1363RD POV Agad na umuwi si Evo dahil sa sinabi ng katulong niya sa kanya. Alam niya na si Aaron ang nagpanggap na siya, dahil sa ginawa niya. Pero naisip niya kung bakit ito gagawin ni Aaron sa kanya. Isa pa, kilala ni Kai si Aaron.Nang makarating sa bahay si Evo ay agad na hinanap ang sinabi ng katulong sa kanya. Pero ang sabi nito ay mabilis itong umalis matapos itong tanungin ng katulong nila. “Nasa'n si Kai?” Tanong niya rito.“Nando'n sa kwarto niya po Sir.” Sagot sa kanya ng katulong, kaya pinuntahan niya ito. “Sino ‘yong pumunta rito?” Tanong niya matapos buksan ni Kai ang pinto.“Kamukha mo lang ‘yon.” Ngiting wika ni Kai sa kanya. “Kamukha? Anong kamukha? Hindi mo ba alam na isa lang ang kamukha ko at ‘yon ah kakambal ko?”“Malay ko ba kung marami kayong kamukha, at pwede ba Evo, umalis kana dahil gusto kung magpahinga.” “Magpahinga? Pagkatapos ng ginawa mo sa akin?” “Ano bang ginawa ko sa ‘yo?” Natatawa na tanong ni Kai sa kanya. “Sa tingin mo papayag ako na ganun
1373RD POV “Ano bang nangyayari r’yan sa mga anak mo?” Napahawak si Aira sa kanyang noo habang umupo siya sa kandungan ng asawa niyang si Dylan. “Wala naman problema sa mga anak natin Wife.” Sagot nito habang niyakap ang bewang ni Aira. “Anong wala? Akala mo talaga wala akong alam sa mga pinaggagawa nila, lalo na si Evo.” “Wife, malaki na sila. Isa pa, ‘diba Ikaw na rin ang may sabi na hayaan natin si Evo, para maging matured na ang isip nito?” “Oo nga Dylan, pero hindi ko naman sinabi na hahayaan natin siya na pabayaan nalang ang kanyang kompanya. Alam mo na ito ang pinakamahalaga sa akin. Gusto kung makita na nasa top pa rin sila. Katulad natin.” “Pero Wife, ayaw mo bang mas unahin niya ang pamilya niya?” Napapikit si Aira sa kanyang mga mata dahil sa sinabi ni Dylan. “Tama ka, ayaw ko rin naman na tumanda siyang mag-isa. Pero sa tingin mo ba, mahuhulog sa kanya si Catherine? Hindi kaya tayo nagkamali sa pagpili sa kanya Dylan?” “Tingnan natin. Wala naman impossible, lalo n
1383RD POV “Dell!” Sigaw ni Aira kaya napalingon ito sa kanya. Napatingin din ang babae na nagsampal kay Dell. “Mommy,” Malawak na ngumiti si Dell sa kanyang ina. Ngumiti naman si Aira sa kanya at nang harapin niya ang babae ay bigla niyang binali ang kamay nito. Humiyaw ng malakas ang babae dahil sa sakit, at nang lumapit ang ilang lalaki na nasa paligid ay hinarang agad sila ng mga tauhan ni Dylan at tinutukan ng baril. “Ang lakas ng loob mong sampalin ang anak ko!” Galit na sigaw ni Aira habang gulat at nasasaktan pa rin ang babae na tumingin sa kanya.“A-anong anak? Anong ibig niyong sabihin? Anak niyo ang hampaslupa na ‘ya-.” Muling napabaling ang mukha niya sa muling pagsambal sa kanyang pisngi ni Aira. “Tinatawag mong hampaslupa ang anak ko? Bakit sino kaba sa tingin mo?” Muling sigaw ni Aira habang mas lalo pang napahiyaw ang babae. “Hindi mo ba alam na anak ako ng mayor!” Iyak na sigaw ng babae habang malakas na napahalakhak si Aira sa kanya. “Mayor? Nakakatawa.” Iling
1393RD POV Hindi makapaniwala si Evo na patungo sa katabing bahay nila ang tunnel na nasa ilalim ng kanilang bahay. “Marahil ay may tauhan siya sa loob ng bahay niyo.” Wika ni Aaron sa kanya. “Tama ka Bro, dahil ang bilis nilang nalinis ang bahay na ‘to.” Wika ni Evo habang napatingin sa labas. Kahit Kasi isang gamit ay wala silang nakita. “Teka lang..” Napatitig si Aaron sa kanya. “Bakit?” “‘Yong bata.” “Bata? Anong bata?” “Naalala ko na ‘yong batang tumawag sa kanya ng mama.” Lalong napakunot ang noo ni Aaron, dahil sa sinabi ni Evo sa kanya. “Ang gulo mo naman kausap.” “Bro, Tama ang hinala ko, may anak nga si Kai, dahil ‘yong bata na tumawag ng mama sa kanya, ay rito banda ko ‘yon nakita, damn! Kaya pala siya tinawag na mama nito. Ang tanga ko talaga!” “Pero bakit wala tayong mahanap na record ni Kai?” “Hindi ko alam Bro, posible na may tumulong sa kanya.”“Kung ganun, sino?” Tanong ni Aaron. Napatingin naman siya sa phone niya nang marinig ang tunog nito. “Yes Mom?”
