Simpleng dinner with the family and friends ang inihanda ni Freeshia at Lance sa townhouse para gunitain ang unang death anniversary ni Baby Gab.Dumating ang mga Villavicencio at Altamonte pati na din ang mga kaibigan nila na si Damon at Mint pati na si Herea at Troy.Masaya ang mga kaibigan nila dahil nakabalik na si Lance at napag-usapan nila over dinner na itutuloy na nila ang naudlot na kasal nila.“Naku sana naman, matuloy na yan!” sabi Freddie sa kanila“Matutuloy na po, Daddy! Hindi na po ako papayag na hindi!” sagot naman ni Lance sa Daddy ni Freeshia“That’s great news!” masayang sabi ni Mariel sa kanila“Finally!” masayang sabi ni Damon and Mint agreed“Pero mauuna muna kami ng honey ko! And hopefully, susunod na si Troy at Herea!” dagdag pa ni Damon Napangiti lang si Troy at si Herea forced a smile na halata naman ni Freeshia.Hindi pa lang kasi niya nakakausap si Herea para malaman kung may problema ba sila ni Troy.Masaya ang lahat and Freeshia couldn’t help but to be
Ito na ang araw na pinakahihintay ni Damon dahil ngayon, magiging isa na sila ni Mint Shantal Alvarez. He us about to marry his first love! Ang tanging babae na nagpatiklop sa kanya at nagpabago sa kanya.At gaya ng gusto nilang mangyari ni Mint, magka pareha si Lance at Freeshia bilang isa sa mga abay sa kasal nila.Sinimulan na ang entourage at hindi mapigilan ni Damon ang kaba nang isara ng mga organizers ang pinto ng simbahan.Sobrang miss na miss na niya si Mint dahil tatlong araw niya itong hindi nakita since sumunod sila sa kagustuhan ng nanay ni Mint.Bawal silang magkita ng tatlong araw bago ang kasal at kahit hindi siya naniniwala sa pamahiin, sumunod na siya lalo pa at tinakot siya ni Niña.“Sige ka Damon! Ikaw din, baka hindi matuloy ang kasal kapag hindi ka sumunod sa pamahiin!” sabi sa kanya ni NiñaNatawa pa siya noong una pero nung makita niya na seryoso ang mukha nito, wala na siyang nagawa kundi ang sumunod.In his mind, mabuti na ang sigurado kesa maiwan siya sa ta
Isang buwan lang ang nakalipas buhat nung ikasal si Damon at si Mint at ngayon naman, ang kasal ni Freeshia at Lance ang inaabangan ng lahat.Tapos na din ang one week na honeymoon ng newlyweds sa Bahamas kaya naman nandito na sila sa Pilipinas to witness their friend’s wedding.“Nervous?” tanong ni Troy habang inaayusan sila sa penthouse ni Lance dahil dito na sila manggagaling“Konti! Pero confident naman ako na darating si Freeshia!” biro ni Lance sa kaibigan niya kaya napangisi ito“Pasalamat ka, mahal ka talaga ni Freeshia! Kasi kung hindi, sa laki ng kasalanan mo sa kanya, tiyak hindi ka na niya mapapatawad!” “Tapos na yan, bro! Huwag mo ng ungkatin!” sagot naman ni Lance sa kaibigan niya“Basta masaya ako para sa inyo, Lance! Always make her happy!” ani Troy kaya napatango naman si Lance“Hindi naman maiiwasan ang tampuhan at away! Pati na ang problema at pagsubok, pero kakayanin namin ni Freeshia yun! Sa dami ba naman ng pinagdaanan namin!” buo ang loob na sabi ni Lance“Oo
