Chapter 5
Nakusot ang noo ni Nyx sa sinabi ng dalaga.Mapagalitan? Sinong anak ang gugustuhin na mapagalitan ng magulang kung hindi yata drug addict ang babaeng ito?Sa una pa man lang na tingin niya sa litrato nito at sa lahat ng litrato na nakita niya sa g****e ay iisa ang ipinakikita ng mga mata nito... Kalungkutan.He's not an idiot. Trabaho niyang makiharap at makihalubilo sa ibat-ibang tao kaya sa unang tingin ay alam niya kung okay ba o hindi ang isang tao. Sanay syang kilatisin ang kaaway niya para magtagumpay sya sa huli, know their weaknesses and strengths at alam nya na hindi sya mali sa katauhan ng Brandy na ito. She's weak and lonely.Di kasi sya maniniwala na masama ang ugali ng ganitong klase ng babae. Sa tagal nya sa trabaho bilang agent ay alam niya kung sino ang sino at kilala niya ang tao sa loob ng mga panlabas nilang katauhan at pag-uugali.Nabalik ang atensyon niya rito nang muli itong magsalita."And don't you ever think na sosyalan ‘yon. Sila lang ang mag e enjoy doon at hindi ako. So, do we make a deal?" tanong nito."Atat ka. Kumain ka muna." aniya rito na sinundan niya ng isang ngiti.Kaagad itong nag-iwas ng paningin at itinuon ang mga mata sa cake."Baka may peanuts to. I'm allergic to it." anito."Kainin mo na at kapag nanikip ang dibdib mo, papatayin ko ‘yong nag bake." aniya kaya tinapunan sya nito ng masamang tingin na ikinatawa lang niya.Nang di sya makatiis ay tumayo sya at lumapit sa waiter para tanungin kung may peanut ang molten chocolate cake. Saglit nitong tinawag ang baker at maya maya ay lumabas ang isang batang batang babae.Lihim syang napasipol. Wheew! Ganda! Maganda naman talaga. Medyo maliit pero maganda.Nakangiti kaagad ito nang lumabas. "Yes?""if I may have the permission to ask, may peanut ba yung molten choco cake, chef?" tanong niya sa babae.Baka hindi nito sabihin dahil baka ang iniisip nito ay gusto niyang malaman ang ingredients."Allergic ka sa peanut?" tanong nito na gustong mailing habang nakangiti."Hindi ako, yung--" aniya na pinutol ng babae."Meron." anang babae na parang ikinanerbyos niya.Napatingin kaagad siya kay Brandy at sa panlalaki ng mga mata niya ay halos mauubos na nito ang cake.Natigilan pa sya at nag bilang sa isip niya sa paghihintay ng resulta.Three... Two...Napaalis sya sa may bar counter nang makita na nasapo ni Brandy ang sentido.Ouch! Tinblan na ng allergy."Salamat chef. Ang ganda mo." aniya na hindi na nilingon ang babae na halatang na flattered pa sa sinabi niya.Nalapitan kaagad niya ang dalagang parang namumutla."Tumayo ka na dyan at pupunta tayo sa OB-GYNE." aniya rito.Nagawa pa niya itong biruin pero di ito umimik. Masama nga ang lagay. Di sya pinatulan.Dumukot sya ng pera sa pitaka at nag iwan sa mesa. Sinigurado nyang sobra yun dahil baka hanapin sya ng manager kapag kulang."Anong Ob--?" she held her breath and started to breathe of the dotted.Late reaction?Naghahabol na ito ng hinginga at inuubo na. Kapag di sila makarating sa duktor sigurado mamamaga ang larynx nito at mamaya mamatay pa ito.Sayang ang kagandahan at kaseksihan. Di pa nga niya nagiging girlfriend mamamatay kaagad."Wala ka bang gamot?" parang ngayon lang sya nataranta sa buhay nya ah!Umiling ito pero napahawak sa braso niya kaya mabilis niyang dinampot ang bag nito at ang susi ng kotse sa ibabaw ng mesa saka ito inalalayan na lumabas.Nanubig ang mga mata nito habang nag hahabol ng hininga."Wag kang matakot di ka naman mamamatay." aniya rito pero parang sya pa ang mas kinakabahan. Mas gusto pa nyang makipag barilan kesa ganitong may naghihingalong magandang babae sa tabi niya.Wala pa syang nakikita na naa allergy sa buong buhay nya pero alam niya ang posibleng mangyari kapag di yun naagapan. Napag aralan na nila yun. It could be fatal."Bakit naman kasi kinain mo kaagad? Di pa nga ako nakakapagtanong." sermon niya sa dalaga habang nagmamaneho ng kotse nito pero walang sagot si Brandy.Natural. Sino pa ba ang makakasagot sa ganoong kalagayan na paisa isa na ang hininga? Tanga lang Nyx.