1403RD POV “Anong ginagawa mo rito Evo?” Kunot-noo na tanong ni Kai sa kanya. “Hindi ba obvious? Nandito ako para sunduin ka.” Wika ni Evo habang panay ang paglingon niya sa paligid. “Bakit, hindi mo ba natanggap ang pinadala kung love letter sa ‘yo?” Ngiting wika ni Kai sa kanya. “Ang pangit ng love letter mo, kaya hindi ko nagustuhan.” Nawala ang ngiti ni Kai sa kanyang labi dahil sa narinig niya. “Wala ka man lang bang sasabihin sa ‘ki?” Ngising wika ni Evo sa kanya. “Sasabihin? Saan?” “Tsk, alam ko na ang sikreto mo, kaya nga gusto mong makipag-divorce sa akin ‘diba?” Napangiti si Kai dahil sa sinabi ni Evo sa kanya. “Bakit ka gumawa ng tunnel sa ilalim ng bahay natin?” Kunot-noo na tanong ni Evo sa kanya, habang hindi sumagot si Kai. “Aaminin ko na naisahan mo ako Kai, pero hindi ko akalain na kaya mong itago ang anak mo sa akin.” Napakunot ang noo ni Kai dahil sa narinig niya. “Anak?” Natatawa na wika nito. “Hindi mo pa rin ba aaminin?” Galit na wika ni Evo. “Anong
1413RD POV “Bakit naman nila ginawa ‘yon sa ‘yo? Ano bang ginawa mo?” “Ginawa? Wala akong ginawa?” Kunot-noo na wika niya habang tumingin sa bata na karga pa rin ni Aaron. Agad na binigyan ni Aaron ng gatas ang bata ang dumating ang inutusan niya. Napatitig naman si Evo sa bata habang dumi-d*de ito sa bote. “Ang laki na niya, dumi-d*de pa rin.” Iling na wika ni Evo. “Tawagan mo ang asawa mo at ibalik mo na ‘to sa mga magulang niya.” “Bakit ko naman gagawin ‘yon?” “Evo! Hindi kana bata! Isa pa, ‘wag mong idamay ang bata sa kagaguhan mo.” Inis na wika ni Aaron at iniwan sila. “Saglit! Sa’ n ka naman pupunta? Bakit ba lagi ka nalang umalis?” “Busy ako, hindi ako katulad mo.” Napangisi si Evo sa kanya, dahil sa kanyang sinabi. “Alam mo, kahit hindi na ako magtrabaho, walang problema, dahil nangunguna na ulit ang kompanya ko.” Mayabang na wika ni Evo. “Yabang mo, bantayan mo ‘yan at ‘wag mong takutin, ibalik mo na rin ‘yan sa mga magulang niya.” Wika ni Aaron at tinalikuran si
142 3RD POV “A-apo? Ibig sabihin anak siya ni Aaron? Fvck! Kaya pala sila magkamukha?” Kunot-noo na nilapitan ni Aira si Evo at binatukan ito. “Kailan kaba titino? Ang akala ko pa naman matalino ka?” Napakunot ang noo niya dahil sa sinabi ng kanyang ina. “Mom, naman, alam mo naman na matalino talaga ako ‘diba?” “Kung ganun gamitin mo ‘yang utak mo at ‘wag puro laro ang isipin mo. Ikaw ang ama ni Ellie.” Napa-awang ang labi ni Evo dahil sa narinig niya. “A-ama?” Nagpapatawa ka ‘yata Mommy.” “Kailan ako nagpapatawa sa ‘yo Evo? Isa pa, hindi mo ba nakikita ang sarili mo sa batang ‘to? Hindi lang si Aaron ang kamukha niya, dahil kamukha mo rin siya!” Galit na wika ni Aira sa kanya habang tinalikuran niya si Evo. “Isa pa, ayusin mo ang gulong ginawa mo.”“G-gulo?” “Nasa hospital ang ina ni Catherine, dahil sa kagagawan mo.”“Hospital? Wala naman akong ginawa sa kanya! Isa pa Mom, kung anak ko siya, sino naman ang nanay niya?” Taka na tanong ni Evo. “‘Yan, sa dami kasi ng babaeng
