[Alena] Sobrang sakit ng kanyang ulo ng magising siya. Nagulat siya paggising niya ay nakatali na siya. Ang huli niyang natatandaan ay nasa daanan sila- Nanlaki ang mata niya ng maalala na si Kley at mga ilang kalalakihan ang huli niyang nakita bago siya nawalan ng malay. Mukhang si Kley ang dumukot sa kanya. Nakaramdam siya ng takot at kaba ng biglang bumukas ang pinto. “Hello there, Alena.” Nakangising bati ni Kley. “Masyadong napasarap yata ang tulog mo.” “Walang hiya, ano ang ibig sabihin nito, Kley?! Bakit mo ako dinala dito?!” Napangiwi siya, ramdam niya na bigla nalang kumirot ang ulo niya. Mukhang nagkasugat siya sa lakas ng hampas sa kanya kanina ng kampo ni Kley. Nakita niya na may nilapag na camera si Kley at pinatong ito sa tokador. “Sa kwartong ito ka lang naman bababuyin ni Doctor Tan. Nakita mo ang camera na ‘to?” Nginuso nito ang camera. “Ito ang magiging katibayan na nagalaw ka niya. I can’t wait to see Kairo reaction kapag napanood niya na ang babaen
“K-kairo… dumating ka…” Agad na bumalong ang luha ni Alena, nag unahan ito sa pagtulo. Hanggang ngayon ay patuloy siya sa pag iyak. “S-salamat at dumating ka…” Nang makita ni Kairo ang namamagang pisngi ni Alena ay agad na nagdilim ang mukha ng binata. “How dare you to hurt her, bitch!!!” Kasabay no’n ay malakas na sinampal ng binata si Kley dahilan para tumalsik ito. “You fvcking whore! Magbabayad ka sa ginawa mo kay Alena at kay Aimee!!!!” Nalaman ni Kairo ang balita kanina habang nasa sasakyan sila. Sinabi iyon ni Adius ng tawagan niya ito. Hindi nakagalaw si Kley, hindi lamang ang mukha niya ang namanhid sa lakas ng sampal ni Kairo, maging ang kanyang buong katawan. “Ahhh! T-Tulong!” Hiyaw ni Kley ng sabunutan siya ni Kairo, kulang nalang ay magtanggalan ang anit niya sa diin ng sabunot nito. “M-mamang pulis, tulungan niyo ako! K-kahit na may kasalanan ako ay labag sa batas ang ginagawa ni Kairo, tulong— ahhh tama na, oh my gooooddd please, stop, nasasaktan ako!!!” Makaawa
[Alena] Pagmulat ng kanyang mata agad niyang kinapa ang tiyan. Ang anak nila ni Kairo ang unang pumasok sa isip niya. Ang huli niyang naalala ay sumakit ng sobra ang tiyan niya. ‘D-Diyos ko, ang anak ko!’ Biglang bumalong ang luha niya ng makita si Kairo, nakaupo ito sa tabi niya habang hawak ang kamay niya habang natutulog. “K-Kairo…” Namumutla pa ito, halata na hindi pa maayos ang lagay nito dahil namumutla pa ang gwapo nitong mukha. Parang may humaplos na mainit na bagay sa puso niya. Imbis magpahinga ay pinili nito na manatili sa tabi niya para bantayan siya. Agad na nagliwanag ang mukha nito ng makita na gising na siya. “Love, oh god, thanks you’re awake!” Agad na yumakap ito sa kanya, hindi pa ito nakuntento, hinalikan nito ang noo niya ng paulit-ulit, maging ang tiyan niya. “A-ang anak natin, Kairo? Kamusta na siya? H-hindi ba siya napahamak?” Walang ligoy niyang tanong. Nang ngumiti si Kairo ay nakahinga siya ng maluwag. “Ligtas ang anak natin, love, kaya wag ka
[Alena] “I love you, love.” Ma-emosyon si Kairo, parang maiiyak na ito anumang sandali. “That night, b-before I close ny eyes right before the accident, ikaw ang nasa isip ko… t-tangina, natakot ako, Alena. Hindi pa kasi ako handang iwan ka, gusto ko pa kayong makasama ng mga anak natin… ayoko pang mawala.” Pati siya ay nahawa na, pareho na silang umiiyak. Dama niya talaga na takot ito na mamatay. Alam niya ang ganong pakiramdam. Naalala niya no’ng panahon na buntis siya. Takot na takot siyang mamatay. Ayaw pa niyang mamatay dahil inaalala niya ang anak niya at si Apol. Gusto pa niyang mabuhay noon para makasama ang mga mahal niya sa buhay at maging masaya. “God knows how grateful I am because he let me to live. Hinayaan niya akong mabuhay pa para makasama kayo ng mga anak…” ‘Ako din sobrang nagpapasalamat dahil binalik ka niya sa amin.’ Piping usal niya. Tumingala si Kairo, ilang beses na umalon ang lalamunan nito. Napansin niya na lalo pa itong naluha, nasa mukha nito ang
