AvrilQuarter to eleven na nang makauwi ako sa bahay ni Ma'am Jane. Pansin ko sa labas na patay na ang ilaw sa loob ng bahay. Malamang ay tulog na siguro ito. Dahan dahan na binuksan ko na ang pintuan upang di maka gawa ng ingay. Baka kasi magising pa ito ay mahirap na mapagalitan pa ako. Kaya maganda na iyong nag iingat. Nang maisara ko na ang pintuan ay siya namang pagbaha ng ilaw at isang nanlilisik ang mata at galit na galit na Ma'am Jane ang aking nakitang naka tingin sa akin ngayon. Di ko maiwasang mapa lunok at medyo mamutla dahil sa takot ko dito. Bakit gising pa siya? Hinihintay ba ako nitong dumating? "Saan ka galing at bakit ngayon ka lang?!!! Uwe ba ito ng isang matinong may asawa ha!!!???" Sigaw nito sa akin na galit na galit. Bigla naman akong pinagpawisan ng malamig. Pati nga ang mga kamay at kili kili ko ay namamawis na rin dahil sa takot dito. "Na--nag ma-mall po ka-kasi kami ni Stephanie Ma'am Jane, tsaka na nood na din po ng sine." Utal na paliwanag na ko di
AvrilNapasarap na ang jogging at kwentuhan namin ni Michelle kaya di na namin namalayan ang oras. Kung hindi lang naka ramdam na kami ng init sa balat ay di pa sana namin mapapansin na mataas na pala ang araw. Kaya nag pasya na kaming umuwi na. Nag lalakad na lang kami ngayon ni Michelle. "Avril pag may time ka ha huwag kang mahiya na pumunta sa bahay ha ng mas maka pag bonding naman tayo." Bilin nya pa sa akin. "Oo naman basta pag di ako busy, bibisitahin talaga kita dyan sa inyo. Basta pakainin mo ako ha" biro ko naman dito pero pupunta talaga ako sa kanila. Hello tapat lang kaya iyan ng bahay ni Ma'am Jane at saka pag wala akong ginagawa may matatambayan na ako. "Oh sya sige dito na ako. Yan na yung bahay namin oh." Sabi ko dito sabay turo ko sa bahay ni Ma'am Jane. Agad naman na akong pumasok sa loob. Mukhang tahimik pa ah. Baka tulog pa hanggang ngayon siguro si maldita. Sabagay sabado naman ngayon kaya okay lang na maglimlim siya sa higaan. Dumiretso na ako sa may kitchen
AvrilSabadoNandito kami ngayon ni Ma'am Jane sa may sala banda nanonood lang sya ng tv habang ako naman ay nag e ML. Mabuti nalang at hindi pa nito iyon ipinagbabawal sa akin.Kanina pa kasi malakas ang ulan kaya di ako makalabas. Gusto ko pa naman sana gumala ngayon. Balak ko nga na puntahan si Stephanie sa kanila at doon tumambay kaysa iyong nandito kaming dalawa lang ni Ma'am Jane. Nakakailang naman kasi at halos hindi nagsasalita ang maldita na ito. Maya lang ay nakarinig ako ng may nag doorbell. Nag ka tinginan muna kami ni Ma'am Jane nag papakiramdaman kung sino ang tatayo at tingnan kung sino ang istorbo na ito.Sinamaan naman ako agad nito ng tingin sabay sabing "ano pang ginagawa mo dyan? Tumayo ka na at tignan mo kung sino iyon." Masungit na sita nito sa akin.Maldita talaga. Di makapagsalita ng mahinahon kailangan talaga ay pagalit. Hay kaasar.Gusto ko sanang sagutin ito ng pabalang pero huwag na lang. At baka humaba pa at matatalo din lang naman ako. Agad naman akong
AvrilNang biglang naka rinig kami ng malakas na pagbagsak ng isang gamit dito sa living room. Bigla naman akong napa tingin sa aking katabi na sobra na ang sama ng tingin sa akin. "A-hhh a-ako na lang Michelle. Bisita ka namin dito eh. Tsaka mag kwentuhan nalang muna kayo dyan ni Ma'am Jane ako na ang bahala sa kusina." Pautal kong tanggi sa alok niya.Please lang sumunod ka na lang. Mukhang galit na ang dragon eh. Baka pati ikaw madamay pag nagwala na yan. "Dito ka na lang Michelle at samahan mo akong manood dito." Final na sabi dito ni Ma'am Jane. Wala naman na itong magawa kung hindi ang sumang ayon na lang. Nagsalita na ang dragon. Kaya huwag ka ng kumontra pa kung mahal mo pa ang buhay mo. "Sige, iwan ko na kayo dyan ha." May pag mamadaling sabi ko sa kanila at tuluyan ng umalis doon.Naka hinga naman na ako ng maluwag ng sa kitchen na ako. Grabi para na akong bibitayin doon. Buti na lang talaga at naka takas ako sa kanya.Minsan talaga di ko maintindihan itong si Ma'am Jan
