“Excuse me po. Kayo po ba ang guardian ni Oliver Perez?” Tanning ng isang pulis.
“Ay opo ako po si Ivy Sanchez. Kapatid ko nga po itong batang to.”Sagot ni Ivy sabay batok sa nakababatang kapatid.
“Ano na naman ang ginawa mo?” Pagsesermon niya.
“Iyan ate. Siya yung nag attempt ng hipuan ako.” Sagot ni Oliver sabay turo kay Alex.
Di makapaniwalang tinuro ni Alex ang sarili. “Ako?! Hoy, Bata kanina ka pa! Sinabi ngang aksidente lang lahat ng iyon.” Depensa ni Alex.
“Totoo po ang sinasabi ni Ms. Bautista. We checked the CCTV footage at isang malaking misunderstanding lang po ito. Kaya lamang po ay nagcause ng abala ang kapatid niya at pwede po siyang kasuhan ni Ms. Bautista kung gugustuhin niya pong magsampa ng kaso, maiiwan ang kapatid mo dito. Sa edad po niya ay pwede na po siyang makulong. Pero tingin ko na po ay magkakilala po kayo, pag-usapan niyo nalang po at magkasundo.” Pagpapaliwanag ng pulis.
“Okay na po. Di kami magrereklamo,” sabat ni James na ikinagulat ni Alex.
‘Seryoso? Ni hindi man lang niya ako tanungin kung okay lang ba sakin since pangalan at pagkatao ko ang nasira dito. O baka naman pinapanigan niya ang kumag na ito.’
“Pasensya na sa nangyari, Alex. Ako na humihingi ng paumanhin sa kapatid ko. Loko-loko kasi talaga to. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko sa batang ito.” Paghingi ng paumanhin ni Ivy.
“Okay lang.” Sabat ni James.
‘Siya na ba ang bago kong tagapagsalita ngayon? Kanina pa to sabat ng sabat. Ni hindi man lang napakinggan ang sasabihin ko.’ May pagkasarkastikong litanya ni Alex sa sarili.
Nagulat na lamang si Alex nang hinawakan ng mahigpit ni James ang kanyang braso hanggang sa makarating sila sa parking lot. Bakas sa kanyang pagkakahawak na galit ito. Huminto si Alex at bayolenteng binawi niya ang kanyang kamay mula sa pagkakahawak ni James. Masama niyang tinignan ang nobyo habang hawak hawak ang kanyang brasong namumula dahil sa higpit ng hawak ni James.
“Ano bang problema mo?” Inis na tanong ni Alex.
“Bakit mo ginawa iyon? Ano ba nangyayari sayo? Dahil ba ito sa mga narinig mo kaya ka umaaktong nagrerebelde ngayon?” Naguguluhang napatingin si Alex sa nobyo.
‘Hindi ba niya narinig ang sinabi ng pulis? O sadyang hindi siya naniniwala sa akin?’
“Sinabi ko na kanina. Hindi ko nga-”
“Saan mo siya hinawakan? Hinupuan mo ba talaga siya?” Nagngingitngit sa galit na tanong ni James kay Alex.
Napanganga na lamang si Alex sa pinagsasabi sa kanya.
Sa sampung taon nilang magkasama sa iisang bubong, ngayon niya lang naramdaman ang ganito. Tila ba may bumara sa kanyang lalamunan at hirap siyang makapagsalita. Nag-iinit na din ang gilid ng kanyang mga mata, sensyales ng pagbabadyang pagpatak ng kanyang mga luha.
‘Nagagalit ba siya dahil akala niyang ginawa ko talaga ang binibintang saakin? O di kaya ay nagseselos siya?’
Ang kaninang sakit na naramdaman ay napalitan ng kagalakan sa pag-iisip na baka nagseselos ang mahal niya.
‘Kasi kung talagang wala siyang pakialam sa akin, o kung kapatid lamang ang turing niya, di siya magrereact ng ganito.’
“Wala akong ginawa sa bata. Muntikan lamang ako mapaupo sa sahig, kaya sa takot kong matumba, napayakap ako sa kanya.” Paliwanag ni Alex.
“Hoy! Babaeng manyakis!” Sigaw ni Oliver sa di kalayuan, dahilan upang maputol ang usapan nila.
