(Reese's POV)
THE wind blew gently and danced with my hair. Squinting my eyes against the harsh rays of sunlight, I ran faster towards Tiara who's holding an umbrella. We are here at the soccer field to get Gavin's car key. Na sa loob kasi ng kotse niya ang laptop niya na kailangan namin ngayon dahil itutuloy namin ang Lab Work namin. Gavin's part of our college's soccer team since freshman year and they're having a practice now for the upcoming University Games.
"Anong sabi ni CEO?" Tiara asked when I got near her.
Ngumisi ako. "Mahal ka pa rin daw." Umismid ito kaya natawa ako. "Comeback na kasi," pang-a-asar ko pa.
"I love you but someti
(Reese's POV) I'm someone who wouldn't mind spending all day alone. Mas gusto ko pang magkulong na lang sa kwarto kaysa gumala sa labas. Mas gusto kong kasama ang mga libro ko kaysa makihalubilo sa mga taong mabait lang kapag nakaharap ka pero sanga-sanga ang sungay kapag nakatalikod ka na. I heaved a sigh and put down the fork on my plate. I felt the one in front of me looked at me. I looked at him and gave him a glare. But him being the annoying creature, he just smirked at me before leaning his back on his chair. "Ang yaman-yaman mo pero nagtitipid ka sa pagkain," komento ko. "Mabubusog ka ba sa mga ito?" Iminuhestra ko ang mga pagkain sa harapan namin. It's expensive but it's so small. Hindi ako mabubusog sa mga ito. Ilang kilo ng karne na ba ang mabibili? Aabot na siguro sa tatlo. "You should had told me earlier—" "Nagtanong ka ba kung saan ko gustong kumain?"panunumbat ko
(Reese's POV)Ang tunog ng alarm clock ko sa side table ang nagpagising sa akin. Kaagad ko itong inabot at pinatahimik. Istorbo talaga sa tulog kahit kailan. Nag-unat ako ng katawan bago bagsak ang dalawang balikat na bumaba ng kama. Inayos ko ang manggas ng suot kong oversized shirt habang naglalakad patungo sa banyo para gawin ang morning routine ko.Nagpupunas ako ng mukha gamit ang towel ko nang palabas ako ng banyo. Linggo ngayon at kahit gusto kong magsimba, hindi na p'wede dahil tapos na ang misa. Nakalimutan kong agahan ang alarm ko kagabi dahil na rin sa inis.Bigla na lang bumalik ang inis sa kattawan ko. Parang gusto kong manampal, manabunot at manuntok dahil sa inis. Basta parang gusto kong manakit. Nangangati ang mga palad ko. Kapag nakita ko talaga ang lalaking 'yon, mapagbubuhatan ko siya ng kamay. Wala akong pakialam kung mayaman at makapangyarihan siya."What? I'm asking you, wife."
(Reese's POV) "Reese!" I halted on my steps and looked where the voice came from. I had already an idea who called me based from the gentle voice. Kahit medyo may kalakasan ang boses niya kanina ay halata pa rin ang pagiging malambot nito. And I was right because descending from the stair was none other than Akxianne Vielle Dellacroce. I already knew her name because I searched it. She's a graduating student taking up Business Management course. She's close to Coz because they're parents are best friends. Ang nakapagtataka lang, bakit siya narito sa CAS? Ang layo ng CBEA mula dito. Umalis ako sa entrance ng lobby dahil marami ang dumadaan at nakaharang ako. I gave her a smile the moment she's already in front of me. Just like the first time I met her, she also had this sweet smile. "Hey there, Rosie!" masiglang bati niya. Tumaas ang kaliwang kilay ko dahil sa itinawag niya sa'kin. She gave me an a
(Reese's POV)PADABOG na inilalagay ko sa maleta ang mga damit na dadalhin ko sa bahay ng kumag na prenteng naka-upo ngayon sa study chair ko. Nakahalukipkip pa ito at matamang nakatutok ang mga mata sa'kin. Kahit hindi ko siya lingunin ay ramdam ko ang tingin niya. I'm gritting my teeth because of annoyance. Akala mo siya ang may-ari ng apartment."Hindi ka pa ba tapos?" Basag niya sa katahimikan. I rolled my eyes. Kita naman niyang hindi pa ako tapos, magtatanong pa. "I'm asking you, Destiny."Inis na nilingon ko siya at sinamaan ng tingin. "Kita mo namang hindi pa, 'di ba?" asik ko sa kanya. "And don't call me by my second name. Hindi tayo close!" Mula sa pagkakasalampak sa sahig ay tumayo ako at tinungo ang banyo para kunin ang iba ko pang gamit.Pagkatapos niyang sabihin sa'kin na mas makapangyarihan siya, itinulak ko siya palayo sa'kin at padabog na pumasok dito sa apartment. At ang kumag, ang kapal ng mukha na sumunod
