"Zimry!" biglang lumakas ang kabog ng aking dibdib nang marinig ang boses na iyon. Lagot!
"Mommy..." Kitang-kita ko ang gulat sa mga mata ni Mommy habang tinitingnan si Angel na gumagapang patayo.
"Who's that girl?" tinaasan niya ako ng kilay. Hindi niya makilala si Angel dahil sa dungis nito.
"Harley's..." hindi ko na natapos ang sasabihin nang biglang dumating si Harley. He stared at me intently bago tinulungang makatayo si Angel.
Kahit na sobrang baho at dumi ni Angel ay wala siyang kaarte-arte kung hawakan ito. Aww! How sweet! Ts.
Nagsi-atrasan kami nang makalapit silang dalawa sa amin. Halata rin sa mukha ni Mommy ang pandidiri. Umaalingasaw kasi ang amoy ni Angel.
"Anong ginawa niyo!" malakas na sigaw ni Harley. Maging si Mommy ay napatakip sa kaniyang tainga.
"Calm down, Harley." Matigas na wika ni Mommy ngunit hindi pa rin nawawala ang galit sa mukha niya.
"No, Tita. Tingnan mo ang ginawa nila kay Angel. Sumosobra ka na talaga, Zimry!" napapairap na lang talaga ako sa sobrang kaartehan nitong si Harley. Kung hindi lang kita mahal...
"Excuse me, Tol. Hinay-hinay ka lang. 'Yang babaeng 'yan ang kusang nagpunta rito. We're enjoying ourselves here tapos aatribida siya? Sinabihan niya ng kung anu-ano ang kaibigan namin. Tinangka niya pa itong saktan. Hindi naman pwedeng tumunganga na lang kami, 'di ba?" sabat ni Nowelle. Nakakuyom na ang kamao nito.
Enjoying ourselves, amp. Parang hindi nga namin siya kasama kanina.
"Pumasok na kayo sa loob. I can handle this." Pagtataboy ko sa kanila ngunit tinaasan lang nila ako ng kilay.
"No way, Zimry. Kilala ka namin. Kahit may pagkademonyita ka, tutuklap at tutuklap ka pagdating sa walang kwentang lalaking 'yan. Ikaw ang pumasok sa loob kung gusto mo." Pinamaywangan pa ako ni Natasha. Halatang galit na rin siya sa nangyayari, hindi na conyo e.
"What's going on? Anong pinagsasabi niyo? Nagpahatid lang ako kay Harley dito para sunduin si Zimry." Naguguluhan kaming tiningnan ni Mommy. Wala pa kasi itong alam sa kung anong nararamdaman ko kay Harley. Hindi nga rin niya alam na naging magboyfriend kami e.
Tiningnan ko ang dalawang nagpapasakit lagi ng ulo ko. Pilit na pinupunasan ni Harley si Angel with his bare hands. Umiiyak naman ang bruha.
"Ipasok mo na si Angel sa loob, paliguan mo na lang siya doon." I'm acting cool but I badly want to cry right now.
"What?" sunud-sunod na reklamo ng mga kaibigan ko.
I should let him go. Tama na. Masyado na akong nasasaktan. Kailangan ko na lang sigurong tanggapin na hindi kami ang para sa isa't-isa. Kaya kahit sa ganitong paraan man lang, makabawi ako sa kanila. Ako rin naman talaga ang nagdala kay Angel sa sitwasyong ito.
Kung hindi ko siya ginawan ng issue, hindi sila maghihiwalay. Hindi sana niya ako ginugulo ngayon, hindi sana palaging galit si Harley. Masaya pa rin sana sila hanggang ngayon.
This is all my fault. And I need is to face the consequences. I need to endure the pain.
"No, umuwi na lang tayo. Baka saktan na naman nila ako." Sabay-sabay kaming napangiwi nang yumakap si Angel kay Harley ngunit hindi niya ito ininda. In fact, niyakap niya rin ito pabalik.
"Buti alam mo." Nakangising saad ni Natasha. Takot na napatingin si Angel sa kaniya lalo na nang umabante ito.
"Let's go home..." pagpupumilit nito kay Harley.
Kawawang lalaki, ang kaniyang puting damit ay naging kulay-kape na.
