Amber Pov
Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa bilis ng mga pangyayari. Noong isang araw lamang ay single ang status ko pero ngayon ay married na. Pakiramdam ko ay binabangungot ako. Oo. Bangungot para sa akin ito dahil nagpakasal ako sa isang lalaki na hindi ko naman masyadong kilala. Ni sa hinaganap ay hindi ko akalain na mapapapayag ako ng isang estranghero na magpakasal sa kanya at pumasok sa isang contract marriage. Kahit sabihin pang contract marriage lamang ang magaganap at maghihiwalay rin kami pagkatapos ng anim na buwan ay nag-asawa pa rin ako. Ako na ngayon si Mrs. Pauline Amber Cruz-Salvatore.Matapos akong kausapin ni Phil Salvatore noong isang araw lamang at napapayag niya akong sa inalok niyang marriage contract ay lumipad kami papuntang Hongkong para doon magpakasal. Hindi ko alam kung bakit kailangang sa ibang bansa pa kami ikasal gayong puwede rin naman dito sa Pinas na lang. Pero naisip ko na baka siguro mas madali ang paghihiwalay namin kapag natapos na ang contract na pinirmahan namin dahil wala namang divorce rito sa Pilipinas.Nang binuhat ako ni Phil at sapilitang isinama sa loob ng kotse niya para kausapin ay nalaman ko kung ano ang dahilan niya sa pagpupumilit na pakasalan ko siya. Nasa ospital pala ang kanyang lolo at nanganganib na mapunta sa kamay ng iba ang kompanyang pinaghirapan nito. Ayon kay Phil ay may taning na ang buhay ng Lolo Fidel nito at anim na buwan na lamang ang itatagal nito sa mundo. Gusto ng lolo nito na bago man lang ito mawala sa mundo ay makita nitong mag-asawa si Phil. At dahil ayaw ni Phil na mag-asawa ay tinakot ito ng kanyang lolo na sa loob ng isang buwan kapag hindi ito nag-asawa ay babawiin nito sa kanya at ibibigay sa kanyang Uncle Art ang posisyon ng pagiging CEO o Chief Executive Officer, ang pinakamataas na tungkulin sa kompanya nito. Alam ni Phil na masyadong ganid sa kayamanan ang kanyang uncle at tiyak na aangkinin nito ang buong kompanya kapag ito ang naging CEO kaya hindi niya mapapayagan na mapunta rito ang kompanya na pinaghirapang itayo at palaguin ng kanyang lolo kasama ang kanyang mga magulang na parehong namatay sa isang malagim na aksidente.At kaya naman ako ang napili niyang pakasalan ay dahil malapit na kaibigan ng mga magulang niya at ng kanyang lolo ang aking ama noong nabubuhay pa ito. Secretary ng daddy ni Phil ang aking ama at kasama itong namatay sa aksidente. Madalas daw ibinibida ng aking ama na may anak itong napakaganda. Nang maghiwalay ang aking mga magulang ay mas pinili kong sumama sa aking ama. Bata pa lamang kasi ako ay mas close na ako sa aking ama kaysa sa aking ina. Nang mamatay ang papa ko 5 years ago ay kinuha naman ako ni mama para sa kanya naman ako tumira. At doon na nag-umpisa ang kalbaryo ng buhay ko.Ang dahilan kung bakit pumayag ako sa inialok ni Phil ay dahil natuklasan ko na ang lolo niya pala ang sponsor sa foundation na siyang nagbigay sa akin ng scholarship para sa kolehiyo. Malapit na kasi akong magtapos sa senior high school kaya magagamit ko na ang college scholarship na ibinigay sa akin ng Bright Future Foundation. Malaking tulong iyon sa akin dahil libre ang pag-aaral ko sa college at mga tanging mga miscellaneous fee lamang ang aking babayaran. At malaki ang pasasalat ko sa aking homeroom teacher dahil siya ang nag-endorse sa akin sa BFS para makatanggap ako ng scholarship. So may utang na loob ako sa kanila at ito lamang ang tanging paraan para magantihan ko ang kabutihang loob ng kanyang lolo. Six months lang naman kaya okay lang iyon. Eksakto lang na