Ilang minuto pa bago ako umiwas ng tingin mula sa kanya, hindi ko siya maitindihan. Anong dapat kong ipaliwanag sa kanya?
Magsasalita pa sana ako nang bigla kong narinig ang boses ni Dane, magiliw na tila ba excited din akong makita. “Nandito ka na pala, kanina ka pa inaantay ni Justin.”
Dahan-dahan akong bumaling sa kanya, hindi pa rin nawawala ang cute niyang ngiti dahil din iyon sa mataba nitong pisngi. “Dana…salamat sa pagsama kay Justin, pasensya na kung nahuli ako. Hindi pa naman siguro nagsisimula?” tanong ko.
Na-guilty ako, dapat ako ang kasama ni Justin pero sa ibang tao ko pa naiasa kahit na hindi naman na iba sa amin si Dane.
“Nagsimula na sa ibang games pero pwede pa naman tayong humabol. Tara na ba?” Mahinahon niyang tanong.
Tumingin ako sa kamay ng anak ko na hinihila ang manggas ng damit ko, ang kaninang kaba ay mas lalong bumalik nang makita kong nakatingin ito kay Jeremy. Bumaling din ako kay Jeremy na seryosong nakatingin kay Dane. Napalunok ako ng dalawang beses sabay hawak sa kamay ng anak ko.
“Baby, sama ka muna kay Spongebob sa pwesto niyo kanina. Pupuntahan ko kayo mamaya, I will just talk to him, okay?” malambing kong sabi sa anak ko.
Kumunot naman ang noo n Justin na para bang pati sa kanya ay kailangan kong magpaliwanag. Ano ba naman ito.
Nagulat ako nang inilapit niya ang mukha niya sa tainga ko at bumulong. “Who is he? Do we like him or not?”
Gusto kong matawa sa tanong niya, nakabase talaga sa akin kung gusto ba namin ang isang tao na bago niya pa lang nakita.
Hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya. “I will tell you later, okay? Sa ngayon, samahan mo muna si Spongebob.” Ngiti ko sa kanya. Tumango naman siya at agad na lumapit kay Dane.
Kahit si Dane ay naguguluhan din sa nangyayari pero wala siyang sinabi, sinunod niya lang ang pagtango ko hudyat na mauna na muna sila at susunod ako pagkatapos kong harapin ang kumag na kasama ko ngayon. Inantay ko muna silang makalayo bago ko hinarapa si Jeremy.
“Salamat sa paghatid sa akin, makakaalis ka na.” seryoso kong sabi. Pero hindi siya kumilos para tumalikod, nagulat ako nang bigla siyang lumapit sa akin.
“I need your explanation. What the hell is going on?” matigas niyang tanong na nagdulot sa akin ng pagkahina sa mga tuhod ko. Hinawakan niya ako sa braso ko na sobrang higpit.
Wala akong dapat ipaliwanag sa kanya, isipin niya kung ano ang iisipin niya. Kung inakala niyang pina-abort ko ang batang gusto niyang mawala noon, pwes hindi. Hindi ko kayang pumatay ng inosente lalo na sariling anak ko.
“Bitawan mo ako, nasasaktan ako…” giit ko sa kanya at pilit na inalis ang kamay niya sa braso ko. Tumingin naman siya sa paligid tila napagtanto na nasa publiko kami. Huminga ako nang malalim. “Wala akong dapat ipaliwanag sa’yo, Jeremy. Kung iniisip mo tungkol sa anak ko, huwag ka na mag aksaya ng oras dahil anak ko lang siya. Hindi mo siya anak.”
Pagkatapos kong sabihin iyon, tumalikod na ako sa kanya at nagmamadaling naglakad na hindi siya nililingon ulit. Natatakot ako na kapag nilingon ko siya ay mabigyan ko pa siya ng pag-asa sa sarili niya na anak niya si Justin.Hindi pwede. Ayaw kong malapit ang anak ko sa kanya, dahil ayaw kong maalala ko ang hirap naming dalawa ng anak ko noong mga panahon na wala ang ama niya. Masaya na kami na kaming dalawa lang, hindi na siya kailangan sa buhay namin.
“Ayos ka lang ba?” tanong sa akin ni Dane nang makarating ako sa pwesto niya.
