Nakatitig lang ako sa perang nasa ibabaw ng kama ko. Ito 'yong pera ni Aerielle na hindi niya pinulot at pinabayaan lang na may ibang kumuha.
Kakaiba talaga ang babaeng 'yon. Hindi niya ba alam na ang hirap kumita ng pera, 'tapos ay hinayaan niya lang na may ibang kumuha nito? Anak mayaman ba siya kaya wala siyang pakialam at pinabayaan na lang ang pera niya?
Hindi ko sana ito kukunin at hahayaan na lang din, kaso ay nanghinayang ako sa 80 pesos na 'to. Kahit maliit na halaga lang ito, ay pera pa rin na puwedeng ipangbili ng laman tiyan.
Ano kaya ang gagawin ko rito? Ayoko isama itong pera niya sa allowance ko. Tinuruan ako ni Mom na kapag hindi akin, huwag ko kukunin. Depende na lang kung ibibigay sa akin.
"Natagpuan mo rin ang secret haven hihihi!" Napabalikwas ako ng tayo dahil sa gulat. Sinong hindi magugulat sa ginawa ng dugyot na 'to?! May matino bang tao na titig sa nakapikit na nagpapahinga, 'tapos kung makalapit sa mukha ko ay parang gusto akong halikan? Well, okay lang naman kung iki-kiss niya ako pero—aish! Ayokong mahalikan ng babaeng ito! Hindi siya ang tipo ng babae na gusto ko! Nagdadabog pa rin ang dibdib ko sa nangyari pero itong babae na kaharap ko ay tawa pa rin nang tawa. Pinagtatawanan niya ba ako dahil nagulat ako sa ginawa niya? Nakatatawa ba ang naging reaksyon ko? Nakatutuwa bang nagawa niya akong gulatin sa ginawa niyang paglapit ng mukha niya sa mukha ko?! "Nagulat ba kita?" Tanong niya habang tumatawa pa rin. Hindi ba obvious?! Nakita niya naman siguro ang reaksyon kong parang nakakita ng multo, at napabalikwas pa nga ako, hindi ba? 'Tapos magtatanong pa siya? Is she stupid? Kahit nainis ako sa g
I'm shocked when I saw Aerielle in the same look as mine. Bakit ganoon ang ayos niya? Napag-trip-an din ba siya ng group ni Shawn? Natulala ako at hindi makapagbitaw ng salita. Lalo akong natulala sa sinabi niya. I'm Shrek and... she's Fiona? Hindi ko maintindihan ang ibig niyang sabihin, ngunit pakiramdam ko ay kinukutya niya ako dahil sa itsura ko na naliligo sa kulay green na pintura ang mukha at uniform. Nagsisisi akong pinagbuksan ko pa siya dahil akala ko... Ang buong akala ko ay nakahanap ako ng taong maagiging kakampi ko, masasandalan ko. Iyong tao na hindi ako kukutyain at ipaparamdam sa akin na hindi ko deserve na ma-bully. Iyong tao na ipagtatanggol ako sa mga taong gumawa sa akin nito. Akala ko lang pala, pero nagkamali ako... Isa rin pala siya sa kanila. Unti-unti kong nararamdaman muli ang pagpiga sa aking puso, nagsisimula ulit magsibaksakan ang mga luha ko kaya nanaakbo ako palabas ng comfort room at iniwan ko si
I can't make a single move. She still hugging me so tight. I couldn't hug her back because I was stunned by her sudden actions. My heart is beating so fast, I feel I'm going to faint right now because of over flowing emotions. Hindi ko alam ang gagawin kaya hinayaan ko na lang siya na yakapin ako ng pagkahigpit-higpit kahit hindi na ako makahinga. Ayos lang dahil kahit ganoon ay may umusbong na tuwa sa puso ko dahil lang sa pagyakap na ginawa niya. Marami na akong naramdaman na kakaiba sa tuwing nakikita ko ang babaeng nakayapos sa 'kin, pero iba itong nararamdaman ko ngayon. Ngayon ko lang naramdaman ito. It's like a strange heat that gives me comfort, I feel safe. Pakiramdam ko, hindi na ako nag-iisa. Napansin niya
