Flashback
Year 1959"Senyorita Maria! Nasaan ka ba?" Tawag ni Terry kay Maria, nagtatakbo na naman kasi ito paakyat sa taas, kagagaling lang nila galing sa bayan, sumama si Maria sa kanilang mamili ng mga kakailanganin dito sa Mansyon.
"Senyorita?" Muling tawag ni Terry kay Maria, nakaakyat na siya sa taas at naririnig niya ang masayang tawa ni Maria, napapailing nalang siya ng maabutan niya itong nakasandal sa pinto ng katapat na silid nito.
"Mag ayos na po kayo Senyorita dahil mamaya darating na ang mga panauhin dito sa Manor para sa kaarawan mo." Sabi ni Terry, nakita niya ang pagbalatay ng lungkot sa mga mata ni Maria, alam niya kung bakit malungkot ang dalagita ngayon, na nananabik ito sa mga magulang na namatay na, anim na taong gulang pa lamang ito.
Pabalik na sana ang señora at señor dito sa Pilipinas galing sa Amerika, husto namang nadisgrasya ang sinasakyan nitong eroplano at kasama ang mga itong nasawi. Kaya naiwan si Senyorita Maria sa pangangalaga ng nag iisa nitong tiyahin na si Señora Olga, isa na itong matandang dalaga.
Ang mga kabuhayan naman ng pamilyang Ibañez ay naka freeze lang sa banko, tanging ang nag iisang anak lang nila na si Senyorita Maria ang may karapatang pakialaman iyon pagsapit sa edad na labingwalong taong gulang.
Ang negosyo nila ay pinamamahalaan muna ng Senyora Olga at iba pang kasosyo nila sa Negosyo, sa tamang panahon ay si Senyorita Maria na rin ang mamamahala nito.
Tinulungan na ni Terry na mag ayos ang dalagita, hindi niya akalain na lalaki itong kasing ganda ni Señora Erlinda, ang mama nito. Kung nabubuhay pa siguro ito ngayon, lamang magiging proud ito sa anak.
"Terry, puwede bang hindi na ako humarap sa mga panauhin mamaya?" Narinig ni Terry ang mahinang boses ng dalagita habang inaayos niya ang mahaba at maganda nitong buhok.
"At bakit naman? Saan ka naman pupunta?" Takang tanong ni Terry kay Maria, ipinupuyod niya ang buhok nito saka nilagyan ng palamuti ang buhok.
"Sa harden lang naman ako." Sabi ni Maria sabay haplos sa suot nitong kuwentas, kitang kita ito ngayon dahil sa suot niyang bestida. Ang kuwentas na may malaking batong ruby sa gitna at napapalibutan ng dyamante.
Napakunot ang noo ni Terry, simula ng mamatay ang mga magulang madalas na nilang napapansin na laging nakatambay si Maria sa harden kaya ang ginagawa nila mas lalo nila itong pinaganda at nilagyan ng madaming bulaklak para hindi ito maging malungkot.
"Kailangan mong harapin ang mga bisita mamaya Senyorita, huwag kang matakot o mahiya kasama mo naman ang Senyora Olga." Nakangiting sabi ni Terry, mabait at mapagmahal si Senyora Olga kaya naging panatag ang loob nila rito.
"Nalulungkot kasi ako." Mahinang usal ni Maria, nakadama si Terry ng simpatya rito, alam niya kasing naiisip nito ang mga magulang.
"Huwag ka ng malungkot Senyorita Maria, alam kong masaya sila ngayon." Pampalubag loob niya sa dalagita, ngumiti naman ito saka tumayo na sa kinauupuan, tiningnan ang kabuuan sa malaking salamin. Umiikot pa ito na parang bata.
Nakasuot ito ngayon ng bestida na hanggang tuhod ang haba,kulay mapusyaw na rosas ang bestida nito na hapit sa makurba nitong katawan. Malaking bulas ito kaya kung titingnan ay parang dalawampu't taong gulang na ito.
"Napakaganda ninyo Senyorita." Sabi ni Terry na naiiyak pa. Hindi niya akalain na napakaganda ng alaga niya ngayon. Ang buhok nitong ipinuyod niya at nilagyan ng kulay puting bulaklak bilang palamuti sa buhok nito ay bumagay sa maliit at maganda nitong mukha.
