Lyla
Hindi ko na lang pinansin ang mga pinag sa sabi ng mga ito tungkol sa akin. Wala akong magagawa kung hindi talaga ako gusto nito. Kahit na nasa saktan ako ay mas pinili ko na lang ang manahimik.Kinuha ko na lang ang phone ko at nag scroll na lang sa social media. Mas maganda siguro na ito na lang ang pagka abalahan ko kaysa marinig ko pa ang mga masasakit na sinasabi ni Ate Vexana about sa akin. Kakampi pa naman nito ang kapatid ko na imbis na tulungan ako kasi nga ay kapatid ko siya pero hindi at sinuportahan pa niya ito.Nanood na lang ako sa tictoc ng mga nag sa sayaw na mga nag ga gandahan na babae at mga lalaking hot.Actually hindi naman talaga ako bading e. Tanging sa kanya lang ako bumaliko. Kasi mas marami pa ang crush ko na lalaki tapos sa babae naman ay madalang lang. Tanging siya nga lang naka kuha ng attention ko e.Dapat nga mag saya pa siya nyan. Kasi naman sa dami ng nag kakagusto sa akin mapa babae man o lalaki ay siya pa rin ang pinili ko pero hindi naman ako ang pinili. HaystNapapakagat labi na lang ako sa mga napapanood ko ngayon at napapangiti kasi naman labas ang mga abs na parang pandesal na mukhang ang sarap pisil pisilin e.Namalayan ko na lang na bigla na lang nawala sa kamay ko ang phone ko. Kaya mabilis na nag angat ako ng aking paningin at sumalubong na naman sa akin ang galit na mukha ni Ate Vexana.Nag tataka na tinignan ko naman ito. Pero inirapan lang ako sabay sabi sa akin ng. "bawal mag phone habang nasa loob ng kotse ko." Masungit na sabi nito sabay taas pa ng kilay at mukhang handa ng mag m*****a na naman kung mag re reklamo pa ako sa kanya.Agad naman na nangunot ang noo ko dahil doon. Paano na naging bawal ang pag gamit ng phone dito? E hindi naman ako ang nag da drive ng kotse niya. Sa kanya malamang na bawal talaga pero sa akin. Hello pasahero lang naman ako ah.Pero dahil alam ko na hindi naman ako mananalo dito ng argumento ay hinayaan ko na lang ang bagay na yun. Kukunin ko na sana sa kanyang muli ang phone ko pero mabilis na ibinulsa nito yun at sinabi na "mamaya mo na kunin at baka kung ano na naman ang gawin mo." Naka simangot na sabi pa niya.Wala na akong nagawa pa at ayaw kong makipag talo pa sa kanya. Mabuti na nga lang at umusad na muli ang kotse kasi naman ay medyo traffic ngayon. Syempre lunes ganyan talaga lalo na at nag sa sabay ang mga estudyante at mga nag ta trabaho sa pag pasok."Manahimik ka na lang dyan Lyla." Sabi pa sa akin ni Ate Hanabi.Para naman nag sa salita ako kung makapag sabi itong manahimik ako. E silang dalawa nga dyan ang panay ang kwentuhan nila. Puro about sa mga lalaki lang naman ang topic nila. Tapos yun na nga lang manood ang ginagawa ko pinag bawal pa.Pero masaya pa rin ako kasi akala ko ay hindi na ako pinansin pa ni Ate Vexana. Yun pala ay lihim din na binabantayan ako nito. Siguro nag se selos ito kasi nga ay may ibang naka kuha ng attention ko. HeheheKaya naman hindi ko maiwasan na hindi mapangiti dahil sa naisip ko na yun. Medyo kinilig pa ako ng slight. Hayst sana nga lang talaga ay yun."Ang creepy mo Lyla. Para kang tanga dyan na pangiti ngiti." Puna pa sa akin ni Ate Vexana."Naisip ko lang po yung crush ko na classmate ko. Paano ka group ko kasi sya sa gagawin namin na reporting." Pag sinungaling na sagot ko dito.Gusto