Hindi na nakuntento at lumapit pa ang binata sa kanila. Sumunod naman sa likuran niya ang nakatatandang kapatid na si Ivy. Hindi pa rin makaget-over si Alex sa nakita kaninang paghawak ni Ivy sa braso ni James na tila ba sanay na silang hawakan ang isa’t-isa. Kaya lumapit si Alex kay James at hinawakan ang kamay nito.
“Bakit kasama mo si bayaw? Siya ba ang bagong mong prospect na mahipuan?” Tanong ni Oliver kay Alex.
‘Magkaaway ba kami sa past life namin? Bakit ganito nalang ang pagkulo ng ulo niya saakin?’
“Sinabi nang tumigil ka na!” Nagulat naman si Alex nang malakas na pinalo ni Ivy ang likod ng kapatid dahilan upang mapa-aray si Oliver.
“Ate naman eh!” Reklamo nito.
“Tigilan mo na si Alex. Ikaw kung anu-anong kalokohan na naman pinasok mo. Pasalamat ka at mabait sila.” Sabay tingin ni Ivy sa dalawang magkasintahan.
“Sorry talaga Alex. Sobrang pilyo kasi nitong kapatid ko.” Sinserong paghingi ng tawad ni Ivy.
“Hindi naman ikaw ang may gawa, bakit ikaw ang nagsosorry.” Sagot ni James na hanggang ngayon ay nakakunot parin ang noo.
Maigting na tingin naman ang pinukol niya kay Oliver. “At ikaw. Sa susunod na mapapasok ka na naman sa trouble, wala ng ateng sasagip sayo,” pagbabanta niya.
“Sino ka ba? Wala kang karapatan na pagsabihan ako. Saka ako makikinig sayo kapag legal ka nang asawa ni Ate Ivy,” sagot ni Oliver.
“Oliver!” Isang malakas na pagsiko naman sa tagiliran ang ginawad ni Ivy sa kanya.
“Bakit ba? Bumibinggo ka na ate ah. Kanina ka pa nananakit.” Nakangusong reklamo ni Oliver.
“Tumigil ka na.” Pinandidilatan na ni Ivy ng kanyang mata ang kapatid sa inis dahil sa matabil na dila nito.
“Totoo naman diba? Kung hindi ka niya gusto, bakit ka niya sasamahan sa araw man o gabi? ISang tawag mo lang kahit anong oras pa iyan, pupunta kaagad si Kuya James.”
Napabitiw ng pagkakahawak sa kamay si Alex nang marinig niya ang kwento ni Oliver. Kaya pala hindi gabi-gabing wala ang fiance niya sa bahay nila at minsan pa ay umaalis ito ng biglaan, yun ay dahil sa babaeng nasa harapan nila ngayon.
Sa pagkakatanda ni Alex si Ivy ay asawa ng namayapang matalik na kaibigan ni James na si Bryan. Kaya okay lang na damayan niya ang namatayan, pero sa isip ni Alex dapat bang araw araw niyang sasamahan ang asawa ng namatayan?
“Ano bang pinagsasabi mo?” Tila ba nagulat si Ivy dahil di niya inaasahan na masasabi iyon ng kanyang kapatid.
Papaluin sana ulit ni Ivy si Oliver nang nakaiwas ito, dahilan upang matumba ang babae. Bahagya ring nabangga si Alex at napaatras siya ng ilang hakbang saka nabangga ang kanyang likod sa nguso ng kotse ni James na nakaparada.
Ngunit nang makatayo ng maayos si Alex, nagulat na laman siya ng nagmamadaling nilapitan ni James si Ivy, nakaluhod ang isang tuhod at niyakap ang babae sa kanyang harapan.
Tila ba nagkapirapiraso ang kanyang puso sa nakikita.
“Ivy, okay ka lang? Saan masakit?” Nag-aalala na may halong pagkatarantang tanong ni James sa babae.
‘Nasaktan din ako, bakit di ako ang una mong tanungin?’ Gustong sabihin ni Alex ngunit tila ba umurong ang kanyang dila at di na nakapagsalita.
“Yung tiyan ko, James, masakit… Yung baby,” nanghihinang sagot ni Ivy kay James.
“Huwag ka mag-alala, dadalhin kita sa ospital.” Agad na binuhat ni James si Ivy in a bridal style at dali-daling pinasok sa loob ng sasakyan.
Tila naman na nanigas si Alex sa kanyang kinatatayuan sa kanyang nasaksihan at narinig. ‘Baby? Buntis si Ivy? Si James ba ang ama?’
