Lisa POV Kinabahan ako nang tumingin siya sa akin. Kumunot at ‘di makapaniwala ang mga mata niyang tinitigan ako. Ayaw kong isipin na. . .basta! Ayaw ko isipin. “A-ano?” nauutal niyang tanong sa akin. Hindi ako kumilos, kinagat ko ang labi ko, sinubukan ilayo ang katawan ko sa kanya at ang mukha ko. Dahil nahihiya akong ulitin, nahihiya din ako sa sinabi ko. . . tsk! Bakit kasi ang bingi niya? O, ‘di siya makapaniwala sa sinabi ko? "P-paki ulit nga. Gusto kong marinig.” Hinawakan niya ang baba ko, bumaba sa mga tingin niya sa mga labi ko. Pinakawalan ito sa pagitan ng mga ipin ko. Wala naman sa sariling, dinilaan ko ang labing bagong kawala sa sarili kong mga labi. Pinadaan ko ang ibabang labi ko ng aking dila. Binasa ito dahil sa pakiramdam ko--- natuyot na ito sa sinabi ko. Lumunok siya, “D-don’t,” bulong niya na hindi man lang bumubuka ang kanyang bibig. Nakita kong umalon ang kanyang adams apple sa kanyang leeg. Ilang beses. ‘Di ko mabilang. Sa huli, bahagya na lang ak
Lisa POV Lahat kami napalingon sa kanya. Ako naman, nag-aalala sa nakikitang susunod na pagtatalo. May pagbabantang tingin si Daddy kay Fier. Si Mommy naman agad na kinastigo ang anak. “Son, we have a lot of rooms here. And isa pa, gabi na rin. Matulog na lang kayo ni Lisa sa kwarto niyo. Sige na, panira ka nang saya.” Inirapan niya ang anak na hindi na lang kumibo sa sinabi ng ina sa tabi ko. Iniikot niya ang isang braso sa likuran ng upuan ko. “Ipapaakyat ko na lang sa maid ang mga luggage mo, Philip. Sure ako na pagod na pagod ka sa biyahe.” Isang ngiti ang ibinigay niya dito sa bisita namin bago tinawag ang isa sa mga kasambahay na mula sa kusina. Nagtawag siya ng mga kasamahan para ma-iakyat ang mga gamit. Nginitian ko siya. Ngiting humihingi ng tawad sa ginawa ng katabi kong paiba-iba ang mood. Narinig ko naman ang palatak ni Fier, umiling ito, nagpapahalata na ‘di gusto ang balak na mangyari nila Mommy. “Sorry po sa abala and thank you na rin,” hinging paumanhin ni Philip
Lisa POV "Good morning, babe!” “Hmm,” pagtutol na ungol ko, tumagilid ako sa kabilang side ng kama. Narinig ko ang mga tawa niya. Naramdaman kong niyakap niya ako mula sa likod. Inihila palapit sa kanyang mainit na katawan. “Babe,” tawag niyang muli sa akin na nilalabanan ko ang panggugulo niya sa pagtulog ko. Gusto ko pang matulog. “Wake up na, babe,” malambing niyang paggising sa akin. Humigpit ang yakap niya sa aking tagiliran. Bahagya niyang natamaan ang parte ng katawan ko na may pinakamalakas na kiliti sa aking katawan. Napaigtad ako dahil doon. Isang bungisngis ang lumabas sa aking bibig. “Antok pa ako. Mamaya pa kaunti,” pagtutol ko sa kanya. Inilayo ang sarili ko sa kanya ngunit ayaw niya ako bitawan. “Gising ka na, babe. It’s Saturday. May pupuntahan pa tayo.” Pag-aya niya sa akin na may mababakas na mga ngiti sa kanyang mga labi. Dahan-dahan kong inimulat ang mga mata ko. Nilingon ko siya sa bandang kaliwa ko na nakasuksok sa batok ko ang ulo niya. Ang isang kamay ni
Lisa POV “Opps! At saan ka pupunta?” Itinaas ko ang isang kamay ko sa may tapat ng dibdib niya. Pinipigilan siyang maglakad. Sabay kaming nagtungo papasok dito sa may closet ng kwarto niya. Akala ko nagkataon lang at may kukunin siya dito, kaya laking pagtataka ko nang pumasok din ito sa loob ng banyo kung saan ang tungo ko. Nakangisi siyang umiling sa akin. Nagkibit balikat sa tanong ko sa kanya. “Wala. Sasamahan lang kita.” aniya na sa tonong obvious naman na sagot sa tanong ko. “Bakit? Mawawala ba ako dito para samahan mo pa?” Tinaasan ko siya ng isang kilay. Hindi kumbinsido sa isinagot niya sa akin. “H-hindi naman. Bakit? Gusto ko lang naman sumama sa ‘yo.” saad niyang naka-nguso sa akin kapagkuwan ay itinuro ang loob ng shower room na nandito sa loob ng banyo niya. Itinulak ko siyang muli sa kanyang matigas na dibdib. Hanggang sa makalabas siya ng pintuan ng banyo. Humawak siya sa magkabilang amba ng pintuan para mapigilan ang paglagpas niya doon. “W-wala naman masama kung
