Share

CHAPTER 5

HOWALD JACOB (HJ)...

Bakasyon nila at wala silang pasok kaya naisipan nilang magkakaibigan na pumunta sa probinsya para maiba naman.

Nagkasundo sila na sa probinsya ng mommy n'ya magbabakasyon dahil maganda ang klima sa lugar na iyon.

Season din ng mga prutas kaya paniguradong marami silang mapagkukunan ng pagkain at hindi sila magugutom sa pupuntahan. Malaki ang farm nila sa probinsya at marami silang mga pananim tulad ng mga iba't-ibang prutas, gulay at kung ano-ano pa.

Palagi na lang sila sa abroad pumupunta tuwing bakasyon at nakakasawa na ang ganong bagay kaya this summer ay sa probinsya ang destinasyon nila para maiba naman.

Nauna s'yang umalis dahil wala na din naman s'yang gagawin sa Maynila at nangako ang ibang mga kaibigan na susunod ang mga ito. Marami silang negosyo sa naturang lugar at nautosan pa s'ya ng mommy n'ya na bisitahin ang mga ito lalong-lalo na ang pinaka sikat na university sa lugar na isa din sa pag-aari nila.

At dahil wala pa sila Red at hindi nakasunod agad sa kan'ya, kaya ang kasama n'ya ay ang mga dating kaibigan n'ya dito sa probinsya. Inaya s'ya ng mga ito na mag bar at dahil wala namang gagawin ay pinaunlakan n'ya ang mga ito.

Ngunit nauwi sa isang gabing pagkakamali ang pagsama n'ya sa mga kaibigan na mag bar. Nagising na lang s'ya kinabukasan na walang kahit anong saplot.

Pilit n'yang inaalala ang nangyari ngunit wala talaga s'yang maalala. Hindi n'ya alam kung paano s'ya napunta sa kwartong ito.

Masakit ang kan'yang ulo at parang umiikot pa ang kan'yang paningin kaya bumalik muna s'ya pagkakahiga ng ilang segundo bago naisipang bumangon.

Nagsalubong ang kan'yang mga kilay ng makita ang pulang mantsa sa bedsheet. Pinadaanan n'ya ito ng kan'yang daliri at naramdaman na tuyo na ang naturang mantsa.

Ngunit hindi s'ya mahimong magkamali, dugo ang mga pulang mantsa na nasa bedsheet.

Sinipat n'ya ang kan'yang katawan kung may sugat ba s'ya ngunit wala naman s'ya may nakita na kahit ano maliban sa mga kalmot na nasa kan'yang braso.

Nagsalubong ang kan'yang mga kilay kung paano s'ya nagkaroon ng mga kalmot.

"Kaninong dugo ang nasa bedsheet?" mahinang tanong n'ya habang nakatingin sa pulang mantsa.

Wala sa sariling napatingin s'ya sa kan'yang pagkalalaki at napagtanto ang lahat ng makita na may mga natuyo ding dugo mismo sa kan'yang alaga.

"Fvck!" mariing mura n'ya ng mahimasmasan. Ngayon ay alam n'ya na kung saan galing ang dugo na nasa bedsheet.

"Damn it! I took her innocence! And who is she? Bakit wala man lang akong matandaan?" sunod-sunod na tanong n'ya sa sarili ngunit wala man lang may nakuhang sagot.

Pagkalabas n'ya ng hotel ng araw na iyon ay hinanap n'ya ang mga kaibigan at tinanong ngunit walang may umamin sa mga ito. Sinubukan n'ya ding alamin kung sino ang babaeng nalapastangan n'ya ngunit walang mga cctv sa lugar dahil nasa probinsya sila.

Mabilis na lumipas ang mga araw at walang nangyari sa paghahanap n'ya sa babae. Kaya tumigil muna s'ya at nagpahinga pero hindi pa rin mawala sa kan'yang isip na s'ya ang nakauna dito.

It was his first time having a real sex with someone. He is already twenty two years old at ni minsan ay hindi pa s'ya nagka girlfriend kaya wala pa s'yang karanasan pagdating sa kama.

Napaisip tuloy s'ya kung anong performance mayroon s'ya ng gabing iyon? Na satisfied n'ya din kaya ang babae? But knowing that she's a virgin malamang ay wala din itong alam kung ano at paano gawin ang ginawa nila.

"Earth to El Frio! Putang'ina ang layo na ng binakasyunan ng isip mo!" sita sa kan'ya ni Red na nakaupo sa kan'yang likuran. Sakay sila ng kan'yang kotse para maglibot sa buong bayan.

Gabi na at wala ng masyadong tao kaya maganda ang gumala sa labas. Nakasunod na sa kan'ya ang mga kaibigan kaya magkasam sila ngayong nagbabakasyon sa probinsya ng kan'yang ina.

Naapakan n'ya ang brake ng sasakyan ng biglang may babaeng tumatakbo na tumawid sa kalsada.