‘Businessman si James at kayang niyang maghandle ng kahit na anong problema na pinagdadaanan ng kompanya. Pero ito lang ang unang beses na makita ko siyang takot na takot.’Nababakas sa mga mata ni James ang takot at pagkataranta, ni hindi niya na isip si Alexa na kanina ay nasaktan din mula sa pagkakabangga sa nguso ng kotse nila. Bakit ganoon na lamang ang pag-aalala niya kay Ivy?Hindi na namalayan ni Alex ang pagbuhat ni James kay Ivy papasok ng kotse.“Oliver pumasok ka na rin ng kotse. Doon ka sa kabilang pinto dumaan.” Utos ni James sa kapatid ni Ivy bago nilingon ang nakatulalang fiance.“Alex, ikaw na magmaneho.” Utos ni James na ikinalingon ni Alex.Nakita niyang nakasandal ang babae sa balikat ni James na ni minsan di niya magawa kahit noong nagkasakit siya. Tila ba may tumusok sa kanyang dibdib. ‘Kung saamin kaya ng anak niya nangyari ang lahat ng ito, ganito din kaya ang reaksyon niya?’ Tanong niya sa isip.“Alex!” sigaw ni James na nagpabalik sa kanya mula sa malalim na
Nakahinga ng maluwag si Alex sa narinig, na tila ba siya ay nabunutan ng tinik sa lalamunan.“Bago pa man mamatay si Bryan, ibinilin na niya sakin si Ivy.”Dalawang buwan na ang nakalipas mula nang pumanaw ang kaibigan ni James. At hanggang ngayon dala-dala pa rin sa puso ni James ang guilt na nararamdaman. Naalala ni Alex noong araw ng aksidente. Umuwi si James na magulo ang buhok, gusot gusot ang suot na long sleeves, ang necktie ay hindi na nakatali ng maayos sa kanyang leeg. Nagmukha siyang madungis na kumawala mula sa mga umabosong sindikato.‘Gaano ba kalalim ang relasyon nilang magkaibigan na pati ang asawa nito ay ihinabilin sa fiance ko? I get it. Naiintindihan ko ang unang isang buwan na dadamayan niya ang asawa ng kaibigan niya. Pero hindi ba at sobra na din ang pag-aasikaso niya to the point na aalis siya kahit madaling araw para puntahan ang babaeng ito?’ Tanong ni Alex.Ganoon pa man ay ipinagsawalang bahala na lamang ni Alex ang mga naganap. ‘Marahil nga ay ginagawa la
“May gusto ba sayo si Ivy?”Nagpipigil si Alex ng kanyang paghinga habang hinihintay ang sagot ng tila nagulat na si James.“Ano ba namang tanong iyan, Alex?” Naiiritang tanong ni James. Halata sa mukha nito na hindi na niya nagugustuhan ang mga naririnig mula sa nobya.“Simple lang naman ang tanong ko bakit hindi mo kayang masagot? May gusto ba si Ivy sayo?”“Ivy, maghulos-dili ka. Impossibleng mangyari iyon. May asawa yung tao-”“Na ngayon ay patay na.” Dugtong ni Alex sa sinabi ni James.“Tumahimik ka na.” May pagbabanta sa tono ni JAmes, ngunit di pa rin natinag ang dalaga at patuloy pa rin siya sa pagtatanong.“Let me rephrase my question.” Sarkastikong sabi ni Alex.“May gusto ka sa kanya.” Hindi iyon tanong.Hindi makapaniwalang tumingin si James kay Alex bago ito huminga ng malalim upang pakalmahin ang sarili. Lumapit siya at niyakap ang kaninang nakabusangot ang mukhang si Alex. Pinakatitigan niya ang dalaga sa mata.“Babe, wala akong gusto sa kanya. Magkaibigan lang kami. At
