Share

Kabanata 2.1

Salubong lang ang mga kilay ni Zion na nakatingin sa laptop niya habang nireresearch ang tungkol kay Scarlett. Lahat ng sinasabi tungkol sa kaniya ay hindi magaganda at nainis pa siya sa part na sinabihan siya ng ilang mga netizen na magpakamatay na lang siya.

May nagtweet pa tungkol sa pagkakaaksidente ni Scarlett at tuwang-tuwa ang lahat sa nalaman. Naikuyom ni Zion ang kamao niya.

“Didn't her agency even do anything?” aniya pa dahil tila walang pakialam ang lahat kay Scarlett. Sa isang pagkakamali lang ay hiniling na nilang mamatay ang isang tao?

“Where is her boyfriend? What a jerk.” Nanggigigil pa rin niyang aniya. Nalaman niya kasing hindi man lang nila hinayaan na ilabas ang side ni Scarlett tungkol sa mga nangyayari sa kaniya. Tungkol naman sa video na she’s bullying someone, naglabas na rin ng saloobin ang mga fans ni Scarlett na hindi totoo ang lahat ng yun pero maging sila ay binatikos ng mga tao.

“Palabasin mong she’s dead.” Malamig na wika ni Zion kay Lance. Maayos naman na ang kalagayan ni Scarlett pero hindi pa rin ito nagigising dahil sa pagkakabagsak ng ulo niya sa sahig.

Walang salitang sumunod kaagad si Lance sa utos ng Boss niya. Hindi alam ni Zion kung bakit ginagawa niya ito sa taong hindi niya naman kilala. Hindi dapat siya nagsasayang ng panahon sa problema at buhay ng iba pero hindi niya alam kung bakit pakikialamanan niya ang kay Scarlett.

Lumipas ang araw at linggo. Humupa na ang tungkol kay Scarlett lalo na nang malaman nilang patay na siya sa aksidente. Hindi na rin inalam ng iba kung sino ba ang nakasagasa  sa kaniya na mas lalong ikinagalit ni Zion.

Mas nanggigigil si Zion sa agency na kinabibilangan ni Scarlett dahil hinayaan na lamang nila si Scarlett pero nang kumikita ang agency nila ng malaki dahil kay Scarlett akala mo kung sinong mga santo kay Scarlett.

Nakatitig ngayon si Zion kay Scarlett, nakahiga pa rin ito sa kama at walang malay. Maputla ang mukha at bumaba ang kilo.

“Wake up and clean your name.” Wika niya rito kahit na hindi naman siya naririnig nito. Sa isang linggo ay tatlong beses niyang dinadalaw si Scarlett dahil marami na rin siyang trabaho na dapat niyang pagtuunan ng pansin.

Isang buwan ang lumipas nang magising si Scarlett. Hindi pa siya makausap ng maayos dahil sa shock sa katawan at brain niya.

Chinecheck naman siya ng mga doctor ni Zion. Blangko lang na nakatingin si Zion kay Scarlett, nakatulala pa rin si Scarlett hanggang ngayon.

“Fix yourself, clear your name, speed up your recovery and fix the mess in your life.” Aniya rito, napatingin naman sa kaniya si Scarlett. Ngayon lang tumingin sa ibang direksyon si Scarlett simula nang magising siya. Blangko lang naman ang mukha ni Zion na nakatingin sa kaniya.

“Who are you?” tanong ni Scarlett sa kaniya. Mabilis namang kumilos ang doctor na nagchecheck sa kalagayan ni Scarlett nang magsalita siya. Hindi naman sumagot si Zion dahil halata namang in shock pa rin si Scarlett sa nangyaring aksidente.

Lumipas ang araw at unti-unti nang nagiging maayos ang kalagayan ni Scarlett. Naalala niya na rin ang lahat ng nangyari sa kaniya hanggang sa inisip niyang tapusin ang buhay niya. Inalis na ang nga tube nakasaksak sa katawan niya dahil nagpapagaling na lang siya.

Tuyo naman na rin ang mga sugat niya pero napapatulala pa rin siya minsan.

“How long will you lock yourself up? No one will help you so stand on your own two feet.” Saad sa kaniya ni Zion. Maayos naman na si Scarlett, inaalam na rin niya kung anong nangyari sa nakalipas na buwan habang wala siya.

Nagpatuloy silang lahat na tila ba walang nangyari. Wala man lang nagtangkang hanapin siya at nang ipinalabas na patay na siya, wala man lang naghanap ng katawan niya para maiburol man lang sana ng maayos.

Naging bato na ang puso ni Scarlett, tila wala na siyang maramdamang sakit. Ngayon, malinaw na sa kaniyang tinalikuran siya ng lahat ng mga taong akala niya ay mapagkakatiwalaan niya.

Tiningnan ni Scarlett si Zion, nakikilala niya ito. Siya ang kilalang-kilala na may pinakamalaking kompanya sa showbiz lalong lalo na sa US.

“Help me and I will marry you.” madiin at diretsong saad ni Scarlett kay Zion. Wala namang nagbago sa itsura ni Zion at nakatingin lang siya kay Scarlett.

“What will be in return for my helping you? I do not help others gratuitously.” Sagot naman kaagad ni Zion. Seryosong nakatingin si Scarlett kay Zion. Inaasahan niya na ito lalo na at hindi basta-bastang tao ang kausap niya ngayon.

