Isang pamilyar na pakiramdam ang naramdaman ni Shaun nang makita ang dalawang paslit na kasama ni Cianne sa airport. Huli niyang naramdam ang pamilyar na pakiramdam higit isang dekada na ang nakaraan, nang una n’yang masilayan ang tunay na ama.Mula sa inuupuang single sofa ay pinagmasdan niya ang dalawang magkamukhang bata na nakayakap kay Cianne. Ang isa ay masamang tingin ang ipinupukol sa kan’ya habang ang isa naman ay tila naninimbang pa kung masama o mabait ba s’ya.Wala sa sariling napangiti s’ya. Para s’yang nananalamin. Sa mata pa lang ng dalawa ay Gonzalvo na.Tama, lukso nga ng dugo ang kan’yang nararamdaman.Hindi kagaya nila ni Matt na magkamukhang-magkamukha, ang kambal sa kan’yang harapan ay magkapareho lamang sa tangos ng ilong at mata, ngunit kung titigan ay hindi ito magkamukha.“Mommy, gutom,” maya pa’y pagbasag sa katahimikan ng isa sa kambal, na nakanguso pang hinahaplos ang sariling tiyan.Pinagmasdan n’yang haplusin ni Cianne ang maliit na mukha nito. “Sige po k
Matinding kaba ang naramdaman ni Cianne nang sa muli ay sapilitan s’yang kunin ni Shaun. Subalit higit na takot ang kan’yang naramdaman para sa dalawang anak.Ang takot na iyon ay unti-unting naglaho nang imbes na ikulong sila ng lalaki sa isang madilim na kwarto, kagaya nang kan’yang iniisip, ay hindi nito ginawa. Sa halip ay sa mas malaking kwarto sila pinatuloy at hindi pa nito kinandado. May kinuha din ito’ng dalawang katulong na s’yang mag-aalaga daw sa dalawang bata.Nalilito na tuloy siya kung kidnapping pa ba ang ginagawa nito o pagkupkop na sa kanila kahit may sarili naman silang bahay.Alam niya naman na kaya ganoon ang trato sa kan’ya nito dahil sa kambal. Kahit hindi ito magtanong ay halata naman na Gonzalvo ang mga bata. Kaya hindi na rin siya nagtataka na ganoon ang trato sa dalawa dahil mga anak ito ni Matt.Hindi niya tuloy alam kung dapat n’ya ba’ng ipagpasalamat na kasama niyang na-kidnap ang mga anak dahil maayos ang trato sa kan’ya ni Shaun, o dapat siyang mangamba
Tila bahay-bahayan na nga ang nangyari sa pangki-kidnap ni Shaun sa kanila.Hindi namalayan ni Cianne ang mabilis na paglipas ng apat na araw. Paano ba naman kasi ay hindi s’ya gaanong nakakaramdam ng pangungulila dahil kasama niya ang mga batang nagbibigay ng lakas sa kan’ya.Isa pa’y labis-labis ang binibigay na espesyal na pangangalaga ni Shaun sa kambal. Naroong pinaayos nito ang kwarto, kung saan s’ya unang tumakas noon, para gawing kwarto ng kambal. May mga laruan pa itong binili kaya nalilibang ang mga bata. Nang isang araw lang din ay may mga dala ito’ng bagong damit ng dalawa. Mga totoong pagkain na din ang pinakain nito sa kan’ya dahil mayroon ng taga-luto sa ngalan ni Manang Alice.Sa kabila nang maayos na pagtrato sa kanila, nais niya pa din na maging malaya. Kahit sino siguro ay hindi gugustuhin ang buhay na nakabilanggo.“Why does Pinocchio’s nose became long?” tanong niya sa kambal matapos basahin ang story book na pinabili ni Shaun.Nasa gitna s’ya ng dalawa habang nak
