53 3RD POV“Where is the owner of that fish?” Galit na wika ni Dylan, dahil hindi pa rin tumigil si Anna sa kakangawa.Mabilis na tinawag ng guard ang manger kaya agad itong lumabas. “Call the owner of this place.” Wika ni Dylan sa manager. Mabilis na tinawagan ng manager ang may-ari at kinuha ni Dylan ang phone nito. “Come here or else ipapasara ko itong tindahan mo.” Galit na wika ni Dylan, kaya nataranta ang manager. Mabilis na tumayo si Anna at lumapit kay Dylan. “Gusto ko tanggalin mo rin ‘yon!” Turo niya sa guard habang namutla ito. Matapos makausap ni Dylan ang may-ari at agad na binigay kay Anna ang isda na gusto nito. “Sinabi ko na kasi sa ‘yo na akin ‘to!” Singhal niya sa guard habang mabilis. “Enough, umuwi na tayo.” Wika ni Dylan habang hinawakan nito ang kanyang braso. “Ano bang meron niyan?” Tanong ni Dylan habang nasa front seat si Anna at nakatingin sa isda na lumangoy sa maliit na acquarium nito. “Lulutuin ko ‘to mamaya.” Biglang naihinto ni Dylan ang kanya
54 3RD POVNilapag ni Anna ang hawak niya at tinalikuran si Dylan. “Where are you going?” Napahinto ito habang napapikit sa kanyang mga mata. “Wala akong sakit, kaya hindi ako pupunta ro’n.” “Bakit ba ayaw mo akong pakinggan? Sasamahan na naman kita.” “Bakit mo pa kasi ako pinipilit na pumunta sa lugar na ‘yon?” Galit na wika ni Anna habang hindi niya napigilan na mapa-iyak. Hindi na siya pinigilan ni Dylan nang lumabas ito sa kitchen dahil alam niya na sumama ang loob nito sa kanya. “Are you still mad?” Tanong ni Dylan sa kanya nang maabutan ito na nakahiga sa kanilang kwarto. “Gusto ko lang naman sana na malaman ang kondisyon mo.” “Dylan, wala akong sakit, kaya pwede ba, ‘wag mo akong pilitin na pumunta sa doctor.” Napahinga ng malalim si Dylan habang hindi ito sumagot kay Anna. KINABUKASAN ay nagising si Dylan na wala na si Anna sa tabi niya, naisip din niya na baka galit pa rin si Anna dahil sa sinabi niya kagabi. Naninibago kasi siya kay Anna, dahil hindi nito dinukot a
553RD POV“Natatakot ka ba sa akin?” Tanong ni Anna sa kanya, habang nanatili ito sa kanyang likuran. “Dapat ba kitang katakutan?” Hindi kumibo si Anna, kaya nilingon siya ni Dylan. “Hindi naman ako nakakatakot ‘di ba?” Tanong ni Anna sa kanya, habang tinitigan siya nito. “Hindi.” Wika ni Dylan kaya napangiti si Anna. “Pwede ba akong magtanong sa ‘yo?” Wika ni Dylan habang bumitaw si Anna sa kanya. “Ano ‘yon?” Tanong ni Anna habang umupo ito sa kama. “Saan ka kumukuha ng pera?” Muli siyang tinitigan ni Anna dahil sa tanong niya rito. “Ipon ko.” Sagot ni Anna sa kanya, habang humiga ito sa kama. “Alam mo bang bata pa lang ako ay nagsimula na akong mag-ipon, dahil ayokong laging manghingi kay Daddy.” Lumapit si Dylan sa kanya at muli siyang tinitigan nito. “Nagsasabi ka ba sa akin ng totoo?” Nilingon siya ni Anna habang ngumiti ulit ito sa kanya. “Mukha ba akong sinungaling?” Tanong sa kanya ni Anna habang tumabi si Dylan sa paghiga kay Anna.“Bakit ka nagbago?” Napansin ni D
