Nang mabalitaan naming patay na si Eve, pinuntahan namin nina Dan at Jomari si Alden sa isang presinto sa Tagaytay kung saan siya dinala. Kasama ko si Dan, samantalang nagsabi si Jomari sa pamamagitan ng text message na susunod na lang siya sa amin. Wala kasi siya sa bahay nila nang puntahan ko siya.
Habang nasa biyahe kami ni Dan sakay ng kotse niya, nakatulog ako at nanaginip. Naglalakad ako sa isang building; hindi ko alam kung saan. Sabi ng isip ko, nasa isang hotel ako. Umakyat ako sa hagdanan papunta sa second floor. Naglakad ako sa pasilyo at huminto sa isang silid.
Bumukas ang pinto at nakita ko si Eve, umiiyak.
"Pabayaan mo na kami!" sabi niya. "Mahal ko si Alden!"
Hindi ako na
Lumabas ako ng presinto para magpahangin. Ginusto ko rin noon na pumunta sa Tagaytay, pero hindi sa ganitong pagkakataon. Inisip ko noon na kung may pagkakataong magout-of-town tripkami ng barkada, yung masaya at kumpleto... hindi yung ganito.'Di nagtagal, dumating si Jomari at tinabihan ako."Ok ka lang?" tanong niya."Ok lang," sagot ko, kahit na nagtatampo pa rin ako kay Dan."Sabi ni Dan, sorry raw. Nahihiya siyang lumapit sa iyo kaya ako na lang ang magsasabi. Stressed lang daw kasi siya kaya niya nasabi iyon."Ngumiti ako. "Ok lang," sabi ko. Nagkaroon ng saglit na katahimikan. Tumingin ako sa malayo. Ninamnam ko ang preskong hangin bago ako nagsalita. "Si Laila... si Janine... si Eve... Mayroon pa bang susunod na mamamatay?" tanong ko sa kanya. Pakiramdam ko sasabog na ang dibdib ko! Unti-un
Labinlimang minuto makalipas ang hatinggabi, eksaktong pagdating ko sa presinto, naabutan kong nagkakagulo ang mga tao. Lakas-loob akong nagtanong sa isang pulis na nakasalubong ko."Ano po'ng nangyayari?" tanong ko sa pulis na naabutan kong papalabas."May lalaki roon sa loob, bumula yung bibig. May nakain yatang hindi maganda. Tumawag na kami ng ambulansya," sagot nito.Kinabahan ako bigla. "Si Alden!" isip ko.Nagtangka akong pumasok, pero hinarang ako ng isang pulis at hindi ako pinayagan dahil nga sa nangyayaring komosyon. Sinabihan din ako ng isa pang huwag akong pahara-hara sa daan at ilalabas na yung lalaking nagsuka kani-kanina lang. Tumayo na lang ako sa gilid at hinintay na ilabas nila kung sino man yung tinutukoy nilang lalaking bumula ang bibig."Sana hindi si Alden... Sana hindi si Alden," panalangin ko.Ilang sandali pa, inilabas na nila yung lalaki. Nasurpresa ako nang makita ko kung sino ang inilalabas sa presinto. Hindi nga s
Napatakip siya ng bibig, "Oh my God! Ibig sabihin siya yung sinasabi nilang bumula raw yung bibig? Tinanong ko kasi yung isang pulis, pero hindi niya sinabi kung sino."Tumango ako. "Naabutan ko pa sila kanina kaya kasama ako noong dinala si Dan sa ospital.""Oo nga. Nabanggit ni Dan kanina na umuwi ka raw sa inyo." Nagtanong siya, "Nasaan na si Dan ngayon?""Naiwan sa ospital. Tinawagan ni Jomari yung kapatid ni Dan, pero unattended daw. Ayaw ko sanang iwan si Dan kaso nagpumilit si Jomari na magpahinga raw muna kami.""Si Jomari, nasaan na?" tanong niya."Nasa labas. Sabi ko sandali lang ako rito at may sasabihin ako sa iyo. Hindi maganda ito, Alden. Sa tingin ko, si Jomari, gusto ka niyang lasunin," sabi ko.Nagulat si Alden, "Ano?! Why?"Umiling ako. "Hindi ko pa alam ang motibo niya. Napag-usapan kasi namin sina Laila, Janine at Eve. Sabi niya sa akin, ikaw na raw ang sunod na mamamatay. Kung paano at kailan, hindi niya alam. Si Jude l