143 3RD POV “Ano ba ‘tong ginagawa mo sa sarili mo Evo?!” Galit na tanong ni Aaron sa kanya habang nakahiga si Evo sa sahig kasama ang iba't-ibang klase ng bote ng alak. Pilit naman na minulat nito ang mga mata niya, habang ngumiti ito sa kanya. “Bro! Nandito ka pala?” Ngiting wika niya habang pilit na tumayo. Bigla naman siyang natumba, dahil sa kalasingan. Inis siyang nilapitan ni Aaron at binuhat ito papasok ng banyo. Nilagay niya ito malapit sa shower at binuksan ito. “Sh!t!” Malakas na sigaw ni Evo dahil sa lamig. “Ang laki mo talagang bobo Evo!” Malakas na sigaw ni Aaron sa kanya, kaya galit siyang tiningnan ni Evo. “Imbis na gumawa ka ng paraan para bumalik sa ‘yo ang asawa at mga anak mo, pero nag-pakalunod ka lang sa alak! Nasa'n ba talaga ang utak mo Evo? Sa tingin mo ba matutulungan ka ng mga alak na ‘yan sa problema mo? Hindi ‘diba?!” Sigaw ni Aaron sa kanya, habang naririnig niya ang malakas na Iyak ng kanyang kakambal. Ilang araw na rin nilang hinanap si Evo at ka
199WARNING MATURED CONTEXT!!!3RD POV “Ano pang hinihintay mo? Lumabas kana!” Hindi pa rin nawala ang ngiti sa labi ni Evo, habang nanatili sa loob ng sasakyan si Rey. “Lumabas kana. Ang bagal mo!” “Bakit ba kasi ganyan ang uniform nila?” Inis na tanong nito. “Malay ko ba na ganyan ang suot mo.” Wika ni Evo, kaya masama siyang tiningnan ni Rey. “Bumaba kana, baka magalit na sa akin ang ate mo.” Walang nagawa si Rey, kun'di ang bumaba. Hindi pa rin niya napigilan na mainis habang nakatingin sa mga bodyguard ni Evo. Alam niya na sinadya ng kuya Evo niya na ipasuot sa mga bodyguard nito ang damit na katulad sa kanya. “Ayusin mo naman ‘yang mukha mo. Baka matakot sa 'yo ang mga taong nandito.” Wika ni Evo, habang pinipigilan na mapa-halakhak. “Ano ba kasi ang gagawi-.” Natigilan si Rey, nang makita ang babaeng nakatingin sa kanya. May kasama itong lalaki na kumain. Napakuyom ang kamao niya, habang nakatingin sa kanila. “Anong problema?” Tanong ni Evo, habang umiling si Rey, haba
198 3RD POV “Lola naman!” Yamot na wika ni Rey, habang nasa mansion siya ng lolo at lola Helen niya. Hindi siya naka-takbo kanina, dahil sa dami ng humahabol sa kanya. Hindi niya tuloy maiwasan na mag-alala kay April. “Sagutin mo ang tanong ko Rey, sino si April?” Tanong ni Helen sa kanya. Pero hindi ulit siya kumibo. “Hanapin niyo ang April na kilala ng Apo ko! At dalhin niyo siya sa akin!” “Kaibigan ko!” Sigaw niya kaya napatingin si Helen sa kanya, habang naka-kunot ang noo nito. “Kaibigan?” Tumango si Rey, sa lola niya, habang tinitigan siya nito. “Mukhang special na kaibigan.. Sige na hanapi-.” “Lola, ‘wag na please…” Pagmamakaawa ni Rey sa kanya. “Gusto mo ba siya?” Tanong ni Helen, habang agad na tumango si Rey sa kanya. Aaminin niya na habang tumatagal ay unti-unti na siyang nahuhulog sa asawa niyang si April. “Paano na si Diana?” Tanong muli ni Helen. “Hindi ako ang gusto niya Lola. Si Reymart na ang bahala sa kanya.” Balewala na wika ni Rey. “Alam ba ‘yan ng kak
197 3RD POV Napakuyom ang kamao ni Rey, habang napatingin sa babaeng pinakita ni Aaron sa kanya. “Kilala mo ba siya?” Tanong ni Evo. Habang tumango si Rey sa kanya. “Ibig sabihin, kilala siya ni Reymart?” Muling tanong ni Evo. “Malamang, kaya nga siya nagpabugbog dahil sa babae.” Wika ni Aaron. “Sino ba siya?” “Dati pa siyang gusto ni Reymart. High school pa lang kami.” “Talaga?” Hindi makapaniwala na tanong ni Evo. “Kaya nga wala siyang naging girlfriend.” “Mukhang nagmana siya sa ‘yo