"Gamit ni Harley ang sasakyan namin. Saan kayo sasakay?" pinandilatan siya ng mata ni Mommy. Sa kaniya ko talaga nakuha ang katarayan. Tsk.
---"Don't worry, this is the last time. I'm sorry for everything.""Siguraduhin mo lang."
That's our last talk since yesterday. Wala silang nagawa kundi ang maglakad pauwi sa dorm ni Angel dahil ayaw ipagamit ni Mommy ang sasakyan namin. Dalawang kanto lang naman 'yon mula rito.
"Nakaya nga niyang lakarin papunta, edi kaya niya ring lakarin pauwi. Babaho lang ang sasakyan, buti kung siya ang maglilinis." Katwiran pa ni Mommy. Hayyy!
Ngayon ang graduation naming tatlo nina Lewisse at Kiz. Bukas pa ang kay Nowelle ngunit ayaw niya kaming samahan, mas gusto pa niyang magmukmok sa apartment. Sumama naman si Natasha sa amin dahil siya ang aming photographer.
"Zimry, smile! You're always nakasimangot. It's your graduation day, not your burol." Pinandilatan ko ng mata si Natasha dahil natuon sa amin ang atensyon ng ibang tao. Bwisit na 'to!
Kaniya-kaniyang picture ang mga tao rito sa loob ng gymnasium. Hindi pa kasi nagsisimula ang ceremony.
"Zimry, dear!" salubong sa akin ni Tita Hera, Mommy ni Harley. Nakipagbeso ako sa kaniya, nagmano naman ako kay Tito Ralf, Daddy ni Harley na nasa likod ni Tita. Nahagip pa ng paningin ko si Harley na mariing nakatingin sa akin, hindi ko na lang siya pinansin.
As much as possible, I don't want to see him anymore. I want to move on.
Kakauwi lang nila ngayong araw galing sa Canada. Kaya nagpaiwan si Daddy at Harley sa bahay para masabayan sila papunta rito.
"Hi po, Tita and Tito." Biglaang sulpot ni Angel.
"Hello, Angel." Tipid lang na sagot ni Tita. Nginitian lang din siya ni Tito pagkatapos ay tumalikod na sa amin upang kausapin sina Daddy at Harley.
"Ang ganda mo talaga!" mahinang hinampas ni Tita ang balikat ko. Tuluyan na niyang hindi pinansin si Angel na nasa tabi ko.
Kitang-kita ko tuloy ang biglang pagbabago sa ekspresyon ni Angel. From angel to devil. Lol!
"I really like your face, dear. Fierce, nakaka-intimidate. Parang ako lang!" She giggled in a sophisticated way.
"Hindi talaga ako fan ng mala-anghel na mukha. Oh! No offense, Angel, ha?" nahihiyang tumango si Angel. Nilingunan niya si Harley ngunit busy pa rin sila sa pag-uusap.
"Correction, wala naman akong problema sa mga mukhang parang hindi makabasag pinggan. Ang ayaw ko lang ay 'yong mga itinatago ang kademonyohan nilang ugali sa kanilang mukha."
"Ahmm... Tita, I have to go na po." Mabilis na umalis si Angel kahit na hindi pa nakakasagot si Tita.
"Hindi ko alam kung bakit nagustuhan 'yon ng anak ko. Tsk."
"Tita, you're so rude!" suway ko sa kaniya ngunit nginisihan niya lang ako.
Hindi ko alam kung anong ginawa ni Angel sa kaniya para ayawan niya ito. Dahil mag-bestfriend sina Tito at Daddy, naging magkaibigan na rin si Mommy at Tita. Mas lalo pang nag-click ang pagkakaibigan nila dahil pareho sila ng ugali.
Silang dalawa yata ang nagturo sa kamalditahan ko.
"Mommy, where's Angel?" tanong ni Harley. Lumapit na rin sina Mommy, Daddy, at Tito sa gawi namin.
"Nasa impyerno." Mahinang wika ni Tita na ako lang yata ang nakarinig. Sabay pa kaming tumawang dalawa. Nakuha pa naming makipag-apir sa isa't-isa kahit na gulong-gulo na si Harley sa inaasta namin.