The wedding ceremony started at hindi binitiwan ni Lance ang kamay ni Freeshia habang nakaharap sila sa pari. And unlike their first wedding, mas naging memorable ang lahat sa kanila dahil ngayon, alam na nila sa sarili nila na iisa ang nararamdaman nila kaya sila nagpakasal.Hanggang sa dumating ang part kung saan magbibigay aila ng wedding vows sa isa’t- isa.Freeshia smiled as she got the paper in her pouch kung saan niya isinulat ang vow niya para kay Lance.Huminga ng malalim si Freeshia bago niya sinimulan ang pagbabasa ng wedding vow nila.“Lance, sa wakas, natupad na ang pangarap ko when I was still a young girl, and that is to marry you! Yes, we were once married pero dahil sa mga nangyari noon, nagkahiwalay tayo ng landas. But then, heto tayo ulit, standing in front of God, and getting married …again. Marami tayong pinagdaanang pagsubok but still, God and our love put us back together.”Freeshia wiped her tears and she saw Lance doing the same.“Baby, now that we are here,i
Isang linggong namalagi si Freeshia at Lance sa Paris at ngayon ang araw ng balik nila sa Pilipinas.Nakaabang na sa airport si Randy at Dindo para sunduin sila at excited na din sila sa surpresa ni Lance sa kanyang maybahay.Bago umalis ang mga amo nila ay nagkaroon ng sikretong meeting ang dalawa with Lance at ipinagkatiwala nito sa kanila ang pag-aayos ng mansion na lilipatan nila.Pinagawa ito ni Lance noon at walang alam si Freeshia dito. Dapat ay regalo niya ito sa kanyang kabiyak noon pero dahil nagkasunod-sunod ang problema nila at nagkahiwalay pa sila sandali.“Welcome back, Ma’am, Sir!” masayang bati ni Randy sa mga bagong dating nang makababa na silaKinuha agad ni Randy ang mga gamit nila at siya na ang nagtulak papunta sa parking lot.“May surpresa nga pala ako sa iyo, sweetheart!” sabi sa kanya ni Lance nang makasakay na sila sa kotse“Hindi na ba mauubos ang surprise mo sa akin, baby?” tanong naman ni Freeshia dahil habang nasa Paris sila ay ilang beses siyang pinakilig
“Blooming ha!” biro ni Mint kay Freeshia nung araw na dumalaw sila sa bagong tirahan ng mga kaibiganNandito sila sa garden fixing their food habang nasa gawing gilid ang mga boys at nag-iihaw.“Sus, ikaw din naman! Mukhang alagang-alaga ka ni Damon!” sagot naman ni Freeshia sa kanyaNapangiti si Mint dahil sa ilang buwan na kasama niya si Damon ay talaga namang nakikita niya kung paano siya mahalin at alagaan nito.“Damon is the best, Freeshia! Hindi ako nagkamali na magmahal at magtiwala ulit! Kung hindi ako sumugal sa pag-ibig, baka hanggang ngayon, malungkot pa rin ako!” kwento ni Mint Napatingin sila kay Herea na tahimik lang na nakikinig sa kanila. Napakunot pa ang noo nito when she saw their faces.“What?” tanong niya sa mga kaibigan niya“Kayo ba ni Troy?” tanong ni Freeshia kaya inirapan siya ni Herea“Ako na naman ang nakita mo!” sagot niya dito“Her, may problema ba kayo ni Troy?” tanong muli ni Freeshia nung sila na lang dalawa ang nandoonNagpaalam kasi si Mint na sisil
Binuksan ni Freeshia ang kanyang mata at nasilaw siya sa biglang pagdaan ng liwanag kaya muli siyang napapikit.“You're awake!” sabi ng isang pamilyar na tinig kaya napadilat siyaInilibot niya ang kanyang mata at nahagip ng paningin niya si Celestine na nakaupo sa isang plastic na upuan habang naninigarilyo.“Celestine…akala ko…”“Akala mo patay na ako? Pwes, nagkakamali ka! Akala mo lang yun!” sabi pa niya kaya napailing si FreeshiaKung panaginip lang ang lahat, sana magising na siya.“Ang galing ko ano? Napaniwala ko kayo na patay na ako?! Kaya tuwang-tuwa kayong mga hayop kayo!” gigil na sigaw ni Celestine “Papanong…” hindi makapa ni Freeshia ang tamang salita na sasabihin niya sa babaeng ito“Tsk Freeshia! Sa palagay mo ba, hindi ko pinag isipan ang mga galaw ko? Koneksyon lang yan, my dear! Kaya ko nga kayo napaniwala na patay na ako tama?!” Hindi nakasagot si Freeshia at nanatili lang siyang nakatitig kay Celestine.“At ngayon nga, nandito na ako! Binalikan ko kayo kasi hind