[Alena] “Isa akong disgrasyadang babae… wala nang magmamahal sa akin dahil isa akong dalagang ina.” Iyon ang tinatak niya dati sa utak niya. Walang araw, oras, minuto na hindi siya nasasaktan at nalulungkot sa sinapit niya. Para sa katulad niyang walang-wala, isang kahihiyan ang nangyari sa kanya. Hindi niya alam kung paano mabuhuhay sa mga susunod na araw at kaharapin ang mga nangungutyang tingin sa kanya. Natakot siya na hindi makakatagpo ng lalaking mamahalin siya… ang nasa isip niya noon ay hindi na siya magiging masaya. Pero mali siya. “Yes, I do, father…” sagot niya sa pari matapos siyang tanungin. Nang i-angat ni Kairo ang belo niya ay agad na nangilid ang luha niya. Akala niya hindi na siya magiging masaya… pero mali siya. Binigay ng Diyos si Kairo sa kanya… binigay ng Diyos ang mga anak niya. “Mahal na mahal kita, Alena.” Madamdamin na saad ni Kairo bago siya hinalikan ng magaan sa labi. Hindi niya magawang magsalita, sobrang emosyonal niya ngayong araw ng ka
Lilinawin ko lang po. Ang story na ito ay kwento na nang kapatid ni Apol at Charlotte na si Johnson, si Charlotte po ang partner niya dito hehe. Enjoy reading po! *******¥ “KAILAN mo balak magtrabaho sa kumpanya, Charlotte? Hindi ka na bumabata, ang Ate Cherry mo malapit ng ikasal, ikaw kailan mo balak magpakasal?” Tanong ng ama ni Charlotte. Biglang nawalan siya ng gana sa pagkain, binaba. “Aalis na po ako, dad—“ “Umupo ka muna, Charlotte, kinakausap pa kita! Bakit ba palagi mo nalang iniiwasan ang tanong ko? Bente otso ka na! Ang gusto ko ay lumagay ka sa tahimik. Umalis ka na sa pagiging pulis dahil hindi bagay ang propesyon na iyan para sa babaeng katulad mo!” Galit na hayag ng daddy niya. Napabuga nalang siya ng hangin. Maging ang mommy niya ay sumang ayon rin sa daddy niya. Wala talaga siyang kakampe. “Tama ang daddy mo, anak. Bakit hindi nalang modeling? Pag aartista? Bakit pulis pa ang napili mong trabaho?” Tanong pa ng mommy niya. Heto na naman sila sa ganitong
[Charlotte] Pawis na pawis silang sumilong nila Ivy sa gillid ng isang tindahan dito sa Quiapo, katatapos lang nila magronda, pawis na pawis sila dahil inikot nila ang buong area para siguraduhin na walang kaguluhan, kahapon kasi ay may gulo rito. Mabuti nalang ngayon ay wala na. “Kumain na kaya tayo, baka mamaya pa dumating sila Sir, nagugutom na ako.” Reklamo ni Ivy habang himas ang tiyan. Sabay-sabay kasi sila palagi kumain, bilang team ay nakasanayan na nila iyon. “Mamaya na, magpaalam muna tayo kay Sir baka mamaya magalit na naman iyon sa atin ‘yon at isipin na wala na naman tayong ginawa, lagi pa naman tamang hinala ‘yon. Saka pwede ba, anong gutom? Eh kakakain mo lang kanina ng mami di’yan sa kanto. Kaya ka lalong lumalaki, wala kang kabusugan.” Puna niya na ikinasimangot nito. Agad na napaayos sila ng tayo ng dumaan ang patrol car na sinasakyan ng Division A, sina SPO4 Loisa Pelaez, kasama nito ang mga kagrupo. Hinintuan sila nito ng sasakyan ng makita sila. Agad na s
“Pulis na takot humawak ng baril, isang kalokohan!” Isa iyan sa salitang madalas marinig ni Charlotte. Nakakalungkot, pero iyon ang totoo. Kahit nga siya ay natatawa mismo sa sarili niya. After ng kasal ng kapatid ni Johnson na si Ate Alena ay hindi na bumalik sa normal ang lahat sa kanya. Simula ng makita niya si Johnson ng araw na iyon, na mayro’ng malamig na tingin, naging balisa na siya at hindi nakapag-focus sa trabaho. Tumatagos sa pagkatao niya ang malamig na tingin ng binata, wala siyang nakitang rekognasyon sa magandang mata nito habang nakatingin sa kanya… na para bang nakalimutan siya nito, ang tingin nito sa kanya ay walang dating, walang pagmamahal at walang pagkagulat o anupaman. Blanko at madilim… gano’n siya nito tiningnan. At dumurog iyon ng husto sa kanyang dibdib, ang sakit, tagos at sagad sa buto. Sobra siyang nagsisisi sa ginawa niya noong kasalanan. Kaya naiintindihan niya kung bakit gano’n ito sa kanya. Hindi maalis si Johnson sa isip niya noon. Wala si