Bro.” Inis na tiningnan ni Aaron si Evo, dahil sa sinabi nito sa kanya. “Sadyang matino lang ako.” Wika nito at iniwan sila. “Lagot ka Kuya, mukhang galit na yata si Kuya Aaron.” “Hayaan mo siya.” Balewala na wika ni Evo sa kanya. “Ayos na ba ang pakiramdam mo?” Tanong niya kay Reymart, habang mag-isa nalang ito sa kwarto. Tumango ito sa kanya, habang umupo siya sa tabi nito. “Nagbalik na pala siya?” Tanong ni Rey, habang hindi sumagot si Reymart. “Sana hinayaa-.” “Tama na Rey, ayoko si
1963RD POV “Magtago ka bilis!” Nataranta na wika ni April sa kanya, matapos nitong silipin ang maliit na butas na nasa gitna ng pinto. “Bakit?” Taka na tanong ni Rey, habang tinutulak si Rey. “Si Daddy nasa labas.” “Daddy mo?” Ulit na tanong ni Re, kaya tumango si April sa kanya. “Kaya bilisan mo na!” Dali-dali na pumasok si Rey, sa kanilang kwarto, habang hinayaan lang nitong nakabukas ang pinto, para hindi magdudu ang daddy ni April. Nagtago si Rey, sa ilalim ng kama at sinilip ang paa ni April na naglalakad papunta sa pinto. “D-Dad..” Narinig niyang wika nito, matapos nitong mabuksan ang pinto. “Ito ba ang sinabi mo?” Narinig niyang tanong ng isang lalaki. Halata sa boses nito na medyo, may edad na ito. Nang mapansin ni Rey na naglalakad ito papunta sa kwarto, ay bigla nalang lumakas ang kabog sa dibdib niya, habang napakunot ang kanyang noo, dahil hindi lang dalawang pares ng paa, ang nakikita niya. ‘Bakit mukhang marami sila?’ Gusto niya sana na silipin ang mga mukha ni
195 3RD POV “Reymart, pwede bang bilhan mo ako ng mangga.” Wika ni Kai, sa kanya. Nasa restaurant kasi siya ni Kia, at gusto niya sana na puntahan ang bar ng kapatid niya. “Saan ba ‘to mabibili Ate?” Tanong niya, dahil hindi niya alam kung saan bumili ng mangga. Isa pa, hindi kasi siya sanay na dumaan sa mga kalsada, dahil helicopter ang lagi niyang dala. Gumagamit lang siya ng sasakyan, kapag hindi masyadong traffic. “Ang alam ko, maraming nagbebenta niyan, malapit sa bar ni Rey.” Sagot ni Kai sa kanya. Napakamot naman siya sa kanyang ulo, habang nakatingin sa mga tauhan niya, na kumakain pa, kaya hindi niya ito mautusan. “Sige Ate, bibili muna ako.” Wika nito, at lumabas. Napakunot ang noo niya, habang napatingin sa gilid ng kalsada. “Damn, paano kaya ‘to bibilhin?” Wika niya habang naglalakad papunta sa kabilang kanto. Ayaw na ayaw niya na gumamit ng sasakyan, lalo na at malapit lang naman ang pupuntahan niya. “Pwede po ba magtanong?” Tanong niya sa babaeng nakasalubong ni
1943RD POV “Hindi ko alam kung bakit ako lagi ang sinusundan mo at hindi siya.” Wika ni Rey, habang nasa harapan niya si Diana. Gulat naman itong napatingin sa kanya, dahil sa kanyang sinabi. “A-anong sinasabi mo?” Utal na sagot nito sa kanya habang kinuha ang baso nito na may laman na juice. Napangiti si Rey, habang napatingin siya rito. “Alam kung hindi ako ang gusto mo.” Wikang muli ni Rey, kaya napa-ubo si Diana.“A-ano ba ‘yang pinagsasabi mo? Alam mong ikaw ang gusto ko, susundan ba kita rito kung hindi kita gusto?” Muling nailing sa kanya si Rey, habang may ngiti ito sa kanyang labi. “Dahil alam mong hindi mo kaya ang ugali ng kakambal ko.” Biglang nabitawan ni Diana ang baso na hawak niya, dahil sa kanyang narinig. Mabilis na lumapit sa kanya ang kanyang mga alalay at nilinis ang sahig. “M-mali ka, i-ikaw ang gusto ko..” “Mga bata pa lang tayo, alam ko na gusto mo si Reymart. Hindi ka lang makalapit sa kanya, dahil natatakot ka, at dahil magkamukha kami, ako nalang ang