AvrilKinabukasanMedyo late na ako nagising. Ganito naman ako pag walang pasok. Either late babangon oh maagang magigising para mag jogging. Need ko rin kasi na palaging pagpawisan. Mahina kasi ang resistensya ko pero pagdating kay Camela lumalakas. Tapos may hika pa ako. Kaya nga madali lang akong mag kasakit. Siguro kulang lang ako sa pagpapalabas nito. Kailangan din mag release minsan. Hahaha joke lang syempre bata pa ako no. Nang maka baba na ako ay nakita ko naman si Ma'am Jane na prente lang na naka upo. Mukhang walang balak umalis.Di siguro sila tuloy lumabas nung kausap niya kahapon.Napangiti naman ako sa isiping iyon. Tamang tama may kasama na akong mag grocery nito. "Morning Ma'am." Nakangiti kong bati dito. Tinignan lang naman ako nito at tinaasan lang ng kilay ni maldita. Hayst attitude talaga ng bruha. "Ah Ma'am, medyo wala na kasi tayong stocks baka pwede na mag grocery na tayo." Ngiti kong sabi dito."Di ako pwede at may pupuntahan ako mamaya. Kung gusto mo ay i
JanePag kaalis ko ng bahay ay agad na akong pumunta sa isang sikat na restaurant. Dito kasi kami mag kikita ni Noli ang boyfriend ko. Tama kayo ng basa may boyfriend nga ako. Kaya lang naman kasi ako pumayag na mag pakasal kay Del Carmen ay dahil nangako sila Dad na pag nagpakasal ako doon di na sila hahadlang sa relasyon namin ni Noli. Ayaw kasi nila kay Noli. Hindi daw nila feel ito may iba silang nararamdaman sa lalaki na ito. Ewan ko ba sa mga magulang ko na iyon at bakit doon kay Avril nila ako gustong ipakasal. Hello pareho kaya kaming babae. Masyado lang talaga sila sa kapangyarihan kaya ganyan sila.Total 1 year lang naman kami na kasal. Tapos pwede ko na agad ipa divorce iyon after 1 year. Kaya mag titiis na lang ako. Para lang matanggap nila ito. Di kasi ito mayaman na tao na katulad ng mga gusto nila Dad para sa akin. Aanhin ko naman kasi ang yaman kung di naman ako masaya doon diba? Tsaka may trabaho naman si Noli. Isa kasi itong civil engineer ng isang kilalang con
JaneAfter namin kumain ni Noli ay nagpasya kaming manood ng sine. Matagal na rin nung last time na naka panood kami nito. Nandito na kami ngayon sa may counter ng sinehan at pumipili pa kami ng aming panonoorin. Di ko maiwasang isipin si Del Carmen na naiwan sa bahay. Kumain na kaya iyon? Sabi nya kasi kanina ay wala na raw kaming stock doon. Ano ang lulutuin non kung ganon? Sana naman nag order na lang ito sa labas. Kahit naman ganito ako sa kanya ay kargo ko pa rin iyon. Baka mamaya ay ako pa ang masisi nila Tita lalo pa nga at ang sabi nila sa akin ay hinain daw ang katawan nito at hindi dapat ito nagpapalipas ng gutom. Pero hanggang ngayon ay naiinis pa rin kasi ako sa kanya. Mag go grocery lang kasi ay bakit kailangan pa nilang manood ng sine ano yun mag da date sila? Di pwede iyon, may asawa na kaya sya tapos lalandi pa sa iba. Kainis talaga. Tapos napaka manhid pa ng Del Carmen na iyon. Di maka ramdam na nag pe flirt na pala sa kanya ay di nya pa alam. Kaibigan lang daw s
JaneMalakas ko na kinatok ang pintuan ng kanyang kwarto. Wala akong pakialam kung natutulog ba ito o kung anong milagro pa ang kanyang ginagawa.Basta naiinis ako at kasama na siya doon. Dapat talaga ay may matino itong dahilan at iyong katanggap tanggap para di ako pag buksan nito ng pinto."Del Carmen lumabas ka dyan." Sigaw kong katok dito. Mga ilang minuto pa at wala pa ring nag bubukas kaya pa balibag na binuksan ko na ang pinto nito.Sumalubong sa akin ay ang kanyang maaliwalas at malinis na kwarto. Pero kahit anino ni Del Carmen ay di ko makita. Tinignan ko na rin pati na ang cr at baka naliligo lang ito. Pero wala talaga. Asan na naman ba nakasuot ang babaeng iyon. Huwag nyang sabihin na magkasama ulit sila ni Michelle. At tinuloy pa rin nila ang paglabas ng mga ito. Sa isiping iyon ay lalong uminit ang aking ulo. Bwisit ka talaga Del Carmen, di ka marunong makinig sa mga sinasabi sa iyo ha. Patay ka talaga sa akin. Dapat may maganda kang dahilan dahil kung hindi makikita