Tumingin ako sa kanya, tumango at ngumiti nang malapad. “Oo naman, ayos lang ako. Ano, may next game na ba na pwede tayong sumali?” magiliw kong tanong.
“Oo, niregister ko na ang name natin sa Charades, magulang ang maglalaro at yong bata naman ang magche-cheer. Ikaw ang manghuhula,” paliwanag niya.
Na-excite ako bigla dahil lagi naman namin iyon nilalaro sa apartment tuwing day-off ko kasama si Justin at pamilya ni Dane kaya madali na lang sa amin ang game na ito.
Nang tinawag na ang players sa susunod na laro, agad kaming pumwesto tatlo, magkaharap kami ni Dane, nakatayo siya at ako naman ang naka-upo habang si Justin ay nasa gitna namin bitbit ang dalawang balloon na kulay blue, pumito na at saka kami nagsimulang maglaro. Ilang minuto lang ay nahulaan ko kaagad ang pinapahula ni Justin pero nang malapit na matapos ang oras ay napatigil ako.
Nawala ako sa focus.
“Diana, dali. Isa na lang ito.”
“Mommy, last one mommy.”Bakit siya nandito? Pinaalis ko na siya.
Nakatingin ako sa lalaking parang tigre kung tumingin sa akin na para bang handa na siyang lapain ako. Nakatayo siya sa pwesto naming tatlo kanina
“3 seconds!”
Kung hindi dahil sa sigaw ay hindi ako makakabalik sa laro. Binilisan kong hulaan ang pinahula ni Justin, huling item na. Alam ko naman na ang sagot kanina bago ako mapatingin kay Jeremy kaya kami na ang nanalo.
Tuwang-tuwa si Justin sa nangyari, ito ang unang game na may kasama siya. Nagpabuhat pa siya sa akin. “You’re amazing, mom!” masaya niyang sabi.
Hinalikan ko siya sa pisngi. Binigay na sa amin ang prize at inalayan naman kami ni Dane na babalik sa pwesto namin. Napatigil ako at naghanap ng ibang pwesto pero wala na akong mahanap kaya wala akong choice kundi bumalik sa dati.
Palihim akong pumikit ng mariin. Naiins ako sa presensya niya, pinaalis ko na siya. Anong rason niya para manatili rito?
Kahit si Dane ay napatigil nang makita siya. Binaba ko si Justin na hindi pinapansin si Jeremy pero itong anak ko siya pa talaga ang unang lumapit!
Please naman anak, wag kana magsalita!
“Hey! Ikaw iyong kasama ng mommy ko kanina. What are you doing here?”
Anak ka talaga ng tatay mo, hindi ko alam kung kanino nagmana ang batang ito. Sinabi niya iyon kay Jeremy na seryoso at nakataas ang isang kilay. Agad ko siyang nilayo mula kay Jeremy.
Si Jeremy naman hindi maalis ang tingin niya kay Justin, kinakabahan ako ulit. Ayaw kong tignan niya ang anak ko nang matagal.
“May gusto ka bang bilhin?” tanong ko kay Justin para maiba ang attention niya. Tumingin din ako kay Dane para humingi ng tulong pero hindi siya nakatingin sa akin, kay Jeremy rin siya nakatingin.
Gusto ko na lang lamunin ako ng lupa ngayon.
“Ano bang ginagawa mo rito? Hindi ba’t pinaalis na kita?” mahina kong tanong sa kanya, narinig iyon ni Dane at Justin pero wala na akong choice, masyadong dumarami ang tao sa paligid para hilahin ko pa ang isang ito palayo.
Inalis niya ang tingin kay Justin at tumingin sa akin na tila ba handa siya sa kung ano man ang gusto niyang gawin.
“Wala na akong meeting kaya naisipan kong dito muna at manood.”
Napahawak ako sa sentido ko. “Hindi naman na kailangan ng dagdag audience dito, marami ng tao. Alam kong busy ka Mr. Saltzman kaya hindi mo naman kailangan gawin ito,” mahina ko pa ring sabi sa kanya.Gusto ko siyang sipain para umalis lang. Nakatayo pa rin kaming apat at ramdam ko na ang tingin ng mga tao sa paligid namin dahil tila kami lang ang nakatayo.