Nakahiga ako sa kama at nakamatyag lang sa kisame, inaalala ko ang mukha ni Aerielle habang nakadungaw siya sa bintana ng jeep. Alas-dos na ng madaling araw at mahimbing ng natutulog ang lahat pero heto pa rin ako, dilat pa ang mata. Hindi pa rin ako maka-move on sa nangyari last friday. Nakasabay ko lang naman siya maglakad pauwi at hindi lang iyon, nagawa ko siyang tulungan. First time ko magkaroon ng paki sa isang tao at natulungan ko pa siya ng hindi ako pinagtabuyan. Ang sarap pala sa pakiramdam ng ganoon. Iyong tumulong ka 'tapos nginitian ka pa ng sobrang tamis habang sinasabi ang salitang "thank you". Abot tainga ang ngiti ko ngayon dahil sobrang saya ang dumadaloy sa sistema ko. Walang mapaglagyan ang ligaya
"Huy! Halika ka na dali! Tara naaaaaa!" Pilit hinihila ng kasama kong pandak ang braso ko pero hindi niya ako madala-dala dahil mas malaking bulas ako kaysa sa kanya. Saktong 5:00 PM ng mag-aya si Aerielle ngfriend datena sabi niya. Nakakapansisi na binanggit ko ang salitang date sa babaeng 'to, may naramdaman na akong kaunting tuwa sa puso ko dahil ma-e-experience ko ng makipag-date for the first time. Sino ba ang hindi matutuwa? Sa katulad kong ni minsan ay hindi man lang nagustohan ng isang babae? Big deal sa akin iyon! I never experience such things, I never had a chance para ayaing lumabas ang isang babae dahil for the nth time, walang nag
"What can make me feel this way? My girl, my girl, my girl. Talkin' 'bout my girl, my girl hmmmm~" I woke up with a delightful smile on my face, siguro nga kahit natutulog ako ay nakabungisngis pa rin ako. Hindi ko mapigilan na hindi ngumiti. Sa tingin ko ay dahil ito sa nangyaring friend date namin ni Aerielle. I mean, ng Erie ko. Hanggang ngayon ay nasasapian pa rin ako ng kasiyahan at mukhang imposible itong mawala sa sistema ko. Ikaw ba naman ay ayain ng date, kahit friend date lang iyon ay big deal sa akin. Hindi lang iyon, tawagin ka pa na pogi at guwapo? Hindi ba ang sarap sa feeling no'n? "I've got so much honey the bees envy me, I've got a sweeter song than the birds in the trees hmmm~" Maaga akong nagising at agad rin ak
"PRIVATE BENJAMIIIIIIIN!" "Oh god..." Napapikit ako at tinakip ko sa mukha ko ang librong binabasa dahil parating na ang pinakaiiwasan ko sa lahat.Kahihiyan. "Private Benjamin! Nandito na si Erie mooooooo!" Alright, here we go again. Nakaupo ako sa bench sa school grounds and as usual, hinihintay ko ang eskandalosang pandak na si Erie. Yes, I'm always waiting here for her every day. One month had passed since I got closer to her, lagi na kami magkasama tuwing papasok, sa lunch time, at uwian. Kahit pati sa mga kalokohan niya ay nadadamay na ako. Sa tuwing nadadawit ako sa kaabnormalan niya ay palagi ko siyang sinisita pero tinatawanan niya lang ako at wala lang si
"Pasa mo rito!" "Bobo, rito!" "Lolo mo bobo! Bleh!" I'm sitting here on the bench, watching Erie with her friends playing basketball. I didn't expect that she's good playing on it. Ang buong akala ko ay puro pagpapa-cute lang ang alam niyang gawin at maging dugyot palagi. "Go baby A! Talunin mo 'yang mga ugok na 'yan! Woooooh!" Kayle didn't stop shouting when their game starts, she keeps on cheering for Erie a while ago. Kayle Rodrigo, siya ang girl best friend ni Erie. Siya rin ang laging kaalitan at kabugbugan ni Lyndon noong araw na isinama ako ni Erie sa simpleng salo-salo nila sa birthday ni Nicolai. Member din siya ng ENH dance troupe. Hindi maalis ang paningin ko kay Erie, masyado akong nahuhumaling sa bawat galaw niya. Hindi ko inaasahan na ang pandak na ito ay magaling sa sports at kayang makipagsabayan sa mga lalaking kalaro niya ngayon, knowing na ang liit niya at mga higante ang kalaban niya? P