Share

CHAPTER 6 - DID HE SAY, WIFE?

Samantala sa bahay ng mga Espinosa, mahigit isang oras na ang lumipas ngunit hindi parin tumitigil sa pagwawala si Jeanly. Kahit mga magulang niya ay walang nagawa kundi ang tingnan na lamang siya habang hinahagis ang lahat na mga kagamitan na madadampot niya sa loob ng kanilang bahay. Ala-una na ng madaling araw nang dumating ito mula sa Twilight Disco Bar na palagi niyang pinupuntahan tuwing gabi. Sa tuwing umuuwi siya laging si Jayna ang hinahanap niya upang magtimpla sa kanya ng kape, tuwang-tuwa siya kapag ang kapatid ang inuutusan niya, ngunit nagtaka siya dahil ngayong gabi hindi na niya nakita si Jayna. Agad niyang tinapon ang kape ng mapansin na katulong nila ang nagtimpla nito para sa kanya.

“Jeanly! anak, tama na yan, huminahon ka, naubos mo na ang lahat ng mga gamit natin sa loob ng bahay!” saway sa kanya ni Mayor Enrique habang dahan-dahan na lumalapit ito sa kanya.

“Ahhh! Kasalanan mo ito daddy! Bakit si Jayna pa ang pinili mo para ibenta doon kay Allaric, alam mo naman na matagal na akong may gusto sa kanya!” singhal ni Jeanly sa ama, at hinagis muli ang vase na dinampot niya mula sa center table ng kanila sala.

"Anak, pwede pa naman nating puntahan mamaya si Boss Allaric, at sasabihin ko sa kanya na ikaw na lang ang ipalit sa kay Jayna. Kung alam ko lang na gustong-gusto mo ang halimaw na yun eh di sana ikaw na lang ang binigay ko dahil ayaw naman ni Jayna sa kanya.

"Siguraduhin mo lang na papayag si Allaric, dahil kung hindi, papatayin ko talaga ang babaeng yun! Ahh, kumukulo talaga ang dugo ko sa kanya!"

"Oo sige na anak pumasok ka na sa kwarto mo at magpahinga, mag-uusap pa kami ng daddy mo."

Agad namang tumalima si Jeanly na pumasok sa kanyang silid at padabog na sinara ang pinto.

Galit na binalingan ni Mildred ang asawang alkalde na ngayon ay namamawis na sa sobrang pagkabalisa. Naramdaman niyang hindi nito kaya na paki-usapan si Boss Allaric.

"Enrique, bakit ka na naman nangako sa anak mo gayung hindi mo pa alam kung papayag si Boss Allaric sa gusto mong mangyari!?

"Susubukan ko pa rin Mildred, baka sakaling papayag din siya."

"Baka sakali? Enrique nakalimutan mo na ba? Malaki ang kasalanan ni Jeanly dahil pinatay niya ang tauhan ni Boss Allaric! Alam mo kasalanan mo rin to eh, hinayaan mong magdala ang anak mo ng baril kahit saan! Tingnan mo ang nangyari, eh di sumasakit ang ulo natin ngayon!"

"Mildred pwede ba, huwag mo akong sigawan! Hindi na ako makapag-isip ng maayos dahil sa kangangalngal ng bunganga mo! Kaya ako pumayag sa anak mo na siya ang ipalit natin dahil matagal na silang magkakilala ni Boss Allaric! May posibilidad na mapapayag natin siya dahil si Jeanly naman talaga ang dapat magbayad ng kasalanan niya!

"Ano!? At ipapahamak mo ang anak natin? Kilala ang lalaking yun sa pagiging halimaw! Sa tingin mo hindi niya pahihirapan si Jeanly!"

" Ganun din yun Mildred! Anak din natin si Jayna, kaya walang pinagkaiba kung ipalit natin si Jeanly sa kanya!"

"Malaki ang pinagkaiba Enrique, dahil may sakit sa puso ang anak nating si Jeanly, samantala si Jayna wala siyang sakit, at isa pa kaya niyang lumaban kung pinapahirapan siya ni Boss Allaric!"

