This story is RATES SPG‼️
Not suitable for young readersand SENSITIVE readers ‼️READ AT YOUR OWN RISK ⚠️[Apol]Napanganga siya habang nakatingala sa gusaling nasa harapan. Hindi niya akalain na napakalaki at napakataas naman pala ng gusali na kanyang pag-aapplyan.Ang taas at napakalaki ng gusali. Mukhang hindi ito pipitsuging kumpanya katulad ng inaasahan niya.Isang kaibigan ang nagrekomenda sa kanya na mag-apply rito. Ayon sa kaibigan niya, malaki ang magiging sahod sa kumpanyang ito. Kaya't agad siyang pumayag dahil kailangan niya ng pera para sa ate niyang malapit ng manganak at mayro'ng heart disease.Binigyan siya ng kaibigan niya ng isang Gold Card. Gamitin daw niya ito sa pag-aapply para agad siyang matanggap. Pwede daw bumale ng malaking pera kapag natanggap siya kaya sinunggaban niya ang oportunidad na ito. Sabi pa ng kaibigan niya, daig pa niya ang nangibang bansa kapag nakapasok siya rito.Napakamot siya sa ulo.Mukhang sosyalin naman ang lugar na ito. Pwede kaya ang tulad niya rito?“Ano ka ba naman, Apol. Syempre pwede ang kahit sino basta pursigido at masipag sa trabaho!" Pagpapalakas niya ng kanyang loob.Inayos niya ang suot na lumang blouse at pinagpag ito para alisin ang alikabok, inayos din niya ang pagkakatuck-in nito sa slacks niya na kulay itim. Medyo may kalumaan man dahil nabili lang niya ito sa ukay-ukay ay mainam na ito kaysa ang wala. Pati nga ang flat shoes na suot niya ay masikip pa dahil luma na at pinagliitan pa niya. Magmula ng lumayas ang nanay nila dalawang taon na ang nakakaraan at sumama sa ibang lalaki ay lalo silang naghirap ng ate niya. Huminto sila sa pag-aaral at ang ate naman niya ay nabuntis at iniwan ng kasintahan. Ngayon nga ay nagdadalantao ito at may sakit pa sa puso.Siya nalang ang aasahan ng ate niya ngayon. Nahihirapan man siya hindi naman niya pwedeng pabayaan ito. Mahal na mahal niya ang kapatid niya kaya gagawin niya ang lahat para dito.Bente anyos na siya pero wala parin pagbabago sa buhay nila. Kahit ano ang kayod nilang magkapatid ay walang pagbabago, mas mahirap parin sila sa daga. Sinubukan naman niyang mag-apply ng trabaho pero hindi naman siya natatanggap dahil hindi naman siya nakatuntong ng kolehiyo. Kaya nga nang inalok sa kanya ang trabahong ito ay agad niya itong tinanggap. Hindi daw kasi rito humahanap ng mataas ang pinag-aralan. Basta may hawak na Gold Card ay sigurado daw na makakapasok siya."Ay kabayo!" Napahawak siya sa dibdib ng muntik na siyang masagasaan ng isang kulay itim na sasakyan."Grabe, nakita naman na may tao pero hindi man lang huminto." May iba talagang mayayaman na walang modo. Kahit makasakit ay walang pakialam. Napailing nalang siya bago naglakad papasok sa gusali, pero hindi pa man niya naitatapak ang paa sa entrance ay agad siyang hinarang ng mga gwardiya."Miss, pasensya na pero hindi kayo pwede dito." Tiningnan siya ng mga ito mula ulo hanggang paa. "Sa tingin namin ay naliligaw ka lang. Hindi rito ang botika, Miss." Sabi pa ng mga ito na bahagya pang tumatawa.Botika? Eh hindi naman siya bibili ng gamot."Hindi po ako mali ng pinuntahan mga manong guard. Mag-a-apply po kasi ako rito." Dinukot niya ang gold card na nasa bulsa at pinakita sa mga ito. Imbis tingnan ito para suriin ang hawak niya ay mas lalo pang nagtawanan ang mga ito."Peke naman 'yan, Miss. Marami na ang gumawa nang ganyan. Mayayaman pa at kilala sa lipunan. Sila nga ay nagpanggap lang na may ganyan, ikaw pa kaya na," Muli ay pinasadahan siya ng isang gwardiya nang may pang-iinsulto