Naiwan na naman ako dito sa condo dahil may pasok si Lei at si Zy naman ay may iniutos sakanya si Tita. Mag-isa na naman ako kaya naisipan ko nalang na manuod ng T.VPero agad din naman akong na-boring sa pinapanuod ko kaya naisipan ko nalang na matulog nalang ulit dahil inaantok na naman ako.Nagising ako dahil may narinig akong ingay sa labas, nakauwi na ba si Levi? Bumangon ako para tignan kung nakauwi na ba si Levi pero pagkalabas ko wala naman siya. Tuluyan na akong nakalabas ng kwarto at ni-check ko ang buong bahay pero wala si Levi doon. Baka napa paranoid lang ako, nkakarinig ng kung anu-ano.Babalik na sana ulit ako sa kwarto nang biglang lumitaw si Levi galing sa kabilang kwarto at gulo-gulo ang damit niya at ang buhok. Anong nangyari sakanya at bakit siya galing doon?Bakas sa mukha niya ang pagkagulat, nagtataka akong tumingin sakanya, pinagmamasdan ko nang mabuti ang inaakto niya. Panay rin ang paglunok niya na akala mo may ginawa siyang malaking kasalanan."Hon okay ka l
"Hon." Napabalikwas ako sa aking pagkakahiga nang marinig ko ang nag-aalalang boses ni Levi. Inalalayan niya naman ako umupo. Teka, bakit nandito pa ako sa kwarto? Diba pumunta kami sa bahay?"Bakit nandito pa tayo? Diba pupunta tayo sa bahay?" Tanong ko at humawak sa ulo ko saka minasahe iyon, napapikit ako kasi sumasakit kasi ang ulo ko. Nag-aalala naman na hinawakan ako ni Levi sa magkabilang balikat."Hon okay ka lang ba? Wala akong naaalala na sinabi mong pupunta tayo sa bahay niyo." Huh, eh ano yung kanina?"Seryoso ba?" Naguguluhan kong tanong."Yes, ginising kita kasi humihikbi ka. What happened to you? I'm worried please tell me what's wrong. May masakit ba sa iyo? Would you like me to call our family doctor?" Sunud-sunod niyang tanong sa akin pero hindi ko naman siya magawang sagutin. Ang sakit talaga ng ulo ko."Nananaginip lang siguro ako." Sabay hawak sa ulo ko. "I need water." Dagdag ko, maingat naman akong inihiga ni Levi at lumabas nang kwarto para kumuha ng tubig, nak
"Maupo ka d'yan at buntis ka. Baka mapagod ka pa. Ipapahanda ko sa mga pamangkin mo ang meryenda na dala niyo para sabay-sabay na tayong makakain." Malumanay niyang sabi. Ma, hindi bagay. Natawa lang ako sa mga sinasabi ni mama. "AJ at Abegail pakihanda ang pagkain para makakain na ang tito at tita mo." Utos niya na agad naman ginawa ng dalawang bata.Sana pala lagi nalang nandito si Levi para maramdaman ko naman na inaasikaso ako ni mama. Never ko kasi naranasan iyon.Ano kayang feeling na inaasikaso ka ng mama mo, sa lahat-lahat. Yung hindi siya magpapanggap na mabait sa harap ng ibang tao, para lang masabihan siyang best mom.Ang swerte ni ate kasi lahat ng gusto niya, binibigay lagi ni mama sakanya. Siya rin ang nakaranas ng aruga ng isang ina. Lahat ng mayroon si mama binibigay niya kay ate kahit na mawalan siya basta naibigay niya iyon sa paborito niyang anak.Hindi ko lang matanggap kasi hindi iyon na-a-appreciate ni ate. Nagagalit ako dahil hindi siya maaasahan ni mama. Dapat
Hanggang sa pag-byahe at nang makarating kami ni Levi sa unit, tahimik pa rin ako. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko sa sinabi ni Gail sa akin. Na-suspende siya ng one-week dahil kay Lexi habang si Lexi bumisita sa school nila Gail dahil doon nag-aaral ang boyfriend ni Lexi.Alam ko na nasa legal age na si Lexi pero- hayst! Hayaan ko na nga siya sa buhay niya, hindi iyon ang main reason bakit ako tahimik, galit lang ako dahil nasuspende si Gail sa school because of Lexi tapos binayaran pa ang principal kahit siya naman itong stranger sa school at unang gumawa ng gulo.Pinagtanggol lang ni Gail ang sarili niya. Kilala ko si Gail, she will never start a war unless napikon siya ng kaaway niya. Pero never pa na-guidance si Gail, ngayon lang at dahil kay Lexi iyon. Oo, kapatid siya ni Levi pero hindi ko hahayaan na pati si Gail pagbuntungan niya ng galit niya. Hindi ko papalampasin itong kamalditahan niya."Are you okay, Hon?" Levi asked, nakahiga na kami ngayon, nakaunan ako sa b