“How can you do this Randy?! Sa lahat, ikaw ang pinagkatiwalaan ko!” kahit nanghihina pa si Lance ay hindi niya napigilang sumbatan si RandyNgumisi naman ito sa kanila na para bang nang-uuyam!“Eh sorry sir! Mas malaki ang ibinayad sa amin ng kaaway ninyo! Sa sobrang laki, pwede na kaming hindi magtrabaho buong buhay namin!” sagot niya kay Lance“Hayop kayo! Sisiguraduhin ko na mabubulok kayo sa kulungan kasama ni Celestine!” nakakuyom ang palad ni Lance pero pinigilan niya ang sarili na sugurin ang dalawang traydor na itoArmado sila at wala silang kalaban-laban! “Hindi na mangyayari yun sir! Sa laki ng galit sa inyo ng mga ito, malamang hindi na kayo magtatagal!” sagot naman ni Dindo“Hay naku Lance, ikaw kasi eh! Kung ako lang sana ang pinili mo, hindi mangyayari ito! Kaso, hindi mo ginawa kaya magdusa ka!” hirit pa ni Celestine habang nakaupo siya sa upuan “Ang tagal kong naghintay, Lance! I even faked my death para makampante kayo! Nanahimik muna ako at nagpalamig, pero sa twin
“Hanggang kailan mo ba balak itago yang babae na yan?” tanong ni Ralph kay Carlitos habang nasa library sila Napaangat naman ang tingin ni Carlitos dito saka siya napailing. “Why are you so caught up with Pen, Ralph? Nakita mo naman na sumunod siya sa pinagawa ko hindi ba?” sagot niya ditoBuhat kasi nung kunin niya si Penelope sa kanyang bar ay hindi na ito tumigil sa pagkontra sa kanya. At nung pasukin ng kung sinong tao ang bodega nila ay ito agad ang pinaghinalaan niya.Mabuti na lang nagawa nilang ilipat ang mga itinatago nila doon kaya naman nung magkaroon ng inspection ay wala ng inabutan doon ang mga pulis.“Takot na takot nga siya, nakita mo naman, hindi ba?” dagdag pa niya pero hindi talaga maalis sa isip ni Ralph ang pagdududa“Relax! Masyado kang nerbyoso! Hindi ang katulad niya ang magpapabagsak sa akin kung sakali! Isa lang siyang pok pok na kinuha ko sa putikan!” matapang na sabi ni Carlitos kaya hindi na nagsalita si RalphLumabas na siya at nakita naman niya na pa
Namangha si Kute nung makita niya ang mansion na pinagdalhan sa kanya ni Carlitos. Hindi naman nakapagtataka na makapagpatayo siya ng ganito lalo pa ay marami itong negosyo. Yun nga lang, may halong illegal ang mga ito at yun ang dahilan kung bakit malapit na ang araw ng pagbagsak nito.“Ihahatid na kita sa guest room!” sabi niya kay Kute kaya naman kulang na lang mapailing siya sa harap nito“Bakit hindi na lang sa kwarto mo ako matulog?” malambing na tanong niya dito at humilig pa siya sa dibdib nito“Pen, hindi pa naman tayo kasal! Saka na yun kapag isa ka ng dela Vega!” sagot sa kanya ni Carlitos pero sa loob-loob ni Kute, nagpapasalamat siya sa bagay na iyon“Okay ikaw ang bahala!” sabi na lang niya at saka niya hinalikan ang pisngi nito Dinala siya ni Carlitos sa guestroom na nasa ikalawang palapag at kunwari ay tinanong niya ito kung nasaan ang kwarto niya.“Nasa baba ang kwarto ko, Pen! Mas gusto ko doon dahil minsan sumasakit yung pilay ko!” paliwanag sa kanya ni CarlitosT