"Hindi ba pangit Terry? Naiilang ako." Sabi ni Maria na ang tinutukoy ay ang disenyo ng bestida nito sa itaas na bahagi ng dibdib. Naka-off shoulder ito, lantad na lantad ang nakakaakit nitong leeg hanggang sa collarbone. Pagdating naman sa mga braso nito ay natatakpan ito ng lace long sleeve.
"Napakaganda ninyo Senyorita, bagay na bagay sa inyo ang suot ninyo ngayon." Nakangiting sabi ni Terry, pinasadya pa itong ipatahi ni Senyora Olga sa sikat na mananahi sa Maynila para sa kaarawan ni Maria.
"Salamat." Nahihiyang sabi ni Maria saka niyakap nito si Terry, mahigpit na yakap naman ang isinukli ni Terry rito. Bumaba na sila sa sala. Sa malaking bulwagan sa labas gaganapin ang selebrasyon kaya madaming mga mesa at upuan ang nandoon at mga dekorasyon.
"Belissima!" Masayang sambit ni Olga ng makita ang pamangkin, tulad nito ay nakaayos na rin siya.
"Tiya Olga." Masayang niyakap ni Maria ang tiyahin, sinuklian naman ito ni Olga.
"Napakaganda mo talaga, hali ka na sa labas, tingnan natin ang bagong dating mo na cake, inorder ko pa iyon sa Maynila." Nananabik na turan ni Olga sa pamangkin, tumango naman si Maria saka sumama na sa labas.
Una niya agad nabungaran ang malaking fountain sa gitna ng bulwagan. Napangiti si Maria dahil naalala niya madalas din siyang maglaro sa fountain noong bata pa siya.
Namangha si Maria sa ganda at laki ng cake, kahit may lungkot sa puso niya ay natutuwa pa rin siya dahil sa pagpapahalaga ng lahat sa araw ng kaarawan niya.Unti unti na ring nagsidatingan ang mga bisita, binabati siya at pinupuri, tumatango at ngumingiti lang siya.
Hanggang sa matapos ang selebrasyon ay naunan na siyang nagpahinga pero lihim siyang pumuslit sa silid para magtungo sa harden, madaling araw na kaya tulog na ang lahat at saka kapag nakita siyang gising siguradong magtatanong ang mga iyon kung bakit gising pa siya at hindi pa nakabihis.
Gusto kasi ni Azreal ang kaibigan ni Maria, na tanging siya lang ang nakakakita na huwag muna siyang magbihis at magtungo siya sa harden.
"Azi..." Mahinang tawag ni Maria rito, nasa harden na siya, nakatayo siya sa harapan ng malaking puno. Pagtingala niya ay nagliwanag ang buong paligid dahil sa daming mga alitaptap na nagliparan sa taas ng puno, ang iba ay pinalibutan na ang buong paligid.
"Ang ganda..." Nakangiting usal ni Maria habang sinusundan ng tanaw ang mga alitaptap. Para siyang nasa ibang dimensyon.
"Nagustuhan mo ba ang munting regalo ko?" Suaveng turan ni Azreal kay Maria mula sa likuran nito, nakangiting humarap si Maria rito saka tumango.
"Oo, nagustuhan ko. Ang ganda Azi..." Mahinang sabi ni Maria, Azi ang ibinigay niyang palayaw sa kaibigan. Tinitigan niya ang guwapo nitong mukha at ang matikas nitong katawan. Hindi maikakailang guwapo talaga ito, nakatingala pa ako rito dahil sa sobrang tangkad nito.
"Napakaganda mo sa suot mo ngayon, lalo na kitang kita ang kuwentas na ibinigay ko sa iyo mula noon." Malumanay na sabi ni Azreal kay Maria saka masuyong hinaplos ang pisngi nito.
"Salamat." Nahihiyang pasasalamat ni Maria saka pinamulahan siya ng mukha dahil sa titig na ibinibigay ng kaibigan niya
"Maligayang kaarawan aking Maria." Malumanay na bulong ni Azreal dito, kung ibang tao siguro ang nakarinig sa tono ng boses nito ngayon ay malamang kinilabutan na pero sanay na si Maria rito.
"Salamat Azi." Nakangiting sabi ni Maria.
"Masaya ako na labinwalong taong gulang ka na Maria, magagawa na natin ang gusto natin. Handa ka namang sumama sa akin kahit saan diba? Sasama ka sa akin diba?"
