JARED PEREZ POINT OF VIEW FUCK! That is all i can say. Paano ko siya ipaglalaban kung ganito na ako mismo ay hindi ko siya mapagkatiwalaan?What is the meaning of those Pictures?Ano yon? Kilala ko ang lalaki sa larawan at alam ko kung ano ang relasyon ni Jillian doon. Yun ang lalaking enientertain ni Jillian sa club at doon sa lalaki na iyon ako selos na selos.Yes. Hindi ko maiwasan na hindi mag-isip ng masama. Oo nga at sa akin niya inalay ang kaniyang pagkababae pero put*ng ina! bakit hindi siya sa akin humingi ng tulong? Bakit doon pa sa gurang na yon?Kagaya ngayon, nalaman pa ng mga magulang ko. Mas lalo silang manggigil na ilayo ako sa kaniya? Bakit ngayon pa? bakit ngayon kung kailan handa na akong magseseryoso? Sobrang bigat ng pakiramdam ko. nandoon yu g gusto ko nang bumitaw hanggang maaga pa pero mas lamang sa akin yung gusto kong makita at mahingi ang panig niya. I Hate what I am feeling right now. Naniniwala pa rin ako kay Jillian dahil nga mahal ko siya. I don't kno
Papaalis na sana si Jillian para makipagkita kay Jared upang magkaayos na sila ay siya namang nagkaroon ng emergency sa bahay nila. Bigla na lang kasing sumakit ang tiyan ng kapatid niyang si duday at suka nang suka. Nakabihis na at lahat si Jillian at nai-send na niya kay Jared ang location ng pagtatagpuan nila pero mas inuna niya ang kapatid na halos namumutla na sa kakasuka.Kasama ang kapatid niyang si Nene ay isinugod nila si duday sa pinaka malapit na ospital. Sa pagkakataong iyon ay hindi iniisip ni Jillian ang pera gawa nga ng may pera naman siyang hawak na siyang galing kay Mr. Oman. Ang iniisip niya ay ang kaligtasan ng kaniyang kapatid.At dahil private hospital ang napagdalhan niya ay nabigyan naman si Duday ng wastong atensyong medikal. "Mabuti at nadala niyo siya kaagad sa ospital. Food poisoning po ang naging rason ng kaniyang pagsusuka. Maaaring nakakain ang pasyente ng kontaminadong pagkain. Sa ngayon ay safe na ang pasyente at kailangan na lang maubos ang swero sa ka
JILLIAN'S POINT OF VIEW mabigat ang loob ko na umuwi ng bahay. 8 araw na ns hindi pumapasok si Jared sa opisina at hindi ko alam kung maayos pa namin ang gusot. Ako, sigurado na ako na mahal niya ako at nasa punto ba ako na handa ko na siyang ipaglaban. Wala na akong pakialam kahit na hindi ako magustuhan ng kaniyang magulang para sa kaniya. What matters to me the most is kung saan ako magiging masaya. Kaya lang ay paano ko gagawin yon kung hindi na siya nagpapakita?Sumasabay pa itong si Adrian. Pagod na nga ako sa kakaisip tapos dumadagdag pa siya. Mabuti na lamang at nakagalitan siya ng mga magulang ni Jared. Mali naman kasi talaga. Acting CEO lang siya pero kalabisan na ang ginagawa niya. Porke ba ang nakikita niya sa akin ay ang pangit kong kaanyuan?Talagang sumaya ang puso ko ng ipagtanggol ako ng mga magulang ni Jared. Ako ang kinampihan nila over Adrian. Ang saya lang. Mabait naman pala sila. Hindi sila yung tipo ng tao na mapanghamak sa mga nakabababa sa kanila. Iyon nga la
"Adrian, you disappoint us again. Nakita namin ang lahat ng mo kay Jillian. Hindi ka pala dapat pagkatiwalaan." saad ng mga magulang ni Jared sa bugbog na ngayong si Adrian. Labis kasi ang naging galit ni Jared dito matapos nitong kapastangin ang pangit na sekretarya. Imbes na humingi ito ng sorry ay pinuri pa nito ang sarili nito sa harap ng tatlo. tumawa pa ito nang nakakaloko. "Disappoint? dapat nga pasalamatan niyo pa ako. Kung hindi dahil sa akin ay habang buhay tayong lolokohin nitong babae na ito." dinuro niya si Jillian na siyang umiiyak ngayon habang yakap ang sarili. " Ang babaeng ito... Ang babaeng ito at ang babae ni Jared ay iisa. niloko niya tayo. Even Jared... Hindi natin alam kung ano ang pinaplano niyang babae na iyan." Dahil sa sinabi ni Adrian ay napatingin ang tatlo sa dalagang umiiyak. nakayuko ito kaya hindi makitang maigi ni Jared ang mukha nito. Hindi naniniwala di Jared sa sinasabi ni Adrian kaya minabuti niyang lapitan ito. Gamit ang kamay ay inangat ni