"Hayaan mo na muna ako sa desisyon ko Mildred. May omiba akong plano, kapag nagawang palambutin ni Jeanly ang puso ni Allaric, magiging mayaman na tayo!"

Nagpupuyos sa galit si Midred dahil hindi na niya mababago pa ang desisyon ng kanyang asawa.

**

Samantala, nagising si Jayna dahil sa mga magkasunod na putok ng baril na nagmula sa labas ng mansion.

Bang! Bang!

Muli na naman siyang nasindak dahil sa mga putok. Mabilis siyang bumangon at sumilip sa bintana ng kanyang silid. Agad niyang tinakpan ng kanyang dalawang kamay ang kanyang bibig upang pigilan ang sarili na mapasigaw.

Halos lumuwa ang kanyang mga mata ng makita ang dalawang lalaki na nakahandusay na sa lupa. Samantalang ang dalawa pang lalaki ay nakaluhod habang nakatali ang mga kamay sa kanilang likuran. Sa harapan nilang dalawa ay nakatayo si Allaric na may hawak na baril habang nakatutok ito sa kanilang ulo. Sa tabi nito ay nakatayo ang kanyang underboss na si Troy at may hawak itong hunting knife.

"Boss Allaric maawa po kayo, nagsasabi po ako ng totoo."

"Sino nag-utos sa inyo na sunugin ang isla ko huh? Sagot!"

Nang makitang hindi pa rin sumasagot ang lalaki ay muling binaril ni Allaric ito sa ulo.

Bang!

Napapikit si Jayna dahil sa nasaksihan ng kanyang dalawang mata. Nanginginig ang kanyang buong katawan at hindi niya namalayan ang pagbagsak ng kanyang mga luha. Anong kapalaran ang naghihintay sa kanya sa piling ng lalaking ito na kahit kaunting awa ay walang natira sa puso nito?

Muli siyang nagdilat ng kanyang mga mata at nakita niyang ang isang lalaki naman ang tinutukan nito ng baril.

"B..boss huwag po, may mga anak ako, aamin na po ako sa inyo Boss, huwag nyo lang akong patayin." Umiiyak na wika ng lalaki na nasa trentay singko lang ang edad.

"Magsalita ka!" Sigaw ni Allaric at halatang naubusan na ito ng pasensya.

"Si..si Niel Montenegro po,"

Ganun na lang ang pagkasindak ni Jayna ng marinig ang pangalan ng kanyang nobyo. Nagtataka siya bakit siya ang tinuturo ng lalaking ito na mastermind sa pagtangkang pagsunog sa Isla.

Mabilis ang kanyang mga hakbang na lumabas ng kanyang silid at patakbong tinungo ang kinaroroonan nina Allaric.

"Sandali, gusto ko siyang makausap,"

Agad na nagkasalubong ang dalawang kilay ni Allaric ng marinig ang sigaw ng dalaga. Galit niya itong binalingan.

"Sinabi ko bang lumabas ka!? Bumalik ka sa loob!" Singhal niya dito at senenyasan si Troy upang dalhin ang dalaga sa loob ng mansyon.

Subalit hindi hinayaan ni Jayna na mahawakan siya ni Troy. Bagkus ay humarap pa siya lalo sa lalaki na nakaluhod at tinanong ito.

" Bakit mo binanggit ang pangalan ni Niel? Kilala ko ang boyfriend ko, kailanman hindi niya magawang utusan ang mga taong katulad mo upang gumawa ng masama"

Napatingin sa kanya ang lalaki at tumawa ito ng nakakainsulto.

"Nagkakamali ka kung ganun. Dahil kung Demonyo si Boss Allaric, mas demonyo si Boss Niel. Siya ang nag-utos sa akin upang sunugin ang islang ito, dahil galit na galit siya kay Boss Allaric."

"Hindi totoo yan! Mabait ang boyfriend ko! Hindi niya magagawa ang sinasabi mo!"

Nang makita ni Allaric na parang lalabas na naman ang tantrum ni Jayna, agad na niya itong binuhat na parang bata at sinampay muli sa kanyang balikat. Binalingan niya si Troy ng makahulugang tingin.

