Share

003

Malayo pa lang ay kitang-kita na ni Melissa ang pamilyar na pick-up truck ng Hacienda. Pati ang lalaking nagmaneho niyon ay agad niya ring nakilala.

Ang kapatid niyang si Martin.

Alam niya, kahit na nasa malayo pa lamang ito ay malaki na rin ang ipinagbago ng kaniyang kapatid. He's a grown-up man now. Mas nagmukha itong matured. Pakiramdam tuloy ni Melissa ay isang dekada siyang nawala kaya napakaraming mga bagay ang hindi na siya pamilyar.

Mukhang napansin din naman agad siya ng kapatid kaya diretso itong tumungo sa direksyon niya at sa harapan niya mismo ipinarada ang sasakyan.

Agad itong bumaba at isang mahigpit na yakap ang isinalubong sa kaniya.

"Ate!" Bakas ang tuwa sa boses nito ng sa wakas, pagkatapos ng dalawang taong pagkawala niya ay heto siya ngayon at muling nagbabalik.

"I missed you." She said after their heartwarming embrace. "Wow... you're a grown-up man now. Look at you, ang laki na ng ipinagbago mo." Ginulo niya ang buhok nito.

"Ate... 'Di ka pa rin nagbabago. Idol mo pa rin talaga ako." He smiled sheepishly. "So, paano? Tara na?" Dinampot na nito ang ilan sa mga bagahe niya at isa-isang ipinasok sa loob ng backseat.

"Kumusta ang Hacienda?" Tanong niya habang tinutulungan ito.

"Ayun... ganoon pa rin. Hindi pa nakakabawi dahil sa El Niño. Halos ubos na nga sa kaka-benta 'yong mga alaga natin eh. Hindi kasi maayos ang ani sa mga pananim."

Habang sinasabi nito iyon ay seryosong-seryoso ang mukha nito. It only indicates that the current situation of the place is no joke.

"How's Dad?" She asked before she get in the car.

Martin stop moving for a moment. Thinking if what will be the best description he could use to tell her about their father's state right now.

"Honestly, wala pa rin siyang ipinagbago. Ganoon pa rin siya tulad ng dati." Sagot nito kapagkuwan.

Ibinaling ni Melissa ang tingin sa ibang dako. Parang may kung anong lungkot siyang naramdaman dahil sa sinabi ng kaniyang kapatid.

"Tara na. It's almost five o'clock, kailangan ko pang asikasuhin 'yung mga kabayo."

Tumango-tango siya saka sumakay sa sasakyan. Sa isip ay pilit na inihahanda ang sarili kung paano haharapin ang ama.

---------

Seryoso ang mukha ni Jared habang nakikinig ng mataman sa report na isinumite ng bawat team na hawak niya.

"Sir, ano po sa tingin niyo?" Lahat ng pares ng mga mata ay dumako sa kaniya. Naghihintay sa maari niyang maging reaksyon.

"Honestly, nakukulangan ako sa mga detalye tungkol sa report at proposal ng bawat team." Seryoso niyang turan. "I suggest na i-revise niyo ng maayos 'yan. Make sure na gawan niyo ng paraan iyong mga bagay na alam niyong papalpak sa next meeting." Tumayo na siya at namulsa.

Walang nasabi ang mga ito at napatungo na lamang.

Lumabas na siya ng conference room matapos mapansing walang isa man sa mga ito ang gustong magsalita.

Kasunod naman niya si Red na assistant slash secretary niya.

"Sir, saan niyo po gustong kumain?" Tanong nito ng nakasakay na sila ng elevator.

"Cancel all my meetings after lunch. Kailangan kong umuwi sa Batanes. Tell them to prepare the Chopper. I'll be in the helipad in twenty minutes." Hindi tumitingin dito'ng sabi niya.

"Yes, Sir." Sagot nito bago nagtipa na sa hawak na PC tablet. Pagkuwa'y nag-dial sa telepono at nakipag-usap sa kabilang linya.

Nang makarating ng eleventh floor ay tuluy-tuloy siyang lumabas habang nakasunod pa rin ito.