“MA! Ano na namang kahibangan to?!” Napasuklay ng buhok si James nang makita niyang nagmistulang honeymoon room ang kanyang kwarto. Samantalang napakamot nalang ng ulo at tulalang nakatingin si Alex sa kanyang kwarto na nagmistulang bodega. Habang ang ina ni James na si MAry Ann ay nagkukunwaring inosente at walang alam sa ginawa.“Bakit nagtataas ka ng boses sa mommy mo?” reklamo ng ina.Inihilamos ni James ang kanyang mga palad sa kanyang mukha sa inis at pagkadismaya sa ginawang kalokohan ng ina.“Hindi ba maganda? Nag-effort pa naman akong ayusin ang kwarto niyo.”“Namin? Ma… Hindi pa kami kinakasal bakit ba nagmamadali kang pagsamahin kami sa iisang kwarto?”“Bakit ba? Ano bang ikinagagalit mo riyan? Ikakasal na din naman kayo.” Nakakunot ang noo ni Mary Ann sa inasta ng anak.“Pero ma, tinanong mo ba si Alex tungkol dito sa ginawa mo?”Sabay na napatingin ang mag-inang James at Mary Ann kay Alex.“Ni siya nagulat nang makitang naging bodega ang kanyang kwarto. Halatang wala din
“Sige. Papunta na.” Sabi ni James sa kausap, bago ito bumaba.Hindi kumikibo si Alex at tahimik na lamang siyang nagsusuklay muli ng kanyang buhok. Ang kaninang hawak na ultrasound result ay muli niyang tinago.“Babe…”“Umalis ka na. Baka kanina ka pa niya hinihintay.” Kalmado ngunit malamig na sabi ni Alex.Pinipilit niyang di magalit, pero hindi maalis sa kanya ang inis at pagkadismaya na sa isang tawag lamang ni Ivy ay aalis na agad ito, kahit na hating gabi na.“Pero… Hindi ba may sasabihin ka pa?“Wala na. Hindi naman importante. Unahin mo na si Ivy at baka makunan pa kapag di ka niya makita.” Iritang sabi ni Alex.“Babe!” May pagtataas na sa boses ni James. Alam niya na nagagalit na ang kasintahan pero hindi din niya kayang talikuran ang asawa ng kaibigan.Tumayo si Alex at lumapit sa kama. Humiga ito at nagtalukbong ng kumot.“Pakipatay na lamang ng ilaw paglabas mo. Salamat.” Sabi nito at di na muling hinarap si James. “Babalik ako agad. Promise.” Sabi ni James, bago lumabas
Nagising sina Alex at Grace sa katok na nagmumula sa labas ng bahay ni Grace.“Hmmm… Grace may kumakatok.” ginising ni Alex ang kaibigan na ayaw pa ring bumangon.“Ikaw na magbukas.” utos ni Grace pabalik kay Alex.Tamad na bumangon si Alex. Humarap muna siya sa salamin upang ayusin ang magulong buhok, at tingnan kung may dumi siya sa mukha. Ngunti ang katok mula sa pinto ay di pa rin tumitigil.“Sino yan?!” Inis na tanong ni Alex.“Babe, Alex, ako to si James.”Napabuntong hininga na lamang si Alex at minasahe ang ulo. Tiningnan niya ang oras at alas otso palang ng umaga. Kumunot ang kanyang noo sa pag-iisip kung paanong nalaman ni James kung saan siya nakatira.“Babe,” tawag ni James mula sa labas ng bahay ni Grace.Pinagbuksan niya ng pinto si James at blangkong ekspresyon ang kanyang iginawad sa lalaki habang nakasandal siya sa amba ng pintuan.“Anong ginagawa mo rito?” tanong niya.“Sinusundo ka. Umalis ka pala kagabi bakit di ka man lang nagmessage?”“Bakit kailangan ko sabihin
“Bakit? Kung sasabihin ko ba sayo, may mababago ba?”Tila natigalgal si James sa tanong ni Alex. Hindi makapaniwalang tingin ang ginawad ni James sa kanya.“Meron.”Tumikhim si Alex sa sinagot ni James at nagbigay ng sarkastikong tawa na may pag-iling.“I doubt that.” Komento niya. Napakunot ang noo ni James sa inis na kung bakit tila di naniniwala ang kasintahan sa kanyang sinasabi.“You know what? Fine! Kung iyan ang iniisip mo. Hindi kita msisisi. O baka kaya di mo sinasabi sakin agad dahil alam mo sa sarili mong hindi akin iyang pinagbubuntis mo.”Uminit ang pisngi ni James ng dumapo ang palad ni Alex sa kanyang pisngi, kasabay ng pagbagsak ng luha ng dalaga. “How dare you!” Nanginginig ang bibig nito, at bakas sa mga mata niya ang sakit at galit na nararamdaman sa kaharap.Sa kanyang inis di na niya mapigilang humagulgol, ngunit ayaw niya din namang harapin ang lalaki na makikita siyang mahina ito, kaya miabuti niyang umalis na lamang at hindi na kausapin ang lalaki.‘Walang hiy