ko lang makita kung ano ang reaction nito kapag nalaman niya na hindi lang naman siya ang crush ko mayroon pang iba.Pero sana hindi ko na lang sinabi ang bagay na yun kasi naman nakakainis lang dahil wala man lang itong reaction. Ni hindi man lang nag selos ang gaga. Nakakainis bwisit.Sinabi pa sa akin na. "Maganda yan para sa kanya mo na ibaling yang pang bwi bwisit mo sa akin." Casual pa na sabi nito sa akin sabay ngisi pa niya.Humalukipkip na lang ako at hindi na ito pinansin pa. Naiinis ako sa totoo lang. Akala ko pa naman ay mag se selos siya. Hanggang akala lang pala yun.Malungkot na tinignan ko na lang ang mga nadaraanan namin at parang gusto ko na ngang bumaba sa kotse na ito sa totoo lang.Nasasaktan kasi ako. Dahil sa wala talaga siyang pakialam sa akin. Ako nga na malaman ko lang na crush nito yung basketball captain nila ay halos mamatay na ako sa selos. Sinabi lang sa akin ni Ate Hanabi yun ha. Hindi pa sa kanya mismo nanggaling yun. Tapos ako na mismo nag sabi sa kanya na crush ko yung classmates ko at hindi lang yun kasama ko pa siya sa reporting ay wala lang sa kanya. Natuwa pa ang gaga. Nakakasama talaga ng loob ang ganun.Bakit parang ang unfair naman yata lord. Pwede ba na pag gusto mo yung isang tao ay dapat na gusto kana rin nya. Para wala ng samaan pa ng loob. Happy happy lang ba.Dahil naka focus lang ako sa labas ng bintana at wala naman doon ang isip ko ay hindi ko napansin na huminto na pala ang kotse at nandito na pala kami sa may gate ng school namin.Nagulat na lang ako sa biglang pag tapik sa akin ni Ate Hanabi. "Bumaba kana doon. Tulala ka na naman. Kung ano ano kasi ang iniisip mo e." Sabi pa nito sa akinDoon pa lang ay parang nahi masmasan ako at nag mamadali na bumaba na ng kotse ni Ate Vexana. Hindi ko na ito pinag aksayahan pa na tignan. Naiinis pa rin ako sa kanya.LylaMabilis naman na bumaba na ako ng kotse ni Ate Vexana. Hindi ko na ito nagawa pang tignan dahil nahihiya ako sa pagka tulala ko na naman. Mabuti na nga lang at hindi sa kanyang kagandahan ako natulala e. Mas lalo lang nakakahiya kapag ganun. Pumasok naman na kaagad ako sa building namin habang sila Ate naman ay sa loob pa banda ang kanila. Mga college na kasi sila at ako naman ay senior high pa lang. Pero iisang school lang din kami ang sa kanila ay sa may dulo banda pa at kami naman ang sa bungad. Nakita ko naman na kaagad na nasa may labas ng pinto itong kaibigan ko na si Melissa at mukhang ako ang hinihintay nito dito sa labas. Nang mapansin ako nito ay mabilis na lumapit siya sa akin. Nag beso na muna kami nito bago nag patuloy na pumasok na sa loob. Pagka upo namin ay kaagad na akong tinanong nito. "oi girl bakit ang tagal mo dumating? Mabuti na lang at hindi kapa late." Tanong nito kaagad sa akin. "Naki sakay lang kasi kami ni Ate kay Ate Vexana. Sira kasi yung kotse n