Lisa POV Pinagbuksan niya ako ng pintuan ng kanyang sasakyan. Bumuntong hininga muna siya bago ito sinara. Umiwas ako ng tingin nang umikot siya papunta sa driver seat. Hindi ko siya pinapansin hanggang sa mag-simula na kami sa aming biyahe. Isang beses niya ako nilingon bago kami makalagpas sa malaking gate ng mansyon. Sinipat niya ang seatbelt ko kung nakalagay ba ito nang maayos. Inirapan ko ito nang palihim. Nilagay ko na ang seatbeat ko bago pa man siya makapasok dito sa kanyang kotse. Kung dati ay siya ang nagkakabit nito sa akin kung nakakalimutan ko, ngayon, ako na. Ayaw kong lumalapit siya sa akin. Naiinis ako. Walang imikan sa aming dalawa hanggang sa makarating kami sa hospital kung nasaan ang nanay. Naka-sunod sa amin ang sasakyan ni Mommy. Hindi siya sa amin sumakay dahil maghihiwalay na kami ng mga lakad matapos naming bisitahin si Nanay. Pupunta siya sa isang branch nila sa Taguig. Surprise visit daw ito sa restaurant nila doon. Kami naman ni Fier, ewan ko kung tuloy
Lisa POV “Ano sa tingin mo, Nanay?” tanong ko sa kanya na busy sa pagbuklat-buklat ng may kakapalang brochure na dinala ni Mommy. Hindi ko alam na may dala pala siyang brochure ng mga desenyo ng mga damit pang-kasal mula sa gown ng bride, groom, mga abay, mga secondary sponsors, at iba pang mga kakailanganin pagpipilian sa aming kasal. Ang alam ko lang, dadalaw lang kami kay Nanay ngayon. At s’yempre ang ipamalita sa kanya ang mga magagandang ganap nitong mga nakaraan pero. . . ‘di ko inaasahan na may pagpa-plano na palang magaganap dito. Ang balak namin na kakain sa labas ay ‘di na natupad. Maging ang lakad sana ni Mommy ay ipinagpaliban niya para lang sa mga maliliit na detalyeng kailangan nang ayusin ika nga niya, o, excited lang silang masyado mag-plano? “Magaganda lahat. Hindi ako makakabili nito. Sigurado ako na mahal ang mga ganitong klaseng desenyo. Sa tabas lang. . . magpapabili na lang ako kay Lisa sa. . . saan na nga ba iyong laging sinasabi ni Marie sa iyo na murang bili
Lisa POV Naging mabilis ang mga araw sa pag-aasikaso ng aming kasal. Isang linggo na lang ang hihintayin namin. Nakakapagod man sa parte ko, sa aming lahat, kay Mommy na isa rin sa mga nag-aasikaso at todo rescue kapag walang Fier na pupunta para samahan ako sa mga dapat ayusin namin na mag-kasama. Ewan ba, kung kailan na akala ko okay na ang lahat saka pa may mga ganitong problema. Lagi niyang sinasabi na okay lang ang lahat na wala ako dapat ipag-alala ngunit. . . namimiss ko na ang asawa ko. Isang linggo ko na siyang halos ‘di nakakasama. Matutulog ako na wala pa rin siya, gi-gising ako na wala na siya. Umuuwi naman siya, ‘di ko na nga lang namamalayan. Makikita ko na lang kinabukasan ang mga pinagbihisan niya, maging ang mga gamit niyang na bago na sa ayos. Naaawa ako sa kanya, sobrang pagod na siya. Pagod na pagod. Minsan pinuntahan ko siya sa kanyang opisina, saktong nasaksihan ko kung paano siya magalit sa mga empleyado niya. Pinatalsik niya ang iba sa mga ito. Naaawa man ako
Lisa POV Hindi naging madali ang mga sumunod na araw para sa aming lahat. Sunod-sunod na mga kaso ang kinaharap nila Fier. Ang iba ay na ayos din ang iba naman ay naka-sampa pa. Ilan sa mga kasosyo nila sa kanilang iba’t -ibang negosyo ang umatras. Ang iba naman ay nag-withdraw ng kanilang shares. Ramdam ko ang sakit ng ulo nilang lahat. Wala akong magawa kung hindi ang maging isang maintindihing asawa. Lahat ng alam kong pwede kong maitulong ginagawa ko. Hindi man ganoon kalaki, pero kahit papaano napapasaya ko sila sa maliit na bagay. Hinahatiran ko sila sa opisina nila ng lunch. Tumutulong din ako sa pag-file ng mga ilang documents. Nagpaturo ako kay Alexa sa ilang mga trabaho sa opisina para mapabilis kahit konti ang kanilang mga inaayos. Tuluyan na niyang sinibak sa trabaho ang mga taong may pagkukulang sa kanilang ginagawang trabaho. Nakakaawa man, pero ito ang nararapat sa kanila. Ang hindi ko alam, paano biglang lumaki ang problema. Mabusisi si Daddy sa trabaho nito bilang C