“Hmmm.” Tumingin siya kay Dane, sunod kay Justin na nasa tabi ko lang din at huli ay sa akin ulit. “I will play a game with you and this kid too.”
Nahihibang na ba siya? Pareho naman kami ng kinain kaninang lunch.“Hindi pwede, sakto na kami.” agad kong sagot. Inilayo ko sa kanya si Justin nang maramdaman kong gusto nilang lumapit sa kanya.Napansin kong bumaling si Jeremy kay Dane dahilan para kumunot ang noo ko. “He already played the first game, siguro naman sa susunod na laro ay ako na ang papalit sa kanya.”Mas lalong kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Nababaliw na siya. Tumingin ako kay Dane na kanina pa nalilito sa lalaking ito. Nakakahiya kung papalitan ko si Dane para lang sa gagong ito. Siya ang inaya ko rito!“Ayos lang ba, bro?” Mahinahon pang tanong ni Jeremy kay Dane. Sumeryoso ang mukha ni Dane na nakatingin kay Jeremy. “Pwede ko bang malaman kung sino ka?”Patay na! Hindi alam ni Dane ang tungkol sa nakaraan ko, kahit tinatanong niya ito noon pero isang sabi ko lang na ayaw kong pag-usapan ay kahit kailangan hindi niya na ulit ito tinanong. Kita ko ang pagngisi si Jeremy, at sa ngisi na iyon gusto ko na siyang
Huli ko nang napagtanto na ang natitirang games ay sinalihan ni Jeremy at ako lang ang kasama niya pati si Justin. Mas lalo akong nahiya kay Dane dahil kahit isa roon ay hindi siya nakalaro. At dahil do’n gustong-guso ko nang sapakin si Jeremy, pinigilan ko lang ang sarili ko dahil nasa harap ko ang anak ko. Nilista niya ang pangalan naming dalawa sa lahat. “Ano bang ginagawa mo? Hindi mo manlang ako tinanong muna kung gusto kong maglaro sa ibang games na kasama ka,” inis kong bulong sa kanya nang magkatabi na kami; dahil tinawag na rin kami sa susunod na laro. “I asked Justin, and he told me he wants to play every game. Sinunod ko lang ang gusto ng bata,” paliwanag niya pa na para bang wala siyang kakayahang tumanggi kay Justin. “Si Dane ang kasama ko dapat dito, hindi ikaw. You should leave kanina pa,” bulong ko ulit sa kanya. Nakita ko namang saglit siyang bumaling kay Dane na nakatayo pa rin sa pwesto namin habang nakatingin din dito. “Malaki na siya, I think kaya niya naman
Kinabukasan, maaga akong gumising para paghandaan ang anak ko. Dahil tapos na ang Family Day nila at walang pasok ngayong araw kahit Biyernes, kailangan ko pa rin siyang ihatid sa Karate Session niya. Nag-alok kahapon si Dane na siya na ang maghahatid kay Justin dahil isasabay niya ito ulit pagpasok sa trabaho pero tumanggi ako. Minsan ko lang ihahatid ang anak ko kaya nilulubos ko na ang minsan na iyon. Kahapon ay maginhawa ang lunch time namin na kasama si Dane, hindi ko hinayaang isingit ng anak ko ang tungkol kay Jeremy dahil wala akong maisasagot sa kanya. Mabuti na lang ay tinulungan ako ni Dane na aliwin siya na para bang naramdaman ni Dane na ayaw ko ngang dalhin sa usapan ang tungkol sa lalaking iyon. “Are you ready?” tanong ko kay Justin nang lumabas na siya sa kwarto niya suot na ang robe niya para sa session. “Yes, Mommy! Excited to see my buddies!” masaya niyang sigaw.Napangiti naman ako sa magiliw niyang mukha, parang kahapon lang ay pagod ito pero ngayon ay hyper na
