PAKIRAMDAM ni Luisa ay namumula ang kanyang mukha, ramdam niya ang pag-iinit niyon. Hindi maipaliwanag ng dalaga kung bakit ganoon na lang ang kinilos niya kanina pagkakita kay Levi. Para siyang wala sa kanyang sarili, she hugged him and clung onto him, na para bang siya ang girlfriend. Kaya nang matauhan ay agad siyang lumayo at nagdahilan na may gagawin sandali sa kuwarto. Pero ang totoo, kinailangan niya na lumayo sandali para ayusin ang sarili at ipaalala ng paulit-ulit ang dahilan kaya sila nagkakilala ni Levi. Ilang sandali pa, matapos makabawi ay kinondisyon niyang muli ang sarili at tumikhim bago lumabas ng kanyang kuwarto. Naabutan ni Luisa na nakaupo sa tapat ng mesa at halatang hinihintay siya. “I made a sandwich for you,” sabi pa nito. Nahihiya siyang ngumiti. “Thanks.” “Halika na dito, maupo ka na. Hindi na masyadong masarap yan kapag lumamig.” Sinunod niya ang sinabi nito at naupo na nga sa harap ng dining table.
“NAGISING ako kaninang madaling araw dahil nagpunta ako sa CR tapos parang narinig kita na may kausap?” Bahagyang natigilan si Luisa sa sinabi ni Tere. Pero hindi niya pinahalata na nagulat siya at agad na ngumiti. Nang lumingon kay Nanay Elsa ay nakatingin ito sa kanya. “May ibang tao kang pinasok dito?” kunot ang noo na tanong nito. “Wala po, kliyente ko ‘yon. Negosyante na pinoy na nasa US, natuwa siya na Pinoy ang VA niya, napasarap kuwentuhan namin kaya ayon kung anu-ano napag-usapan bukod sa trabaho,” pagsisinungaling niya. “Ang akala ko day off mo kahapon?” nagtataka na tanong ni Tere.&nbs
“SAAN ba tayo pupunta?” tanong ni Luisa. Mabilis sumenyas sa kanya si Levi na huwag maingay habang dahan-dahan nitong sinasarado ang pinto sa likod bahay. Lumingon siya sa paligid, napakadilim, bukod doon ay malamig din ang ihip ng hangin. Doon sa likod ng bahay ay walang ibang makikita kung hindi ang daan papunta sa kagubatan. Wala masyadong pumupunta doon. Ayon sa mga nakausap dati ni Luisa ay delikado daw doon sa gubat dahil bukod sa masukal at masyado daw madilim doon sa gabi. Bukod pa doon na maaaring may mga mabangis na hayop sa naninirahan, kaya naman pinayuhan ng local government ng Santa Catalina ang mga residente sa paligid ng gubat na iwasan pumunta doon. “Basta,” pabulong na sagot nito. Hindi nasunod ang nauna nila
“HINDI ka ba nahuli pag-uwi mo?” tanong ni Levi sa kanya. Natatawa na umiling si Luisa. “Hindi naman sakto na paglabas ko ng banyo dumating si Nanay Elsa. Ang akala nila naligo ako dahil basa nga ako ng ulan.” “Kailangan mag-doble ingat tayo sa susunod, dapat bago lumiwanag nakauwi ka na.” Hindi maalala ni Luisa kung kailan siya naging ganito para sa isang lalaki. Hindi na niya lolokohin pa ang sarili. Alam niya sa puso at isip na hindi na lang kaibigan ang tingin niya kay Levi. It is more than that. It is more serious, something deeper, something special. Pinanood niya it
“MAHAL mo na ba?” Bumuntong-hininga si Luisa. “Hindi ko alam, Lydia. Sandaling panahon pa lang mula nang magkakilala kami.” “Pero mahal mo na nga?” giit na tanong nito. “Lydia,” maktol niya at huminto sa paglalakad. Ito naman ang napabuntong-hininga. “Alam mo kasi, girl. Hindi naman nakabase sa haba ng panahon ng pagkakakilala n’yo ang nararamdaman n’yo.” “Iniisip ko tuloy, paano kung tigilan ko na ang pakikipagkita ko sa kanya?”&nbs
“LUISA, bakit ganito kaputik ang sapatos mo?” Mabilis siyang napalingon sa kanyang Tita Marga. Malamig na pawis ang lumabas sa kanyang noo kasabay ng malakas na dagundong ng dibdib dahil sa magkahalong kaba at takot. “Sh*t,” bulalas niya sa isipan. Pasado alas-singko y medya na ng umaga siya nakabalik sa bahay. Madalas bago mag-alas-sais o eksaktong alas-sais ng umaga nakakauwi si Nanay Elsa at sa tuwing dumarating ito, siya agad ang pinupuntahan nito. Dahil sa pagmamadali, iniwan na lang niya ang rubber shoes doon sa likod at nagmamadaling hinubad ang suot at nagpalit ng pambahay. Parang nananadya pa ang pagkakataon na dumating sa araw
THREE days. It is only just three days has passed by, but it feels like forever for Luisa. The rain stopped. The sky was dark but clear, enough to see the trillions of stars and the moon to spread its light. Sa loob ng panahon na iyon ay hindi nila nagawang magkita ni Levi. Dahil sa matinding pananakit ng ulo ay binantayan siya ni Nanay Elsa sa gabi at si Tere naman sa araw. Hindi naman niya mapilit ang sarili na umalis dahil nahihilo pa rin siya. Dahil sa nangyari ay nagpaalam siya sa mga kliyente na magpapahinga muna ng isang linggo. Hanggang lumipas ang mga araw ay tuluyan nang bumuti ang kanyang pakiramdam. Kaya naman bumalik na rin sa trabaho ang mag-ina. “Sigurado ka ba na kaya mo na?” tanong ni Tere. Iyon na yata ang panglimang beses na tinanong siya nito. Natawa si Luisa
NAPASIGAW si Luisa ng malakas nang sabay silang tumalon sa ilog. Wearing nothing but her pair of underwear, and Levi in his boxers. They swam together under the water. Parang mga bata na naglaro sila sa tubig. Nag-uunahan sa paglangoy. Nagsasabuyan ng tubig. Aahon at muling aakyat sa pinakamataas na parte ng lugar na iyon at doon ay magtutulakan silang dalawa. Doon sa mistulang Paraiso, sa lugar kung saan sarili nila ang mundo. A world that Levi created just for them. Mula sa gitna ay dinala siya ni Levi sa ilalim ng waterfalls. Napasigaw si Luisa dahil sa lakas ng bagsak ng tubig at napayakap sa binata. “Gusto mo maupo doon?” humihingal na tanong nito sabay turo ng espasyo na tila isang maliit na kuweba kung saan maaaring maupo ang dalawang tao. &nbs