Napakunot ang noo ni Maria sa sinabi ng kaibigan, hindi niya naman ito iiwan dahil naaawa siya ritong mag isa. Tumango nalang siya bilang pagsang ayon. Nag-usap pa sila ng matagal at nagkuwentuhan hanggang sa hinatid siya nito sa kanyang silid.
Kahit madaling araw na nakatulog si Maria ay nagising pa rin siya ng maaga. Ayaw niyang lumiban sa klase kaya papasok pa rin siya kahit pinayagan siya ng guro niya na huwag munang pumasok ngayon dahil baka pagod siya sa selebrasyon niya kahapon.
"Magandang umaga po." Bati ni Maria sa lahat ng katiwala, nakaayos na siya para pumasok, mag aalmusal nalang siya.
"Oh hija, akala ko ba hindi ka papasok ngayon?" Takang tanong ni Olga sa pamangkin ng maabutan niya ito sa kusina nag aalmusal.
"Magandang umaga po Tita Olga, ayaw ko po kasing lumiban sa klase."
"Naku napakasipag mo talaga, sigurado akong mas lalo mo pang mapapalago ang negosyong iniwan saiyo ng mga magulang mo." Nakangiting sabi ng tiyahin, isang tipid na ngiti lang ang isinagot niya rito.
Nang nasa paaralan na si Maria, nagulat siya dahil may isang lalaking nagbigay sa kanya ng bulaklak, kaklase niya ito pero nahihiya lang na lapitan siya kaya siguro dinadaan nalang sa pag-bigay ng bulaklak.
Natuwa siya dahil ito ang unang pagkakataon na may nagbigay sa kanya ng bulaklak. Nang makauwi siya sa mansyon ay tinutukso siya ng mga nandoon pati na ang tita niya dahil sa dala niyang bulaklak.
"Napakaganda naman ng mga bulaklak na iyan hija." Natutuwang sabi ni Olga. Pinamulahan ng mukha si Maria.
"Ibinigay po ng kaklase ko tita."
"Naku, hindi na kami magtataka kung may aakyat ng ligaw saiyo dito. Dalaga ka na nga." Naiiyak na turan ni Olga sa pamangkin, mahal niya ito at itinuring niya na parang anak niya na rin. Si Maria nalang ang tanging alaala na iniwan ng nag iisang kapatid nitong si Erlinda.
"Magbibihis na po ako tita tapos aayusin ko na ang mga bulaklak na ito, ilalagay ko sa kuwarto, may lagayan ako ng mga bulaklak doon." Excited na turan ni Maria. Nakangiting tumango si Olga.
Hindi nga nagkamali si Olga sa sinabi niya dahil makalipas lang ang ilang oras ay may guwapong binata na ang bumisita sa kanila.
"Magandang hapon po, aakyat po sana ako ng ligaw kay Señorita Maria." Magalang na sabi ng binata kay Olga, napakalinis nitong tingnan sa suot na pormal na damit.
"Pumasok ka hijo, ipapatawag ko lang si Maria." Binalingan ni Olga si Terry, parang nakuha na nito ang nais na iutos, agad itong umakyat sa taas para tawagin si Maria.
Pagkababa ni Maria, nagulat siya ng makita si Alvin sa sala, ang kaklase niya na siyang nagbigay ng mga bulaklak sa kanya. Inayos niya ang sarili at nilapitan ito. Ng makita siya ay agad itong tumayo sa kinauupuan.
"Magandang hapon señorita Maria." Naiilang na bati nito sa kanya, ngumiti si Maria rito. Mayaman din naman ang pamilya nito, sa katunayan nga kahapon ay dumalo ang mga magulang nito sa kaarawan ko.
"Magandang hapon din saiyo. Maria nalang itawag mo sa akin. Maupo ka na." Malumanay sa sabi ni Maria, halos magkasabay lang sila na umupo, sa magkaharap na sofa.
"Gusto ko sanang manligaw, nagpaalam na ako sa tita Olga mo." Panimula ni Alvin sa kanya, ngumiti siya. Guwapo naman ito kaso parang wala siyang makapang damdamin dito. Katulad ni Azi, hanggang kaibigan lang din ang tingin niya rito. Natuwa lang siya kanina ng bigyan siya nito ng bulaklak dahil pakiramdam niya maganda siya.
