Share

Chapter 6

Parang binagyo ang kusina, hindi niya kase niya alam ang mga rekadong dadamputin iba ang hitsura ng mga ito sa nakasanayan niya. Ikalawa hindi din niya alam kung saan kukunin ang mga gagamitin.Tumunog kase ang alarm at natataranta si Mrs. Bell kaya iniwan siya nito sandali sa kusina.

Kakamot kamot sa ulo Si Trisha. Sana lang tama ang mga nailagay niya. Yung mantika ay amoy mantika naman pati yung pepper at iba pa. Sana lang talaga tama. Sana rin ay magustuhan ng amo niya baka sakaling hindi na siya palayasin nito o wag ng ipa pulis pa sana talaga makausap niya din yung anak na lalaki ung kausap niya sa speaker malamang ito kase ang galit sa kanya.

Ang bilin sa kanya ng noon ni Martha. Pagkatapos daw I serve ang dinner ay dapat siyang dumistansiya sa amo niya ng 1 meters away. Pero hindi din daw dapat masyadong malayo. Bawal huminga bawal magsalita at bawal din ang manuod habang kumakain ito. Napakaraming bawal yun ang unang naisip niya.

Dahil bawal magsalita at hindi siya maaaring magtagal na malapit sa amo pagkatapos iserve ang pagkain wala siyang pagkakataon ipaliwanag o kumbinsihin itong mainam dito ang niluto niya. Kayat naisipan ng dalaga sumulat sa isang sticky note at idikit iyon sa gilid ng plato bagamat hirap magsalita ng english ay mahusay si Trisha magsulat. Siguro dahil sa hilig niya sa poetry at dahil mahilig siyang kumanta.Sa sticky not niya isinulat ang rason kung bakit ito Ang niluto niya para sa hapunan nito ngayong gabi.

Sir,

this may be simple, this may be common,

but this nutritious soup will ignite your bone,

A single bite can make you right,

and a double sip for sleeping tight.

T^ SD

Dalawang mahinang katok ang ginawa ni Mrs. Bell bago nito binuksan ang pinto at pinapasok siya.

Bitbit niya sa isang tray ang pagkain inihanda para sa hindi pa nakikilalang amo.

“Good luck! don’t smile remember that”

paalala pa nito at isinara na ang pinto.

Kadiliman ang tumambad sa dalaga.Tanging ilaw lamang sa mga gilid gilid ng ng kesame ang may tanglaw. Lumakad siya kahit hindi alam ang tatahakin.Nagulat si Trisha at muntikan pang mabitawan ang hawak na tray ng biglang bumukas ang isang lampshade at makita niya ang bulto ng isang lalaki.

Hindi niya makita ang mukha nito dahil ang lampshade ay mababa. Kita niya ang babang bahagi ng katawan nito. Kaya alam niyang nakapajama ito ng chekered at nakasuot ng brown na mabalahibong tsinelas. Tumayo ang lalaki. And Jeez ang tangkad nito. Parang itong action star sa tangkad at tikas. Medyo mahaba ang buhok nito lagpas tenga. Pero bagay ito sa lalaki mukha itong sexy at astig. Ang ipinagtataka ni Trisha hindi ito mabagal maglakad hindi iika ika at hindi rin yukot tulad ng sa mga matatanda.

“Ah siguro isa to sa mga anak, oh baka ito ung kausap ko sa speaker. Hala si sungit na naman pala. Paano kung tanungin ako nito sa niluto ko at hindi na naman ako makasagot?" nalintikan na pero biglang naisip ng dalaga bawal nga pala magsalita kaya malamang hindi siya nito tatanungin. Umupo ang lalaki sa pinaka dulo ng lamesa at walang imik na nanatili. sarado ang ilaw kaya nagisip si Trsiha kung doon ba ilalagay ang pagkain o ano.

“Serve the food, you idiot” sigaw nito.

