Lucky's POV
Hindi ko mapigilang mapaubo dahil sa pagpapausok nila sa akin. "O masamang espiritu, lubayan mo ang katawan ng babaeng ito." Sabi ng mananambal na dumating.
Oo, mali ang dinig ko. Hindi manananggal ang tinawag nila, kundi mananambal. Kaya naman ngayon hawak hawak ako ng dalawang babae para hindi ako makatakas sa pag-orasyon sa akin.
Tuloy tuloy lang ang pag-ubo ko at kita ko ang pag-aalala sa mukha ng pamilya ni Lucia lalo na ng babaeng feeling ko nanay niya. "Mang Tasyo, bakit hindi tumitigil sa pag-ubo ang anak ko?" Tanong nito.
"Nilalabas niya ang mga masasamang espiritung bumabalot sa kanya." Sabi nito na nagpa-init ng ulo ko. Kung magpalit kaya namin ng pwesto at siya ang pausukan ko, tignan ko lang kung hindi siya ubuhin.
Nakaupo si Magnus sa tabi ng tatay ni Lucia at pinapanuod ang pagpapahirap sa akin. For sure, tuwang tuwa siyang nahihirapan ako ngayon.
Lucia's POVPaano ko ba ma-contact itong si Lucia?Alam kong konektado siya sa sumpa. Hindi naman siguro ako ipapadala sa panahong ito na walang dahilan.Buong gabi kong kinakausap ang sarili ko baka sakaling magsalita itong si Lucia pero nagmukha lang akong tanga. "Hoy babaeng talandi. Alam kong nandito ka lang sa loob ng katawan na ito, kaya naman lumabas ka na at kausapin mo ako." Sabi ko sa harap ng salamin.Naghintay akong ilang segundo pero wala akong narinig mula sa kanya."Sasaktan ko itong katawan mo?" Panghahamon ko pero wala akong narinig mukha sa kanya.Kaya naman kinuha ang isang suklay at sinaksak ang sikmura ko. Nanlaki ang mata ko at napatakip ng bibig, bukod sa sobrang sakit ay muntikan na akong masuka sa kalokohan ko.Sandali akong natigilan nang may kumatok sa kwarto. "Señorita Lucia, ma
"Señorita, hindi ka pa ba matutulog?" Tanong ni Perlita nang makita akong nakadungaw sa bintana sa kalaliman ng gabi.Hindi ko siya pinansin. Feeling ko ang habang oras sa panahong ito, bawat segundo parang oras ang katumbas. Ganun yata kapag hindi mo gusto ang ginagawa mo or sa case ko napuntahan kong panahon.Lucia. Lucia. Lucia. Bakit mo naman kasi sinumpa ang angkan mo? Para sa lalaking hindi ka mahal. Dagukan nalang kaya kita baka sakaling matauhan ka.Paksht ka! Ang dami mong sinirang buhay dahil sa pagiging bitter mo. Bwisit ka."Perlita." Sabi ko nang tumabi siya sa akin. "Anong klaseng babae ako noon?"Ngumiti si Perlita. "Masunurin kang anak, mapagmahal at malambing kaya naman paborito kang anak ni Señor at Señora. Sinubukan mong magsanay kung paano maging isang maybahay ngunit nahirapan ka dahil hindi ka naman sanay sa gawaing bahay.
"Señorita, gumising na po kayo." Pangbubulabog ni Perlita sa mahimbing kong tulog. Kinuha ko ang unan at tinakip sa ulo para hindi marinig ang boses niya. Sandaling nagkaroon ng katahimikan pero ilang minuto ang lumipas ay niyugyog niya ako. "Señorita, kailangan mo na bumangon dahil magsisimba pa kayo ni Señora Rosario.”“Siya na lang. Antok na antok pa ako.” Sagot ko habang inaalis ang kamay niya sa braso ko. “I need my beauty sleep.”“Paumanhin Señorita ngunit hindi ko maintindihan ang iyong tinuran.” Rinig kong sabi ni Perlita kaya naman bumangon na lang ako dahil wala ako sa mood mag-explain.Hindi ko napigilang taasan ng kilay si Perlita nang bumangon ako. Mayroong tipid na ngiti sa kanyang mga labi na para bang masaya siyang hindi nahirapan sa paggising sa akin. Wala akong nagawa, pumunta lumabas na ako ng kwarto para pumuntang banyo at mal