Hindi pa nakakasagot si Alex sa tinatanong ng nobyo, nang biglang pumasok si Grace kasama ng ibang mga nurse.“Kailangan namin icheck ulit vitals mo.” Pag aanunsyo ni Grace na ikinatango ni Alex.“Excuse,” simpleng siniko ni Grace si James para paalisin ito sa tabi ng kaibiganInis naman na umalis sa kinauupuan si James at binigyan ng matatlim na tingin si Grace ngunit di na lamang ito nagsalita. Patuloy sa pagcheck ng vitals ang nurse na nag-assist kay Grace.“Thank you, nurse.” sabi ni Grace sa nurse at pina-una ng lumabas ng kwarto. Nagpaiwan naman si Grace.“Kamusta ang naraaramdaman mo?” tanong ni Grace kay Alex.“Medyo okay na. Salamat. Yung baby ko kamusta?” Tanong niya.“Nagkaroon ka ng threatened miscarriage. Mabuti na lamang at may mga magagandang loob na tumulong sayong dalhin ka dito sa ospital. Pero next time, mag-ingat ka na. Iwasan mong mastress at nakakasama sa baby mo.” Paalala ni Grace, sabay lingon kay James at tinapunan ito ng masamang tingin.Hindi makapaniwalang
“Mop po? Sige po kukunin ko lang sa loob.” Sagot ni Alex at agad na pumasok sa kanyang bahay upang kunin ang hinihiram ng Ginang.‘Hindi naman masamang pumasok sa loob ng bahay niya ano? Gusto ko lang makita ang loob. Tyaka wala naman iyong bago kong kapitbahay.’ Sabi ni Alex sa isipHabang abala ang Ginang sa pkikipag-usap sa kanyang telepono, sinenyasan niya si Alex an pumasok sa bahay ng bagong lipat. Pumasok naman si Alex, gaya ng utos ng ginang, dala ang kanyang mop. Napansin niyang bukod sa nag-iisang mahabang sofa at isang bagong kama, ay wala nang ibang bagong gamit ang bagong lipat.“Salamat sa mop iha. Mamaya isasauli ko rin ito.” Nakangiting sabi ng Ginang.“Walang anuman po. Bago naman po iyan at hindi ko pa nagagamit. Ibigay ko na lamang po sa inyo.” Sagot ni Alex.Muling inilibot ni Alex ang kanyang paningin, at napansin iyon ng landlady.“Alam mo bang gustong ipatanggal ng bagong lipat ang lahat ng gamit? Hindi niya raw magagamit. At itong kama at sofa lamang ang pinabi
“Miss, si Sir James… Alam na po niya kung saan ka nagtatrabaho.”Tila hindi naman nagulat si Alex sa anunsyo ni Kenneth sa kanya at bakas sa kanya na inaasahan niya itong mangyari. Maraming pera si James, at ang pamilya niya ay isa sa tinitingalang negosyante sa kanilang bansa. Alam niyang may kakayahan si James o di kaya ang pamilya nito na hanapin kung saan man siya naroroon. Ayaw lang naman ni Alex na makasama pa ang ex at hindi din siya nagtatago rito. Kaya ang malaman ni James kung saan siya nagtatrabaho, ay hindi na kataka-taka.“Ano ngayon?” Sarkastikong tugon ni Alex. “Nagbabalak ba siya na takutin ang kompanyang nilipatan ko upang mapatalsik ako roon, at bumalik sa kompanya niya?” dagdag nito.“Miss… Hindi ba at ito ang pangarap mo? Ng iyong ama, na gumawa ng amusement park kasama ang pamilya ni Sir James?” Napakunot ang noo ni Alex sa sinambit ng sekretarya.‘Mukhang may binabalak nga ang lalaking iyon sa nilipatan ko. Ano na naman kaya ang masamang balak na kanyang gagawin?