"Ikaw na ang bahala sa kanya! Siguraduhin mong makarating sa Boss niya ang mensahe."

Agad na niyang tinalikuran si Troy at bumalik sa loob ng mansyon.

"Sandali, Bitiwan mo ako, ano ba!"

Kahit anong sigaw ni Jayna, parang walang narinig si Allaric. Patuloy pa rin ang kanyang mga hakbang patungo sa kanyang silid.

Galit niyang hinagis ang dalaga sa kama niya. Hindi niya alam sa kanyang sarili kung bakit naiinis siya sa tuwing binabanggit nito kanina ang kanyang boyfriend. Mas lalong kumukulo ang dugo niya dahil pinagtatanggol pa talaga nito ang kanyang boyfriend sa harapan niya.

Namumula ang kanyang mga mata sa galit na tumingin sa dalaga habang nakaibabaw siya dito. Bumaba ang kanyang mga tingin sa nakaawang na mga labi nito na parang kay sarap halikan ngunit nanggigil siya at gusto niya itong parusahan.

"Why do you always measure my patience, woman, huh?" Madiin niyang pagkakasabi sa dalaga.

Langhap na langhap na naman ni Jayna ang nakakahumaling na fresh aroma na nanggagaling sa hininga nito lalo pa't ilang inches na lang ang distansya sa pagitan ng mga labi nila ng binata.

"Hindi ko alam ang pinagsasabi mo!" Singhal niya dito at pilit ibinabaling ang kanyang ulo upang iwasang muli ang mga magpagparusang halik ni Allaric.

"I don't want to hear your boyfriend's name come out of your mouth again. Since I bought you, you're already mine. Only mine,"

Hindi paman siya nakasagot ay agad na nitong tinawid ang pagitan ng mga labi nila. Akala ni Jayna, isang mapagparusang halik na naman ang ipapatikim nito sa kanya, ngunit hindi niya inaasahan na isang napakasarap at hindi malilimutan na halik ang iginawad nito, dahilan upang sa unang pagkakataon, nakalimutan niyang lumaban, mas lalo niyang ninamnam ang sarap ng mga halik nito na kahit sinong babae ay gustong matikman.

Ang dahan-dahan na halik sa umpisa ay mas lalong lumalim ng maramdaman ni Allaric na gumaganti na rin ang dalaga sa mga halik niya. Ngunit sa kalagitnaan ng kanilang pagpapalitan ng halik muli na naman niyang naalala ang boyfriend nito kaya niya kinagat ang labi ng dalaga bago ito bitawan.

Napaawang ang labi ni Jayna ng matauhan siya, sandali silang nagkatitigan ng binata, at kapwa ng-usap ang kanilang mga mata.

" You don't know what you got yourself into, woman. Because from the moment you laid down in my bed, you admitted that you were ready to be my wife. Just to let you know that you are the only woman who entered my room which was supposed to be for my future wife."

Matapos sabihin yun ay agad ng lumabas si Allaric sa kanyang silid at iniwan si Jayna na hanggang ngayon ay nakatulala pa rin habang nakatingin sa kawalan.

Ngayon pa lang nahimasmasan si Jayna, nang marinig niya ang padabog na pagsara ng pintuan ng silid ni Allaric. Nagbuga siya ng hangin, pilit pinapakalma ang sarili, hindi niya alam kung paano nakontrol ni Allaric ang tantrums niya kanina. Nadadarang siya sa masarap na halik nito, at kahit ngayon ramdam niyang nalulunod pa rin siya sa ulap.

Bigla siyang napabalikwas ng bangon ng maalala ang sinabi ng binata bago lumabas ng silid.

" Did he say, wife?"

Comments (3)
goodnovel comment avatar
Cherry Liza M. Cariño
ang ganda,galing ng author
goodnovel comment avatar
emzbranzuela
futre wife kna daw Jayna, naku sarap ng halikan nyo kc nagselos si alaric sa bf mo
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
wow na wow saludo ako sayo author.........
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status