Napansin ko ang pagkatigil niya kaya ginamit ko iyon para alisin ang kamay ko mula sa pagkahawak niya. Inaamin kong sumisikip ang dibdib ko habang binibigkas ang mga salita iyon. Naisip ko pa lang ang nangyari noon ay hindi ko na kaya. Kung tanga at bobo lang ako na sinusunod siya, wala akong isang Justin ngayon na siyang nagbibigay ng saya at lakas sa akin.“A-ano, hindi mo na ba naalala? O nagmaang-maangan kang hindi mo alam ang tungkol sa bagay na iyon? Kaya anong karapatan mong tanungin sa akin kung ano mo ba ang anak ko kung una pa lang wala ka nang kakayahan maging ama!” Hindi ko napigilan na sigawan siya. Pinunasan ko ang luha sa aking pisngi na kanina pa lumalabas. Umulit na naman, naging mahina na naman ako sa harap niya. Sigurado akong tataas ang pride niya na makita ulit akong nasasaktan at nahihirapan.“I didn’t know….ang akala ko ay nagsisinungaling ka lang noon para makuha ang atensyon ko…”Napatawa ako ng payak. Totoong kaya kong gawin ang lahat noon para sa attention
Hindi ako lumingon sa kanya kahit ramdam ko ang kaba sa aking dibdib. Agad akong lumabas pero bago pa ako makalabas sa mismong station nila ay nakita ko si Vivian kaya napatigil ako, tinignan ko siya ng seryoso. “Diana, pwede ba tayong mag-usap?” Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Ano naman ang pag-uusapan namin? Hindi ko naman inagawa ang asawa niya para sabihin sakin na layuan ko ito. Hindi ko siya sinagot, bagkus umalis ako sa harap niya at nilampasan siya pero hinawakan niya ako sa pulso na agad ko ring inilayo. “Ano ba? Wala naman tayong pag-uusapan, hindi ko nilandi si Jeremy kaya pwede kang magsaya.” Inis kong sabi.Bigla namang sumeryoso lalo ang mukha niya. “Mag-usap tayo, sumunod ka sa akin.”Wow! Binabayaran niya ba ako? Pagkatapos niyang sabihin iyon ay umalis na siya, wala akong magawa kundi mainis lalo sa babaeng ito at sumunod sa kanya. Kung hindi ko siya kakausapin baka gulohin niya naman ako. Huminto kami sa cafeteria, umupo siya sa pinakadulo na para bang private
Third Person POV (Full Narration Style)Kinabukasan si Diana ulit ang naghatid sa kanyang anak na si Justin sa school nito at dumiretso na sa trabaho na walang ibang iniisip kundi paano iwasan ang mga tanong tungkol sa kanya at ni Jeremy.“Diana,” tawag sa kanya ni Rochelle. “Pinapatawag ka ni Ma’am Bridgette sa opisina niya, ngayo din.” seryoso nitong sabi. Kahit nagtataka, hindi na nagtanong si Diana kundi dumiretso na siya sa opisina ni Bridgette. Kumatok siya sa pintuan nang tatlong beses bago buksan at pumasok. “Ma’am, pinapatawag niyo raw po ako?” magalang nitong tanong. Tinignan siya ni Bridgette at tinuro ang upuan sa harap. “Maupo ka,” sabi niya na agad namang ginawa ni Diana. Sa tuwing pinapatawag siya sa oisina ni Bridgette, laging may new project na siya ang gagawa pero tila sa pagkakataon na ito ay may kutob siyang kakaiba dahil sa kabang nararamdaman niya. Ibinaba ni Bridgette ang suot niyang salamin sa mata at seryosong tinignan si Diana, na para bang sinusuri ang
Dalawang lalaki ang lumapit kay Diana para kuhanin at dalhin ang gamit niya palabas. Walang magawa si Diana kundi ang bumuntong hininga sabay tingin kina Rochella at Lilith. Niyakap niya ang dalawa.“Balitaan mo kami kung kumusta ka roon ah?” bulong ni Rochelle.“Mukhang iba ang ugali ng mga taong naroon kaysa dito sa atin kaya mag-ingat ka, lalo na makakasama mo ang ex-husband mo,” sabi naman ni Lilith. Tumango lang si Diana sa kanila at nagpaalam na, pati na rin sa iba niyang kasamahan ay nagpaalam siya. Paglingon niya sa likuran niya, nakita niya si Bridgette na nakatingin sa kanya ng nakangiti ngunit bakas sa mukha ang lungkot. Para sa kanya ay mahirap din talaga bitawan ang isa sa pinakamagaling niyang team sa department nila pero gaya ng sabi niya, is alang din siyang empleyado na sumusunod sa nasa itaas niya kaya wala siyang magawa.“Good luck,” she mouthed to Diana.Tumango si Diana sa kanya sabay ngiti. At pagkatapos niyang magpaalam sa lahat, sumunod na sa siya sa dalawang
