Hindi ko ipinaalam kay Alaric na wala akong passport. Wala akong balak pumunta sa Italy! Kulang na nga ang sweldo ko, gagastos pa ako sa trip na yan? And let say sagot ng kumpanya ang gastos, ayoko pa rin. Alone trip with Alaric? Never! Baka ano pa ang mangyari sa akin.Sa sumunod na araw, tuluyan kong kinalimutan ang tungkol sa trip sa Italy at ibinaling ang oras sa mga dapat kong gagawin. Dalawang buwan pa gaganapin ang charity event pero para na siyang gaganapin bukas sa dami kong inaasikaso. I groaned in annoyance. “Bakit ba ayaw niya akong bigyan ng team? This isn't fair!” reklamo ko. Kumakalam na ang sikmura ko dahil sa nalipasan na naman ako ng gutom. Kagagaling ko lang sa marketing team para makita ang ginawa nila. “Seraphina, hindi ka na sumasabay sa amin mag-lunch,” salubong ni Sara sa akin ng nasa workstation ko na ako. Kita ko ang nagkalat na maraming papeles sa table ko at wala na ito sa matinong ayos. “Kaya nga eh. Kinukulang na ako ng oras,” wala sa sariling sagot k
Kinaumagahan, kung hindi pa ako ginising ni Serenity ay hindi pa ako magigising. Si mama ay walang planong gisingin ako kaya si Serenity ang gumawa. It's weird kasi tanghali pa siya nagigising kapag wala siyang pasok. Tapos ngayon ay maaga siya. “Sis, don't forget to send me the pictures,” sigaw ni Serenity ng pasakay na ako ng taxi. I forgot what she said she would do in the pictures. Tumango nalang ako para matapos na. I arrived at the company around 7:40 in the morning. Na-werduhan pa ang bodyguard ng makita niyang may binaba akong malaking maleta pagbaba ko ng taxi. Hindi pa nag-aalas otso ay may dumating na SUV sa tapat ng tanggapan ng kumpanya. Hindi na ako pumasok sa loob ng lobby dahil mahihirapan pa akong iangat ang maleta ko sa iilang hakbang papasok sa kumpanya. May bumabang tauhan galing sa SUV at saka kinuha ang maleta ko. Doon lang ako natauhan na ito na yong sasakyan ni Alaric. He was waiting in the backseat. Nakakahiya na may bumabaling na mga empleyado sa kotse a
Kabang-kaba ako sa sinabi ni Alaric. I was starting to breathe heavily when he laughed so loud. Doon ko napagtanto na pinagtitripan niya ako. I rolled my eyes in annoyance at saka siya iniwan. There are two rooms inside the suite. Kaya pala okay lang sa kanya na iisa kami ng room kasi may dalawa palang kwarto. Hindi ko alam kung alin ba ang sa kanya kaya kung ano ang napasukan ko ay doon na ako nagkulong. Dahil sa pagod ay mabilis akong nakatulog pagkahiga ko sa malambot na kama. Kinaumagahan, inabot ako ng madaling araw. Maybe because I was too tired for the 15 hours trip kaya napasarap ang tulog ko. Matapos kong magbihis, inasikaso ko pa ang mga laman ng maleta ko at nilagay sa provided na kabinet. Kaya inabot ako ng ala-una ng bumaba ako. Gutom ako at saktong pagbaba ko ay nakita ko si Alaric. Kakababa niya lang ng cellphone niya galing sa katawagan. “Let's go out. We will have our lunch outside.” I glared at him for making me overthink last night but he didn't spare me a gla