“Susundin ko ang lahat ng sasabihin mo. I can be your sex slave if you want just help me to revenge to the people who betrayed me. Alam kong sinadya at planado ang lahat ng mga nangyari sa’kin. Hindi ako matatapos ng ganito lang.” desididong wika ni Scarlett.

Tiningnan nang maayos ni Zion si Scarlett mula ulo hanggang ibaba. Maayos naman ito, maganda at magaling pagdating sa pag-arte. Napangisi si Zion at hindi niya alam kung bakit gusto niyang tulungan si Scarlett.

“Fine,” sagot naman kaagad ni Zion saka niya kinuha ang cell phone niya at tinawagan si Lance. “Call attorney Nuarez right now.”  Utos niya rito. Nagtataka man si Lance pero ginawa rin niya kaagad ang ipinag-uutos ng Boss.

Nang araw ding iyun ay ikinasal si Scarlett at Zion sa loob lang ng bahay ni Zion. Naging blangko ang mukha ni Scarlett, ni isang emosyon wala kang makikita. Hindi mo siya masisisi lalo na sa mga nangyari sa nakalipas na buwan.

“What is your plan?” tanong ni Zion kay Scarlett habang sabay silang kumakain ng meryenda. Nakalista na ang lahat ng mga plano ni Scarlett, ang kailangan niya na lang ngayon ay ihanda ang sarili niya sa pagbabalik niya.

“I want to fix and prepare myself first saka ako lalabas sa publiko.” Sagot niya. Hindi naman tumanggi si Zion sa gustong mangyari ni Scarlett. Hahayaan niya ito sa lahat ng gusto niyang gawin lalo na sa paghihiganti niya at paghahanap ng katotohanan sa likod ng mga videos na inilabas sa media.

Sa laki ng mansion ni Zion, ibinigay niya ang isang malaking kwarto kay Scarlett para gawin niya itong sarili niyang studio. Dun nagpractice si Scarlett, inihanda niya ng lubusan ang sarili niya. Gusto niyang maging handa sa pagharap sa lahat ng mga nakakakilala sa kaniya.

Lilinisin niya ang pangalan niya at hahanapin ang lahat ng nagkasala sa kaniya. Manhid na ang puso niya, punong-puno rin ng galit ang puso niya kay Eric at Layla dahil iniwan na lang siya ng mga ito sa ere.

Alam ni Scarlett na alam nilang dalawa ang lahat ng nangyari sa kaniya nung gabi ng party pero bakit bigla na lang nawala ang mga ito nang mailabas sa publiko ang video niya?

Inihanda na muna ni Scarlett ang sarili niya, physically and emotionally.

Pagkalipas ng isang taon, isang taon siyang nagtago, isang taon siyang naghanda at ngayon handa na siyang harapin ang lahat.

Napatingin na lang si Zion kay Scarlett nang matapos nilang mapanuod ang announcement ng engagement ni Eric at Layla. Naikuyom na lang ni Scarlett ang kamao niya at hilaw na natawa. Isang taon pa lang ang lumilipas simula nang mawala siya tapos ngayon engage na ang ex-boyfriend at bestfriend niya.

Natupad na ni Layla ang pangarap niya, ang palitan si Scarlett sa pwesto niya. Nasa kaniya na ngayon ang atensyon ng lahat pero hindi makakapayag si Scarlett na siya ang iiyak.

“My company need a model for tomorrow. That runway is one of the biggest events and I want you to attend that. You will be the center of the event, ikaw ang lalabas sa finale suot ang pinakamagandang alahas.” Saad ni Zion kay Scarlett.

Alam ni Zion na kayang-kaya na yun ni Scarlett dahil ibinuhos niya ang pagpapractice niya sa pagmomodeling at pag-arte.

“I will not refuse your offer.” Sagot naman kaagad ni Scarlett. Alam niyang isa rin si Layla sa lalakad bukas at hindi niya palalampasin ang pagkakataon na ito. Ramdam ni Scarlett na tila ba matagal na siyang niloloko ng ex-boyfriend niya at ng bestfriend niya.

Siya mismo ang aalam ng lahat ng mga nangyari sa nakaraan.

Kinabukasan, kinakabahan man si Scarlett pero handang handa na siya. Handa na siyang harapin si Layla, handa na siyang harapin ang lahat. Hindi man niya malilinis ng ganun kadali ang pangalan niya pero uunti-untiin niya.

Solo ni Scarlett ang isang malaking kwarto habang ang ibang mga model ay nasa kabilang kwarto at nagsisiksikan. Tauhan din ni Zion ang nag-aayos ngayon kay Scarlett at sinasabi ang mga dapat niyang gawin kapag lumabas na siya.

Inihand na ni Scarlett ang sarili niya kaya dapat hindi siya papalpak ngayon.

“Kailangan mong maipakita ang ganda ng bracelet na yan dahil yan ang magiging center ng lahat ng mga alahas ngayon.” bilin pa ng isang babae. Tumango lang naman si Scarlett, nakasuot siya ng maskara dahil gusto niyang itutuon ng mga manunuod at ng mga reporters ang atensyon nila sa performance niya at hindi sa mukha niya.

Nagsimula ang event at nanunuod naman sa screen si Scarlett. Napangisi na lang siya dahil aminado siyang magaling na rin sa pagmomodel si Layla. Feel na feel niya ang paglakad niya at namamanghang nakatingin sa kaniya ang lahat na ikinatutuwa naman ni Layla.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status