matatapos na ang pagpapanggap ko bilang asawa niya ay mag-uumpisa naman akong mag-aral sa college.Malalim akong napabuntong-hininga. Kagagaling lamang namin sa airport at sinundo kami ni Atty. Ariel Santos, ang personal lawyer na kasama ni Phil nang magpunta siya sa bahay ni Tito Roman. Naputol ang aking pag-iisip nang biglang magsalita si Phil."Malapit na tayo sa bahay ko, Amber. Tandaan mo. Walang dapat na makaalam na contract marriage lamang ang pagiging mag-asawa natin. Kapag may nakaalam ng sekreto natin ay alam mo na kung ano ang mangyayari," seryoso ang boses na babala ni Phil sa akin habang magkatabi kaming nakaupo sa passenger seat ng kanyang BMW na kotse."Huwag kang mag-aalala, Mr. Salvatore. Hindi tayo mabubuko. King gusto mo pa ay lagi akong nakakapit sa'yo na parang tuko para sabihin nilang super in love ako sa'yo," sarcastic kong tugon sa kanya. Heto ako at pumayag na maging contract wife niya dahil may utang na loob ako sa kanila tapos siya ay gagawin namang panakot sa akin ang bagay na iyon? Nakakainis. Babawiin daw niya ang scholarship na ibinigay sa akin ng foundation kapag may nakaalam sa sekreto namin sa loob ng anim na buwan."Hindi mo kailangan umabot sa ganyan dahil alam ng mga tao sa bahay ko na hindi ako showy pagdating sa mga bagay na iyan. Just act normal. Be yourself," seryoso pa rin ang mukha na sagot niya sa akin. Hindi ko naiwasan ang mapailing. Sino ang maniniwala na mag-asawa kami kung ganito kami mag-usap? Bahala na nga si Batman.Pumasok sa malaking gate ang kotse ni Phil. At mula sa gate ay mga tatlumpong segundo pa siguro ang itinagal bago huminto ang kotse ni Phil sa harapan ng isang napakalaking mansion. Sa labas pa lamang ay makikita nang malaki ang bahay ni Phil lalong-lalo na siguro sa loob."Dito ka nakatira?" hindi makapaniwalang tanong ko kay Phil."Yes. Bakit? Naliliitan ka ba sa mansion ko?" masungit na tanong niya sa akin.Inirapan ko siya nang marinig ko ang kanyang sinabi. Anong klase ba ng utak mayroon ang lalaking ito? "Mukha ba akong naliliitan sa mansion mo?""Let's go down," sabi niya sa akin sa halip na pansinin ang sinabi ko. Napailing na lamang ako bago sumunod sa kanya sa paglabas ng kotse. Paano naman kaya namin makukumbinsi ang mga taong nakatira sa bahay niya kung ganito kami mag-usap? Para lamang siyang nakikipag-usap sa kanyang employee.Magkasabay kaming naglakad palapit sa pintuan. Hindi pa man kami tuluyang nakakalapit sa malaking pintuan ay bigla na iyong bumukas."Maligayang pagdating, Ma'am Amber Salvatore," sabay-sabay na bati sa akin ng mga kasambahay ni Phil na nakalinya pa sa magkabilang side ng pintuan. Bahagya pa nilang iniyuko ang kanilang mga ulo bilang paggalang sa akin.Nakaramdam ako ng pagkailang dahil hindi ako sanay sa ganitong pagtrato na tila isa akong mahalagang tao sa bahay na ito. Nakangiti sa akin ang mga naka-uniform na kasambahay ni Phil maliban sa lalaking nasa dulo ng linya. Siguro mga nasa fifty plus na ito at mukhang istrikto. Katulad ni Phil ay tila hindi rin ito marunong ngumiti. Hindi ko alam kung nahawaan ba siya ni Phil ng pagiging seryoso o siya ang nakahawa kay Phil para maging seryoso palagi ang mukha?"Sila ang mga mapagkakatiwalaan kong kasambahay, Amber. Maaari kang lumapit sa kanila kung may kailangan ka," kausap sa akin ni Phil pagkatapos ay ipinakilala sa akin ang mga pangalan ng sampung mga kasambahay nito. Isang cook at assistant cook, isang labandera, isang yaya dahil may seven years old na pamangkin si Phil na nakatira sa bahay niya, apat na tagalinis ng malaking bahay, isang