Matapos naming kumain, bumalik kami sa suite. Plano ko sanang mamasyal kahit sa kalapit lang nitong hotel pero after seeing Magnus, nawalan ako ng gana. Alaric got busy with lots of calls. Base sa mga naririnig kung usapan nila, may ka-deal siyang businessman dito. Nagkulong ako sa kwarto. Kahit anong pigil ko, hindi ko maiwasang maging emosyonal dahil sa pagkakita sa ex ko. Magnus is a family friend. Malapit ang pamilya ko sa pamilya niya. They have business just like ours before… cargo company. Kahit pareho ng business ang lolo ko sa kanila hindi iyon naging hadlang para maging magkaibigan ang pamilya ko sa pamilya nila. I was so close with him and he takes care of me simula pa noong bata kami. Kaya hindi ko kailanman naramdaman na mahirap kami dahil palaging nandyan sa tabi ko si Magnus. If I needed money, he wouldn't think twice to give me. If papa needs help, Magnus' parents are there to help. Kaya lang ay hindi ko alam kung bakit bigla nalang nawala. I don't know anything I
Kinabukasan, nagising ako dahil sa nararamdamang gutom. Hindi ako nag dinner kagabi dahil sa maraming iniisip. Maaga akong natulog… mga around 7 na yon. Kaya ngayon ay gutom na gutom ako. Nagmamadali akong nag-ayos ng sarili at saka bumaba. Kaya lang ay wala akong nadatnan na Alaric pagbaba ko. Magpapa home serve ba siya? Bakit wala pang pagkain? Tinignan ko kung may pwedeng kainin sa refrigerator pero puro tubig lang at inumin. Hinawakan ko ang tiyan ko ng kumalam ulit. Ayaw ko din namang puntahan si Alaric sa kwarto niya kung natutulog pa siya. Kaya hindi ko na siya hinintay pa. Ang alam ko may pa-buffet ang hotel at kasama na yon sa bayad ng hotel service. Kung hihintayin ko pa siya, baka mawalan na ako ng malay sa gutom. Pagbaba ko, madali ko lang nahanap ang buffet area. Dali-dali akong kumuha ng mga servings ng makakuha ako ng plato. I didn't mind people because of my hunger. Kaya nangangalahati na ako sa kinakain ng inangat ko ang mata ko. Dahil sa gutom ako kanina, hind
“You're done with breakfast?” nahihiyang tanong ng babae. “Yeah,” maikling sagot ni Magnus. I noticed that he didn't spare her a glance. “Okay…” mahinang sinabi ng babae. Pansin kong may gusto pa siyang sasabihin pero dahil hindi siya binalingan ni Magnus ay umalis nalang siya. Pero pansin kong bago siya umalis ay ngumiti siya sa akin. Tinaasan ko ng kilay si Magnus. “Who's she?”“Family friend.” He shifted his weight before he continued talking. “I'm going to our vineyard, do you want to see it? Para makapasyal ka na din?”Aangal sana ako pero ng marinig kong pasyal ay bigla akong na excite. I've been here for two days at sa hotel room lang ako. Gustong gusto kong pumasyal pero natatakot din ako. Wala din atang plano na mamasyal si Alaric. Ngumuso ako kunwaring nag-iisip. It's funny how I am hurt because of what he did yet I also don't want to see him hurting. He may have hurt my feelings but I can't also deny all the things he had done for me. I was spoiled whenever I'm with him
Agad akong nagpahatid kay Magnus sa hotel matapos kong mabasa ang text ni Alaric. Naka silent ang cellphone ko at hindi ko na natignan pa yon simula ng umalis ako ng hotel. Tinatanong ako ni Magnus kung okay lang daw ba ako dahil namumutla ako ng pabalik kami sa hotel at tumatango lang ako sa kanya. Wala ng araw ng bumaba ako sa kotse ni Magnus. Hindi ko din nagawang magpasalamat sa kanya dahil sa pagmamadali. I heard him call me pero dahil balisa ako ay hindi na ako bumaling sa