LaylaMalungkot na ibinaba ko na ang tawag. Hayst walang kwenta talaga yung kapatid ko na yun. Hindi maasahan. "O bat sambakol na yang mukha mo? Anong sabi ng Ate mo?" Tanong naman nito kaagad sa akin. "Wala daw doon si Ate Vexana at nasa meeting. Kaya puntahan na lang daw natin doon sa may office ng student council dahil di daw sure ni Ate kung anong oras matapos ang meeting nila." Malungkot na sabi ko naman dito. Pareho naman na kaming problemado nito ngayon. Ito ang maganda kay Melissa e. Kung ano makapag papasaya sa akin ay doon siya. Maya lang ay dumating na ang teacher namin at bag discuss na ito kaagad habang pareho naman na kaming nakinig nito kay Ma'am. Mahilig kasi itong si Ma'am mamahiya ng student niya e. Kung hindi ka talaga makinig sa kanya at na tyempuhan na tinawag ka nito at hindi mo nasagot ang kanyang tanong patay ka talaga dahil ipapahiya ka nito o di naman kaya ay papalabasin ka na lang at wag ka ng mag expect pa ng mataas na grades mula dito Kaya naman kahi
VexanaMaaga ako ngayon kasi nga ay makikisabay sa akin si Hanabi ang bff ko. Pati na rin ang makulit na kapatid nito na si Layla. Hayst maisip ko lang ang bata na yun umiinit na kaagad ang ulo ko. Paano naman kasi my goodness manligaw ba naman sa akin e pareho kaming babae. Tsaka hindi naman ako member ng LGBTQ para patulan siya. Lalaki ang gusto ko no. Tsaka tingin ko naman ay hindi din naman siya bakla dahil mas maarte pa sa amin yun kung tutuusin e. Sadyang may ubo lang yata sa utak yun kaya ako ang pinag ti tripan nito. Pero halos isang taon na ito mag mula ng mag tapat siya ng nararamdaman sa akin.Dati kasi nung hindi pa ito umaamin ay puro nakaw tingin lang ang ginagawa nito sa akin lalo na kapag pumupunta ako sa kanila. Akala ko naman ay gandang ganda lang siya sa akin. Oo gandang ganda nga siya kaya naman gusto na akong syotain. Kapal din ng mukha e no. Siguro kung hindi lang ako nahihiya sa parents nito pati na rin kay Hanabi ay matagal ko ng sinupla supla ito. Kaya na
Vexana Hindi na lang ako umimik sa sinabi ni Hanabi. Wala naman akong pakialam kung ganun man ang nararamdaman sa akin ni Layla. Ang nakakainis lang kasi dito ay masyado siyang bulgar sa feelings niya for me. Hindi man lang nahihiya na baka may masabi sa kanya ang ibang tao lalo pa nga at both naman kami na babae nito at hindi lang yun. Hindi talaga halata sa kanya na ganung klase siya ng tao. Nang makarating na kami sa school ay agad na nag park na ako ng kotse ko at bumaba na kaming dalawa nito. Mabuti na nga lang at hindi nito napansin na nasa akin pa ang phone ng kapatid niya. Wala din naman akong balak na ibigay yun sa kanya no. Gusto ko na si Layla ang mismo kumuha sa akin nun. Agad na akong dumiritso sa office ng mga Student Council dahil may meeting kami ngayon. Pag uusapan namin ang gaganapin na foundation week ng school. Bilang isang president ng student council ay tungkulin ko na maging maayos ang program na magaganap. Kaya naman naka excuse kami ngayon sa klase. Nan
Vexana Nag dahilan pa ang bwisit. Halatang halata naman na nag si sinungaling ito sa akin. Di ko lubos maisip kung ano ba talaga ang gusto nitong si Layla ang preference ba niya kung like niya ng lalaki pala e bakit wagas kung maka confess ito ng kanyang nararamdaman sa akin?Mukhang pinag ti tripan lang ako ng gaga at hindi ako makapapayag sa mga pinag gagawa niyang kagaguhang ito sa akin. "Kung ang mga lalaki pala ang gusto mo e bakit ano yang mga pinag sasabi mo sa akin na gusto mo ako? Ginagago mo ba ako ha Layla?" galit na tanong ko dito. Mabilis naman na tumayo ito sa kanyang kinauupuan at umikot ito sa aking table mabilis na nilapitan ako nito. Dahil sa bilis ng pangyayari ay hindi ako naka react dito kaagad at hindi ko napaghandaan ang biglang ginawa nito. Agad na hinawakan nito ang aking pisngi at mabilis na nag paliwanag ito. "Tunay ang nararamdaman ko sa iyo Vexana. Ikaw lang ang nag paramdam sa akin ng ganito. at hindi kita gunagago o pinag ti tripan. gustong gusto ta