Sobrang bigat ng nangyaring sunod-sunod na pagsubok kay Jillian. Ang pagkawala ng kaniyang ama ay ang pinakamalaking sakit na naramdaman niya. Pakiramdam kasi niya ay kulang na kulang ang mga oras at pag-aalaga niya rito. Natulog lamang siya at sa isang iglap ay nawala na ito sa piling nila. "Kung alam ko lang ba huling yakap na pala yung kagabi... sana tinagalan ko pa ang pagyakap sa 'yo. Sana dinama ko ang mga huling oras na makakasama kita, itay. Itay, Sobrang lungkot ko ngayon. Tulungan mo ako itay na makayanan ang pagsubok na ito. Gabayan mo kami palagi ng mga kapatid ko. hanggang sa muli nating pagkikita, itay." Tanging sa Diyos kumapit si Jillian at humingi ng tulong na makayanan ito. Hindi siya okay ngunit pinipilit niya lang na maging okay alang alang na lang sa mga kapatid niya. Mula sa pagkasunog, pagiging broken hearted, pagkatanggal sa trabaho, at pagkamatay ng kaniyang ama sy pinilit niyang tatagan ang loob. Oo. umiyak siya pero hindi siya nagpakita sa mga kapatid ng
JILLIAN'S POINT OF VIEW Sa huli, nagpasya na lang ako na i-cremate na lang at mga labi ng itay. Bukod sa bawal magburol sa nilipatan naming bahay ay wala rin naman kaming kamag-anak dito sa manila na dadalaw sa kaniya at makikiramay. Mas minabuti ko nang ganoon na lang upang makasama pa rin namin ang mga abo ng itay sa bahay. Para na rin hindi kami gaanong masaktan na makita siyang nakahiga sa kabaong na wala ng buhay. Inuwi ko ang labi ng itay nang nasa tapayan na. Ang hirap makita na sobrang nalulungkot ang mga kapatid ko dahil ganito na nila makikita ang itay. Wala naman na kaming ibang choice kung hindi ang mag move on. Sa ngayon ay talagang kailangan naming pagdaanan ang ganitong klase ng sakit sa pakiramdam. lalo na sa part ko. Napakasakit. Halos sabay-sabay pa ang pinagdaanan ko at ang taong sana ay karamay ko sa mga oras na ito ay ang taong isa ring nakadagdag sa bigat ng dibdib ko. Speaking of him... Habang nagluluksa kaming magkakapatid ay bigla na lang siyang lum
JILLIAN'S POINT OF VIEW Since that night, hindi na kami muling nagkita ni Jared. Marahil ay sobra ko siyang nasaktan sa aking pagiging emosyonal noong gabi na iyon kaya dalawang buwan na niya akong natitiis. Miss na Miss ko na siya. Ngayong okay na ako ay gusto kong mag-sorry sa kaniya. Gusto kong maayos ang sa amin ngunit hindi ko alam kung paano ko iyon gagawin gayong hindi nga siya nagpapakita. Sa company pa rin nila ako nagtratrabaho at ang mommy niya ang siyang boss ko ngayon. Hindi niya binabanggit kung nasaan ang anak niya at hindi ko rin naman magawang itanong dahil labas ito sa aking trabaho. Bagamat lingid sa kaalaman ng kaniyang magulang ang naging relasyon namin ay kataka-takang hindi nila ako inaalis sa kompanyang ito. Mabait naman sa akin ang madam CEO kaya lang ay hindi niya talaga inoopen ang tungkol sa anak niya. Kung nasaan na ba ito o ano na ba ang pinagkakaabalahan nito at bakit hindi na ito nagpapakita sa office. Sa araw-araw na ginawa ng Diyos ay lalo
Agad-agad ay tumakbo na si Jillian sa sikat na bilihan ng gown. Isang kilalang boutique kung saan bumibili ang mga kilalang personalidad dito sa Pilipinas. Noong una ay nakaramdam siya ng pagkahiya at pagka-asiwa dahil pakiramdam niya ay hindi siya nababagay na pumunta sa ganoong ka-sosyal na lugar. pero dahil nga may hawak siyang black card at may pambili naman siya ay nilakasan niya ang loob at pumasok siya sa loob. Agad naman siyang inistima ng mga staff ss nasabing boutique. Kahit na may dresscode na sinusunod ang mga taong pinspakitaan nila ng VIP treatments ay malugod naman siya nitong tinanggap. "I'm looking for a wedding gown. Pwede niyo bang ipakita sa akin kung ano ang pinaka maganda at bagong design niyo? yung unique pero elegante. CEO ang mapapangasawa ng bride kaya tulungan niyo akong makapili nh pinaka the best." pagtatapat ni Jillian sa mga staff. Sinabi niya na hindi siya ang magsusuot kung hindi napag-utusan lamang siya. "Ahh, yes mam. Don't worry. Marami ka