kanya. Kulang nalang ay lumipad ako nang naglalakad ako sa hallway ng suite namin. I have spare cards for the suite kaya agad akong nakapasok. Pagbukas ng pinto ay madilim ang loob. May iilang ilaw na bukas pero madilim pa rin para makita ang kabuuan ng loob. Sa una ay tahimik pa ang paligid kaya akala ko ay nasa kwarto na si Alaric. Pero nagkakamali ako. Nangilabot ako ng magsalita siya. “Where did you go?” malamig niyang tanong. Hindi ko siya naaninag dahil medyo madilim pero nakita ko din siya ng
Nakatulog si Alaric dahil sa sobrang kalasingan. I pushed him away from me because I'm starting to feel breathless. Di hamak na mas mabigat siya kaisa sa akin.Kabado akong umupo matapos ko siyang mapahiga sa gilid ko. Narinig ko siyang umungol pero nanatili siyang nakapikit. Nanghihina akong tumayo at naglakad pabalik balik. Hindi ako makapaniwala sa nangyari. I know he's drunk and he might not know what he was doing but it's still scary to think that something might happen to us if he didn't get unconscious.Ano ba kasi ang ikinagagalit niya? Dahil ba pumasyal ako o dahil kasama ko si Magnus? Is he jealous?Sarkastiko akong tumawa sa sarili. Common Seraphina! Pinapahirapan ka nga niya, diba? Bakit siya magseselos?Pero bakit alam niyang may lalaki akong kasama? Did he saw us? Dahil sa tulog na tulog na si Alaric,hindi ko alam kung saan ako matutulog. Carrying him is not an option. Ayoko naman sa kwarto niya kasi baka may mawala doon at masisi pa ako. Ilang minuto akong nakatungan
Hindi nga lang natuloy ang plano kong umuwi kami ni Ryker. Bubulong pa sana ako kay Ryker nang may marinig akong tumikhim sa gilid ko. Bumaling ako roon at agad nanlamig nang makitang ang mama ni Ryker iyon. Kitang kita niya kung paano ako nakahawak sa dibdib ng anak niya! Nag-isang linya ang labi ko. Itutulak ko sana si Ryker pero hindi niya ako hinayaan. Hinigpitan niya ang hawak sa bewang ko. I heard him hiss because of my attempt to push him. Hindi ko inalis ang mata ko sa mama ni Ryker. Tumikhim siya. “Can I talk to you, hija?” tanong niya sa akin.“Mama!!” Si Ryker, may pagbabanta sa boses niya. Hindi ako nakasagot. Hindi ko inasahan na kakausapin niya ako. Ang inakala ko ay magagalit siya, at saka ko ibabato ang matagal ko nang pinractice na mga linya. Pero hindi na iyon mangyayari dahil kasal na kami ng anak niya!“Kahit limang minuto lang, hija,” she said apologetically. Kita kong sincere naman siya. And I would feel guilty if I refused her. Kahit ano pang gawin ko, she w
Hindi ko na masundan ang usapan ni Ryker at ni Delia dahil iniisip ko na kung paano ako lalayo pagkakita ko sa parents ni Ryker ng hindi nahahalata! Should I go out now? Kaso kakarating lang namin!Ngumiti ako kay Delia nang magpaalam siya. Nang mawala siya, mabilis kong sinuyo ng mata ang paligid. Hindi ko nga lang namataan kung nasaang banda ang magulang ni Ryker.Napabaling ako kay Ryker nang hawakan niya ang likod ko. May papalapit sa aming direction. “Mr. Saldivar,” bati noong lalaki. Hindi talaga maubusan ng kausap itong kasama ko!“Mr. Reyes,” ani Ryker. He nodded at the man. “Pumunta ako last week sa opisina mo, wala ka pala.” Ryker chuckled. “Yes. I was with my wife in Australia.” Agad umawang ang bibig ng kauskap ni Ryker. “Wfie? You are married?” hindi makapaniwalang sabi niya. “Yes.” Bumaling siya sa akin. “This is Serenity Saldivar, my wife,” nakangisi niyang pakilala sa akin. “I didn't know you were married!” gulat na sabi nong lalaki. Ngumiti ako sa kanya nang bu