"Mommy?" medyo iritang tawag ni Harley kay Tita. His jaw clenched.I don't know why I suddenly feel overwhelmed when his dark eyes gazed on me. He watched me sharply, with his lips pursed.The oveflowing warmth I am feeling right now is just too much. I sighed when I realized that I got lost with his stare. Iniwas ko ang tingin sa kaniya dahil paniguradong mukha na akong tanga rito sa kinatatayuan ko."I don't know." Kibit balikat na sagot ni Tita. She tapped my shoulder and raised her brows."Bakit namumula ka? Are you fine?" tanong niya.Muli akong napatingin kay Harley na hindi pa rin binibitawan ang tingin sa akin. His lips protrudes slightly. I can see the ghost of a smile but eventually it faded as he turned his back on us. Hindi man lang siya nagpaalam, kahit sa kaniyang mga magulang.Angel before anything else, huh?"You should seduce Harley, Zimry. Ikaw lang ang gusto kong maging daughter-in-law," saad ni Tita nang makalayo
My brows furrowed a bit and pursed my lips. He's too much to handle. What kind of a jerk! Hindi ako sumunod sa gusto niya. I went to my friends instead. I will not be fazed by his looks or his actions!"You're supposed to be masaya, 'di ba?" Natasha sarcastically said. I glared at her when she tried to take a picture."Stop it, Natasha! I'm not in the mood." Padarag akong umupo sa tabi ni Lewisse na tahimik lamang na ngumangatngat ng bigas. Kinakalabit pa nito ang kaniyang Lola para bigyan ngunit umiiling lang ang matanda. Samantalang ang Lolo niya ay tahimik lang din na kumakain ng bigas habang nagmamasid sa paligid. May pinagmanahan si Lewisse!"Smile! Three, two, one!" sigaw na naman ni Natasha. Wala tuloy akong nagawa kung hindi ang ngumiti.Hahanapin ko na sana kung nasaan si Kiz pero namataan ko sila ni Jordan sa isang sulok. Seryosong nakatingin lang ang kaibigan ko sa tumatawang Jordan. What's really their score?"Why are you so nakasimango
"Ilang araw kayo sa Manila, anak?" tanong ni Daddy sa akin habang sumisimsim ng wine.May kaunting salu-salo ngayong araw sa bahay. Hindi ko sinang-ayunan ang suhestiyon ni Mommy at Tita Hera na magpaparty ng bongga para lang sa graduation namin ni Harley.I prefer simple gathering, same with Harley. Medyo marami pa rin namang tao ang naimbitahan ngayon dahil bukod sa mga kamag-anak namin ay naimbitahan din ang aming mga tauhan sa bukid maging ang kanilang pamilya. And Harley's extended family is not in the Philippines.I invited Lewisse and her grandparents yesterday too but they declined. May salu-salo rin daw sa kanila. I missed hanging out in their house. Kailan na ba kasi ang huling punta ko roon, first year college?"I don't know yet, Dad. Siguro isang linggo lang." Kibit balikat na sagot ko.Why is he asking? Sanay naman siyang wala ako palagi sa bahay. O siguro, gusto na niya akong pagtrabahuhin agad sa bukid?Ugh! I still can't imag
"Aanak-anak sila ng maganda tapos ayaw nilang payagan na gumala? Hayyy na ko!" Lewisse sighed heavily. Ibinagsak niya ang kaniyang bag sa kamay ng robot na umaalalay sa amin. Ang gara ng babaeng 'to! Hindi na nahiya sa mga magulang ni Nowelle.Kakarating lang namin dito sa Manila. Hindi naman gaanong kahaba ang biyahe ngunit dahil ang dami kong ganap kahapon ay parang pagod na pagod ako ngayon."Hi, girls! You can sleep na muna so you can rest. Natasha, can you hatid your friends to their room? Nowelle, come with me. And Kiz, are you going to uwi later? Or you will sleep here?" Wow! Now I know, may pinagmanahan si Natasha sa ka-conyohan niya. Lol!"I'm going home later po, Tita. Doon din naman sila sa bahay bukas, kaya okay lang po." Kiz smiled politely, ngunit agad ding lumipat ang atensyon niya sa kaniyang cellphone na tumutunog na ngayon."A-ahm... excuse me. I need to take this call," paalam niya't patakbong pumasok sa elevator. Pero dahil likas
We spent one week in Manila for our vacation. Kakauwi lang namin dito sa Tuguegarao. We're all exhausted kaya dumeretso na muna kami sa apartment para rito magpahinga. I opened my cellphone while resting on Natasha's lap. Nakaupo siya sa sofa, and busy chatting someone on her phone. Naririnig ko ang munting tawa niya pero hindi ko na lang pinakealaman. Nakahiga rin si Kiz sa isa pa naming sofa sa sala, at mukhang tulog na. Samantalang si Lewisse ay nasa CR, kanina pa kasi nagrereklamo ang tiyan niya. Kung anu-ano na naman yata ang kinain kanina. Kunot noo akong napabaling sa aking cellphone na sunud-sunod ang pagdating ng messages. Hindi ko sinubukang buksan ito noong nasa Manila kami dahil sa sobrang busy. Tinatawagan lang ako nina Mommy gamit ang tracker watch. I have it on my wrist, they can call me using a watch too or a phone. Nakikita nila kung nasaan ako at kung anong ginagawa ko. We can also do face time as long as I accept their request.