habang umiiling-iling pa ito. "Ikaw pa kaya na mukhang... walang sinabi sa buhay."Lalo siyang nanliit sa tingin nito. Damang-dama niya ang pang-iinsulto sa kanya. Kung makaasta ang mga ito akala kung sino. Hindi ba pwede na magsalita at tumingin ng walang halong pang-iinsulto? Ganito ba talaga ang karamihan sa mga tao? Kapag alam nilang mas mababa ka ay titingnan ka nila na parang aso.Lagpag ang balikat na tumalikod siya. Ayaw niya makipagtalo dahil alam niya na hindi naman siya mananalo."Miss, naiwan mo ang pekeng card mo!" Tawag ng isa sa mga gwardiya ng malaglag niya ang card na dala.Paglingon niya, dinampot agad ng gwardiya ang gold card na dala niya na nasa lapag. Lumapit siya para kunin ang card, ngunit biglang natigilan— Namumutla na ang mga ito habang nakatingin sa kanya. Nalaglag pa sa kamay ng gwardiyang tumingin sa kanya ng may pang-iinsulto ang card na hawak.Ang kaninang pang-iinsultong tingin ng mga ito ay napalitan ng takot at pangamba. Wala naman siyang ginagawa, kaya bakit parang natakot ang mga ito?"P-Pasensya na! Nagkamali kami, Miss! H-Humihingi kami ng tawad sa kagaspangan ng pag-uugali namin!"Nabigla siya nang sabay lumuhod ang mga ito sa harapan niya, habang nanginginig pa ang katawan.Ibig bang sabihin, hindi peke ang Gold Card na binigay sa kanya ng kaibigan niya? Nabuhayan siya ng loob. Akala niya uuwi siya nang malungkot ngayon. Ang swerte niya, mukhang magkakatrabaho na siya. Tama nga ang kaibigan niya, basta hawak niya ang gold card, wala siyang magiging problema.Tinanggap niya ang paghingi ng pasensya ng sampung gwardiya sa kanya. Hindi naman siya mapagtanim ng sama ng loob. Ang importante ay hindi siya uuwi nang bigo.Sinamahan siya ng mga ito sa receptionist, na mayro'ng tinawag sa telepono.Hindi kaya ang magiging amo niya ang kausap nito? Napansin niya kasi na sobrang galang ng receptionist habang nakikipag-usap rito, at animo'y takot. Kinabahan tuloy siya. Hindi pa man siya nagsisimula, kinakain na ng kaba ang dibdib niya.Sana ay mabait ang magiging amo niya. Mas nakakagana kasing magtrabaho kapag mabuti ang amo."Pwede ka nang umakyat sabi ni Miss Carol, Ma'am. Hihintayin ka nila sa itaas." Magalang na sabi ng receptionist, at yumuko pa sa kanya.Ang galang naman nito at ang bait pa. Ngumiti siya rito at nagpasalamat, ngunit hindi man lang ito natinag sa pagkakayuko, hanggang sa makaalis siya.Mukhang nagsisisi talaga ang mga gwardiya dahil hinatid pa siya ng anim sa isang elevator na mayro'ng nakalagay na VIP. Katulad ng sinabi ng receptionist, mayro'n daw naghihintay sa kanya sa itaas.Hindi kaya ang maglinis ng pinaka-rooftop nitong gusali ang magiging trabaho niya? Wala naman kasing binangggit ang kaibigan niya kung ano ang trabaho niya rito. Basta ang sinabi nito ay tanggapin na lang niya kung anuman ang ma-assign sa kanya. Hindi naman siya namimili ng trabaho. Kahit mahirap pa ay tatanggapin niya basta malaki ang sahod at marangal.Nang bumukas ang elevator, agad siyang lumabas. Sumalubong sa kanya ang isang matandang babae at napakaraming kalalakihan.Mabilis na nagbilang siya sa isip. Isa. Dalawa. Tatlo, bale benteng kalalakihan ang narito.Mukhang nag-aapply din ang mga ito ng trabaho dahil nakasuot pa ang mga ito ng kulay itim na suit at mga leather shoes. Ang pormal ng kasuotan ng mga ito, samantalang ang suot niya ay luma at medyo kupas pa. Di bale, balang araw ay makabili din siya ng bagong damit nila ng ate at magiging pamangkin niya. Kailangan lang niya munang magtiis sa ngayon.Napansin