563RD POV Napatingin si Anna sa kamay ni Kim nang hawakan nito ang kamay niya. “Hija, alam ko na hindi maganda ang simula niyo ni Dylan, pero sana mananatili ka sa tabi niya.” Wika ni Kim sa kanya habang hindi maiwasan ni Anna na makaramdam ng lungkot.“Hindi po ako ang gusto niyang makasama.” Mahina na wika ni Anna habang bakas sa mukha ni Kim ang lungkot. Alam ko ‘yon, pero ramdam ko bilang isang ina. Ramdam ko na mahalaga ka sa anak ko.” Hilaw na napangiti si Anna sa kanya, habang tinitigan siya. “Kaya sana anak, hindi ka magsasawa na intindihin siya.” Tanging ngiti ang sagot ni Anna sa kanya, dahil ayaw niya na mangako kay Kim, dahil alam niya na iiwanan niya rin si Kim balang araw. SAMANTALA, galit na sumugod si Max sa bahay ni Dylan at Anna. Hinahanap niya si Anna. “W-wala po talaga rito si Ma'am Anna, Sir.” Takot na wika ni Luz sa kanya matapos tingnan ni Max ang kwarto ni Dylan at Anna. “Tawagan mo siya at sabihin mo na nandito ako!” Sigaw ni Max. “W-wala po kasing pho
573RD POV “Ayaw mo pa rin bang umuwi?” Tanong ni Britney habang may malawak na ngiti sa kanyang labi. “Later.” Unti-unting nawala ang ngiti niya dahil sa sagot sa kanya ni Dylan. “Akala ko ba galit ka sa kanya?” Hindi sumagot sa kanya si Dylan at nakatoon lang ang atensyon nito sa kanyang phone. “Kahit ayaw kung umuwi, kailangan pa rin.” Wika ni Dylan, kaya muli siyang napangiti. “Basta bumalik ka agad dito Love ha?” Wika ni Britney habang hinahaplos ang dibdib niya. “Sir Dylan, mabuti po at nandito ka na.” Taka na napatingin si Dylan kay Luz nang makababa siya sa kanyang kotse. “Bakit? May nangyari ba Manang?” “Si Ma'am Anna po kasi, niligpit na niya ang lahat ng gamit niya.” Napatingin si Dylan sa loob ng bahay, at mabilis na iniwan si Luz. “Saan ka pupunta?” Tanong ni Dylan nang makapasok siya sa kwarto ni Anna. “Aalis na.” Mabilis niyang nilapitan si Anna at mahigpit na hinawakan ang braso nito. “Bitawan mo ako habang mabait pa ako Dylan.” Madiin na wika ni Anna pero h
58 3RD POV NAKARAAN “Anong ginawa mo rito?” Galit na tanong ni Max kay Anna. “Dad, patawarin niyo po ako.” Umiiyak na wika ni Anna habang lumuhod sa harapan ni Max. “Sa tingin mo mapapatawad kita sa ginawa mo sa akin?” “Alam ko na malaki ang nagawa kung kasalanan sa ‘yo Dad… Pero hindi ko po sinasadya ‘yon..” “Hindi sinasadya? Hindi mo ba naiisip ang ginawa mong pagpapahiya sa amin ng ama mo?” Sabay ni Fely, kaya napatingin si Anna sa kanya. “Walang kapatawaran ang ginawa mo sa amin Anna!” Sigaw nito habang nilapitan si Anna at sinampal.“Hiyang-hiya ako sa ginawa mo!” Muli siyang sinampal ni Fely, kaya napahawak siya sa kanyang pisngi. “Tama na ‘yan!” Awat ni Max kay Fely, kaya lumapit si Fely kay Max. “‘Wag ka nang maniwala sa baliw mong anak.” Galit na wika ni Fely. “Bakit biglang nagbago ang isip mo? Ano ba talaga ang problema mo Anna? Hindi ka naman ganyan noon?” Humihikbi na nag-angat ng mukha si Anna sa kanya. “Pinagsisihan ko na po ang ginawa ko Dad, sana patawarin
593RD POV“Bumalik na pala siya?” Tanong ni Recca habang nakatingin kay Anna. Sumama siya sa loob ng office ni Dylan matapos ang meeting nila. “Mahal mo na ba siya?” Muling tanong niya habang tumango si Dylan sa kanya. “Paano na si Britney?” Napahinga ng malalim si Dylan. “Nilinaw ko na sa kanya, na malabo na magkatuluyan pa kami dahil may asawa na ako.” Nailing si Recca dahil sa sinabi sa kanya ni Dylan. “Akala ko pa naman, hindi mo siya mamahalin.” “Akala ko rin Dude, pero Iwan parang may mali.” Napakunot ang noo ni Recca, dahil sa kanyang narinig. “Ano na naman ang mali? Alam mo Dude, pakiramdam ko Ikaw ‘yong may mali.” “Siguro nga Dude, pero hindi ko lang mapigilan na maninibago sa kanya. Alam mo kasi, sanay na ako sa ugali niya noon. Nakakapanibago na pilit niyang binalik ang kanyang ugali noon.” Napatitig muli si Recca kay Anna, habang may headphones ito sa kanyang tainga. “Kung mahal mo talaga siya, dapat tanggalin mo siya ng buo, at sana ‘wag mo nang paasahin si Britn