--Hilung hilo na si Brandy at naninikip na ang dibdib nya. Pakiramdam niya ay mamamatay na sya.Tumulo ang luha niya. She had been in this kind of situation once. Noong bata pa sya. Di nya alam na may allegry sya sa nuts kaya kumain sya ng cholate with almonds at gantong ganto rin ang naranasan niya and to her dismay ay pinagalitan pa sya ng daddy niya. Dinala nga naman sya sa ospital pero nagalit pa dahil naabala raw ng yaya niya ang meeting nito nang tawagan at sabihin na papunta sila sa ospital.That hurt her so much.Was that her fault?She wants to speak nang sulyapan niya si Jacob Nyx sa driver's seat pero wala syang lakas na ibuka ang bibig nya para magsalita.Di niya alam kung paano ang tamang pag-upo sa passengers seat. Mahigpit ang hawak niya sa seat bealt habang paisa isa ang hinga niya. She's coughing so hard at nangangati ang lalamunan niya at alam niyang namamaga na ang loob nun. Her eyes were starting to dilate hanggang sa naramdaman niya na may bumuhat sa kanya papalabas ng kotse."Brandy." pukaw sa kanya ng kung sinong lalaki na sa pagkakaalam niya ay si Jacob Nyx daw. Pero nakapikit ang mga mata niya. Kilala lang niya ang mapanghalinang boses nito.--Nahigit ni Nyx ang sariling buhok nang examinin ng duktor ang dalaga na wala na yatang malay pero paisa isa pa rin ang hinga."Doc!" aniya sa duktor na umasiste sa kanila.Kung kanina ay nabiro pa niya ito na sa OB doctor nya dadalhin, ngayon wala syang maisip na biro. Tama sya na napakahina na tao nito at kitang kita niya kung paano ito napaluha sa loob ng kotse habang paisa isa ang hininga.Walang sinabi ang pananakit nito ng pisikal sa lambot ng pagkatao nito. He was right. Kahit kailan di pa sya pinalya ng sarili niyang instinct. It's part of his job at matagal syang nag-aral ng pagkilatis sa aura ng isang tao kaya alam kaagad niya kung kahina hinala ito o hindi. It's psychology."She'll be alright. Buti nadala kaagad dito. Sumasara na ang lalamunan niya but it's fine. We injected the right drug for her. She'll be out of the E. R in a minute or two. We're just waiting for the drug to take effect." anito sa kanya at tinapik ang braso niya."Thanks doc." aniya at nameywangan."Worried boyfriend huh." biro nito sa kanya na ikinangiti lang niya.Tanga naman kasi! Bakit kinain ang cake?Kainin mo na at kapag nanikip ang dibdib mo, papatayin ko ang chef. Naalala niyang sabi niya.Nagbibiro lang sya pero sumunod naman sa kanya. So ibig sabihin nagtitiwala ito sa mga sinasabi niya kahit di pa sya lubusang kilala.Naupo sya sa pasilyo na napapailing. Gusto niyang kagalitan ang sarili dahil minsan sa mga biro niya na hindi na kapani paniwala pero napapaniwala pa rin niya ang ibang tao.Gago lang din talaga sya madalas.Chapter 6Pagmulat ni Brandy ng mga mata ay isang gwapong mukha ang bumungad sa paningin niya. Kanina kausap nya ito pero bakit ngayon at nakahiga sya at ito ay...?Napabalikwas sya."Rapist!" sigaw niya at napayakap sa sariling katawan.Napatayo ito mula sa gilid ng stretcher at lumipat sa upuan."Oy, oy! Sobra yan ha! Kung rapist ako sana hubad ka!" anito sa kanya.Nasuri niya ang sarili. May damit sya at wala naman masakit sa kanya. Hindi naman nga sya ni rape."Magaling ka na nga. Mataray ka na ulit." napapailing na sabi pa nito.Napaisip siya. Oo nga pala, naallergy sya. Hindi naman niya akalain na nagtanong ito sa chef kung may peanut. Ang akala niya ay pupunta ito sa banyo o kaya ay may nakitang magandang babae kaya lumapit sa waiter.Wala naman talaga syang balak kainin ang cake kasi di sya sigurado kung may peanut nga o wala pero naimbyerna sya na parang ang sadya lang nito ay ang magandang chef na yun at tinalikuran pa sya at iniwan.Buwis buhay sya. Di nya namalaya