Tila naikot na ni Alex ang buong kama ng kanyang mga magulang dahil hindi ito makatulog. Nakakaramdam si Alex ng kaba at panatag na kalooban ngayong may ibang tao sa kanyang bahay at si Brandon pa iyon. Kahit na alam niyang ligtas siya kay Brandon at wala itong gagawing masama sa kanya ay naninibago pa rin siya. Ngayon pa lamang nagkaroon ng ibang tao sa kanyang bahay at ang pakiramdam na iyon ay pamilyar sa kanya.Dahan-dahang lumapit si Alex sa dingding upang pakinggan kung natutulog na si Brandon. Ngunit nakarinig siya ng mga yabag sa paa. Kaya minabuti niyang humiga na lamang ulit siya sa kama. Kahit paano ay nakaramdam si Alex ng saya sa kanyang puso, dahil naalala niya noong panahong bata pa lamang siya at naririnig niya ang mga yabag mula sa labas nagaling sa kanyang mga magulang habang siya ay nasa loob ng kwarto.Pinapakinggan lamang ni Alex ang mga yabag o ang bawat kilos ni Brandon hanggang sa di niya namalayang nakatulog na rin siya. Nagising si Alex ng hating gabi nang ma
“Alex,” tawag ni Brandon sa kanya kasabay ang mahigpit na pagyakap sa nanginginig na katawan ng dalaga.“Ligtas ka na,” Saad nito nang maramdaman niya ang pagtulo ng luha ni Laex sa kanyang balikat na ikinabasa ng kanyang suot na damit.“Kaya mo bang tumayo?” Sa panglalambot ng katawan, umiling si Alex bilang sagot.“Akin na ang susi.” inilahad ni Brandon ang kanyang kamay upang hingiin ang susi sa bahay ng dalaga, na agad naman binigay ni Alex.Matapos mabuksan ang pinto ay binalikan siya ni Brandon at walang pag alinlangang binuhat ito na tila ba bagong kasal sila. Hindi naman nagprotesta pa si Alex dahil wala na din siyang lakas na makipagpalitan ng salita rito. Nang makapasok sa bahay ay pinaupo siya agad ni Brandon sa upuan sa kanyang sala at binuksan ang ilaw ng bahay. Kinuhaan din siya ng malamig na tubig na inilagay ni Brandon sa baso at pinainom kay Alex.“Salamat.” saad ni Alex matapos nitong makainom ng tubi at kumalma sa nangyari.Ito ang pangalawang beses na may taong gust
‘Pupunta ba ako o hindi?’ Yan ang tanong na sumasagi sa isipan ni Alex matapos nilang mag usap ni Mary Anne, ina ni James.Nagliwanag ang kanyang mga mata nang makitang tumunog ang kanyang telepono at si Grace ang tumatawag dito.“Hello… Salamat at tumawag ka.” Tila nabunutan ng tinik si Alex sa pagtawag ng kaibigan.Habang nasa loob ng taxi, napansin niya ang isang bazaar malapit sa kanyang lugar.“Teka lang ah,” paalam niya kay Grace bago kinalabit ang drayber ng taxi.“Manong, dito na lamang po ako.” Saad nito at saka huminto ang sinasakyang taxi. Nagbayad siya, bumaba, at muling kinausap ang kaibigan sa telepono.“Hello,”“Oh, saan kaba? Hindi ka pa ba nakarating sa bahay mo?” Tanong ni Grace.“Traffic sa Cavitex,” saad ni Alex.“Dito na ko malapit saamin, may dinaanan lamang akong bazaar. Bagong bukas.” Dagdag nito.“Ahh..”“Ay, Grace… Tumawag si Tita Mary Anne.”“Mama ni James? Oh… Ano sabi?” Tanong ng kaibigan.“Kaarawan na kasi ni Tito Anthony sa susunod na linggo… At gusto niy