60 3RD POV“Pasensya ka na sa ginawa ko kagabi.” Wika ni Dylan habang naka-upo si Anna sa sofa. “Hindi naman ako galit sa ‘yo, alam ko na lasing ka lang.” Mahina na wika niya at tumayo. “Bilisan mo na, kailangan na natin pumasok.” Nilagay ni Anna ang mga gamit ni Dylan sa sofa, habang nauna na siyang lumabas sa kwarto nila. Napatingin si Dylan sa kanyang likuran habang umupo sa kama. “Nakahanda na ba ‘to lahat Manang?” Tanong ni Anna kay Luz, habang tumango ito sa kanya. “Hindi ba kayo kakain Ma’am Anna?” Tanong ni Luz, kaya napatingin si Anna sa kanya. “Hindi na Manang, sa office nalang kami kakain.” Sagot nito sa kanya habang kinuha ang bag na may laman na karne. “Ano ba ‘yang mga dala mo?” Tanong ni Dylan matapos ilagay ni Anna ang bag sa likuran ng kotse. “Balak ko kasi na magluto sa office.” Saglit na natigilan si Dylan dahil sa sinabi ni Anna sa kanya. Mas lalo siyang naninibago, dahil sa sinabi nito, dahil unti-unti na siyang nasasanay na siya ang magluluto ng pagkain p
197 3RD POV Napakuyom ang kamao ni Rey, habang napatingin sa babaeng pinakita ni Aaron sa kanya. “Kilala mo ba siya?” Tanong ni Evo. Habang tumango si Rey sa kanya. “Ibig sabihin, kilala siya ni Reymart?” Muling tanong ni Evo. “Malamang, kaya nga siya nagpabugbog dahil sa babae.” Wika ni Aaron. “Sino ba siya?” “Dati pa siyang gusto ni Reymart. High school pa lang kami.” “Talaga?” Hindi makapaniwala na tanong ni Evo. “Kaya nga wala siyang naging girlfriend.” “Mukhang nagmana siya sa ‘yo Bro.” Inis na tiningnan ni Aaron si Evo, dahil sa sinabi nito sa kanya. “Sadyang matino lang ako.” Wika nito at iniwan sila. “Lagot ka Kuya, mukhang galit na yata si Kuya Aaron.” “Hayaan mo siya.” Balewala na wika ni Evo sa kanya. “Ayos na ba ang pakiramdam mo?” Tanong niya kay Reymart, habang mag-isa nalang ito sa kwarto. Tumango ito sa kanya, habang umupo siya sa tabi nito. “Nagbalik na pala siya?” Tanong ni Rey, habang hindi sumagot si Reymart. “Sana hinayaa-.” “Tama na Rey, ayoko si
1963RD POV “Magtago ka bilis!” Nataranta na wika ni April sa kanya, matapos nitong silipin ang maliit na butas na nasa gitna ng pinto. “Bakit?” Taka na tanong ni Rey, habang tinutulak si Rey. “Si Daddy nasa labas.” “Daddy mo?” Ulit na tanong ni Re, kaya tumango si April sa kanya. “Kaya bilisan mo na!” Dali-dali na pumasok si Rey, sa kanilang kwarto, habang hinayaan lang nitong nakabukas ang pinto, para hindi magdudu ang daddy ni April. Nagtago si Rey, sa ilalim ng kama at sinilip ang paa ni April na naglalakad papunta sa pinto. “D-Dad..” Narinig niyang wika nito, matapos nitong mabuksan ang pinto. “Ito ba ang sinabi mo?” Narinig niyang tanong ng isang lalaki. Halata sa boses nito na medyo, may edad na ito. Nang mapansin ni Rey na naglalakad ito papunta sa kwarto, ay bigla nalang lumakas ang kabog sa dibdib niya, habang napakunot ang kanyang noo, dahil hindi lang dalawang pares ng paa, ang nakikita niya. ‘Bakit mukhang marami sila?’ Gusto niya sana na silipin ang mga mukha ni