hardinero at ang personal driver nito. Digna, Irene, Mona, Linda, Chel, Carmen, Aida, Belya, Estong at Eping. Tiyak na magkakapalit-palit ang mga pangalan nila kapag tinawag ko sila. Hindi pa naman ako matandain sa mga pangalan ng tao. "At siyempre si Felix na siyang butler sa aking bahay," huling pakilala ni Phil sa lalaking seryoso at nasa huling pila."Puwede ko bang ilista ang mga pangalan nila? Mabilis ko kasing makalimutan ang mga pangalan ng tao. Pero ngayon lang naman dahil sa katagalan ay masasanay rin akong nakikita sila kaya maaalala ko na ang mga pangalan nila," hindi napigilang request ko kay Phil na bigla namang napasimangot nang marinig ang sinabi ko."Good afternoon, Ma'am Amber," sabay-sabay na bati sa akin ng mga kasambahay ni Phil maliban sa butler na si Felix. Nakatingin lamang siya sa akin na para bang inuuri niya ang aking pagkatao. Mukhang istrikto si Felix. Hindi lang pala mukha kundi talagang istrikto ito dahil halatado naman sa kanyang hitsura. At mukhang mas nakakatakot pa siya kaysa kay Phil. Ang tingin ko tuloy kay Felix ay parang ang istriktong principal namin. Na kapag dumadaan sa mga nag-uumpukang estudyante ay tila nagiging pipi dahil lahat walang nagsasalita."Who is this stupid lady, Uncle Phil?" biglang tanong ng isang batang lalaki na patakbong lumapit kay Phil."Stupid lady?" ulit ko sa sinabi ng bata. Tila gustong umakyat ng aking dugo papunta sa aking ulo. Mukhang makakakain yata ako ngayon ng kutong-lupa. Ka bata-bata pa ay marunong nang mang-lait. "Excuse me, little boy. I am not stupid, okay? At saka bakit nagsasalita ka ng bad word sa mas nakakatatanda sa'yo?" nandidilat ang mata na kausap ko sa bata. Ang cute-cute pa naman nito ngunit mukhang little devil."Ano naman ang masama sa sinabi ng pamangkin ko? Ang dali lang namang tandaan ng pangalan ng mga kasambahay namin pero hindi mo sila kayang tandaan? Then you're really stupid just like what my nephew says," biglang sabat naman ng isang babaeng kasunod ng batang lalaki nang lumapit sa amin. Halatado sa hitsura niya na mataray siya ngunit hindi ako nagpa-intimidate sa kanya. Mukhang hindi yata magiging smooth ang pagtira ko sa mansion ni Phil. Hindi lang ang masungit kong asawa ang aking pakikisamahan dahil narito ang butler niya na tiyak mahihirapan akong makasundo, ang pamangkin niyang tila matanda kung mag-isip at ang babaeng ito na tiyahin yata niya na kung tumingin sa akin ay parang nais na akong itapon palabas ng bahay. Ngunit kailangan ko silang tiisin alang-alang sa utang na loob ko sa lolo ni Phil at para na rin sa ikagaganda ng aking kinabukasan dahil sa kanilang scholarship. Fighting lang, Amber! This is for your future!Amber PovInosente ang pagkakangiti na hinarap ko ang babaeng nagsalita. "Hello po. Ikaw ba ang mayordoma rito ni Phil?" kausap ko sa kanya. Muntik na akong mapangisi nang makita kong nanlaki ang mga mata ng babae na sa tantiya ko ay nasa late forties na pero maganda pa rin. Namula ng mukha nito na tila napahiya lalo pa at hindi napigilan ng mga kasama sa bahay ni Phil ang matawa ng mahina sa sinabi ko. Ngunit nang tapunan sila ng masamang tingin ng babae ay agad nagsitahimik ang mga ito sa kinatatayuan."How dare you to call me that! Mukha ba akong mayordoma? At saka hindi mo ba narinig ang sinabi ko na pamangkin ko ang batang tumawag sa'yo ng stupid? I am Aloha. Phil's aunt. Itatak mo diyan sa utak mo," galit na sagot niya sa akin."A, tita pala kayo ng asawa ko. Mukha po kasi kayong istriktong mayordoma sa mga pelikula kaya napagkamalan kitang mayordoma. At saka hindi ko narinig ang sinabi mo kanina, medyo nabingi yata ako," nakangiting sagot ko naman sa kanya na hindi apektado sa