niya na siya lang ang babae rito bukod sa matandang babae? Wala bang nag-apply na babae bukod sa kanya?Nabigla siya ng lumapit ang lahat sa kanyang harapan at sabay na nagyukod. Mukhang isa ito sa patakaran sa gusaling ito, ang yumukod sa mga tao. Katulad ng ginawa ng mga ito, yumukod din siya, mas matagal pa kumpara sa pagyukod ng mga 'to.Nag-angat siya ng tingin ng tumikhim ang matandang babae kaya napatayo siya ng tuwid. Mukha kasi itong istrikta. Sa palagay niya ay nasa singkwenta na ang edad nito. Nakakatakot ang tingin nito lalo pa't manipis ang kilay nito na tila iginuhit lamang gamit ang ballpen. Kamukha ito ng mga masusungit na madrasta na napapanood niya sa mga palabas noon.Ito yata ang Miss Carol na sinasabi ng babaeng receptionist kanina."Ilang taon ka na?" Tanong nito ng walang kangiti-ngiti sa labi."Bente po." Magalang na sagot niya. Tumango-tango ito at pinasadahan ang kabuohan niya. Walang pang-iinsulto ang tingin nito sa kanya, tila sinusuri lang siya."May genetic disease?""Po?" Napalunok siya ng tumingin ito sa kanya ng seryoso na para bang sinasabi na 'sumagot ka na lang."Wala po." Pagsasabi niya nang totoo. Hindi niya alam kung ano ang kinalaman ng tanong nito sa magiging trabaho niya. Basta ang mahalaga ngayon ay magkakatrabaho na siya at magkakapera."Mabuti naman." Ani ng matanda habang tumatango-tango.Yumukod muli ito kaya yumukod din siya. Pag-angat niya ng tingin ay nakita niyang tumingin ito sa mga kalalakihan at tumango."Dalhin na siya." Utos nang matanda.Lumingon siya sa kanyang likuran. Sino ba ang dadalhin— Nanlaki ang mata niya ng hawakan siya ng mga kalalakihan sa kanyang magkabilang braso."S-Sandali! S-Saan niyo ako dadalhin? B-Bitiwan niyo ako!" Kinain siya ng takot ng sinimulan siyang hilahin. Sinubukan niyang magpumiglas ngunit hindi siya makawala sa pagkakahawak ng mga 'to.Saka lamang niya napansin ang isang chopper sa may dulo. Mukhang balak siyang dalhin sa ibang lugar dahil tinutumbok nila ang kinalalagyan nito.'H-Hindi kaya mga sindikato ito na kumukuha ng mga lamang-loob ng tao?'Lalo siyang natakot sa naisip niya at mas nagpumiglas pa. Panay ang sigaw niya at hingi ng saklolo subalit mukhang walang nakakarinig sa kanya dahil tila bingi ang mga ito sa pagmamakaawa niya."Parang awa niyo na, pakawalan niyo ako—" Natigil siya sa pagsigaw ng mayro'ng tela na itakip ang isang lalaki sa kanyang ilong. Unti-unti ay nanlabo ang kanyang paningin kasabay ng pagtulo ng kanyang luha sa mata.(Ang story na ito ayACTION-ROMANTIC-COMEDY♥️)This story is RATES SPG‼️ Not suitable for young readers and SENSITIVE readers ‼️READ AT YOUR OWN RISK ⚠️ [Apol]Agad na bumangon siya nang magising."Nasaan ako?" agad niyang kinapa ang sarili. Nakahinga siya ng maluwag nang makitang walang sugat at buo pa ang katawan niya."Hay, salamat naman at buhay pa ako," isip-isip niya.Nilibot niya ng tingin ang paligid, walang ibang tao bukod sa kanya. Kinapa-kapa niya ang kama na kanyang kinahihigaan. Grabe ang lambot at halatang mamahalin! Hindi katulad ng sapin nila sa bahay na bukod sa luma na ay ubod pa ng tigas dahil papag lamang 'yon at gawa sa plywood.Mahina niyang kinutusan ang sarili. "Apol, ang pagtakas ang dapat mong isipin!" Kailangan niyang tumakas habang hindi pa nagagawa ng mga ito ang masamang balak sa kanya. Hindi lang talaga niya mapigilan na mamangha sa kama. Bata palang kasi siya ay pangarap na nilang magkapatid na makahiga sa ganitong klase ng higaan.Oo nga pala, kailangan niyang tumakas bago pa butasin ang tiyan n