Sa ilang araw na pananatili niya sa mansyon ni Shaun ay tila nasasanay na ang kan’yang katawan. Kung noong una ay hindi n’ya magawang matulog dahil sa takot at pangamba, ngayon naman ay tila bumawi ang katawan n’ya. Mataas na ang sikat ng araw nang magising s’ya.Kinapa n’ya ang mga bata sa kan’yang tabi. Mabilis siyang bumangon nang mapagtantong siya na lamang ang nasa kama at wala ang mga ito sa kabuuan ng kwarto. Kakaibang kaba ang dumaloy sa kan’yang buong katawan.Wala pa’ng hilamos o suklay man lang na lumabas siya ng kwarto.“Sean! Kean!” pagtawag n’ya sa mga ito.Sa katabing kwarto na pinagawa ni Shaun bilang kwarto ng dalawa ay narinig n’ya ang maliit na mga hagikhik. Hindi na s’ya nag-abala pa’ng kumatok at dire-diretsong binuksan ang pintuan.Naroon ang kambal na masayang naglalaro. Si Sean ay nakakalong kay Shaun, na tanging bantay ng dalawa, habang nilalaro ang laruang helicopter samantalang si Kean naman ay iniwan kaagad ang laruang robot at lumapit sa kan’ya.Kinarga n’
Umagang-umaga ay uminit kaagad ang kan’yang ulo nang maabutan sa sala ang kambal na binibigyan ng tig-isang maliit na chocolate bar ni Shaun.“Hep! What’s that?” Tumaas ang parehong kilay niya at nakapameywang na tinanong ang dalawang bata.Imbes na sumagot ay nagsumiksik ang dalawa sa tabi ni Shaun.“I’m giving them chocolates,” sagot ng lalaki kahit malinaw naman sa kan’yang paningin na ganoon nga ang ginagawa nito.Matalim na titig ang ipinukol niya dito, na kagaya ng kambal ay nakatingala din na nakatitig sa kan’ya. Kung hindi lamang magkamukha ito at si Matt ay iisipin ng mga tao na mag-aama ang tatlo.“At this early morning? Bawal sila kumain ng sweets nang ganito kaaga.”Akala pa naman niya ay makakaligtas na siya sa pang-spoil ng mga kapatid sa kan’yang kambal, ngunit tila mas malala pa si Shaun.“Bakit may tamang oras ba sa pagkain ng matamis?”Gusto n’ya na itong sapakin dahil sa pagkokontra nito sa pagdidisiplina n’ya, ngunit nagtitimpi siya dahil nasa tabi nito ang mga bat
Hindi niya malaman kung malakas lang ba ang kan’yang loob o masyado niya lang minamaliit ang kakayahan ni Shaun na kontrolin ang buhay n’ya.Sa ikalawang pagkakataon ay hindi nanaman siya nagtagumpay sa pagtakas.Wala s’yang ideya na sa ganoong oras pala ay gising na ang binata at nag-ja-jogging sa labas.Mataas na ang sikat ng araw ngunit nasa kwarto pa din siya at nag-aabang sa pagbukas ng pintuan.Nang mahuli sila ni Shaun kaninang madaling araw ay dinala nito ang mga bata sa kwarto nito habang siya naman ay ikinulong sa kan’yang kwarto. Hindi siya nag-abala pa’ng mag-eskandalo dahil ayaw niyang matakot ang dalawang bata.Idinikit niya ang tainga sa pinto nang walang marinig ay sumilip siya sa bintana. Wala rin tao sa labas. Dumako ang kan’yang tingin sa emergency window. Nakabukas iyon kaya may kung ano’ng nag-engganyo sa kan’ya para dumaan muli doon kagaya nang kan’yang ginawa sa unang pagtakas.Nilapitan n’ya iyon ngunit mabilis siyang napalingon nang bumukas ang pinto.Niluwa n
Hindi sanay si Cianne na manakit ng pisikal ngunit pagdating sa mga anak ay handa siyang manakit at masaktan.Namula ang pisngi ni Shaun sa lakas ng kan’yang pagsampal. Ibinigay niya sa sampal na iyon ang takot na naramdaman niya sa buong magdamag, gayunpaman ay hindi natinag ang lalaki sa kinatatayuan. Kaya nang lumingon ito pabalik sa kan’ya ay halos isang pulgada na lang ang lapit ng kanilang mga mukha. Siya tuloy ang napaatras.“Saan mo ba dinala ang mga anak ko?”Subalit hindi sapat ang sampal na iyon upang mawala nang tuluyan ang galit n’ya.Mula sa paghaplos ng pisnging sinampal niya ay binalik ni Shaun ang kamay sa bulsa.“I have them checked by the pediatrician. The results were normal. Magaling ka mag-alaga. Pinasyal ko din sila at pinamili ng mga gusto,” kwento nito na tila ba hindi man lang naisip ang matindi n’yang pag-aalala.“Pero sana ipinagpaalam mo sa akin. I am the mother. Lahat ng gagawin mo para sa mga anak ko, kahit pa makakabuti ‘yan, dapat hinihingi mo muna ang