195 3RD POV “Reymart, pwede bang bilhan mo ako ng mangga.” Wika ni Kai, sa kanya. Nasa restaurant kasi siya ni Kia, at gusto niya sana na puntahan ang bar ng kapatid niya. “Saan ba ‘to mabibili Ate?” Tanong niya, dahil hindi niya alam kung saan bumili ng mangga. Isa pa, hindi kasi siya sanay na dumaan sa mga kalsada, dahil helicopter ang lagi niyang dala. Gumagamit lang siya ng sasakyan, kapag hindi masyadong traffic. “Ang alam ko, maraming nagbebenta niyan, malapit sa bar ni Rey.” Sagot ni Kai sa kanya. Napakamot naman siya sa kanyang ulo, habang nakatingin sa mga tauhan niya, na kumakain pa, kaya hindi niya ito mautusan. “Sige Ate, bibili muna ako.” Wika nito, at lumabas. Napakunot ang noo niya, habang napatingin sa gilid ng kalsada. “Damn, paano kaya ‘to bibilhin?” Wika niya habang naglalakad papunta sa kabilang kanto. Ayaw na ayaw niya na gumamit ng sasakyan, lalo na at malapit lang naman ang pupuntahan niya. “Pwede po ba magtanong?” Tanong niya sa babaeng nakasalubong ni
1943RD POV “Hindi ko alam kung bakit ako lagi ang sinusundan mo at hindi siya.” Wika ni Rey, habang nasa harapan niya si Diana. Gulat naman itong napatingin sa kanya, dahil sa kanyang sinabi. “A-anong sinasabi mo?” Utal na sagot nito sa kanya habang kinuha ang baso nito na may laman na juice. Napangiti si Rey, habang napatingin siya rito. “Alam kung hindi ako ang gusto mo.” Wikang muli ni Rey, kaya napa-ubo si Diana.“A-ano ba ‘yang pinagsasabi mo? Alam mong ikaw ang gusto ko, susundan ba kita rito kung hindi kita gusto?” Muling nailing sa kanya si Rey, habang may ngiti ito sa kanyang labi. “Dahil alam mong hindi mo kaya ang ugali ng kakambal ko.” Biglang nabitawan ni Diana ang baso na hawak niya, dahil sa kanyang narinig. Mabilis na lumapit sa kanya ang kanyang mga alalay at nilinis ang sahig. “M-mali ka, i-ikaw ang gusto ko..” “Mga bata pa lang tayo, alam ko na gusto mo si Reymart. Hindi ka lang makalapit sa kanya, dahil natatakot ka, at dahil magkamukha kami, ako nalang ang
1933RD POV “Anong ginagawa mo rito?” Tanong niya kay Diana. “P-pinuntahan si Tita.” Sagot nito, kaya agad siyang tinalikuran ni Rey. “Sandali lang Rey!” Tawag niya rito, kaya napatingin si Rey sa kanya. “Bakit? May kailangan ka pa ba?” “Gusto ko lang sabihin sa ‘yo, na kahit anong gawin mo, ituloy ko pa rin ang pagpapakasal sa ‘yo.” Napakunot lalo ang noo ni Rey, dahil sa kanyang narinig, at iniwan si Diana. “Sir.” Wika ng kanyang secretary ng tawagin niya ito. “Alamin mo ang buong pagkatao nito.” Wika niya habang inabot dito ang picture ni April. “Rey.” Wika ni Aaron, kaya napatingin siya rito. “Bakit Kuya?” Kailangan mo akong samahan. “Saan?” “Sa probinsya.” “Anong gagawin natin do'n Kuya?” “Titingnan natin ang bagong project na pinagawa ng pamilya natin.” Wika nito habang umupo. Kita niya pa rin ang lungkot sa mga mata nito, habang seryoso itong nakatingin sa phone niya. “Sige Kuya, kailan tayo pupunta?”“Bukas.” “Bukas?” Ulit na tanong ni Rey kay Aaron. “Oo, bakit
1923RD POV “O-oo, bakit hindi ka pa umalis?” Tanong ni Rey, sa kanya habang nakatingin ito sa isang bisikleta. Agad siyang napangisi habang nakita ito. “Gusto mo bang samahan kita?” Napalingon si Rey, kay Diana, dahil sa sinabi nito sa kanya.“Anong sasama? Nababaliw kaba?” Insulting wika ni Rey, sa kanya. “Umalis na nga kayo, at pwede bang ‘wag ka nang bumalik pa rito.” Muling wika ni Rry, habang napakapit ng husto ni Diana sa kanyang damit, at doon kumuha ng lakas. “Alam mong hindi pwede ‘yon.” Pilit siyang ngumiti sa harapan ni Rey. Napakunot ang noo ni Rey, habang nakatingin sa kanya. “Ang kapal din ng pagmumukha mo… Kasing kapal ng katawan mo.” Wika ni Rey at agad siyang iniwan. “Susundan natin siya.” Wika niya, kaya hinawakan siya ng isa niyang alalay at umiling. “Lalo lang po siyang magalit sa into, kung gagawin niyo ‘yon Miss. Diana.” Wika nito kaya napayuko siya sa kanyang mukha. SAMANTALA hingal na hingal si Rey, sa kapapadyak ng bisikleta. Nahihirapan siya, lalo na