"What happened to you, Levi?! Bakit mo pinahiya sa harap ng mga tao ang kapatid mo? Are you crazy?!" Umagang-umaga, sumugod ang mommy niya dito sa condo unit ni Levi.Nagsumbong malamang si Lexi dahil sa nangyari kahapon, pinagsabihan ko din naman si Levi kahapon na dapat hindi niya pinahiya sa harap ng maraming tao ang kapatid niya. Kinausap niya nalang sana in private."Mom alam mo naman na mali yung ginawa ni Lexi but you paid the Principal para ipalabas na walang kasalanan si Lexi." Sagot naman ni Levi. Magkaharap ang mag-ina habang ako nasa likod ni Levi."That's not the case here, Levi. The fact that you let your sister make an apology in front of other people, is so dam crazy Levi! Pinahiya mo ang kapatid mo!""It's not my intention mom, I just want her to grow up, Mom. She's now a lady, she shouldn't act like a baby.""She's still my baby, Levi. Is it because of Allison's niece kaya mo nagawang ipahiya ang sarili mong kapatid sa harap ng maraming tao?" She said then glared at
Sa ilang buwan na lumipas maraming nangyari, maraming nagbago pero we're still fighting for the struggles that come to our lives. Hanggang ngayon wala pa din pagbabago sa pakikitungo sa akin ng mommy ni Levi, ganoon din si Lexi. Mas lalo siyang nagalit doon sa issue between her and Abegail.Hindi pa din nagpapansinan ang magkapatid because of what happened a few months ago. Levi let Lexi time to think about her wrongdoings. Nawala na din ang issue sa social media. Madali lang naman makalimutan ng mga tao kung ano ang nangyayari sa social media kasi araw-araw may panibagong issue na pag-uusapan. That's how society and social media work."How's our baby angel?" Lei asked my tummy as if my baby will talk. She caressed my belly and smiled. "You know baby I'm so excited to see you, I will spoil you every day. We will go to the mall for shopping, watch movies, travel and I will teach you how to become a good role model in your class, soon.""Don't spoil her too much, Lei. Dapat yung sakto l
Isang linggo ang nakalipas nang sinabi ni Levi na lilipat na kami doon sa mansion nila. Lagi nalang akong nagdadalawang-isip kung itutuloy ko ba o 'wag nalang."Ingat ka nalang doon, dahil alam naman nating lahat na ayaw sa iyo ng mommy at kapatid ni Levi." Sabi ni Lei saka sinubo ang takoyaki. Bumisita ako sa apartment dahil na-miss ko ang amoy dito. Sabi ko kay Levi dito muna ako matutulog dahil na-miss ko din si Lei. Pumayag naman siya."I know pero para sa kapakanan ng anak ko.""Sana nga hindi sila nagpe-pretend na tanggap nila ang bata.""Lei stop saying negative thoughts!" Sabay kami ni Lei na tumingin sa monitor ng laptop, oo pala magka-video call kaming apat, kasama ni Zy si Andrew na busy sa paglalaro ng ML with matching mura pa."Eh totoo naman kasi. Masama kaya ugali ng dalawang iyon." Lei said, pertaining to Tita and Lexi."Kahit na, diba nga sabi ni Allison na masaya sila nang malaman na babae anak ng kaibigan natin.""Malay mo nagpapanggap lang kasi nasa harapan nila s
"Happy New Year everyone!" Masayang bati ni tito sa amin. Ang New Year theme namin ngayon ay Beige color. May exchange gift na mangyayari at ang nabunot ko si Lexi, as expected she didn't like my gift. Siguro bukas itatapon niya iyon.Ang binili ko for her is her dream sandals, iyon ang gusto niyang bilhin dati pa kaso hindi niya maharap bilhin. 'Yan ang sabi ng kuya niya so binili ko para sakanya.Kung itatapon niya yung dream sandals niya is okay lang sa akin, that's her choice. Wala na akong magagawa pero if she keeps that gift then good for her.Masaya naman silang kasama pero mas masaya ito kapag totoo yung pinapakita nila tita at Lexi sa akin, yung hindi na nila kailangan pang magpanggap na masaya sila na nandito ako, yung tanggap nila ako para kay Levi, yung buong puso nila akong i-we-welcome dito sa bahay nila at sa buhay nila, sa pamilya nila.Nandito kami sa pool area nila, sa may garden habang nag-iihaw ng barbeque sila manang. Ang daming handa, ano pa bang aasahan mo sa pa