"Fvck!" mariing mura n'ya dahil muntik n'ya na itong masagasaan. Ngunit naintindihan n'ya kung bakit ito tumatakbo nang makita ang grupo ng mga kalalakihan na susundan sana ang babae, ngunit natigil ang mga ito ng bigla n'yang ilabas ang ulo sa bintana at sinigawan ang grupo.

"Hoy! Anong ginagawa n'yo?" malakas na sigaw n'ya sa grupo ng mga lalaki. Mukhang nahintakotan naman ang mga ito ng makita s'ya at nagsitakbo palayo.

Nilingon n'ya ang parte na tinakbuhan ng babae ngunit hindi n'ya na ito makita.

"Hoy El Frio what's your problem man! You're beri-beri bugnutin lately, are you on your period? Or menopausal stage?" si Nicollai na umuklo pa ang ulo sa unahan para silipin s'ya. Sobrang lapit ng mukha nito sa kan'ya at naaamoy n'ya na ang hininga nito kaya agad n'yang pinalis ito gamit ang kan'yang palad para ibaling sa kabila ang ulo ng kaibigan.

"Lumayo-layo ka nga sa akin Evans, ang baho ng hininga mong gago ka!" singhal n'ya sa kaibigan.

"Hoy anong mabaho? Tang'ina mo El Frio nag toothbrush ako kanina no!" angal ng kaibigan sa kan'ya.

"Gumamit ka ba ng toothpaste?" singit ni Spike na kumakain ng dried mangoes na nabili nito kanina sa isang tindahan. Nakaupo ang tatlo sa likod at kung ano-ano ang mga kinakain na akala mo at mga patay gutom.

"Oo naman! Asin ang ginamit kong toothpaste!" sagot ni Nicollai na ikinaubo ni Spike.

"Gago! Kaya pala mabaho ang hininga mo kasi asin ang ginamit mong toothpaste," komento ni Red na busy sa paglalaro sa cellphone nito.

"Hoy pula na walang utak, hindi mo ba alam kung ano ang mga benefits ng asin? It's better than your fvcking fancy toothpaste ok? At sobrang nakakatipid ka pa. Mag research ka din kasi minsan na gago ka, hindi puro laro ng online games!" singhal ni Nicollai dito.

Kinalabit naman ito ni Spike na nasa kabilang side ng binata at nagsalita habang nakalawit sa bibig nito ang isang strip ng dried mango.

"Ako alam ko ang benefits ng asin dude!" mayabang na sabi ni Spike sa kaibigan.

"Ano? Kung masagot mo lahat ng benefits eh di ikaw na ang matalino!" si Red dito.

"Panakot sa mga aswang dude! Kapag lalabas ka sa gabi at kung takot ka sa aswang magdala na ng asin," paliwanag nito sa mga kaibigan.

"Wahhhhhh!" nagulat silang lahat ng may biglang bumulaga sa kanilang sasakyan na isang baliw na babae na sobrang dungis at sabog ang buhok.

"Ahhhhhhhh!" gulat na sigaw ni Spike dahil nasa side nito banda biglang lumitaw ang babae. Dahil sa sobrang pagkagulat ay bigla itong tumalon sa kandungan ni Nicollai na kita din sa mukha ang gulat at biglang napayakap kay Red habang mariin na nakapikit ang mga mata.

Hindi namalayan ng mga ito na nasa gilid pa rin sila ng kalsada nakatigil at hindi pa nakaalis sa hinintoan nila kanina ng may tumawid na babae.

Nagtilian ang mga hayop na kaibigan sa loob ng sasakyan dahil sa pagkagulat ng mga ito sa babaeng baliw.

"Putang'ina n'yo manahimik kayong tatlo!" inis na singhal ni Ashton sa mga ito na nakaupo sa unahan katabi n'ya.

"Morgan may aswang. I'm scared!" madramang sumbong ni Spike na ikinatanggap nito ng isang malakas na batok mula kay Ashton.

"Gago! Mga gago kayong tatlo! Ang lalaki ng katawa—,"

"Waaahhhhhhh!" bulaga ulit ng babae sa side naman ni Ashton kaya hindi nito natapos ang sermon sa tatlo dahil tumalon ito sa kan'ya at mahigpit na nangunyapit.

"El Frio putang'ina patayin mo ang aswang na yan dude! Magkakasakit ako sa heart! Fvck!" si Ashton sa kan'ya sabay yugyog sa kan'yang balikat.

Malakas n'ya itong sinapok sa ulo dahil pa sermon-sermon pa ito sa tatlong kaibigan eh numero uno din pala itong magugulatin at matatakutin lalo na sa usapang aswang.

Mga Comments (26)
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
puro matatakutin pala kayong magkakaibigan sa aswang.........
goodnovel comment avatar
Tria 0911
salamat po Author ...
goodnovel comment avatar
Lie Sore
hahahahha bulaga
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status