Dalawang linggo na silang nasa poder ni Shaun. Hindi niya alam kung dapat ba’ng tawagin na pagbihag iyon dahil mas mukha pa’ng bahay-bahayan ang kanilang ginagawa.Matiyaga niyang sinusubuan ng pagkain si Sean habang si Shaun naman ang kay Kean. Madalas niyang hayaan ang dalawa na kumain nang mag-isa ngunit kapag naglalambing ito na magpasubo ng pagkain ay hindi niya matanggihan.“Isa na lang na subo ito,” napatingin s’ya sa lalaki nang magsalita ito.Nakita niyang umiiling si Kean, tila ayaw nang ubusin ang natitirang isang kutsarang itlog at patatas. Napailing na lang s’ya dahil ganoon talaga ang ugali ng isang anak kapag nagpapasubo. Palagi ito’ng may tira at kahit anong pagpupumilit n’ya ay hindi nito iyon inuubos, kaya alam n’yang ganoon din ang mangyayari.“Here comes the plane.” Gumawa pa ng tunog eroplano si Shaun habang nilalapit ang kutsara kay Kean mula itaas patungo sa bibig nito.Bahagyang tumaas ang pareho n’yang kilay nang walang pagmamaktol iyong kinain ng anak.Hindi
Sa pintuan ng kwarto pa lang ay naririnig na ni Cianne ang malutong na tawa ng kambal. Pumasok s’ya at naabutan ang dalawa na mayroong kinakausap mula sa cellphone ni Yaya Ling.“Yaya, sino ‘yan?” tanong niya nang nagtataka dahil iyon ang unang beses na mayroong katawagan ang katulong habang nag-aalaga ng mga bata, at kausap pa ang mga ito.Bago pa man makasagot ang yaya ay nasilip niya na ang cellphone na hawak ni Kean at nakitang si Shaun iyon.Higit isang linggo na din na hindi bumibisita ang lalaki sa mga bata. Hindi rin ito tumatawag sa kan’ya at ang huling pag-uusap nila ay ‘yong gabi pa na inaya niya itong magpakalayo-layo. Nasasaktan pa din siya sa tuwing naaalala ang pagtanggi nito.“Daddy has to go to back to work na,” bigla ay paalam nito kahit mayroon pa naman oras.Iniiwasan ba siya nito? Mukhang oo, dahil imbes na siya ang tawagan upang makausap ang kambal ay dinaan pa nito sa katulong.“Bye daddy!” nagpaunahan pa ang dalawa sa pagbibigay ng flying kiss.Akala niya ay hi
Alas-otso na nang gabi. Sa oras na iyon dapat ay nasa bahay niya na si Shaun at nakikipagkulitan sa mga bata. Wala siyang natanggap na mensahe mula nang umalis ito kanina. Wala din ito sa sariling bahay nang tawagan niya.Tiningnan n’ya ang dalawang maleta na naglalaman ng mga gamit nila ng kambal. Hinanda niya iyon kanina nang isang desisyon ang nabuo sa isipan niya. Hinihintay niya na lang si Shaun para maisakaturapan iyon.Lumabas siya ng kwarto upang magpahangin sa labas. Narinig niya ang dalawang sunod na busina kaya agad siyang lumingon sa gate. Bumagsak ang kan’yang balikat nang mapagtantong hindi iyon kotse ni Shaun, bagkus ay sa kan’yang ate Cindy.Hindi n’ya na sinalubong ito nang tumunog ang kan’yang cellphone. Tawag mula kay Shaun, na kanina n’ya pa hinihintay.“Cianne.” Walang lambing ang pagtawag nito sa kan’ya, at kahit isang salita lang iyon ay damang-dama niya ang lungkot doon.Marahil ay hindi ito naging tagumpay sa pakikipag-usap kay Heria tungkol sa pagkalat ng lar