Isang Lingoo na ang lumipas simula nang lumipat si Diana sa company ni Jeremy, at isang Linggo na rin na laging late siya umuuwi dahil late din palagi umaalis si Jeremy. Hindi niya inaasahan na mangyayari iyon kaya kada uwi niya sa apartment niya, kailangan niya pang gisingin si Dane para kunin ang anak niyang si Justin na roon muna nanatili sa apartment ni Dane habang wala siya. Kagaya ngayon, Lunes na naman at siya na lang naiwan sa station nila, at si Jeremy na nasa opisina pa nito.“Ginagawa niya na talagang habit ito. Nakakahiya na naman kay Dane.” bulong niya sa sarili niya. Wala na siyang ginagawang trabaho, nakaligpit na rin ang mga gamit niya para handa nang umalis, inaantay niya na lang talagang lumabas si Jeremy. Alas-dyes na ng gabi kaya napahikab-hikab na siya dahil sa antok. Nang marinig niyang tmunog ang pintuan ng opisina ni Jeremy, agad siyang tumayo. Ngumiti siya nagbabasakaling uuwi na ito pero nang makita niyang wala itong dalawang suit case, bigla siyang napagh
Sa inis, tinulak ni Viviane si Jacob at tinignan ito nang masama. “Ano bang akala mo sa akin, ha? Tanga para gumawa ng katangahan?” gigil nitong sabi. Ngumisi naman si Jacob. “Alam kong hindi ka pa rin nagbabago, Viviane. Huwag mo na talagang subukan dahil sa oras na may gawin ka, hinding-hindi mo na makikita si Vanessa. Ilalayo ko siya sa’yo. Ayaw kong magalit ang buong pamilya ko sa akin dahil hinayaan kitang gumawa ng kabobohan…ayaw kong madamay ang anak ko.” Pagkatapos sabihin ni Jacob iyon, tumalikod siya para umalis. Naiwan si Viviane na nakakuyom ang mga palat dahil sa galit. Pumikit siya nang mariin. Iniisip ang mga araw pagkatapos mawala ni Diana. FLASHBACK***“Vi, anong nangyari, ah? Ayos ka lang ba?” Nag-aalalang tanong ni Jeremy nang makarating siya sa condo unit ni Viviane. Iniwan niya si Diana dahil tumawag si Viviane na kailangan siya nito. Pagkarating niya, mataas ang lagnat ni Viviane hanggang sa nahimatay ito kaya agad siyang sinugod sa ospital. Pagkarating sa
Masaya si Justin habang naliligo sa dagat kasama ang kanyang magulang—noon pa man ay gusto niya na ito. Bata pa lang, wala siyang ibang ninanais kundi makasama sina Diana at Jeremy. Halos isang oras silang naliligo hanggang sa nagpaalam si Jeremy dahil may tumawag sa kanya bigla. Nakipag-usap siya rito hindi kalayuan kina Justin at Diana. Samantala, nang sila nalang ni Diana at Justin sa dagat, ngumiti si Diana sa anak at nagtanong. “Are you happy, son?” Masaya namang tumango si Justin. “Yes, Mommy! Sana palaging ganito, palagi ko kayong kasama ni Daddy!” Hinimas ni Diana ang ulo ni Justin at ngumiti. Hindi niya alam kung ano ang itutugon sa sinabi ng anak niya dhail hindi siya sigurado kung mangyayari ba iyon. Natapos na rin silang maligo kaya pumunta sila sa cottage nila, naroon si Jeremy naghahanda ng pagkain. “Oh, saan na ang kausap mo?” tanong ni Diana nang makitang si Jeremy na lang mag-isa. “Pumunta na sa suite niya. By the way, ayos lang ba sasama sina Viviane at Vaness