Sabay-sabay kaming lumaki nina Jude at Jomari. Kababata ko sila. Laging kinatatakutan si Jude dahil sa mga hula at pangitain niya. Hindi siya kinakaibigan ng iba kasi nagdadala raw siya ng sumpa. Mamalasin daw ang lahat ng lalapit sa kanya. Madalas siyang kinukutya at sinasabing anak siya ng demonyo. Siguro raw pamilya sila ng mga mangkukulam.Si Jomari ang nagtatanggol kay Jude sa mga nanlalait at hindi naniniwala rito. Madalas siyang umuuwing puno ng sugat at pasa dahil sa pakikipag-basag ulo. Madalas siyang pinagagalitan at sinasabihang huwag na lang pumatol sa mga naninira sa kanila para wala nang gulo.Noong lumalaki na kami, nabawasan ang pakikipag-basag ulo ni Jomari. Dumami na ang mga kaibigan niya. Napasama na rin siya sa barkada namin. Nakita kasi ng iba kung gaano siya kabuting kaibigan. Nabawasan na rin ang mga kumukutya kay Jude. Hanggang sa tuluyan na ngang nawala iyon, pero nanatili pa rin ang mga bulung-bulungan. Nakakuha siya ng iilang taga-hanga, pero
Si Eve. Sa kanya patay na patay si Jomari. Ipina-drawing pa nga niya kamakailan lang ang mukha ni Eve kay Jude. Sabi niya, nagkaroon noon ng matinding away sina Eve at Alden, at siya ang nilapitan ni Eve. Siya ang nag-comfort dito.Lingid sa kaalaman ng lahat na nagkaroon sila ng relasyon ni Eve. Ipinadama ni Jomari kay Eve ang tunay na pagmamahal. Kay Eve rin kasi niya naramdaman yung pagmamahal na hindi naibigay nina Laila at Janine. Ibinigay din niya ang "kaligayahan" na hindi naranasan ni Eve kay Alden. Sineryoso niya si Eve, at gusto niyang seryosohin din siya nito. Kaya naman nakiusap siya kay Eve na makipag-kalas na kay Alden at sila na ang magsama tutal mahal naman nila ang isa't isa."Let's make it official," sabi ni Jomari. "Makipag-break ka na kay Alden. Sabi mo, 'di ba, hindi ka na masaya sa kanya?""Sige, gagawin ko iyan," pangako ni Eve."I love you, Eve.""I love yo
Madilim ang paligid. Patay na ba ako? Makikita ko na ba ang mga kaibigan ko? Masasagot ko na ba ang tanong ng mga tao kung maganda ba ang langit? Teka, roon nga kaya ang punta ko? Ganoon ba ako kabuti para pagbuksan ako ng tarangkahan ng langit?Sana... sana hindi pa! Pero paano... paano kung patay na nga ako? Ano ba ang pakiramdam noon? Ayaw ko! Sabi ko kay Alden babalikan ko pa sila ni Dan! Hindi pa ako handang mamatay!"Bianca! Bianca!"Narinig kong pagtawag sa akin. Kanino ang boses na iyon?"Bianca! Bianca, gising!"Pagkatapos ay liwanag. Nabigla ang katawan ko, at napamulat at napabangon ako mula sa pagkakayuko saarmchairng upuan ko. "Huh? Ano'ng nangyari? Nasaan na ako?" tanong ko pa. Nakarinig ako ng pigil na pagtawa. Tiningnan ko ang paligid. Si Jomari, katabi ko."Mag qu-quiz na tayo!" sabi niya."Ha? Quiz?" Nataranta akong kumuha ng papel at ballpen, kasunod noon ang pagtawa niya."Joke lang! Mag-uuwian na, uy!"
"Ano? Bakit tameme kayo riyan?" tanong ko sa kanila. Sa totoo lang, hiningal ako.Nakarinig ako ng pigil na tawa mula kay Jomari. "Ppfftt... Edi ba, drama itong sinulat ni Jude kasi iyon ang mabenta? Bakit parang naging thriller yata?"Tiningnan ko si Jude. Tahimik lang siya, hanggang sa sinambit niya ang, "Brilliant! That is very brilliant, Bianca!"Napangiti naman ako dahil doon. "Talaga?""Oo! Sobra! Bakit hindi mo ako tulungang magsulat?" mungkahi niya.Nabigla ako, "A-ano? Ako magsusulat?"Siniko ako ni Jomari. "Sige na, Bianca, pampalubag-loob mo na lang iyon kay Jude kasi nakatulog ka habang nagbabasa," pamimilit niya na sinundan ng nakakainis na pagtawa. "Grabe, Jude! Ang lakas ng hilik niya kanina parang baboy. Ngork ngork!" pang-aasar muli niya."O siya, siya, sige, para wala nang masabi yung isa diyan," pagpaparinig ko kay Jomari."Sige, babaguhin natin yung story," sabi ni Jude. "Thanks sa ideas, Bianca," pasasalamat
Apat na taon... Ganoon na katagal mula nang iwan ako ng dalawang taong mahalaga sa buhay ko. Hindi ko kinaya nang mamatay si Jomari. Nasanay kasi akong nandiyan siya palagi. Bata pa lang kami, magkasama na kami. Sa mga problema, k