“Busy ka pa ba?” tanong ni Kute kay Carlitos ng sa wakas ay makontak na niya ito pagbalik niya sa hotel room Dito na siya magpapalipas ng gabi at hanggang ngayon, nagtatalo ang isip niya kung babalik pa ba siya sa resort“Why? Hindi ka ba nag-eenjoy diyan?” tanong nito kay Kute kaya naman nilandian pa ni Kute ang boses niya“Mas masaya sana kung nandito ka!” sabi pa niya dito ang he heard Carlito’s chuckle“Busy pa kasi ako! Pero kapag hindi na ako busy, pangako, susunduin na kita diyan, alright?” sabi pa ni Carlitos“Sinabi mo yan ha!” Kute said with her charming voice“Promise! Sige na may gagawin pa ako! Tatawagan na lang ulit kita!” sabi pa nito kay Kute “Okay! Ingat ka ha!” sagot pa ni Kute at ibinaba na nito ang telepono“Parang totoo ah!” pang-aasar ni Greg kay Kute sabay abot dito ng beer“Hindi pa siya lubusang nagtitiwala sa akin, Greg! Mas gusto ko na nasa malapit ako para nakikita ko ang galaw niya.” tumungga si Kute ng alak at napangiwi pa siya nung gumuhit ang pait sa
Dalawang araw na hindi nagparamdam si Kute kay Troy dahil gusto niyang tutukan ang misyon niya.Nakausap niya kahapon si Greg and nagkasundo silang magkita sa isang hotel sa bayan dahil may pag-uusapan sila tungkol sa misyon.“May nag-surveillance na ba sa bodega?” tanong ni Kute kay Greg dahil naireport na nila ito sa mga pinuno nila at sinabihan sila na sila na ang gagawa ng hakbang“Oo! Pinuntahan nila kahapon pero wala na silang inabutan doon!” pahayag naman ni Greg “Talaga?! Natunugan ba tayo?” nagtatakang tanong ni Kute but Greg shrugged his shoulders“Hindi ko alam! Basta nung mag-inspect sila doon, wala silang nakita!” dagdag pa ni Greg kaha napahinga ng malalim si Kute“Baka nailipat na nila sa ibang lugar, Greg!?” sabi pa niya sa kasamahan niya“Malamang! Pero habang iniisip natin yan kailangang makapunta tayo mamaya sa daungan. May mga kargamentong darating si del Vega!” pahayag nito kay Kute‘Sige! Dito na ako manggagaling. Hindi na muna ako babalik sa resort.” sagot ni
“Nasaan na ba kasi ang babaeng yun?” Napatingin si Troy sa kaibigan dahil sa sinabi nito na ngayon ay nag-iisip habang nakatingin sa bintana.“Miss mo?” tanong nito at lumungkot naman ang mukha ni Jorge“Kahit naman may sabak ang ulo ng isang yun, nami-miss ko pa rin ang kakulitan niya!” sagot ni Jorge“Huwag ka ng malungkot! Malay mo naman, magpakita ulit sa atin si Kute one of this days!” sabi pa ni Troy dito“Sana nga, sisingilin ko pa siya dun sa utang niya sa akin!” “What?” taas-kilay na tanong ni Troy na sinabayan niya ng tawa“Akala ko naman nami-miss mo!” sabi pa niya sa kaibigan at tumango namani ito agad“Oo naman! Pero syempre, kailangan ko siyang singilin! Sayang din yun no!” napakamot pa nga si Jorge sa ulo habang nakatingin kay Troy“Malaki ba?”“Ang alin?” Troy rolled his eyes sa kaibigan na mukhang humihina yata ang pick-up ngayong araw na ito“Yung utang sayo!” anito kaya napa-ah na lang si Jorge“Hindi naman Pare, pero sabi ko nga, sayang naman din yun!”ani Jorge k
Nang makaalis si Troy sa villa ni Kute ay nagsimula ng magbihis ng huli para makapunta na siya sa bodega ni Carlitos. Nakita na niya ang address nito nung minsang maghanap siya ng patago sa library ng nobyo niya noong umalis ito. Nagsuot siya ng itim na pantalon at itim na long sleeve shirt. May suot siyang itim na cap at nasa bulsa nya ang maskara na gagamitin niya kapag nakapasok na siya sa loob ng bodega.She grabbed her black jacket hanggang sa marinig niyang tumunog ang earpiece na suoy niya.“Palabas na ako!” sagot niya saka siya lumabas sa backdoor ng villaNapagaralan na niya ang lugar at alam na niya kung saan siya dadaan sa kanyang pagpuslit palabas. Madali niyang naakyat ang bakod at saka siya naglakad para hanapin si Greg, ang kasamahan niya sa organisasyon at ang katuwang niya sa misyon.Natanaw niya na nakahimpil ito sa di kalayuan ang motor na gagamitin nila ni Greg at nang makalapit na siya doon ay agad siyang sumampa matapos niyang abutin ang helmet.Mabilis silang