Pagkatapos maligo at magbihis nina Diana at Justin, lumabas na sila ng suite nila at dumiretso sa dining hall. Pagkaraing nila roon, nakita nila si Jeremy may kasama—si Viviane at ang anak nitong si Vanessa.“Wala ba ang daddy ni Vanessa?” tanong niya sana iyon sa sarili niya pero si Justin ang sumagot na ikinagulat niya.“Vanessa said he won’t come.”Hindi na nagsalita si Diana, hindi niya inasahan na anak niya talaga ang sumagot no’n. Hinawakan niya na lang ang kamay ni Justin at saka sila sabay na naglakad.Nang makarating sila lamesa kung nasaan ang tatlo, agad na tumayo si Jeremy para paupuin sila. Magkatabi sina Vanessa at Justin, kaharap naman ni Diana si Jeremy at katabi ni Jeremy si Viviane. Nasa gitna nila ni Vanessa si Justin. Biglang nakaramdam ng pag-alinlangan si Diana. “Umorder na ako ng pagkain, ayos lang ba?” tanong ni Jeremy kay Diana. “Oo, ayos lang. Pasensya na kung natagalan kami,” sabi naman ni Diana. Sasagot pa sana si Jeremy sa kanya nang maunahan ito ni Vi
Halos limang oras bago magising si Justin, naroon lang si Diana sa kanyang tabi sa loob ng limang oras na iyon. Habang si Jeremy ay nasa loob lang din ng kwarto, doon niya ginagawa ang iba niyang trabaho na connected sa magiging partnership niya sa business trip na ito. At nang magising si Justin, tinawag niya si Diana. “Anak…gising ka na. May masakit ba sa’yo? How are you?” Mabilis na tanong ni Diana. Nang marinig din ni Jeremy ang boses nilang dalawa, tumayo siya at lumapit sa kama ni Justin.“Dadd, you’re here too…” mahinang sabi ng bata sabay ngiti. “Yes, son. I’m here. How are you?” mahinahon namang tanong ni Jeremy habang hinawakan nito ang noo ng anak. “I am good now. You guys are here, I can tell my new friends that I have a mommy and a daddy….”Dahil sa narinig, sumikip bigla ang dibdib ni Diana. Hindi niya inasahan na iyon ang sasabihin ng anak matapos ang insidente niya sa dinner party. Umiwas siya ng tingin, ngunit hindi nakatakas kay Jeremy ang sakit sa kanyang mga m
Hindi sumagot si Diana kay Jeremy, nahihirapan siyang ibigkas ang mga salitang gusto niyang sabihin sa lalaki. Matagal nang may sakit si Justin, ang pagta-takwondo niya ay isa lang sa paraan para umayos ang pakiramdam niya, ang health niya kapag nasanay sa mga nakakapagod na gawain. Lagi din naman itong nagdadala ng gamot at inantabayan din ng coach nito. Pero kahit na ganoon, hindi pa rin maiiwasan ang mga posibilidad na babalik ito. Si Jeremy na hindi mapakali, hindi niya alam kung ano ang gagawin dahil hindi siya sinasagot ni Diana. Mas lalo siyang nainis na tahimik lang ito, nakatulala sa pintuan ng emergency room.Hanggang sa lumabas ang doctor, agad na lumapit si Jeremy dito, at si Diana na nanghihina. “Doc, how’s my son? Is everything alright? Ano?” Sunod-sunod na tanong ni Jeremy. Tinignan naman ng doctor ang dalawa. “He’s fine now. Kailangan niya lang muna magpahinga. Daldalhin na namin siya sa ward niya—”“Doc, please make sure it’s a private room. Kailangan comfortable
Baliw ka na talaga, Lucille. Hindi ko alam na kasama sa plano mo ang maging baliw, bakit mo susugatan ang sarili mo?” mahabang tanong ni Ales kay Lucille. Siguro nga ay nagtataka na siya sa kaibigan ngunit wala naman siyang magagawa dahil iyon ang gusto niya.“Just do it, Ales. Trust me.” Bumuntonghininga si Ales at inilibas ang kutsilyong dala niya, hinawakan niya ang kanan na kamay ni Lucille at agad na sinugatan, palihim na nasaktan si Lucille pero pinigilan ang sarili na sumigaw dahil ayaw niyang marinig nila Judiel.“Dito pa?” gulat na tanong ni Ales nang ipakita ni Lucille ang kaliwang tiyan. “Nahihibang ka na ba talaga? Magkaka-peklat ka, Lucille. Wala bang ibang paraan para ipakita ang kabaliwan mo?” Halata kay Alessandra na naiinis na siya sa kaibigan.“Wala, Ales. Sige na para makaalis ka na agad.” Pilit niyang sinabi kay Ales, walang nagawa ang kaibigan niya kundi sugatan din ang bewang ni Lucille at naglabas ito ng matinding pagdugo. “You are totally insane,” Ales said.