LaylaTuluyan na nga akong lumabas sa office ni Ate Vexana na may malaking ngiti na naka paskil sa aking mukha. Sino ba naman kasi ang hindi matutuwa sa nangyari diba? Nahawakan ko lang naman ang kanyang napaka kinis at lambot na pisngi. Kubg sinu swerte ka nga naman. Okay lang sa akin na hindi ko nakuha ang phone ko. Kung gusto niya sa kanya na yun e. Ang mas mahalaga ay yung ganito na napapalapit ako sa kanya. Yung nakaka chansing ako ng hindi masyadong halata. hahahaAgad naman akong ngumiti kay Ate girl na nadaanan ko. Mukhang isa din siya sa officer ng Student Council. Ngumiti din naman ito sa akin. Pag labas ko ng building ay nakita ko naman sila Melissa at Lance na nag hihintay na sa akin. Kaya agad na nilapitan ko na ang mga ito. "Ano nakuha mo na ba yung phone mo? tanong naman sa akin ni Melissa. "Hindi nga ibinigay e. Mamaya ko na lang daw kunin sa kanya sa uwian. Madami pa daw kasi siyang ginagawa at naiwan niya sa locker yung phone ko. Kaya mayang uwian na lang daw." d
LaylaAgad na hinarap ko na si Melissa at nag paliwanag na dito. "pumayag lang ako sa gusto niya syempre nahiya naman ako doon sa tao. Sinamahan niya tayo diba. Kaya hindi na rin ako naka tanggi pa. Pero walang ibig sabihin yun ha. Alam mo naman na tanging si Ate Vexana lang ako e. Nahiya lang akong tumanggi kaya wag ka ng mag isip ng kung ano pa dyan ha." paliwanag ko naman kaagad sa lanya. "tsaka di lang naman kaming dalawa ang mag la lunch. Syempre kasama ka doon kaya hindi masasabi na lunch date namin yun. Kasi kasama ka naman. Hindi naman ako papayag na hindi ka kasama no. Di hindi na lang ako sa sama kung maiiwan ka mag isa dito." dagdag ko pang paliwanag dito. Agad naman na ngumiti ito dahil sa paliwanag ko sa kanya. "thanks friend, ang sweet mo talaga ayaw na ayaw mo na naiiwan ako."malambing na sagot naman nito sa akin sabay yakap pa sa akon ng mahigpit. Pero agad din na naalis ang pag kakayakap nito sa akin dahil sa biglang pag bagsak ng kung ano na siyang ikinalingon nam
LaylaHindi pa rin tumitigil ang dalawa sa kanilang bangayan at ako na lang ang sumuko na manaway sa mga ito. May goodness ang ta tanda na nila tapos ganyan pa sila mag act na dinaig pa ang mga batang paslit. Hindi na ako mag tataka kung pag labas namin ng room na ito ay bigla na lang mag draw ang dalawang ito at mag sabunutan na lang dahil sa mga inis nila sa isat isa. Kaya hindi ko na lang silang dalawa pinansin pa. Nakakasawa din kaya na habang pinipigilan ay mas lalo lang nag pa papansin. Hindi din naman sinasaway ng mga barkada niya itong si Miya. Kaya bakit sa sawayin ko pa diba itong si Melissa. Bahala na silang dalawa dyan. Stress na ako sa buhay at ayaw ko na dagdagan pa ito. Pero bigla na lang nanahimik silang dalawa ng pumasok na ang aming last subject para sa morning at medyo nag star pa ang mata ko ng makita ko na si Ms. Alice ang pumasok. Shit ang ganda talaga niya. Isa din si Ms. Alice sa crush ko. Bali dalawa sila ni Ate Vexana talaga na crush ko. Mas lamang nga l