Share

Chapter 18

"Ano ba kasing hanash niyo at nagpunta kayo doon? Diba nasa business meeting ka kasama ang boss mo?." Tanong ko kay Thanos habang inaayos sa higaan si Johan.

Pesteng bakla 'to, pagkabigat-bigat! Halos humiwalay na ang braso ko sa balikat ko. Ilang kilo ba ang kinakain nito? Puro lang naman siya gulay at minsan lang mag-meat, hindi naman mataba, pero ubod ng siksik sa bigat. Jusko.

Nang maayos ko na siya, ay hinihingal akong umupo at hinarap nang tingin si Thanos na nakasandal sa may pintuan at pinapanood lang ako.

"Bagay kang maging house wife, sis." ngisi nito sa akin.

Ngumisi rin ako. "Ni Vincent." dugtong ko na ikinanguso niya.

Umayos ito nang tayo at tuluyan nang pumasok sa kwarto ni Johan. Lumapit ito sa akin at umupo sa may tabi ko. Bale nasa likod namin si Johan na humihilik pa.

"Hindi ako natuloy doon, dahil nag-drama ang bakla, ni-hindi ko nga alam kung anong drama meron siya, dahil lately hindi naman yan nakibo. Tamang senyas-senyas lang ang impakta na akala mo naman ay pala
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status