Hindi na ako nagpakalayo layo dahil hindi ko naman alam ang pasikot sikot sa panahong ito at wala akong dalang pera. Naupo ako sa isang bench at pinagmasdan sila mula sa malayo. Mas mabuti na lumayo ako, ayoko namang masira ag date ni Ate Amor dahil sa pagiging negative ko.Masaya silang apat habang kumakain ng mais. Lalo na si Magnus at Soledad na nagsusubuan ng mais, wala palang dapat na ipag-alala. Kung ibang tao ang makakakita, mapagkakamalan silang mag-jowa.Kawawang Lucia.Unti unting dinurug ni Magnus ang puso niya sa mga kinikilos nito. Gusto niya sigurong si Lucia ang sumuko para ihinto ang kasal nila. Sa ganoon, hindi lalabas na mayroong babaeng involve at mababansagang walang isang salita ang ga De Silva.Tumalim ang tingin ko kay Magnus na sandaling napadako ang tingin sa akin. Hindi ko napagilang mapangisi nang magtama ang tingin namin. “Sorry pero hindi
Isa isa kaming pinababa ni Magnus ng kalesa. Nakahandusay sa sahig ang kutsero, hindi ko malaman kung patay na ba ito o pinatulog lang nila. Sinadya kaming paghiwalayin dahil alam nilang mas susunod si Magnus sa kanila, kung hawak nila ako. Napailing nalang ako, kung alam lang nilang hiniling ng lalaking ito na mamatay na ako, masisira ang plano nila. Ginapos nila ang mga kamay ni Magnus habang ako naman ay mayroong dalawang bantay. "Bakit hindi niyo ako ginapos?" Tanong ko na kinagulat ng mga lalaking dumudukot sa amin lalo na ni Magnus. Sa lahat ba naman kasi ng kinidnap, ako pa ang naghanap ng gapos. Hindi ko fetish 'yun, nakakapagtaka lang na dalawang bantay ang kasama ko habang tatlo naman ang kay Magnus. Partida, nakagapos pa 'yun pero mas marami pang nakabantay sa kanya. Pinanlakihan ako ng mata ni Magnus at sinenyasang tumahimik. Tinaasan ko lang siya ng kilay, "Nagtatanong lang naman ako." Sagot ko.
Lucky’s POV Nagising ako nang maramdamang mayroong humahaplos sa mukha ko. Agad kong napabalikwas mula sa pagkakahiga at tinakip ang kumot sa katawan ko. “Nasaan ako?” Tanong ko at ginala ang paningin sa paligid. “Señorita Lucia, narito ka sa iyong silid.” Sabi ni Perlita habang inaalalayan akong mahiga muli sa kama. “Hinatid ka ng mnga tauhan ni Señor Lolinito matapos mahuli ang mga dumukot sa iyo.” Doon lang bumalik ang alaala ko. Hinimatay pala ako nang dumating ang ama ni Lucia. Hindi ko akalaing bibigay ang katawan ni Lucia nang ganoon na lang. Mukhang hindi siya sanay magbanat ng buto, sa bagay may sarili nga siyang tomataban, ano pa bang aasahan ko sa kanya. “Kamusta na ang iyong kalagayan Señorita?” Tanong ni Perlita sa akin habang pinupunasan ang braso kong puno ng galos at pasa. “Paniguradong nabalot ka ng takot sa dami ng rebeldeng dumakip sa inyo.” Ili
Lucky's POV "Señorita, ano po ba ang ginawa mo sa iyong buhok?" Tanong ni Perlita nang kumuha ako ng isang tela at iniikot ang buhok ko para kumulot. "Hindi ba dapat ay sinusuklay mo ang iyong buhok upang tumuwid?" "Nakakasawa na ang straight na buhok. Napaka-plain, napaka-boring. Kaya hindi napapansin ni Magnus si Lucia dahil hindi niya inaayos ang sarili niya." Sagot ko at kitang naguguluhan si Perlita sa sinabi ko. Sinenyasan ko nalang si Perlita na sundan ang ginagawa ko at huwag magtanong. Susubukan kong gumawa ng heatless waves sa panahong ito, napakahirap naman kasi wala pang kuryente sa panahong ito. Naghahanda ako para sa date namin ni Magnus bukas. Nangako siyang pupunta siya kaya naman chance ko na para magpasikat sa kanya.
“Señorita Lucia.”Agad kong minulat ang mata ko nang marinig ang boses ni Perlita. “Anong kailangan mo?” Tanong ko at nilingon ang bintana. Doon ko lang napansing madalim na ang paligid, gabi na pala.“Nagtutupi po ako ng inyong kasuotan nang marinig ko kayong humihikbi. Kaya naman agad ko kayong ginising upang mawala ang iyong masamang panaginip.”Nagulat nalang ako nang punasan niya ang luha ko. Hindi ko akalaing hanggang sa panaginip luluha ako. Buong akala ko matatakasan ko ang sakit na nararamdaman ko kapag natulog ako pero nagkamali ako.Hanggang sa panaginip kasama ko si Magnus.“Hindi mo na sana ako ginising. Wala namang pinagkaiba ang panaginip ko sa nararamdaman ko ngayon.” Sagot ko at nagulat nalang ako nang inaalalayan ako ni Perlita na bumangon. “Anong gagawin mo?”Inabot niya sa