"Alvin, alam mo madaming babaeng magkakagusto sayo dahil bukod sa guwapo ka ay mabait ka pa. Kaso lang hindi pa ako handang magkaroon ng kasintahan ngayon. Gusto ko munang pagtoonan ng pansin ang pag aaral ko ngayon. Saka baka sa susunod na buwan ay lilipat na ako ng paaralan. " Malumanay na paliwanag ni Maria kay Alvin, nakita niya sa mga mata nito ang lungkot.
"Maghihintay ako Maria kung kailan handa ka na, hindi naman ako nagmamadali. Saan ka ba lilipat?"
"Sa Maynila." Tipid na sagot ni Maria. Sa totoo lang ayaw niya itong maghintay pa sa kanya pero sino ba siya para tanggalan ito ng karapatan? Siguro kailangan niya lang itong bigyan ng pagkakataon na mas makilala nila ang isa't isa.
Nakita niya ang pagbuka ng bibig nito para magsalita ngunit naagaw ang pansin nila sa komosyong nangyayari sa paligid kaya napatayo silang dalawa ni Alvin.
"Ano iyon?!"
Narinig ni Maria ang boses ng tita Olga niya. Pabalik balik sila sa taas, akyat baba na ang mga katiwala. Lumapit na si Maria sa mga ito, narinig nila ang kalabugan sa taas.
"Ano pong nangyayari?" Takang tanong ni Maria sa tita niya na nakapamaywang sa baba ng hagdanan.
"Baka raw may nakapasok na magnanakaw dahil may malakas na ingay sa itaas. Mga gamit na sinisira, huwag ka munang umakyat Maria baka magnanakaw nga." Natatakot na saad ni Olga.
Maya maya ay humahangos na bumaba ang lalaking katiwala nila.
"Señora, nanggagaling po ang ingay sa loob ng kuwarto ni Señorita Maria."
Sabay pang natutop nila Olga at Maria ang kanilang bibig, nagkatinginan pa ang dalawa.
"Jusko! Baka nasa loob ng kuwarto ni Maria ang magnanakaw–Maria!"
Hindi pa natatapos ang sinasabi ni Olga ay nakita na niyang nagtatakbo sa taas si Maria kaya tinawag niya ito pero tuloy tuloy lang pag akyat nito sa taas.
Malayo pa lang si Maria ay naririnig na niya ang malakas na ingay sa loob ng silid niya. Nasa labas ng silid niya ang mga katiwala pati na si Terry, hindi kasi nila mabuksan ang silid ni Maria . Kinakabahan siya dahil alam niya kung sino ang nagwawala sa loob ng silid.
***
"Ako na po ang bahala rito."Nahintakutang usal ni Maria sa lahat ng mga katiwalang nasa labas ng silid niya. Nanlaki ang mga mata ng mga ito ng walang kahirap-hirap na binuksan ni Maria ang sariling silid at pumasok. Sinugurado ni Maria na nai-lock niya ang pinto ng silid. Hindi makapaniwala si Maria sa nakikita niya ngayon, parang dinaanan ng bagyo ang loob ng silid niya, napunit ang kumot, ang punda ng unan, ang kurtina ng terrace at madami pang iba. Natutop ni Maria ang bibig at nanlaki ang mga matang napatingin sa kaibigan nitong si Azreal. Puno ng galit ang nakikita niya sa mga mata nito, nakatiim bagang na wari niya'y parang gustong pumatay ng tao. Nalilito siya kung bakit nagawa ito ng kaibigan."A-Azi... " Usal ni Maria sa nanginginig na boses. "Anong ginawa mo?" Dagdag pa ni Maria na halos naitulos sa kinatatayuan. Hindi siya halos makahakbang at lahat ng
Lumipas ang dalawang araw na laging wala sa sarili si Maria, balisa at laging lutang. Napapansin na rin ng mga kasama niya sa Mansyon pati na ang Tita Olga niya. "Maria, kumusta na ang pakiramdam mo?" Masuyong tanong ni Olga sa pamangkin. Kasama niya ito ngayon, dahil araw ng linggo magtutungo sila sa simbahan. Hindi umimik si Maria, nakatingin lang sa labas ng bintana ng kotse.Napabuntong hininga nalang si Olga saka ginagap ang isang kamay ng pamangkin at masuyong hinaplos ito. Inasikaso na niya ang pagluwa