1933RD POV “Anong ginagawa mo rito?” Tanong niya kay Diana. “P-pinuntahan si Tita.” Sagot nito, kaya agad siyang tinalikuran ni Rey. “Sandali lang Rey!” Tawag niya rito, kaya napatingin si Rey sa kanya. “Bakit? May kailangan ka pa ba?” “Gusto ko lang sabihin sa ‘yo, na kahit anong gawin mo, ituloy ko pa rin ang pagpapakasal sa ‘yo.” Napakunot lalo ang noo ni Rey, dahil sa kanyang narinig, at iniwan si Diana. “Sir.” Wika ng kanyang secretary ng tawagin niya ito. “Alamin mo ang buong pagkatao nito.” Wika niya habang inabot dito ang picture ni April. “Rey.” Wika ni Aaron, kaya napatingin siya rito. “Bakit Kuya?” Kailangan mo akong samahan. “Saan?” “Sa probinsya.” “Anong gagawin natin do'n Kuya?” “Titingnan natin ang bagong project na pinagawa ng pamilya natin.” Wika nito habang umupo. Kita niya pa rin ang lungkot sa mga mata nito, habang seryoso itong nakatingin sa phone niya. “Sige Kuya, kailan tayo pupunta?”“Bukas.” “Bukas?” Ulit na tanong ni Rey kay Aaron. “Oo, bakit
1923RD POV “O-oo, bakit hindi ka pa umalis?” Tanong ni Rey, sa kanya habang nakatingin ito sa isang bisikleta. Agad siyang napangisi habang nakita ito. “Gusto mo bang samahan kita?” Napalingon si Rey, kay Diana, dahil sa sinabi nito sa kanya.“Anong sasama? Nababaliw kaba?” Insulting wika ni Rey, sa kanya. “Umalis na nga kayo, at pwede bang ‘wag ka nang bumalik pa rito.” Muling wika ni Rry, habang napakapit ng husto ni Diana sa kanyang damit, at doon kumuha ng lakas. “Alam mong hindi pwede ‘yon.” Pilit siyang ngumiti sa harapan ni Rey. Napakunot ang noo ni Rey, habang nakatingin sa kanya. “Ang kapal din ng pagmumukha mo… Kasing kapal ng katawan mo.” Wika ni Rey at agad siyang iniwan. “Susundan natin siya.” Wika niya, kaya hinawakan siya ng isa niyang alalay at umiling. “Lalo lang po siyang magalit sa into, kung gagawin niyo ‘yon Miss. Diana.” Wika nito kaya napayuko siya sa kanyang mukha. SAMANTALA hingal na hingal si Rey, sa kapapadyak ng bisikleta. Nahihirapan siya, lalo na
1913RD POV Tulala pa rin na nakatingin si Rey, sa marriage contract nila ni April. Kagagaling lang nila sa motel at agad siyang dinala nito sa kaibigan nitong abogado, para i-proseso ang kasal nila. “Akin na ang number mo, tatawagan nalang kita, kapag gusto kung makipagkita sa ‘yo.” Wika nito habang kumindat sa kanya. “T-teka lang!” Tawag niya rito, habang pasakay na ito sa isang taxi. “Kasal na tayo ‘diba?” Tumango si April, dahil sa tanong niya. “Hindi ba tayo magsasama sa isang bahay?” Muling tanong ni Rey, sa kanya. “Hindi muna, maghahanap pa ako ng bahay na pwede natin tirhan.” Wika nito sa kanya, kaya napakunot ang kanyang noo. “I-ikaw ang maghahanap?” Tumango muli si April. “Alam ko na maliit lang ang sahod mo, sa bar na ‘yon.” Napanganga si Rey, dahil sa narinig niya. Habang tinuro niya ang kanyang sarili. “‘Wag kang mag-alala sa motor mo, papalitan ko ‘yon, ibibili kita ng mas maganda pa ro’n.” Muling wika nito at kinuha ang kanyang wallet sa kanyang bag. “Bumili k