Nang pumasok siya sa kaniyang opisina ay tuluyan naman itong naglakad papunta sa desk nito.

Akmang dadamputin pa lamang ni Jared ang coat niya sa sofa ng mag-ring ang cellphone niya. Ang kaniyang ama ang tumatawag.

"I'll be there before three." Agad niyang sabi dahil alam niyang iyon ang dahilan ng pagtawag nito.

"Good. I had another thing to discuss with you aside from business. So better hurry up." Seryosong sabi nito bago pinutol ang tawag.

Napakunot-noo naman si Jared sa tinuran ng ama. Another thing to discuss? Ano na naman kaya ang gusto nitong pag-usapan?

Kaninang umaga ay tumawag ito at madalian ang utos sa kaniya na umuwi sa Hacienda dahil umano upang pag-usapan ang isang business agenda.

Matanda na ang kaniyang ama at matagal ng retired sa pagiging Big Boss ng kompaniya. Kaya naman bilang panganay sa tatlong magkakapatid, siya ang sumunod sa yapak ng mga magulang sa pagpapatakbo sa kanilang mga negosyo.

At sa pagkakaalam niya ay smooth sailing naman ang lahat ng kabuhayan nila, kaya naman hindi niya alam kung para saan ang meeting nila ng kaniyang ama sa hacienda.

Ang sumunod na pag-ring ng kaniyang cellphone ang nagpabalik sa lumilipad na diwa ni Jared. Nabasa niya ang pangalan ni Ching sa screen kaya agad niyang sinagot ang tawag.

"Hi!" Masiglang bati nito sa kaniya.

"Hello, sweetie." Sagot niya. "Napatawag ka?"

"Yeah. I just want to remind you about our movie night later. Also to ask to bri--" Hindi na nito naituloy ang sasabihin ng magsalita siya.

"I'm sorry, sweetie, but I need to cancel our movie night. Dad asked me to go home now and I'm already leaving in less than ten minutes." Sabi niya. He used his most apologetic tone as he said those words. Not wanting to make her feel disappointed.

"Ah ganun ba?" Halata ang paglungkot sa boses nito ng muling magsalita makalipas ang ilang sandali.

"I'm really sorry, sweetie. Promise babawi ako next time. Urgent kasi ang tawag ni Dad kaya hindi ko rin nasabi sayo ng mas maaga."

"It's okay. I know you're always busy kaya naiintindihan ko." Pilit nitong pinasigla ang boses. "Then, I will call the girls instead and hang out with them."

"Yeah sure, sweetie. Just enjoy the night."

"Okay. Ikaw naman, ingat sa biyahe." Sabi nito ng walang anu-ano'y putulin na ang tawag.

Napabuntong-hininga na lamang si Jared dahil sa ginawa ng kaniyang girlfriend. Pero imbes na mainis ay naiintindihan naman niya kung bakit ganon ang naging reaksiyon nito. Malamang talaga ay magtampo ito dahil sa biglaang pagkakansela ng date night nila.

"Sir?" Sumilip sa awang ng pinto si Red. "Everything's ready."

"Let's go."Balik na ulit sa pagkaseryoso ang ekspresyon ng mukha niya.

--------

"Manang!" Tawag ni Melissa sa kanilang mayordoma habang bumababa ng hagdan.

Lumabas naman ito sa kusina upang salubungin siya.

"Señorita Melissa..." Sagot nito habang nakatingala sa pagbaba niya.

"Manang, ilang beses ko bang sasabihin sayo na Melissa na lang itawag niya sa akin? hindi na pwede yang Señorita." Reklamo niya nang magkaharap na sila.

"Eh, Pasensya ka na, Anak, kasi nasanay lang ako na tawagin kang Señorita." nangingiting sabi nito na nagdulot ng pagkakunot sa gilid ng kanyang mga mata. "May kailangan ka ba?"

"Oo nga pala, hindi ko kasi mahanap si Martin. Itatanong ko sana kung nasaan si papa?"

