Share

Kabanata 12

Naghiwa ng prutas si Cordelia pagkatapos ng hapunan at binitbit niya ito at umupo siya sa tabi ni Marcus.

Nakatuon ang atensyon ng lalaking ito sa kanyang phone, dahilan upang magtaka si Cordelia, kaya sinilip niya kung anong ginagawa ni Marcus sa kanyang phone. Inakala niya na naglalaro siya, ngunit nakita niya na tinitingnan ni Marcus ang isang website na may ibang lenggwahe. Nakasuot ng mga suit at mga sapatos na balat ang mga tao sa mga larawan, gaya ng mga matagumpay na tao.

Nagulat si Cordelia dito, at sakto namang lumingon bigla si Marcus. Dahil malapit siya sa kanya, muntik na siyang dumikit sa tungki ng kanyang ilong.

Pareho silang nanatili doon, nakatitig sila sa isa't isa, na naging dahilan upang mamula ang mukha ni Cordelia at bumilis ang tibok ng kanyang puso.

"Anong problema?" Nagtanong si Marcus.

"W-Wala…" Naiilang na umupo sa isang tabi si Cordelia ng magkahawak ang kanyang mga kamay sa sobrang kaba. Sinubukan niyang makipag-usap sa kanya, "Nagbabasa ka ba ng balita?"

"Mm, ang finance news."

"Naiintindihan mo 'to?"

Tumingin sa kanya si Marcus na para bang naka ngisi ang kanyang mga mata. "Ano pala sa tingin mo ang dapat maintindihan ng isang taong galing sa kulungan at madalas makipag-away?"

"Hindi 'yun ang ibig kong sabihin!" Nataranta si Cordelia. "Nagulat lang ako na alam mo yung mga ganyang bagay."

Nanahimik si Cordelia, at naging nakakailang ang katahimikan sa lugar. Medyo kinakabahan si Cordelia, ngunit noong napansin niya ang mahinahong ekspresyon ni Marcus, pakiramdam niya ay hindi naman niya kailangang mag-alala. Kasal na sila, ngunit hindi sila sanay na umupo ng magkasama at pati ang pag-uusap nila ay naging maikli.

Napaisip si Cordelia kung masyado lang ba siyang naiilang habang tinatapik niya ang kanyang ulo—hindi nakalusot kay Marcus ang ginagawa niya. Hindi namalayan ni Marcus na nagkaroon ng ngiti sa kanyang mga labi.

Nilapag ni Marcus ang kanyang phone at kumain siya ng prutas gamit ng kanyang tinidor, at tinanong niya si Cordelia, "May gusto ka bang sabihin sa'kin?"

Napaisip si Cordelia bago siya umiling. "Wala naman."

"Oh." Tumingin si Marcus sa kanya. "May pera ka ba na panggastos para sa bahay?"

"Bakit bigla mong natanong?"

"Wala lang," Sumagot si Marcus ng walang gaanong emosyon. "Paano ba mag-usap ang ibang mag-asawa? Hindi ba nila pinag-uusapan ang mga simpleng bagay na gaya nito?"

Kinagat ni Cordelia ang kanyang labi at nanatili siyang tahimik.

"O… pwede tayong mag-usap sa ibang lugar?"

Tumingin ang lalaki sa kwarto. Mapang-akit ang malalim niyang boses, at unti-unting lumalapit ang mainit niyang hininga kay Cordelia.

Tumingin si Cordelia sa malalim niyang mga mata, at para bang may firework display sa mga ito. Humakbang siya pagilid, ngunit pinulupot ng lalaki ang braso niya sa kanyang baywang at hinila niya siya sa kanyang mga bisig.

Natulala si Cordelia habang lalong umiinit ang mga titig ni Marcus sa kanya.

Ang kamay niya, na nakapulupot sa baywang ni Cordelia, ay humigpit ng hindi gumagawa ng anumang kilos. Tumingin si Marcus kay Cordelia. Nakapikit ang mga mata ng babae, at kahit na ginagawa niya ang lahat ng makakaya niya upang huminahon, binunyag ng matindig panginginig ng katawan niya ang takot at kaba niya sa pakikipagsiping sa isang lalaki sa unang pagkakataon.

Nakaramdam ng awa at pagmamahal si Marcus. Ayaw niyang may mangyari sa kanila ni Cordelia sa ganitong kondisyon. Dapat natural na mangyari ang ganitong mga bagay.

"Pagod ka siguro." Narinig ni Cordelia ang malalim niyang boses. "Magpahinga ka ng maaga."

Habang nakatulala siya, naramdaman niya na naglaho ang bigat na nararamdaman niya, at unti-unting lumamig ang paligid. Hindi maunawaan ni Cordelia kung ang naramdaman niya.

Ang lalaking ito ang pinakamalapit na tao sa kanya sa mundong ito, ngunit ilang araw pa lang niyang kilala si Marcus. Tsaka, nililihim niya ang katotohanan na isa lamang siyang substitute—na hindi dapat malaman ni Marcus… Nais niyang lakasan ang loob niya at aminin sa kanya na hindi siya si Yelena kundi si Cordelia, ngunit sa tuwing magtatangka siyang umamin, nag-aalinlangan siya.

Kapag nalaman ni Marcus na nagsinungaling sa kanya ang mga Jenner at nagalit siya, sinong nakakaalam kung gaano kalala ang mangyayaring gulo. Mainitin ang ulo niya, at normal lang para sa kanya ang mapaaway. Paano kung…

Tumingin si Cordelia sa mga punching bag at boxing gloves sa harap ng bahay nila at agad siyang nagdesisyon na huwag sabihin ang totoo kay Marcus.

“Sinabihan kita na magpahinga ng maaga. Bakit nakatulala ka lang diyan?” Ang tanong ni Marcus.

Nahimasmasan si Cordelia at nagtungo siya sa kwarto, ngunit nakatanggap siya ng tawag mula kay Carter.

“Ate, huwag ka nang mag-alala. Nabayaran na yung medical bill ni Mom!”

“Ano?” Hindi makapaniwala si Cordelia sa kanyang narinig. “Saan kayo kumuha ng pera?”

“Dinala ni Yelena yung pera ngayong araw,” nakangiting sumagot si Carter, “Binigyan niya kami ng isang diamond necklace, at sinabi niya na ‘yun ang wedding gift ng tatay mo sa’yo. $40,000 ang halaga nito!”

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status