Chapter Seven❤️How many times did he almost make himself get caught? Ilang beses syang nag english at kitang kita niya kung paano na ikinagulat yun ni Brandy. Wala itong pagkakaalam sa tunay niyang pagkatao at tama na nga na tambay ang alam nito para hindi siya malihis ng daan. Paano sya makakapag-apply sa daddy nito kung may maipapakita syang magandang buhay?Pero hindi. Mali. Dapat ay maging proud iyon sa kanya bilang boyfriend ni Brandy. Hindi nya susundin si Brandy sa gusto niyon na purong tambay ang kalabasan niya sa paningin ni Brando Daniel Ynarez. Kailangan niyang maging successful either as boyfriend or bodyguard. Kailangan na makaisip sya ng paraan para matupad iyon.He's lost at nararamdaman nya yun. Kapag tumitingin sya sa mga mata ng kaisa isang anak na babae ni Daniel Ynarez ay parang mas gusto nyang alamin kung ano ang ikinalulungkot nito. Alam nyang may mali sa pagkatao nito but somehow when he already found his way to enter Daniel Ynarez's world, malalaman din ny
Chapter Eight❤️Rinig na rinig kaagad ni Brandy ang tugtog nang bumungad sya sa pintuan ng bar.Sa hindi inaasahangPagtatagpo ng mga mundoMay minsan lang na nagdugtong,Damang dama na ang ugong nitoNahawi ang mga lalaki nang pumasok siya sa loob. She's known as the most beautiful bitch sa Sasha Bar and Grill. Mapanakit siya sa taong ayaw niya na lumalapit sa kanya.Naupo kaagad sya sa isang bakanteng mesa at kaagad naman na may lumapit sa kanyang waiter dala ang alak nyang palaging iniinom. Di naman sya nagpapakalasing, just enough to make herself calm and peaceful para pag-uwi nya diretso tulog na sya.Dagdag na rin na pampaantok ang mga senti songs na tinutugtog ng live band doon kapag ganoon na medyo late na. Nagsasayawan na lang ang mga naroon na magkakayakap at ang iba nga eh naghahalikan na. She doesn't mind. For her, it’s still a decent bar after all ccx compared to the others.Panay ang tingin sa kanya ng mga kababaihan doon mula ulo hanggang paa pero wala syang
Chapter Nine❤️"Demmit! Nakipag basag ulo ka na naman?!" singhal ni Daniel kay Brandy nang pumasok sya at gising pa rin ang daddy niya.Magtutuluy tuloy na lang sana sya pero napansin pala sya nito. Halos dalawang oras lang naman syang nawala. Di nya akalain na nagbabasa pa rin ito pagbalik niya.At ngayon ay nakatingin ito sa labi niya na may sugat.Hindi sya umimik kahit namumula ito sa galit pero nag salita ito ulit."Mana ka talaga sa---" anito na kaagad na pinutol nya."Kanino daddy? Lagi mong sinasabi yan pero di mo sinasabi sakin kung kanino ako nagmana." nangangatal ang tinig nya pero nakatingin pa rin sya nang diretso sa mga mata ng ama niya na mabalasik ang anyo, at lalong nadagdagan dahil sa isinagot niya na kahit malambing ang pagkakasabi niya at mababa ang tono ng boses niya ay galit pa rin ito."Matulog ka na!" bulyaw nito sa kanya. "I don't have time for drama!"" You're so unfair daddy, just in case you don’t know that." di na rin niya napigilan ang sariling e