Lumabas ako ng opisina na kinakabahan, tiningnan ko pa ang mga tao kung nakatingin ba sa akin pero lahat sila ay nakayuko at mukhang busy sa kanya-kanya nilang ginagawa. Dahil don, nakahinga ako nang maluwag. Bumaling muli ako sa pintuan ng opisina ni Judiel, totoo ngang soundproof ang opisina niya. Mabilis akong bumalik sa cubicle ko at agad na kumuha ng tissue, pinagpapawisan ako sa kaba. Kung nagkataon na hindi soundproof ang opisina niya, mapapatalsik ako rito. Dumating ang oras ng meeting ni Judiel kaya inaayos ko ang conference room kasama si Alley, dahan-dahan na rin namang napuno ang loob ng conference room. Nang makitang halos lahat na ay nandito, lumabas ako at pinuntahan si Judiel. “Ikaw na lang ang inaantay,” sabi ko pagkabukas ko ng pinto. Agad din naman siyang lumabas at sumunod ako sa kanya na parang walang nangyari.Pagkarating niya ay binati siya ng mga executive officer, nasa kabilang harap din ang Daddy niya, siya ang chairman ng kumpanya kaya isa siya sa mahalagan
Para akong yelo na natunaw dahil sa mainit na haplos niya sa katawan ko, malamig naman sa loob ng opisina ni Judiel pero dahil sa ginagawa niya ay mas lalong uminit. I responded to his kisses and moaned at the same time. I stopped him nang mapagtantong nahubad niya na ang suot kong palda, I smiled at him at agrisibo ko siyang hinalikan. Mabilis kong hinubad ang suot niyang pantalon at ang boxer nito, bumungad sa akin ang kanya na galit na galit. I touched it and he moaned. Hindi ko na alam kung nasaan ang mga suot ko, basta ang alam ko ay nagustohan ko ang nangyayari sa amin ngayong araw sa loob ng opisina niya. Hiniha niya ako sa sofa, he spread my legs apart. Nagulat ako nang bumaba siya at dinilaan ang pagkababae ko, dahil sa kakaibang nararamdaman napasabunot ako sa buhok niya. Habang ginagawa niya iyon, hinawakan niya ang isa kong dibdib gamit ang kaliwang kamay. Pinaglaruan hanggang sa tumigil siya sa pagdila sa ibaba ko. He stood up at pumwesto sa gitna ko, I can see how his h
I pushed him away from me. Kung anu-ano pinagsasabi ng lalaking ito. Pilit akong lumalayo sa kanya dito sa loob ng elevator. As much as possible, ayaw kong maraming nakapansin at nakakaalm sa relasyon naming dalawa. Hindi ko hinangad na makilala ng kahit sino lalo na hindi parte ng plano ko. Nang bumukas ang elevator, pinauna ko siyang lumabas at gianwa niya naman. Sumunod ako na hindi pa rin pinapansin ang ibang tao rito sa office. Nagtaka ako kung bakit ang tahimik nila na parang takot na takot. Nilingon ko si Alley na nasa gilid ko, sa mukha niya pa lang na pinakita sa akin alam ko na ang ibigsabihin. Nandito ang magulang ni Judiel. Kung sinuswerte ka nga naman.“What is happening?” tanong ni Judiel sa isang empleyado. Lumapit naman ito sabay yuko.“Nandito po ang magulang mo, kasama ang iyong kapatid.” “Anong ginagawa nila rito?” tanong ni Judiel, umiling lang ang empleyado, hindi alam kung ano ang isasagot. Malamang, hindi talaga alam kung anong ginagawa ng magulang niya rito.