Kulay dilaw ang kanyang buhok at asul ang kanyang mga mata, ngunit sa pakiwari ni Alex ay hindi ito banyaga. Kaya naningkit ang kanyang mga matang nakatingin sa lalaking ngayon ay kanyang kahrap.“May problema ba?” tanong ng lalaki nang mapansin ang pgtitig ni Alex sa kanya.“Pinoy ka naman hindi ba? Totoo bang asul ang mga mata mo?” Walang prenong tanong ni Alex na nagpatawa sa lalaki.“Oo. Mestiso lang ako pero contact lens ko lang yan. Sabi kasi nila bagay daw sakin ang asul na mga mata. Kaya madalas na napagkakamalan akong banyaga. Bakit? Akala mo ba may lahi akong amerikano?” tanong nito na agad ikinaiking ni Alex.“Hindi. Hindi kasi matangos ang ilong mo- I mean… Matangos ang ilong mo. Don’t get me wrong. Pero di gaya ng mga banyaga na pointed… kumbaga matulis ang ilong nila.” Paliwanag ni Alex na nagpatango sa lalaki.“That make sense.” ngumiti ito sabay higop ng kape sa kanyang tasa.Tumikhim naman si Alex. “Hindi na ako magpaligoy-ligoy pa.” Umpisa ng dalaga na nakakuha ng ate
Bumuntong hininga si Alex “At…” ‘Sa totoo lang gusto kita. Gusto na kita. Kaso natatakot ako. Natatakot akong masaktan muli. O baka masaktan kita. Naguguluhan ako sa sarili ko ngayon.’ Gustong sabihin ni Alex ang lahat ng iyon. Ngunit alam niya rin sa sariling hindi pa siya handang pumasok sa isang relasyon. “At ano?” tanong ni Brandon. Umiiling si Alex at napangiti “Wala.” tanging sambit niya. “At gusto din kita.” Nanlaki ang mata ni Alex sa sinabi ni Brandon na tila ba nababasa nito ang sinabi niya sa kanyang isip. Tila nang init ang kanyang pisngi at bumilis ang pagtibok ng kanyang puso. “A-anong sinasabi mo diyan?” Nauutal nitong tanong at agad na nanag alis ng tingin. Pakiramdam ni Alex ay nag-iinit ang kanyang pisngi sa hiya. Tumikhim si Alex bago muling magsalita matapos ang ilang minutong katahimikan sa pagitan nilang dalawa. “So, ano? Pumapayag ka na bang maging pekeng boyfriend ko?” tanong ni Alex kay Brandon. “Hindi.” Napaguso si Alex kasabay ang pag-irap nito sa
“Hindi na ako nakainom ngayon. Pwede ka bang makausap na?” Palakad lakad si Alex sa kanyang sala, habang mahigpit na hinahawakan ang kanyang telepono at naghihintay ng reply mula kay Brandon. Ngunit kalahating oras na ang lumipas at wala pa ring mensahe mula sa lalaki.‘Marahil ay nasa trabaho pa siya.’Kinansela na rin ni Alex ang kanyang pakikipagkita sa kanyang kablind date ng tanghali at pinakiusapang alas sais na lamang ng gabi sila magkita. Mabut at pumayag ang lalaking kanyang kausap. Maya-maya pa ay nakatanggap siya ng mensahe mula kay Brandon, na agad niyang ikinaalerto.Bumilis ang tibok ng kanyang puso nang mabasa ang nakarehistrong pangalan na nagpadala ng mensahe sa kanya.“Marami pa akong ginagawa. Gusto mo pumunta ka dito sa site. Nasa open field ako.”Ang open field na area ay kung saan nila nilagyan ng espesyal na lugar ang mga magkasintahan na balak isiwalat ang kanilang nararamdaman. Mas tinatawag nila itong Confession Park. Napapaligiran iyon ng iba’t-ibang uri ng
Nanginginig ang buong kalamnan ni Alex sa galit niya kay James. Gayunpaman, palingon-lingon siya sa paligid upang masiguradong hindi na nga siya sinundan pa ni James. Nakahinga ng maluwag si Alex nang mapansing wala na nga si James. Pumasok siya sa kanyang bahay at siniguradong naka doble ang siradura ng kanyang pinto.Nang makapagbihis ay umupo si Alex sa kahoy na upuan sa kaniyang sala, ipinatong ang kanyang mga paa rito at niyakap ng mahigpit. Ikinulong ang mukha sa pagitan ng kanyang mga tuhod at tahimik na tumutulo ang kanyang mga luha. “Kailan pa ba ako lulubayan ng lalaking iyon?” tanong niya sa sarili.Nag angat siya ng ulo nang marinig na tumunog ang kanyang telepono. Agad niya itong kinuha mula sa lamesa at tiningnan ang mensahe. ‘Pwede ba tayong magkita bukas?’ tanong ng lalaking kanyang nakapalitan ng mensahe sa isang dating app.“Okay.” tanging sagot niya.‘Huling iyak ko na sana ito para sa lalaking iyon.’ Pangako ni Alex sa sarili.Napagpasyahan niyang matulog na upang