Kinabukasan maagang nagising si Maria para makasalo niya sa umagahan ang Tiya Olga niya. Nagpasya na rin siyang hindi na pumasok sa skwelahan."Anong nangyari sa leeg mo hija?" Nakakunot ang noo na puna ni Olga sa leeg ng pamangkin. Mapula ito at para bang sinakal. Nakaramdam siya ng pag-alala."Allergy lang po ito Tiya, okay lang po ako." Mahinang sagot ni Maria saka yumuko. Napansin din ni Olga na nangangalukmata ang pamangkin, parang magdamag itong walang tulog, siguro dahil na rin sa nangyaring aksidente kahapon."Inayos ko na ang mga papeles mo sa School para makalipat ka na pa-Maynila,hij
Nagsisigaw at pilit na nagpupumiglas si Maria dahil sa kapangahasan ni Azreal sa kanya. Hindi niya hahayaan na magtagumpay ito sa gusto nitong mangyari."Tama na Azi... Pakiusap huwag mong gawin 'to." Umiiyak na pakiusap niya pero nagkunwari itong walang narinig. "Akin ka lang Maria! Akin ka lang!" Singhal nito sa kanya sabay hablot sa natitirang kasuotan niya hanggang sa wala.ng matirang saplot sa katawan niya."HUWAG!" malakas na tili ni Maria rito, puno ng takot ang boses niya. Hindi niya alam kung saan siya kumuha ng lakas dahil nakagalaw ang buong katawan niya. Agad niyang itinulak si Azreal, agad siyang bumangon at nagtatakbo
Napabalikwas ng bangon si Maria mula sa pagkakahiga dahil sa narinig na sigaw. Agad siyang napatingin sa paligid. Nayakap ang sarili dahil sa sobrang lamig. Muli niyang narinig ang malakas na sigaw ni Terry kaya tuluyan na siyang lumabas sa silid pambisita. Agad siyang nagtungo sa silid niya. Kinakabahan, natatakot at nanginginig ang katawan niyang binuksan ang sariling silid.Nanlaki ang mga mata niya ng makitang sinasakal ni Azreal ang personal niyang tagapag-alaga simula bata pa siya."Terry..." Mahinang usal niya, natutop niya ang bibig. Hindi na nakalapat ang dalawang paa nito sa sahig."S-señorita...t-takbo..." Nahihirapan nitong usal. Tumaas pa ang isang kamay nito sa deriksyon n
"Pakiusap detective Roa gawin mo ang makakaya mo para maresolba ang kaso na ito. Na murder ang isa sa katiwala namin, pinagsamantalahan ang pamangkin ko at hanggang ngayon hindi pa namin makausap!" Mangiyak-ngiyak na sabi ni Olga sa isang detective na siyang may hawak sa kaso ni Maria, dalawang araw na ang nakalipas ng matagpuan nilang nakahandusay sa sahig ang katawan ni Terry at nasa banyo naman si Maria, walang malay."Gagawin namin ang lahat Señora Olga para mabigyan ng hustisya ang nangyari." Determinadong saad ni Detective Roa. Matagal na itong nakaalis nanatili pa ring nakaupo sa sala si Olga, palihim siyang umiiyak para sa pamangkin. Inilihim nila ng nangyari kay Maria para hindi ito
Ang liham ni Maria para kay Padre Antonio.Padre Antonio,Nais kong magpasalamat sa inyo dahil ninais ninyo akong tulungan sa kabila ng lahat. Ngayon ay kailangan na kailangan ko ang tulong ninyo. Hindi ko na kaya at nahihirapan na ako sa pagpapahirap sa akin ni Azreal. Pilit pa rin akong lumalaban kahit wala na ang mga taong mahal ko.Nais kong malaman ninyo na pinagsawaan na ako ng paulit-ulit ng isang demonyo. Marumi at nakakasuka na akong babae. Hindi ko lubos maisip na kaya rin palang gawin iyon ng isang
Year 1959Humihingal si Thaddeus na binuksan ang pinto kung saan nanggagaling ang sigaw. Nanlaki ang mga mata niya ng makita ang babaeng hubo't hubad na nakayakap sa sarili, nakasalampak ito sa sahig. On an instinct, agad na nagtungo sa kama si Thaddeus at hinablot ang kumot saka itinakip sa hubad na katawan ng babaeng umiiyak.Thaddeus heart skip a beat when the woman hug her so tight while she's still crying so hard. He can smell her addicting scent and he can feel her body so soft and delicate. Napalunok si Thaddeus sa kakaibang nararamdaman niya. Marami ng babaeng yumakap sa kanya pero kailanman ay hindi siya naapektuhan ng katulad ngayon. "Mahabagin!" Bulalas