Share

Chapter 20

NARINIG lahat ni Katrina ang pakikipag-usap ni Enrico sa kabilang linya. Malinaw na ina nito ang kausap. Hindi naman dapat big deal iyon para sa kaniya ngunit kakaibang lungkot ang lihim na sumagi sa puso niya.

Talagang paninindigan na ni Enrico ang pagpapa-annul sa kasal nila. Wala na itong pakialam kung marinig pa ng iba ang pasya nito. Hinintay muna niyang matapos ang pakikipag-usap nito sa kabilang linya saka siya lumapit at naupo sa bakanteng silya na malapit dito. Pinakiusapan ni Enrico ang katiwala na iwanan muna silang dalawa.

"Kumain ka na ba? Ang sarap mo palang magluto. Sabayan mo na ako," anito.

"I'm done, thanks."

"Pasensiya ka na kung tanghali na ako nagising. Hinintay mo ba ako kaya hindi ka nakapasok sa trabaho mo?"

Mailap ang mga tingin niya rito.

"N-Nagpaalam muna akong hindi papasok today. Naintindihan naman ni Darwin iyon dahil napuyat ako. Sinabi ko rin nang maaga kay Darren na huwag na muna niya ako sunduin."

Natapos nang kumain si Enrico.

"So, nakapag-decide
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status