Share

Kabanata 6- Engagement Party

Kabanata 6- Engagement Party

Isang liggo ng nakalipas ng mag Migrate si Andrew sa Canada napirmahan na nya lahat ng paghahati sa kanilang equal share.

Habang sa Pilipinas ang mga empleyado ng Makati Hospital ay nabigla sa narinig na balita.

Dahil ngayon gabi gaganapin ang Engagement Party ng Anak ng Multi millionaire na si Doktora Leah at ang kilalang Quadrillionaire na kilalang business tycoon na si Charles Del Castillo.

Maraming natuwa at naging masaya sa balita pero mas maraming nainggit at nadismaya.

Dahil marami babaeng nagpapantasya sa nag iisang kilalang business tycoon sa buong mundo na si Charles Del Castillo.

At syempre ganun din sa Kilalang doktora at maraming minanang ari arian sa yumao nitong ama.

Sabi ng ibang artista ay Perfect Couple habang ang iba naman ay naiinggit.

Syempre pag Artista Ang putirya ng mga ito ay anak ng mga businessman, may sinabi sa lipunan at ang ibang babae na anak ng mga kasamahan sa larangan ng negosyo ni charles ay lihim na humahanga rito.

At sa hospital nabigla sila sa narinig na balita dahil alam nilang si Doctor Andrew ang alam nilang nobyo nito, sa narinig na balita ay di na sla nagtaka kung bakit nag resigned na at nag migrate ang doctor.

Dahil ikakasal na pala ang doktora ang anak ng may ari ng hospital sa kilalang business tycoon.

At habang nanonod sila ng balita sa kanilang opisina ay pumasok ang assistant ng doktora para mamigay ng invitation sa mga empleyado.

Ang Engagement Party ay gaganapin mismo sa mansyon ng mga Del Castillo, sa Forbes Park Makati.

7pm at Del Castillo Mansion, Ang mga tao ay nag simula ng magdatingan at bumati sa couple ay hindi maiwasang humanga sa suot ng doktora Leah napaka elegante nito sa suot nitong gown na ang gumawa ay walang iba kundi ang kilalang international designer na si Alexander Mcqueen.

Ang Gown nito ay may materyal na 67% koton at 33% polyamide ang gown na ito ay ginawa pa sa Italya, ang pares ng sandal na gawa rin mismo ni Alexander Mcqueen ang suot nitong ternong kwintas at hikaw na diamante ay bumagay sa suot nito.

Kung kekwentahin ang suot nito ay aabot sa dalawang milyong piso.

Kaya maraming humanga sa Doktora ngayong gabi.

Ang lahat ng ito ay pinasadya ni Charles at dahil nalaman nya narin ang sukat ng katawan nito kaya fit na fit ang suot at bumagay na animo mala dyosa ganda ng kanyang mapapangasawa ito ay binagay sa suot nito na gawa din ng kilalang international designer na pinagawa nya mismo.

At Nagsimula na ang Party ng lahat ay naroon na.

Agad bumati ang Couple ng Maraming Salamat sa inyong pagdalo!

Gusto naming ipaalam ang aming nalalapit na kasal ay sa susunod na buwan na.

At makakaasa kayong lahat na pumunta ngayong gabi ay sana ay makakasama rin namin kayo sa mismong araw ng kasal namin na gaganapin sa Europa.

Ang lahat ay nagulat at nabigla dahil sa bilis ng pangyayari.

Naghiyawan, at bumati ng maganda.

At ang iba ay nainggit dahil pangarap nila ito sa kanilang Sarili.

At ang iba ay nagsimula ng Kumain. at iba naman ay Sumayaw kasama ang mga partner nila.

Habang Si Charles ay inalok ng isang Sayaw ang kanyang mapapangasawa.

Matapos ang Sayaw ay binati nila lahat ng bisita at nagpakilala sa lahat ng bisita nila both side.

Pagod at Success ang naramdaman nilang pareho matapos ang gabi ng party.

Magpapaalam na sana si Leah para umuwi sa sariling mansyon ng pigilan ni Charles na dumito nalang sya ngayong gabi at bukas nalang umuwi. tutal naman ay dapat na ito masanay na dito tumira dahil dito na siya titira pag mag asawa na ito.

Kaya Pumayag nalang sya dahil napagod rin siya.

At Siya ay tumuloy sa isang guest room.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status