Amber PovNang magpakasal ako kay Phil ay ini-expect ko ay inaasahan ko na sa magkaibang silid kami matutulog since hindi naman talaga kami totoong mag-asawa. Sa papel lang kami mag-asawa at sa mata ng kanyang lolo. Kaya naman hindi ko ini-expect na matutulog pala kami sa iisang silid at lalong-lalo na sa iisang kama. Kahit fake ang pagiging mag-asawa namin ay lalaki pa rin siya at babae ako. Mukhang dehado yata ako sa sitwasyon naming ito."Hindi ba puwedeng sa ibang kuwarto na lamang ako matulog? Ang dami namang silid sa mansion mo kaya hindi kailangan na magsiksikan tayo sa silid mo," suggestion ko kay Phil. Lihim kong idinadasal na sana ay pumayag siya."Paano natin makukumbinsi ang mga tao rito na mag-asawa tayo kung sa magkaibang silid tayo matutulog? Malaki ang aking kama kaya kahit gumulong ka pa ay hindi ka mahuhulog," sagot ni Phil sa akin. Sa malas ay wala siyang balak na pagbigyan ang kagustuhan ko. "At kung iniisip mo naman na gagawan kita ng kahalayan ay huwag kang mag-a
Amber PovNagising ako nang marinig ko ang malakas na katok sa pintuan ng kuwarto ni Phil na ngayon ay kuwarto ko na rin. Mabilis akong bumangon sa kama para buksan ang pintuan. Ang katulong na si Carmen ang nakita kong nasa labas ng silid na naghihintay sa akin habang nakasimangot ang mukha. Tumaas ang kanyang mga kilay matapos suyurin ng tingin ang aking kabuuan."Kanina pa naghihintay sa'yo ang mga amo namin tapos natutulog ka lang pala," masungit niyang sabi sa akin. Obvious kasi na kagigising ko lang dahil buhaghag ang aking buhok at siguro ay halata rin sa aking mukha.Pagkatapos kong mag-ayos ng aking mga damit sa closet ay naisipan kong maligo habang naghihintay ako na balikan ni Phil. Ngunit pagkatapos kong maligo ay bigla akong nakaramdam ng antok. Hindi kasi ako nakatulog ng maayos kagabi dahil sa kakaisip kung tama ba ang naging desisyon kong ito. Nakatulog ako nang hindi nagsusuklay kaya buhaghag pa ang aking buhok."Nakatulog ako after kong maligo kanina. Inantok kasi da
Amber PovTapos na kaming kumain ngunit pakiramdam ko ay gutom pa rin ako. Hindi kasi ako nakakain ng maayos dahil naiilang ako sa klase ng mga titig na ipinupukol sa akin ng mga kaharap ko s mesa. Sino ba naman ang makakakain ng matino kung lahat ng mga kaharap ko ay sa akin lamang nakatuon ang kanilang mga mata. Pakiramdam ko ay isa akong specimen na inoobserbahan sa ilalim ng miscro scope. Mukhang si Phil lang yata ang hindi nag-aksayang tapunan ako ng tingin habang kumakain kami. Sa ginawa niya ay tiyak na uusbong ang pagdududa sa isip ng mga kasama namin sa bahay. Hindi kasi sweet sa akin si Phil katulad ng mga newlywed na halos hindi na mapaghiwalay sa isa't isa."Phil, are you sure that this woman is your wife already?" hindi nakatiis na tanong ni Tita Aloha sa kanyang pamangkin pagkatapos niyang magpunas ng table napkin sa bibig. Ang balak kong pagtayo ay naudlot nang marinig ko ang tanong na iyon ng kanyang tiyahin. Hindi muna sinagot ni Phil ang tanong ng kanyang tiyahin sa