[Apol]Ano daw? Asawa?"Pasensya na po, pero sa tingin ko nagkakamali po kayo. Nagpunta po ako dito para sa trabaho, Mr. X. Hindi po ako nandito para maging asawa mo-" Nabitin ang anumang sasabin niya ng may dumating na dalawang lalaki. Sabay na yumukod ang dalawa sa lalaking kaharap niya. "Mr. X, nahuli na naman si Dixon. Ano ang gagawin namin sa kanya?" Magalang na tanong ng lalaki na nakakatakot ang itsura. Mukha itong goons sa mga pelikula, maging ang kasama nito ay gano'n din ang hilatsa ng mukha. Mukha itong mga kontrabida sa mga palabas.Dumilim ang mukha ni Mr. X. "Kill that traitor." Mapanganib nitong utos.Namilog ang mata niya sa narinig, at muntik pang malaglag ang panga niya."Yes, Mr. X!" Sabay na tugon ng mga lalaki at sabay pa. Bago umalis ay muling nagsiyukod ang mga ito bilang pagbibigay galang.'D-Diyos ko! T-Tama ba ang narinig ko? K-Kill daw!' Takot na ani nang utak niya. Nanlalamig ang katawan niya sa takot ngayon, maging ang tuhod niya ay nanginginig pa. Ano b
[Apol]Pagdating nila sa dining hall ay muntik ng tumulo ang laway niya sa dami ng pagkain na nakahain rito. Lahat ay masasarap at halatang pagkain ng mayayaman. Kumunot ang noo niya ng makitang dalawa lang sila ni Mr. X ang narito. Umalis na lahat maging si Miss Carol. Teka, sila lang ang kakain nito lahat? Sa dami nito ay parang ito na ang huling hapunan nila at bibitayin na sila bukas.Nanatili siyang nakatayo. Wala naman kasing sinabi si Mr. X na umupo siya. Baka mamaya ay masabihan siyang bastos at barilin siya bigla. Saka maganda na ang sigurado. Mas ayos na ang magutom ng ilang araw kaysa ang mamatay nang biglaan.Agad na nagyuko siya ng ulo ng tumingin sa kanya ang lalaki, katulad kanina ay walang bakas ng emosyon ang kulay itim nitong mga mata."Why are you still standing there? Do I need to say sit?" Malamig ang boses na wika nito. "O-Okay po." Sa katabing-upuan ng nasa pinakadulo siya uupo. Ayaw niya kasing makatapat si Mr. X ng upo. Paano siya makakakain ng maayos kung ka
[Apol] "Ano ang ginawa mo dito, Miss Lanchester?" Tanong sa kanya ng lalaking tadtad ng tatto at malaki ang katawan. "Ah, eh... Nagpapahangin para bumaba ang kinain. Bakit bawal ba?" Mataray niyang tanong. Gusto lang naman niya tingnan kung tatalab na ang pagiging matapang niya 'kuno' dahil soon-to-wife naman siya ng amo nito. Kunwari ay tumayo siya ng tuwid at pinaningkitan ito ng mata. ""W-Wala po, Miss Lanchester. N-Nagtatanong lang." Magalang nitong sagot sabay yukod bago siya iniwan.Nakahinga ng maluwag. Akala niya ay asawa lang siya sa papel at hindi igagalang pero mukhang mali ang akala niya.Mahina niyang tinuktukan ang ulo at pinaalalahanan ang sarili. "Apol, mag isip ka! Hindi ka pwede maging asawa ng Mafia boss na 'yan dahil mapanganib siyang tao!" Tama... kailangan niyang umisip ng paraan kung paano siya tatakas sa lugar na ito. Napangiti siya bigla ng makita ang dalawang lalaki na nag asikaso sa kanya sa dining hall. "Hi, sa inyong dalawa. Break niyo?" Tanong niya. N