1913RD POV Tulala pa rin na nakatingin si Rey, sa marriage contract nila ni April. Kagagaling lang nila sa motel at agad siyang dinala nito sa kaibigan nitong abogado, para i-proseso ang kasal nila. “Akin na ang number mo, tatawagan nalang kita, kapag gusto kung makipagkita sa ‘yo.” Wika nito habang kumindat sa kanya. “T-teka lang!” Tawag niya rito, habang pasakay na ito sa isang taxi. “Kasal na tayo ‘diba?” Tumango si April, dahil sa tanong niya. “Hindi ba tayo magsasama sa isang bahay?” Muling tanong ni Rey, sa kanya. “Hindi muna, maghahanap pa ako ng bahay na pwede natin tirhan.” Wika nito sa kanya, kaya napakunot ang kanyang noo. “I-ikaw ang maghahanap?” Tumango muli si April. “Alam ko na maliit lang ang sahod mo, sa bar na ‘yon.” Napanganga si Rey, dahil sa narinig niya. Habang tinuro niya ang kanyang sarili. “‘Wag kang mag-alala sa motor mo, papalitan ko ‘yon, ibibili kita ng mas maganda pa ro’n.” Muling wika nito at kinuha ang kanyang wallet sa kanyang bag. “Bumili k
190 WARNING MATURED CONTEXT!!!SPG 3RD POV Nakatingin lang si Rey, kay April habang nagbabayad ito ng isang kwarto. “Ano pang ginagawa mo r'yan? Bilisan mo na!” Sigaw ni April, kaya agad siyang sumunod dito. Matapos silang makapasok sa isa sa mga motel room, ay agad na naghubad si April ng damit niya, kaya gulat na napatingin si Rey, sa kanya. “Ano pang hinihintay mo? Bakit nakatunganga ka lang? Maghubad kana!” Sigaw ni April sa kanya, kaya agad na napatango si Rey. Nang mahubad niya rin ang lahat ng saplot niya, ay si April naman ang tumitig sa kanya. “Humiga kana.” Muling wika ni April sa kanya, habang nakarinig sila ng mga yapak sa labas. Bigla naman siyang hinila ni April, dahil hindi niya sinunod ang gusto nito. Namilog ang mga mata ni Rey, habang nasa ibabaw niya si April, at nang biglang may bumukas sa pinto nila ay kunwari na sumigaw si April, habang isubsob niya ang kanyang mukha sa leeg ni Rey. Halos sasabog ang dibdib ni Rey, nang nararamdaman niya ang paglalapat
1893RD POV“Ahh! Lola!” Napahawak si Rey, sa tainga niya nang hilahin ito ni Helen. “Manang-mana ka talaga sa kuya mong si Evo!” Wika ni Helen, nang bitawan niya ang tainga ni Rey. “Kanino pa ba ako nagmana?” Natatawang wika ni Rey, kaya masama siyang tiningnan ng kanyang lola. “Sige na turuan niyo na ‘yan.” Utos nito, kaya hinawakan ng dalawang bodyguard ang magkabila niyang braso. “Teka lang Lola! Bakit ang bilis niyang dumating?” “Manahimik ka at sumunod nalang!” Sigaw ni Helen, habang sumisigaw si Rey. Sa lahat ng apo niyang lalaki, ay si Rey ang naiiba. Mahilig kasi itong pumasok sa gulo, at noon paman ay walang araw na walang pasa ang kanyang mukha. “Mommy,” “Hayaan mo muna ang anak mo.” Wika ni Helen, habang umupo ito sa sofa. “Alam mo Anak, ayaw ko nang makita pa na may pasa ang apo ko, kaya kailangan niyang matutunan ang lahat.” Napatango si Anna, habang tumabi ito sa kanyang ina. Napatingin si Anna sa kanyang bag, nang marinig niya ang tunog ng kanyang phone. “Bak