Tuluyang lumabas ng kwarto si Shaun at Cianne pagkatapos ay sinara ang pintuan. Ayaw nilang magising ang mga anak sa ganoong senaryo.Handa si Shaun na tanggapin ang susunod pa’ng sampal ni Cindy ngunit pumagitna si Cianne.“Ate, let me explain,” anito.Naramdaman niya ang pag-abot nito sa kan’yang kamay mula sa likod. Hinawakan niya iyon nang mahigpit.“You knew that he’s married?” hindi makapaniwalang tanong ni Christine.Marahan na tumango si Cianne.Hinila niya ito patungo sa kan’yang likod. Kung mayroon man dapat humarap sa mga ate nito, siya dapat iyon.“That’s true, I’m married. But it was an arranged marriage years ago. Ang kapatid n’yo ang mahal ko, kaya inaayos ko na ang lahat. The one I’m married to knows that I don’t have feelings for her eversince. I’m sorry kung nasa ganitong sitwasyon si Cianne dahil sa akin. Pinapangako ko, I’ll make this right para sa mag-iina ko.”Bakas sa mukha ng mga kapatid ni Cianne na wala itong tiwala sa mga sinabi niya.“Then tell us how can y
Paulit-ulit ang pagtingin ni Shaun sa relo. Higit kinse minutos na siyang naghihintay sa western restaurant na sinabi ni Heria. Wala pa ito. Naiinip na s’ya.“I’m sorry, I’m late,” saad nito pagkarating. Lumapit ito sa kan’ya para humalik nang umiwas siya.Nakasimangot tuloy itong umupo sa harapan n’ya.“I said, don’t do that to me in public,” nayayamot nitong sabi sa ikinikilos n’ya.“Then, don’t do that to me also. We’re not into any romantic relationship, Heria,” paglilinaw niya kahit paulit-ulit niya nang sinabi dito noon.Hindi niya maunawaan si Heria. Noon pa man ay marami na ito’ng manliligaw na kagaya niya ay nanggaling din sa kilalang angkan sa pagnenegosyo at pulitika. Kahit ngayon ay mayroon pa rin pumuporma dito, subalit mas pinili nito’ng ipagpilitan ang sarili sa kan’ya.“We’re married.”Pinanghahawakan talaga nito ang kapirasong papel na iyon.“Anyway, finally you ask me on a date. Wala na ba iyong kabit mo? Natakot na ba?” buong kompyansa nitong tanong.“This is not a
“What’s your owner’s favorite dish here? For take out, ibibigay ko lang sana sa kabit ng asawa ko.”Mabilis na lumingon si Cianne nang marinig ang pamilyar na boses ng babae. Hindi nga siya nagkamali nang makitang si Heria iyon. Nakatuon na ang tingin nito sa kan’ya.Iniwan niya ang ginagawa at nilapitan ito sa lamesa.“Ako na ang kukuha ng order n’ya,” saad n’ya sa staff na lumipat na din agad sa ibang customer.“Wow, such a brave mistress. I mean owner, such a hardworking and hands-on business owner.”Tinikom n’ya ang bibig, at malalim na huminga. Ayaw niya ng eskandalo sa loob ng kan’yang restaurant.“Ano po’ng order n’yo?” kaswal niyang tanong.“Ano ba’ng paboritong kainin ng mga kabit?”Kinuha niya ang menu sa lamesa at inabot dito.“We only have filipino dish. Baka hindi ka sanay sa ganoong putahe. I suggest you look for another restaurant with western cuisine,” pasimple niyang pagtataboy dito.“Baka ikaw, gusto mo din maghanap ng iba. ‘Yong walang sabit.”Malakas ang kabog ng
Magaan at masaya. Ganito pala ilalarawan ni Shaun ang bawat araw n’ya kung puso ang kan’yang susundin at hindi papansinin ang mga pagbabanta ni Heria.Araw-araw, walang palya at pag-aalinlangan, ang pagdalaw niya sa kambal pati kay Cianne sa trabaho nito. Dahil sa kan’yang mga nalaman ay tila naging balewala na ang banta ni Heria na ipapaalam sa kan’yang lolo ang pagkakaroon ng kambal na anak sa kinamumuhian nitong si Cianne. Legalidad at kalayaan na lang mula sa mapait na nakaraan ang kailangan, at wala na siyang hihilingin pa.“Dito ka ba ulit matutulog?” tanong ni Cianne nang makitang nakapangbihis na siya ng pambahay nang lumabas sa banyo.Hindi niya alam kung nagtataka lang ba ito na halos mag-iisang linggo na siyang nakikitulog doon o ayaw nitong doon siya nagpapalipas ng gabi. Ayaw pa din sa kan’ya ng mga kapatid nito, ngunit malaking bagay na sa kan’ya na hindi na siya sinusungitan ng mga ito. Civil na lang, ika nga.“Bakit? Gusto mo ba tabi tayo sa guestroom?” May mapaglarong