Serenity Isla Salazar-SaldivarApat na araw na kami dito sa Pilipinas. Nakadalawang balik na rin si Ate dito sa condo para manduhan ako na sabihin na kina mama ang tungkol sa kambal ko. Palagi ay sinasabi kong hindi muna. Not that I don't want them to know, hindi pa ako ready! I want my children to settle first before I let other people in their life. “Mommy, can I come?” nakasimangot na tanong ni Ryka. Namumungay ang matang nakatingin sa akin. I was facing my vanity table as I was finalizing my make-up. Naka-white spaghetti strap dress ako na hapit na hapit sa katawan ko. I wore a silver set jewelry na binigay sa akin ni Ryker. Bumaling ako sa anak ko. “The party is only for adults, Baby. When you grow up, you can start attending parties.” pang-aalu ko. May dadaluhan kaming party ni Ryker ngayon. Hindi maisasama sina Ryka at Soren kaya iiwan namin sila kina ate. Soren was fine with it. Nandoon si Luca at paniguradong maglalaro sila. Ryka on the other hand wanted to wear a dress a
Ryker Knoxx SaldivarAgad na humalakhak ang tito ko nang marinig niya ang sinabi kong wala akong gusto sa pinapagpilian niya sa akin. “Akala mo siguro, hijo, may choice ka pa maging choosy? Darating din ang panahon na mamimili ka sa dalawang ito, ang gawing acting CEO ang anak ko para ipamana niya ang kumpanya sa magiging anak niya o pakasalan si Natalie para gawing hier ang anak niya!” Tumawa rin ako kay Tito. “This is my life, Tito. I choose what I want. It just so happens that what I want is not one of your choices.”I heard my father laugh. “Now, you heard what my son wants, Ardnold! Stop this nonsense already!” “You called this nonsense, Geoffrey? Kapakanan ito ng kumpanyang binuo ng ninuno natin!” inis niyang baling kay papa.“Ninono natin? Ang ama ko ang bumuo ng kumpanyang ‘to, Arnold. Walang ambag ang papa mo kaya huwag mong sabihing ninuno natin,” sarcsatic na sinabi ni papa sa pinsan niya. “Kung ito lang ang ipinunta niyo dito ay pwede na nating tapusin ‘to. Pretend thi
Ryker Knoxx Saldivar After we went back to the Philippines, sunod sunod na ang meeting na kailangan kong puntahan. My son wanted to buy his playstation and damn those meetings if I failed to get him one. We have already postponed it because of Alaric's visit. Ngayon ay kailangan kong siguraduhin na makakabili kami.“Make sure I don't have a meeting this afternoon. I have important things to do,” sabi ko sa sekretarya ko. “Yes, sir.” Nagpakawala ako ng malalim na hininga bago binasa ang kailangan kong permahan na mga documents. Iyon ang ginawa ko habang hinihintay ang meeting na kailangan kong puntahan. Natigil lang ako sa pagbabasa nang tawagan ako ng secretary ko para ipaalam sa akin ang meeting ko. Hinilot ko ang sintido ko bago tumayo. Matapos ay dumiretso ako sa left wing para sa meeting ko sa araw na ito. Natahimik ang mga empleyado nang pumasok ako sa loob. Kita kong nagsiupuan sila ng maayos at natuun ang attention nilang lahat sa akin. Tension suddenly surrounds the room.