As if on cue, bigla naman pumasok ng kabahayan si Martin. Nagmamadali ito.

"Oh, heto na pala ang kapatid mo." Sabi ni Manang Ningning ng makalapit na sa kanila ang lalaki. "Maiwan ko na muna kayo." Anito saka tumalikod na.

Hinarap niya ang kararating lamang na si Martin.

"San ka ba nanggaling? Kanina pa kita tinatawagan pero hindi kita makontak." Aniya.

"Sorry, Ate. Wala kasing signal sa bakahan." Sabi nito. "Inasikaso ko pa kasi ang mga dumating na mga equipments pati yung dumating na mga stocks para sa mga alaga natin." Paliwanag nito.

"Equipments? Para saan ang mga equipments?  At saka bakit di mo sinabi sa akin na mamimili ka pala ng mga stocks? Eh 'di sana nasamahan kita at nadagdagan ko rin ng konti ang budget mo."

"Hindi naman ako umalis, Ate. Inasikaso ko lang yung mga iyon kasi may mga nag-deliver dito kanina kaya agad akong pumunta sa bakahan kasi doon nila ilalagay yung mga equipments."

"Eh sinong bumili ng mga iyon?" Takang tanong niya dito.

"Actually, Ate, nagulat nga ako eh kasi bigla na lang dumating dito yung katiwala sa bakahan tsaka sa rancho na may mga dumating daw ng mga traktora at mga makinarya."

"Hindi kaya ang Papa ang bumili ng mga yon? Pero san naman siya kukuha ng pera? Ang sabi mo nalulugi na ang asyenda at tanging ang pagbebenta na lang ng mga hayop ang pinagkukunan ng budget." Kunot-noong tanong niya.

Sabay pa silang nagulat ng biglang magsalita si Don Roberto sa itaas ng hagdan.

"Oo tama ka sa sinabi mo Melissa. Ako nga ang bumili ng mga equipments at mga stocks para sa bakahan at sa buong asyenda." Ang sabi pa nito habang bumababa ng hagdan.

For the first time sa loob ng isang linggong pananatili niya sa Hacienda, ngayon lamang siya kinausap ng kanyang ama.

At katulad ng dati napaka seryoso parin ng mukha nito. Maging ang pagsasalita at pagtingin sa kanya ay tila tao lamang siyang naliligaw sa asyenda.

"Seryoso po kayo, Papa? San naman po kayo kukuha ng ganun kalaking halaga para bumili ng mga ganung pangangailangan? Halos wala na po tayong mga alagang baka at baboy, pati ang mga kabayo ay ilang piraso na lang din ngunit nang tinanong ko ang katiwala, wala naman daw pong pumuntang mga buyer ng mga hayop. Isa pa..." Ani Martin. Huminto ito at saglit na sumulyap sa mukha ni Melissa bago muling humarap sa kanilang ama. "Kahit naman siguro ibenta natin ang lahat ng hayop sa asyenda ay hindi pa rin iyon aabot sa halaga ng mga dumating na kagamitan ang lahat ng mapagbibilhan."

Napaangat ang isang sulok ng labi ni Roberto dahil sa sinabi ng anak.

"Let's say na nagawan ko na agad ng paraan ang napipintong pagkalugi ng asyenda ng dumating ang kapatid mo." Makahulugang sabi nito. Pagkuwa'y bumuntong hininga at tumingin kay Melissa.

"Ano pong ibig niyong sabi--" Naputol ang sasabihin ni Melissa ng ikumpas ni Roberto ang kamay sa harapan niya. Senyales na pinapatigil siya nito sa ano mang gusto niyang sabihin at itanong.

"Martin, tawagin mo si Manang Ningning at may sasabihin ako sa kanyang isang mahalagang bagay." Yun lang at tuloy-tuloy na ito ng lakad patungo sa patio.

Hindi maiwasan ni Melissa na maikuyom ang kanyang palad dahil sa naging akto ng ama. Wala pa rin itong ipinagbago, isang tau-tauhan pa rin ang tingin nito sa kanya.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status