Matapos matulog ng mga bata ay inaya ni Shaun si Cianne na lumabas kahit malalim na ang gabi.“Shaun, we talked about it, right? If it’s not about the kids, hindi tayo mag-uusap. What’s more pa ‘yong mag-aaya ka’ng lumabas nang tayo lang? Of course it’s a no.”Gusto niyang pagtawanan ang mahabang litanya nito, ngunit mas lalo lang s’yang nalungkot sa mga oras at pagkakataon na nasasayang sa kanila dahil sa mga maling desisyon at taong nakapaligid sa kan’ya.“It’s about Matt’s case.”Naunang bumaba si Cianne nang maiparada niya ang sasakyan sa parking area ng coffee shop. Sumunod siya at umupo sa pandalawahang upuan sa sulok. Nag-order muna sila ng kape at cake.“Anong tungkol sa kaso ni Matt?” Dama niya ang pagpapahalaga ni Cianne sa kaso ng kan’yang kakambal. Natutuwa siyang isipin na hindi na s’ya nag-iisa sa pagkamit ng tunay na hustisya. Higit sa lahat, hindi na lang s’ya ang naghahangad na makawala sa sitwasyon na kinakalugmukan nila.Hiling niya na kasabay nang pagtuklas nila sa
Abala si Shaun na basahin at pirmahan bawat papeles na pinapasok ng kan’yang sekretarya sa opisina. Gayunpaman, pakiramdam n’ya ay mabagal pa din ang oras. Sabik na s’yang bisitahin ang mga anak at si Cianne.Napangiti siya nang mapagtantong pumabor pa sa kan’ya ang desisyon ni Cianne, na ihinto n’ya muna ang paghiram sa kambal. Paano’y malaya na s’yang nakakadalaw sa bahay nito, araw-araw at kahit anong oras. Wala na din ito’ng nagawa, kun’di pagbuksan s’ya ng pintuan.Perpekto na sana ang lahat kung hindi lang s’ya nagdesisyon na pakasalan si Heria noon.Palagi pa din silang nagkikita sa opisina dahil palagi din nitong kasama ang kan’yang madrasta. Walang epekto ang pag-iwas n’ya dito.“Hi babe!” Kagaya nang mga nagdaang araw, sa opisina niya pumupunta si Heria kapag tapos na itong samahan ang kan’yang madrasta.Lumapit ito sa desk n’ya at akmang hahalik nang umatras s’ya.Pagak itong natawa sa kilos n’ya.“My gosh! Don’t you dare do that to me in public,” naiiling nitong sabi na um
“I swear kapag hindi ka talaga nag-update tungkol sa mga bata, I won’t let them spend their days with you,” pagalit na saad ni Cianne kay Shaun nang sunduin nito ang mga bata.Hindi niya na naman napigilan ang sarili nang nakaraan. Nagpadala na naman s’ya sa bugso ng damdamin.Mahinang tumawa si Shaun, na ikinairap n’ya. Paanong nagagawa nitong magaan lang ang sitwasyon nila? Samantalang s’ya ay wala nang katahimikan ang isipan sa pag-aalala sa mangyayari kung matutuklasan ni Heria ang ginawa nilang dalawa.Natakot yata si Shaun sa banta n’ya kaya sa mga lumipas pa’ng araw ay palagian na ito’ng nagpapadala ng mensahe sa kan’ya patungkol sa mga bata. Sumobra pa nga yata dahil kahit nasa kan’yang poder naman ang kambal ay tumatawag pa din ito.“Can I drop by? I have something for you.”Kakauwi n’ya pa lang ng bahay nang tumawag ito. Sinalubong s’ya ng kambal kaya narinig nito ang boses ng ama.“Say hi to daddy.” Sabay naman bumati ang makukulit na bata.Kinuha niya din kaagad ang cellph