Kita ko ang gulat kay Ate. Hindi ko alam kung ilang minuto siyang natulala kay Ryka bago siya nakapagsalita. “Serenity, what is the meaning of this?” gulat na gulat niyang baling sa akin. “Did I hear it right? Tinawag ka niyang Mommy?” Napalunok ako. Hindi pa tumutulong na bumababa si Ryker galing sa taas. Natigilan siya nang makita niyang naroon sina Kuya Alaric. Matalim na ang tingin ni Kuya Alaric kay Ryker. Parang inaakusahan niya ito. “Daddy, we have a visitor. It’s Mommy’s friends,” ani Ryka. Kita ko ang pagtayo ni Soren at naglakad papalapit kay sa Daddy niya. “Are we going, Daddy?”Walang pakialam si Soren sa mga nangyayari kanina at patuloy lang siyang nanonood kaya hindi siya napagtuunan ng pansin ni Ate. Ngayon na lumapit si Soren kay Ryker ay napaawang ulit ang labi niya. Ryker licked his lips. “Can we postpone it tomorrow? Your Mommy has a visitor.” Ngayon sana sila bibilli ng playstation niya dahil baka hindi matuloy bukas dahil sa maraming meeting pero mauudlot pa
Kinabukasan, maaga akong nagising. Hindi ako nakapag impake kagabi dahil mabilis akong natulog kaya ngayon ko sana gagawin. Matapos kong maligo at mag-ayos, lumabas ako ng kwarto namin para ipag-imapake ang mga anak ko. Kaya lang, nang bumaba ako para magkape, nakita ko ang maraming luggage sa baba. Ilang segundo akong natigilan sa hagdanan bago ako nagpatuloy sa pagbaba. Nakita ko ang isang kasambahay na dinagdagan niya ang maraming luggage na nakalinya. “Whose things are those?” Bumaling sa akin ang kasambahay. “It’s Soren and Ryka, ma’am. Ma’am Diana instructed us to pack for them." Napahinga ako ng malalim. Akala ko ay ngayon ko pa sila ipag-iimpake. At sa dami ng gamit nila, baka gabihin ako! “Can you also pack my things?” utos ko sa kasambahay. Mabilis siyang tumango. “Don’t mind my husband. He will not get mad,” dagdag ko dahil mukha siyang nag-aalinlangan. Nasa kusina ako dumating si Soren sa akin. Nagtetempla pa ako ng kape ko. “Good morning, Mom.” Nag
Kinaumagahan, tinanghali ako ng gising. Kung hindi pa ako ginising ni Ryker ay hindi pa ako babangon. Naramdaman kong hinahalikan niya ako sa sa pisngi habang bahagyang inaalog. “Wake up, hinahanap kana ng mga anak mo.” I groaned. “Pagod ako, Ryker. Masakit ang katawan ko!” Mabilis siyang natawa. “Sino kasing naghamon ng maraming rounds huh?” panunuya niya. Sumimangot ako. Imulat ko ang mata ko at tumambad sa akin ang nakangising si Ryker. “Wake up. We should go out with the kids,” aniya. We did three rounds. Hindi ko alam kung bakit sabik na sabik ako sa kanya. Maybe it's because it's been so long since I got intimate? Pero kanino naman kasi ako magpapaligaya diba? Kaya siguro naipon at ngayon sumabog. Hindi niya ako tinantanan hanggang sa hindi ako bumabangon kaya wala akong nagawa. Bumangon ako at mabilis na naligo at nag-ayos. May plano pala sila na mag-mall kaya nila ako binulabog. Kaya matapos kong kumain, mabilis kaming umalisl. Nasa likod si Ryka at Soren. Si Ryker a
Buong araw na hindi ako pinapansin ni Ryker dahil natuun ang attention niya sa mga anak niya. Kahit nong kumain kami ng dinner ay hindi man lang ako tinanong kung anong gusto ko. Mas inuuna pa ang mga anak namin. Not that it's his fault pero pinapabayaan na niya ako! Tapos na akong maligo at nagbihis na pampatulog. Alas dyes bago siya pumasok sa kwarto. Umirap ako sa kawalan. Bakit pa siya pumasok. Doon siya sa kwarto ng mga anak niya!Nang marinig kong naglalakad siya palapit, mabilis akong pumunta sa kama para makatulog na. “Matutulog kana?” tanong niya. “Oo. Goodnight!” Humiga ako at mabilis na ipinikit ang mata. Gumilid ako para hindi ko siya nakikita. Bakit pa kasi pumasok! “Is there something wrong?” biglang tanong niya, nananatya ang boses. Umirap ako. “Is there something wrong, Ryker?” tanong ko pabalik. I heard him chuckle. “That is why I'm asking. I don't know what's wrong.” “Wala naman pala. Bakit ka pa nagtatanong?” tunog sarkastik na sabi ko. “Matutulog na ako. G