Nataranta si Trisha. Sa lahat ng English yun ang intinding intindi niya. Ayaw na ayaw niyang binabalahura ng ganun. Nakaramdam ng galit si Trisha pero pinigil ang sarili. Lumapit ang dalaga sa mesa at kahit pakapa kapa dahil sa dilim ay inihanda ang pagkain, nagsalin ng tubig sa baso at umatras palayo ng isang metro. Pumalakpak ang lalaki, akala ni Trisha ay tawag siya nito kaya nagtangka siyang lumapit.Pero sinigawan siya nito.

“Move away moron” muli itong pumalakpak at saka bumukas ang ilaw sa dining table. Hindi niya sinasadyang mapatingin siya sa bumukas na ilaw mula sa itaas. Ang ganda ng chandelier. Bukod sa hugis gitara ito ay automatic at nakakatuwa pa.Sadyang kamangha mangha ang mga gamit ng foriegner.Samantalang sa kanila pag pumalakpak ka kalapati ang dadapo sayo.

Mamahalim siguro ito. Sa sobrang kaaliwan ng dalaga hindi niya namalayang nakatingin  na sa kanya ang amo at amused sa hitsura niya. Pero saglit lanmg ang amusement na iyon . Biglang kumunot ang noo nito at nagsalubong ang mga kilay.

Jeon cannot explain his feelings. He is excited to eat dinner and do some shows. He knows Mrs. Belle will freak out again and will call Mr. Lee in the middle of the night. They will try their best to calm him and talk to him to give the girl a chance same old scene same old scenario. He enjoyed it but at the same time, he hated it so much.

Ang babae sa harap niya ngayon ay halos manginig dahil lamang sa nagtaas siya ng boses. Nakakita na siya ng mga tulad nito , marami na, ibat ibang style, gimmick at paraan para lamang makuha ang attention niya. Ang ilan ay ginagamit pa ang  ugali niya at ginagawang issue para  makakuha ng  malakign pera  bago nila paalisin.

Ang huling babaeng tumayo sa harap niyang ng ganito ay noong anim na buwan na ang nakakaraan. Pero ang babaeng iyon hindi lamang nanginginig, sobrang umiiiyak pa. Mas matanda ang babaeng iyon kesa sa babaeng nasa harap niya ngayon.

Jeon looks at the woman from head to toe. The uniform suits her well. Exactly fit her slim body.

 Jeon never touched any food every personal maid brought to him since then. He never touches one of them. He doesn't want to trust anymore.

Natutuwa lamang si Jeon na asarin at i test ang kakayanan at pagtitimpi ng bawat iaakyat na katulong ni Mr. Lee.Ang titigas kase ng mga kokote ng tauhan ng kanyang ama. Sinabi na niyang hindi niya kailangn ng personal maid o personal nurse meron naman ng pumapasyal kada dalawang linggo.

Pero ang babae sa harap niya ngayon bagamat nanginginig ay hindi lumuluha at lalong hindi umaarte o nagpapaawa para mapansin niya. Ang babaeng nasa harap niya ngayon ay very honest and staight forward. Tulad kanina sa screening room, tahimik lang ito sa isang sulok pagkatapos i serve ang pagkain niya. Malayo sa kanya na halos parang ayaw nga siyang lapitan.

Alam ni Jeon na ganito ang gagawin ng katulong na pumasok , marahil ay yun ang utos dito nina Martha and he hates everyone for doing this . He hates the idea, he hates everyone around him being a robot.  Jeon becomes furious, he is sick, yes he knew that but he is not contagious for God's sake.

They are the reason! D*mn It! This is exactly the reason why his sick. Jeon was about to smash the table and throw the food the maid had served him but a piece of paper caught his attention. It was paste on the edge of his plate.

Tiningnan niya ang babaeng katulong , mula kanina at hangqang ngayon ay nakayuko ito, didn't even dare to look up and look at him. Jeon took the piece of sheet and crumple it without even looking at all.

“Do you call this food? what do you think of me pig?”

Jeon shouted followed by slamming the table. Trisha looks up in terror. Hindi siya dapat lumapit at dapat hindi din siya magsalita yun ang bilin sa kanya.

 

 

 

 

 

 

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Arin Nicolas
nice story naman Po ito
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status