Amber PovNapabuga ako ng malakas na hangin pagkapasok namin ni Phil sa aming silid. Pakiramdam ko ay ngayon lang ako nakahinga ng maayos. Masyadong naman kasing nakaka-tense ang mga tao sa loob ng bahay na ito. Parang gusto ko nang mag-empaki at tumakbo palabas ng bahay ni Phil. Ngunit hindi ako ganoong tao. Hindi ako umaatras gaano man kahirap ang sitwasyon."Nakilala mo na si Uncle Jigo, Amber. Dapat kang mag-ingat kapag siya ang kausap mo," kausap sa akin ni Phil matapos maupo sa mahabang sofa. "Tiyak na gagawin niya ang lahat para mapatunayan na tama ang hinala niya.""Hindi lang naman ang uncle mo ang dapat akong mag-ingat kundi pati na rin ang tita mo. Masyadong mapaghinala. Pakiramdam ko ay malalaman niya ang totoo anumang oras," sagot ko kay Phil. Naupo rin ako sa mahabang sofa ngunit malayo ang distansiya sa kanya."Hindi niya malalaman kung mag-iingat ka sa pananalita mo. At saka huwag mong kalilimutan na asawa kita," mabilis namang sagot ni Phil. Hindi ko napigilan ang ma
Amber Pov"Saan tayo pupunta, Phil?" tanong ko sa kanya habang naglalakad kami pababa sa hagdanan. Basta na lang kasi niya akong sinabihan na magbihis dahil may pupuntahan kami. Hindi naman niya sinabi kung saan kami pupunta. Kaya habang pababa kami sa hagdan ay hindi ko na napigilan ang aking sarili na mag-usisa sa kanya."Sa ospital. Bibisitahin natin ang lolo ko at ipapakilala na rin kita sa kanya bilang asawa ko. Natitiyak ko na matutuwa siya kapag nakita ka niya," sagot ni Phil na hindi na nag-abalang tapunan ako ng tingin. Medyo kinabahan ako nang marinig ko ang sinabi niya. Parang hindi pa ako handa na humarap sa lolo ni Phil bilang asawa niya. Hindi ako magaling umarte. Nangangamba ako na baka madulas ang dila ko at makahalata ang matanda na contract marriage lamang ang namamagitan sa amin ng kanyang apo. Napahinto ako sa paglalakad dahil doon. Nang maramdaman naman ni Phil na hindi ako nakasunod sa kanya ay mabilis siyang lumingon. Nakakunot ang noo na nilapitan niya ako."
Amber PovPagdating namin sa loob ng silid ng ospital kung saan naka-confined ang lolo ni Phil na si Don Fidel ay agad na yumakap si Karen sa matandang lalaki na nakahiga sa kama na tila sobrang missed na missed niya ito. Lihim akong napaismid at napataas ng kilay dahil parang ang OA ng reaksiyon ni Karen. Kung umasta siya ay parang siya ang apo ni Don Fidel at hindi si Phil. Pero sa tingin ko ay gusto lamang ipakita sa akin ni Karen na sobrang close ito sa lolo ng asawa ko. Samantala, si Phil naman ay nakatayo malapit sa pintuan at hinahayaan ang dalawa na mag-usap muna. Habang ako naman ay nakatayo sa kanyang tabi at nakatingin lamang kay Karen na tila ba iniinggit ako at nais pagselosin. Ngunit kung inaakala niya na magseselos ako o di kaya ay maiinggit sa nakikita kong closeness niya sa lolo ni Phil ay nagkakamali siya. Sa nakikita ko ay talagang tunay na apo ang turing ng matanda sa kanya kaya wala akong dapat na ikaramdam ng selos. Dahil kung nais ni Lolo Fidel si Karen para ka
Amber PovWala sana akong balak na pansinin si Jigo ngunit nang tumapat siya sa akin ay bigla na lamang niyang hinablot ang aking kanang braso at hinawakan ng mariin. Sa sobrang diin ng pagkakahawak niya ay halos bumaon ang kanyang mga daliri sa aking balat. Tiyak na magkakaroon ako ng pasa mayamaya lamang."Ang suplada mo naman, Amber. Dahil ba asawa ka ng mayabang kong pamangkin kaya pinagmamalakihan mo rin ako?" madilim ang mukha na tanong niya sa akin habang naniningkit ang mga mata.Sa halip na sagutin ay pinilit kong baklasin ang mga daliri niya na parang octupos na matindi ang pagkakapit sa braso ko. Ngunit kahit anong gawin ko ay hindi ko magawang alisin ang kanyang kamay sa aking braso. Lalaki siya at babae ako kaya natural lamang na mas malakas siya kaysa sa akin."Bitiwan mo ang braso ko," mariin ng boses na utos ko sa kanya. Nararamdaman ko na ang hapdi ng kanyang mga kuko na bumaon sa aking balat ngunit hindi ko ipinakita sa kanya na nasasaktan ako sa ginagawa niya."Sina