[Apol] Mabilis pa sa alas kwatro na pumikit siya. "Lord, thank you dahil nakapag asawa ako ng gwapo at napakayaman! Wala na akong hahanapin pa dahil full package na po ang binigay mo. Tuyo lang ang dasal ko no'n pero embutido ang binigay mo! Ang bait mo talaga sa'kin!" Pangbawe niya sa lahat ng mga dasal niya kanina. Sana lang ay hindi nito narinig ang mga unang sinabi niya kanina dahil baka malintikan siya. Ayaw pa niya mamaalam sa mundo ng maaga. Sa susunod talaga ay mag iingat na siya sa pananalita. Ayaw naman niyang pumanaw nang maaga at dito pa sa islang ito kung saan malayo sa kapatid niya. Hindi siya dumilat. Bahala nang mangalay ang binti niya sa pagtayo rito, basta hinding-hindi siya didilat. Baka kasi pagdilat niya ay mayro'n ng baril na nakatutok sa kanya. Unti-until siyang nagmulat ng mata nang maramdaman ang mainit at mabangong hangin na tumatama sa kanyang mukha. Muntik na siyang mahimatay sa takot ng pagdilat niya ay sobrang lapit ng mukha nito sa kanya, sa sobrang d
[Apol]Tatlong araw na ang nakalipas simula nang maikasal sila pero hanggang ngayon ay hindi niya 'yon matanggap. Ang bilis nang pangyayari, trabaho lang ang gusto niya pero asawa ang nagkaro'n siya."Mrs. Helger, nakahanda na ang pagkain at naghihintay na si Mr. X sa ibaba." Hindi niya pinansin si Miss Carol. Walang kabuhay-buhay siyang tumayo at lumabas nang kwarto.Masama ang loob niya rito. Pakiramdam niya ay niloko siya nito. Hindi kasi nilinaw nito sa kanya na kasal na pala ang pupuntahan nila. Umasa pa naman siya na ihahatid siya nito pero mali ang akala niya. Pakiramdam tuloy niya ay pinagkaisahan siya.Naabutan niya si Mr. X na nakaupo nang tuwid habang walang kasing lamig ang ekspresyon ng mukha. Wala nang bago rito, araw-araw naman kasing ganito ang hilatsa ng mukha nito. Napangiwi siya nang tumunog ng malakas ang tiyan niya. Gutom na gutom na talaga siya. Sinong hindi magugutom, eh halos tatlong araw na rin siyang hindi kumakain ng maayos. Pakiramdam niya ay binabalatan s
[Apol]"Pinatay?" Natuptop niya ang bibig sa pagkabigla. "Grabe, nakakaawa naman pala si Mr. X... masakit pala ang nangyari sa mga nauna niyang asawa." Awang-awa na siya rito. "Napakasakit pa naman ng mawalan ng mahal sa buhay."Naging malikot ang mata ni Ester na animo'y takot. "P-Pinatay silang apat ni Mr. X." Ani Ester."P-Pinatay sila ni Mr. X?" Kung kanina sila Rima at Ester lang ang namumutla, ngayon ay pati na siya. Nawalan ng kulay ang mukha niya, at tila matutumba pa siya sa pagkabigla.Kahit takot ay nagkwento si Rima. "Silang apat ay natagpuan na duguan at wala nang buhay sa loob ng kwarto ni Mr. X. Marami ang usap-usapan na pinatay ang iba dahil may nilabag sila, pero ang sabi naman ng iba namatay daw ang ibang asawa niya dahil da halik niya."Namatay sa halik?"Ano naman ang kinalaman ng halik do'n? May lason ba ang halik ni Mr. X? O baka naman mabaho ang hininga niya." Umiling-iling siya. Imposible naman 'yon dahil naamoy na niya ang hininga nito. Mabago at nakakahalina k
[Apol]"Nasaan si Mr. X, Miss Carol?" Tanong niya sa matanda habang nagpalinga-linga sa paligid."Umalis siya ngayon, Mrs. Helger. Baka tatlong araw pa ang balik niya." Sagot nito. Tumalikod siya at mahinang napa-yes. Salamat naman at wala ito ngayon. Makakalabas siya ng kwarto at makakapaglibot ng malaya at hindi natatakot na baka makita siya.Ginawa niya ang lahat para iwasan si Mr. X. Nagdadahilan siya na hindi pa rin maganda ang pakiramdam niya kaya naman sa kwarto pa rin siya kumakain. Kapag makakasalubong naman niya ito ay agad siyang lumiliko, o umiiwas para hindi siya nito makita. Mas mabuti nang umiwas siya rito kaysa naman mapadali ang buhay niya.Oo, nagpapasalamat siya sa pagtulong nito sa kapatid niya, pero kalaunan ay narealized niya na ginawa iyon ni Mr. X para ipabatid sa kanya na alam nito ang lahat tungkol sa kanya— Na kapag tumakas siya, o may ginawang hindi nito nagustuhan ay malalagot siya, o madadamay ang pamilya niya. Iyon ang dating sa kanya ng ginawa nito. Ma