo na sa kanilang hapag-kainan. "Yeah, I slept well too.""Day-off mo, right? Do you have any plans today?" tanong ni Hope nang lumapit na ito sa mesa at inihain ang niluto. Naupo na rin ito sa katapat niyang upuan pagkatapos."I'm planning to buy some office supplies.""Should I go with you?" nakangiting tanong nito."May bibilhin ka rin ba?" patanong na tugon niya. Medyo nalungkot si Hope dahil hindi ganoon ang inaasahan niyang tugon mula kay Isaac."Wala naman, I just thought na baka kailangan mo ng kasama."Nginitian siya ni Isaac. "Mabilis lang naman ako, saka for sure mababagot ka lang doon."Nginitian niya si Isaac kahit na mas lalo siyang na-disappoint sa sinabi nito. So, it's a no.Pagkatapos ng pag-uusap ay ka
"Ingat po kayo pag-uwi Mr. Chavez," paalala ni Isaac sa kaniyang matandang pasyente bago ito lumabas ng kaniyang opisina.Nakangiti siyang sumandal sa kaniyang swivel. Nakakapagod ang buong mag-hapon niyang trabaho sa ospital pero tila ba hindi niya man lang ininda iyon. Pakiramdam niya nga ay kaya niya pang tumanggap ng ilan pang pasyente bago tuluyang matapos ang shift niya sa araw na iyon.Ramdam niya ang malaking pagbabago sa kaniya ngayon, at hindi niya itatanggi na si Angenette ang dahilan niyon. Hindi niya pa rin lubos akalain na ganoon pala kaganda sa pakiramdam ang pagpapatawad. Ngayong nawala na ang sama ng loob niya rito ay sobrang gaan at payapa na ng kalooban niya.Napatingin siya sa kaniyang phone nang tumunog iyon. Angenette sent him a message. Awtomatikong gumuhit ang ngiti sa kaniyang labi nang mabasa niya ang balita nito na tanggap na ito sa trabaho."Mukhang good mood si Grumpy ngayon ah."Napalingon si Isaac sa pinto nang marinig ang boses doon ni Doc Kevin. Bahagy
Pakanta-kanta si Hope habang naglilinis ng kanilang living room. Sobra siyang excited kasi day-off na ni Isaac at ngayon na sila bibili ng pangregalo para sa birthday ng Tita Yvette niya. Plano niya, pagkatapos nilang bumili ng mga regalo ay yayain niya itong manood ng sine. Sobrang tagal na kasi noong huling beses nilang ginawa iyon.Napalingon si Hope nang bumaba na si Isaac mula sa kanilang silid. Napangiti siya nang makitang bihis na bihis ito. Katulad niya, mukhang excited din itong lumabas kasama siya.Noong mga nakaraan, medyo naging balisa siya. Dinibdib niya iyong gabi na nakita niya si Isaac sa basement na tinitingnan ang luma nitong larawan kasama si Angenette. Pero nawala na ngayon ang pangamba niya kasi napansin niya lately na may nagbago kay Isaac. Parang good mood ito palagi at naging mas malambing sa kaniya. She knew his sudden change was quite odd pero wala siyang pakialam as long as na masaya sila nito sa relasyon nila."Don't you think you're too early, Isaac?" nakan
"Are you feeling better now?" tanong ni Doc Kevin kay Hope matapos nitong ilapag sa mesa ang strawberry flavored ice cream na nasa cup.Pagkatapos makasalubong at makita si Hope ni Doc Kevin sa eskinita na nasa ganoong sitwasyon, inaya nito itong sumama sa isang ice cream shop.Ngumiti nang matamlay at tumango si Hope. "Salamat," matipid niyang sabi, saka tinitigan ang ice cream na binili sa kaniya ni Doc Kevin."Hindi ako sigurado kung mahilig ka sa strawberry pero kulay pink kasi siya kaya 'yan na lang ang in-order ko," sabi ni Doc Kevin nang maupo na ito sa tapat niya.Hope let out a soft laugh. "I didn't know na alam mo palang mahilig ako sa kulay pink."Napakamot sa batok si Doc Kevin. "Ah, napanood kasi kita noon sa isang interview. Nabanggit mo na paborito mo ang kulay pink."Tumangu-tango si Hope bilang tugon, saka sinimulan nang kaining ang ice cream. "Bakit ka nga pala nasa labas? Hindi ba dapat nasa ospital ka ngayon?"Sumandal sa upuan si Doc Kevin at hinubad ang suot na ca