Chapter Ten❤️Dahil sa mapagmahal na kamay ng yaya ni Brandy ay wala na ang pamamaga ng mukha niya. Wala itong tigil sa kaaasikaso sa kanya hanggat hindi humuhupa ang pisngi niya.She made herself to be the most beautiful daughter for the party, na kahit sikat sya sa mga halos hubad nyang litrato, at least ngayon makita naman ng tao na maganda pa rin sya kahit may damit. She chose to wear a decent cocktail dress, hindi iyong masyadong bold and daring. Pero mas may bold pa ba sa dibdib niyang naka expose pa rin sa heart shape cocktail dress na pinasadya niya? It's part of her. Di nya yun maitatago at di rin naman siguro nya kasalanan na binigyan sya ng Dios ng magandang katawan.Wala silang imikang mag-ama nang sumakay sila sa kotse. Magkatabi nga sila pero parang wala naman siya roon sa paningin ng daddy niya hanggang sa magsalita ito."Bakit sa akin ka sumabay? Di ba I told you na dapat may boyfriend kang kasama?" malumanay naman ang pagkakadeliver nito pero nandoon pa rin ang
Chapter Eleven❤️ Napangiti si Nyx nang makita na nakapikit pa rin si Brandy kahit pinakawalan na niya ang labi ng dalaga. He gazed at her for a little while. Ngayon lang nya natitigan ang mukha nito sa malapitan. He can almost hear her heartbeat and he can sense that she's holding her breath. Baka kung di nya itinigil ang paghalik dito ay tuluyan na itong mawalan ng hangin.First kiss of a rebel? Good job Nyx."Hey... Open your eyes." aniya kaya mabilis na nagmulat ng mata si Brandy.Napatitig ito sa mga mata niya and his simple smile turned into a wide grin. Nasiyahan sya doon sa halik na iyon. It feels different.Sasapakin din ba sya nito tulad ng mga bali balitang nagkakalat na mapanakit ito sa mga nagte take advantage?"Ganda mo ah!" bati niya sa dalaga na parang nahipnotismo pa.He ran her fingers on her cheek.At nang makabawi ay pasimple syang kinurot nito sa kamay.Inalis niya ang pagkakahawak sa mukha nito at prente syang naupo sa katabi at iniabot ang pitaka nito
Chapter Twelve❤️ Hila-hila ni Nyx si Brandy hanggang makasuot sila sa isang abandonadong hospital building. Nakita siguro nitong parang hinihika na sya kaya napilitan na lang na magtago sila sa lugar na yun na di nya alam kung safe nga ba.It was one of the most talked hospital na may mumo raw. Napapanood niya sa TV ang mga paranormal experts na pumupunta roon at nagpeperform ng paranormal activities. Alam niya ay for renovation na yun kaya siguro may mangilan ngilan na ilaw na kumukurap kurap ang iba, kaya mas lalo syang natatakot.Nayakap niya ang braso ni Nyx sa nerbyos at nagsumiksik dito dahil nagsitayuan ang mga balahibo niya. Sige pa rin ang hakbang nito nang malalaki at panay ang linga sa likod. Siya ayaw nyang lumingon dahil baka multo ang makita niya."I like that." anito na nakangisi pa nang sulyapan niya.Di sya umimik. Basta natatakot sya, ano bang pakialam niya?"Puta!" mahinang mura nito sabay haklit sa kanya papunta sa gilid ng nakausling poste sa pader."A
Chapter 13❤️Parang naubos na ang lakas ni Brandy matapos nyang makababa ng kotse. Wala na. Balik na naman sya sa pagiging seryoso sa buhay.Minsan masarap din pala sa pakiramdam yung napagdadaanan niya ang mga ganoong bagay. Para siyang bata na tumatakbo kanina habang nakapaa, a thing she never had the chance to experience in her childhood days. She's a perfect example of a person na ninakawan ng pagkakataon na maging masaya. She's also wondering if there'll come a chance na maging masaya pa naman nga sya.Pero masaya sya kanina kahit parang inaasar sya ng inaasar ni mahangin. At ramdam nya iyong kasiyahan na ‘yon. Ramdam nya rin ngayon na malungkot na naman sya.Wala pa ang daddy nya. Naisip nya na mag message na lang doon na nakauwi na sya. Daddy I'm home. Are you still going to throw me somewhere? Yun ang message nya.Her phone beeped. It was her daddy. Napangiti sya. First time ba na nagreply ito sa kanya?Di nya aasahan na magre reply pa ito kasi lagi naman na hindi nit