(Reese's POV) MAAGA akong nagising kinabukasan kahit na alas-onse na akong nakatulog. Nawili ako sa ginagawang floorplan dahil na rin sa magandang musika na pinapakinggan ko. Pati si Tiara ay napilitan ding magpuyat dahil assignment namin sa HUM 01. Mamaya na ang deadline kaya naman nasermonan ko siya kagabi. No'ng isang araw ko pa sinasabi na tapusin na niya para hindi siya ma-ruttle pero mas pinili pang magpuyat dahil sa ML. "Magandang umaga!" bati ni Alice pagkapasok ko sa kusina. Siya lang ang naabutan kong naghahanda ng agahan. Baka nasa kanya-kanyyang trabaho na ang mga kasama niya. "Umupo ka na. Kape o gatas?" I walked towards one of the seats. "Kape na lang." There's scrambled and over easy egg, waffles, hotdogs, bacon and fried rice. Parang gusto kong magtanong kung wala bang noodles pero pinigilan ko na lang ang sarili ko. Noodles kasi ang madalas naming ulam ni Olive. Healthy living's not in
(Reese's POV) "TANG*NA talaga!" muli na namang mura ni Olive. "Lalo na 'yang tatay mo!" gigil na sabi niya bago uminom sa kanyang iced coffee. Pagkatapos kong sabihin ang totoo sa kanya kanina ay ilang minuto kaming walang imik. Mahina akong humihikbi at kahit anong punas ko sa luha ko ay tuloy-tuloy lang ang pag-agos nito. Tumayo siya para yakapin ako. Binalewala namin ang tingin mula sa ibang mga customer. Nang tumahan ako ay bumalik na ito sa upuan niya. Ilang minuto pa kaming nanahimik bago siya tumayo at nag-order. "Papakulam ko 'yang tatay mo!" I laughed in a soft, quiet manner. "Seryoso ako, Reese. Papakulam ko ang tatay mo." "Minus 10 ka sa langit n'yan." Natawa na ako ng tuluyan nang umirap ito. Ito ang isa sa mga dahilan kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa ako tinatalo ng mga problema ko. Sa t'wing problemado ako, hindi siya sumusukong pagaanin ang loob ko. She will always motivate me to never g
(Reese's POV) THAT voice. It's very familiar. Kahit ilang taon ko na siyang hindi nakita, kabisado ko pa rin ang boses niya. Ang tingin ko ay napunta sa bukana ng front door. At tama nga ang na-i-isip ko kung sino ang nagsalita. Standing proudly with a grin is none other than my favorite guy—Zadkiel. "Zaddy!" hiyaw ko at tumakbo patungo sa kanya. He opened his arms at halos dambahin ko na siya para yumakap. "Zaddy!" Tumalon-talon pa ako habang yakap pa rin siya na ikinatawa niya. "I miss you, Zadkiel!" My hug tightened before letting him go. My smile widened when I saw him grinning at me. "Isip-bata pa rin hanggang ngayon." Ginulo niya ang buhok ko kaya sumimangot ako. "May jowa na ba ang baby namin?" he asked, his eyebrows raised high. I defensively shook my head that made him chuckled. "Wala!" depensa ko. Bakit ba ang dami nilang nagtatanong kung may jowa na ako? Required ba talagang sa ganitong e
(Reese's POV)Hanggang ngayon, para pa ring sirang plaka na paulit-ulit kong naririnig ang mga sinabi ni Zadkiel. Halos isang linggo na ang lumipas pero parang kahapon lang nangyari.Unahin ang sarili ko bago ang ibang tao? Paano? Paano ko gagawin kung ang labis na ma-a-apektuhan ay ang mga taong tumulong sa'kin para hindi tuluyang sumuko? Paano ko uunahin ang sarili ko kung alam kong maraming tao ang mas masasaktan?Simula pagkabata, sanay na akong masaktan. Sanay na akong ikumpara sa iba; sabihan ng 'sana gan'yan ka', 'sana ganito ka', 'tularan mo si gan'yan', 'talunin mo si ganito', 'dapat lamangan mo sila'. Sanay na sanay na ako kaya mas okay ng ako na lang ang masaktan kaysa sa kanila. Kung sila ang lulubog, hindi ko sila kayang isalba lahat. Pero kung ako ang lulubog, mas marami silang mag-a-ahon sa'kin. Alam kong kahit ano'ng mangyari, hindi nila ako hahayaang malunod ulit.Madali para sa kanilang s