“Good afternoon Mr. dela Vega, nagkita ulit tayo!” masayang sabi ni Troy ng makapasok sa opisina niya si Carlitos“Good afternoon? Kaya naman pala pamilyar ang pangalan mo sa akin eh! Hindi ko alam na ikaw ang nakabili ng resort ni Mr. Mallari!” sagot naman sa kanya ni Carlitos bago ito makipag-kamay sa kanya“Nagulat din ako actually na ikaw pala ang may-ari ng lupang gusto kong bilhin!” ani Troy“What can I offer you? Coffee or juice?” tanong ni Troy sa kanyang bisita“Coffee will be fine for us! Black and no sugar!” sagot naman nito kaya naman sinulyapan ni Troy ang assistant nito“By the way, this is Ralph Assistio, ang right hand ko!” pakilala niya pa ditoNakipagkamay naman si Troy dito out of respect at malugod naman iyong tinanggap ni Ralph. “Ito naman Jorge Magbanua, ang assistant at kaibigan ko dito sa Cebu!” nakipagkamay naman din sa kanila si Jorge at matapos noon ay sinimulan na nilang pag-usapan ang tungkol sa lupa“So magiging kasosyo mo pala si Lance at si Damon?” ta
Matapos ang pagtigil nila Kute at Carlitos sa bahay nito sa Maynila ay sinabihan siya ng huli na maghanda dahil babalik daw muna sila sa Cebu.Ayon dito, may property siya na gusto niyang ibenta at sa Cebu nila kakausapin ang interesadong buyer nito.Hindi naman nagtanong si Kute dahil ayaw niyang magduda sa kanya si Carlitos. Kailangan niyang magpanggap na masunurin sa lahat ng ipapagawa o ipag-uutos sa kanya ng binata.Sa ngayon, hindi pa siya naisasama ni Carlitos sa mga negosyo niya na pinaniniwalaan ng samahan na illegal. Ayaw niyang ipakita ang interes dito dahil gusto niyang makuha ng buo ang tiwala ni Carlitos.Alam naman kasi niya na hindi pa ganun ka-buo ang tiwala nito sa kanya dahil may mga lakad ito na hindi siya isinasama.“Pero kung ayaw mong sumama, you can stay here!” sabi ni Carlitos habang kumakain sila ng agahanMabait naman si Carlitos sa kanya at binubusog siya sa mga materyal na bagay.She needs him to see na wala siyang pakialam sa mga negosyo at lakad nito and
Nakabalik na si Troy sa Cebu at ramdam niya ang bigat ng loob dahil sa pag-alis ni Kute kahit na pinipigilan niya ito. Buo talaga ang loob nito na tapusin ang kanyang misyon at habang wala pa daw itong nakikita na mabigat na ebidensya laban kay Carlitos dela Vega ay hindi pa daw ito pwedeng umalis.Nalaman niya din mula kay Kute na sa bahay ni Carlitos na ito nakatira but she assured him na walang nangyayari sa kanila dahil magkahiwalay daw sila ng kwarto. And he trusts her dahil nararamdaman naman niya na nagsasabi ito ng totoo.Ayon pa dito, tanging siya lang ang makakahawak sa kanya at labis naman niya itong ikinatutuwa.“Hindi ba alam ni Carlitos na wala ka ngayon sa bahay niya?” tanong ni Troy sa kanya and she just shook her head“Sa ngayon malalim na ang tulog niya at dahil may secret passage ang bahay niya na akala niya, hindi ko alam, naging madali sa akin ang pag-alis ng bahay.” sabi pa nito pero hindi pa rin niya mapigilang mag-alala“Mag-iingat ka pa rin Kute! Ayokong mapa