"That's too bad, Harley. You can't fool me anymore." Marahas kong tinabig ang kamay nito at padabog na tumayo.I lost my appetite. I need to get out of here, I need to be alone, and think.Dahil kahit gaano ako karahas sa kaniya, alam kong titibag at titibag pa rin ako."Tapos ka na, iha? Hindi pa nangangalahati 'yang kinain mo, ha?" takhang tanong ni Tatay Domi."Nawalan na po ako ng ganang kumain. Sige lang po, kain lang po kayo. Uuwi muna ako sa bahay," paalam ko at tumalikod na. Hindi ko na sila hinintay pang sumagot. Dire-deretso akong umalis kahit na rinig ko ang tawag sa akin ni Harley."Zimry!" Binilisan ko pa ang lakad dahil ramdam kong aabutan na niya ako."What the f*ck, Harley! Can you just stop?" asik ko sa kaniya nang maabutan niya nga ako at hinablot ang aking braso."Stay the f*ck away from me!" mukha na akong baliw sa pagwawala rito. Ilang beses kong iwinasiwas ang aking kamay hanggang sa nabitawan niya it
Agad naglaho ang ngiti ko nang tinalikuran ko na sila. I sighed heavily before walking away. Sobrang gulo na ng utak ko. Para bang kumawala ang isang turnilyo at bigla na lang sumabog ang lahat ng laman nito.Tsk! This is too much. F*ck you, Harley!Sa layo na ng nilakad ko ay hindi pa rin tumigil ang sakit. Naging manhid ako sa init na natatamo galing sa araw. At kahit panay ang tahol ng mga aso sa paligid sa akin ay wala na akong paki-alam. Parang gusto ko na nga lang ibigay ang isang binti ko para manahimik na sila, at baka sakaling manahimik na rin ang utak ko.---"Mabuti na lang at tumawag si Tita sa amin. What happened?""I hate seeing you like this, Zim.""Tol, baka nakakalimutan mong kaibigan mo kami?""Hindi pa ako patay, Lewisse." Mahina kong saad habang pilit na inilalayo si Lewisse sa akin. Nakapulupot kasi siya sa tiyan ko habang umiiyak."Eh! Kasi naman...""Baka sobrang nag-alala 'yan, sa'yo." Ani ni
"Umuwi na ba si Johan, anak?" sabay pasada ng tingin ni Mommy sa aking mukha.Nakangiti akong tumango sa kaniya habang nginunguya ang aking pagkain. Nakalatag ang maraming pagkain at ibat-ibang flavor ng juice sa aming lamesa, parang may pista rito sa bahay, apat lang naman sana kaming kumakain ngayon ng almusal.Dito natulog ang aking mga kaibigan ngunit umuwi rin kaninang madaling araw. Isang araw lang daw kasi ang pwede nilang iliban sa mga trabaho nila. Hay! Adult life.Gusto sanang manatili ni Johan dito ngunit natakot sa sobrang sama ng tingin ni Harley sa kaniya nang nagpaalam kina Mommy.Nag-inuman kami sa kwarto ko kagabi, at dahil nga lasing na lasing si Johan, napaamin ito ni Nowelle na isa siyang bakla. Lahat sila ay nabigla maliban kay Nowelle na agad nakahalata sa una pa lamang nilang pagkikita.Hindi ko alam kung matatawa ako nang biglang umiyak si Johan at lumuhod sa harap ng apat, parang biglang nawala ang kalasingan ni